logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Broken Silhouettes

Broken Silhouettes

Poldiposha


Chapter 1: Proposal

Prologue:
Hera Micolah, ang Asia's Superstar na hinahangaan ng lahat maging ang mga artista. Sa pag-arte pa lang, walang-wala na sila. Sa pakikipagdebate, talo rin sila. Naipapanalo ko lahat ng laban h'wag lang sa sakitan.
*~*
Sa gitna ng katahimikan, may isang armadong lalaki ang pumasok nang walang pag-aalinlangan. Bigla niya akong hinatak at pwersahang inilabas sa aming tinitirhan. Todo ang pagsigaw ko ngunit walang nakaririnig sa akin. Napapaisip na nga lang ako kung mga bingi ba ang nakatira rito
"ANONG GAGAWIN MO SA'KIN?! ATRHON!" Nagpapadyak ako upang makawala sa matindi niyang pagkakahawak. "VEILAR! TULONG! AAAAHHH!!!"
"H'wag kang maingay!" Naramdaman ko na lamang na bumigat na ang pakiramdam ko at parang masusuka na ako. Sa lahat ba naman ng pwede niyang suntukin, ang sikmura ko pa talaga?
"Please... h'wag mo 'kong sasaktan..."
Hindi na niya ako pinansin at binuhat na ako patungo sa isang madilim na lugar at pwersahan akong hinalikan. Sa braso, paangat sa balikat, sa tainga, hanggang sa marating na nga nito ang mukha ko. Panay suntok ako sa kanya pero balewala lang ito sa lakas niya.
Mapangit siya. Sa totoo lang.
"Ahh..."
Unti-unti, dahan-dahan, dumausdos siya pababa dahilan para masilayan ko ang isang pigura ng isang lalaki sa 'di kalayuan. May hawak itong pana. Medyo malayo siya sa akin kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya. Kahit na gustung-gusto ko nang magpasalamat sa kanya e hindi ko magawa dahil hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Naglakad siya papalapit sa akin habang binababa ang maskara niya.
"Tara na."
Gustuhin ko mang tumawa ay hindi ko magawa. Bakit ba siya nagsalpak ng voice changer? Para tuloy dwende ang boses niya.
Sumama ako sa kanya hanggang sa isang pamilyar na daan ang tumambad sa amin, ang Imperial Hall.
"Bakit tayo nandito?" Nag-aalangan pa ako.
"Kasi gusto ko." Kanya namang pamimilosopo.
Habang naglalakad kami, may isang Senior ang humarang sa amin.
"Hindi kayo pwede rito dahil—"
"I don't care who you are."
Halos malaglag ang panga nito sa narinig. Bahagya pa siya nitong tinulak dahilan upang mabunggo ito sa poste. Hindi ko na siya tiningnan nang matagal dahil ayoko namang mas mapahiya pa siya.
Nang marating na namin ang aming pupuntahan, doon ko lang napagtanto na sa Emperor's House pala ang aming pinatunguhan. Pinindot niya ang pin at agad naman itong bumukas. Muli na namang tumigil ang pagtibok ng puso ko no'ng masilayan kong muli ang tinitirhan niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung dapat ba akong magalit dahil may sinayang na naman siyang buhay, matakot dahil baka sayangin naman niya ang pinakamamahal kong buhay, o ang kaba dahil sa hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niyang kung anu-anong bagay.
Hindi siya pumasok sa loob at pwersahan akong tinulak papasok sa bahay sabay sara ng pinto.
Dim lights...
Cold air...
Warm breath...
"Did you forget my fries?"
"Shoot..."
Bahagya siyang natawa sa ekspresyon kong walang kwenta.
"B-bakit mo 'ko pinadala rito?"
"Why? Because I want my fries." Hindi ko naman alam kung nagbibiro ba siya, nagpapatawa siya, o seryoso talaga siya.
"Stay away from me, KILLER!" I threw the pieces of paper on his face.
"And why would I?"
Wala na akong alam na isasagot sa kanya dahil sobra na talaga ang pangangatog ng tuhod ko. Takot akong mamatay. Ayoko pang mamatay. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko kaya ayoko pang mamaalam. Paano na lang 'yong pamilya ko, si Relzé, 'yong fans at career ko?
Lumapit siya sa akin at pinadausdos ang daliri niya sa mukha ko. "Choose one. Fries or fires?"
Kung anu-ano na talagang mga walang kabuluhan ang pumapasok sa isipan ko. Kapag pinili ko ang fries, sigurado ako na papakainin niya ako ng fries na may lason at kapag pinili ko naman ang fires, baka sunugin niya ako or worse.... UGH!
"The clock is ticking... the minds are blowing... the fires are spreading.... Your knees are trembling..." Nilagyan niya ng sobrang nakapangingilabot na tono ang mga salitang binibitiwan niya.
"W-why are you doing this?"
"Guess what?" Idiniin niya ang kamay sa desk kaya naman napaatras lalo ako nang sobra dahilan para bumunggo na ang pwetan ko sa edge ng mesa niya.
"Whatever. You're still a killer."
"Then call me Killer... if you want."
Naramdaman ko na lamang na lumuluha na ako sa labis na takot. Sana naman pakawalan na niya ako.
"Ano bang gusto mo?"
"Simple... Just... Be my Empress.."
Chapter 1: Proposal
HERA
Dinig na dinig ko na agad ang hiyawan ng mga estudyante rito kahit nasa entrance pa lang ako ng Ceres, ang university kung saan ako pumapasok ngayon.
"My gosh! Si Hera 'yon, 'di ba?" Tugon no'ng isa.
"Ang ganda talaga niya."
Pero siyempre kahit gano'n ang nga sinasabi nila, hindi pa rin talaga maiiwasan ang mga bashers sa paligid. Tulad na lang nito.
"Psh. Retokada naman 'yan, e."
"Balita ko may video daw 'yan."
Malamang artista. Alangan naman walang video... na matino. Mga tao talaga ngayon, noh? Wala nang maisip gawin kundi manira na lang ng ibang tao. Hindi ko alam kung sadya lang silang bored sa buhay nila o galit talaga sila sa ex​is​tence naming mga artista.
Kasama ko ngayon ang PA ko na si Hersh, short for Hershey Barcarcel. Almost five years ko na siyang assistant since no'ng unang pasok ko sa mundo ng showbiz.
Pumunta na kami sa Room A4 kung saan ako pumapasok. Sabi ko nga sa Dean na gusto ko do'n na lang ako sa Room B36 para mas malapit sa bintana, kaso nga lang ang sabi niya, Room A4 daw ang silid kung nasaan pumapasok ang mga taga-Section 1.
"Hera Micolah is here!" Bungad ng isang babaeng may napakalaking salamin bago kami pumasok dahilan para magsitakbuhan ang lahat ng nandoon patungo sa entrance ng room. Bago lang siyang pasok sa Ceres kaya hindi ko pa aiya gano'n kakilala.
"Pa-picture po." Ani Jacey, ang Rank 3 ng class.
Ngumiti lamang ako sa kanya at naglakad na papasok.
"My gosh! Ms. Hera, you're so beautiful po." Turan naman sa akin ni Rhian, ang bookworm ng Ceres. Kaya ko nasabing bookworm siya dahil kahit anong oras at kahit saan, makikita't makikita mo siyang may tangan na libro.
"Thanks a lot," sambit ko.
"Ang bait talaga niya."
"Matalino pa."
Totoo 'yong sinabi no'ng isa, na matalino ako. Pero medyo tinitimpla ko pa 'yong sinabi no'ng isa kong kaklase na mabait "daw" ako. May pagka-maldita kasi ako, e. May pagka-OC rin at the same time.
"Sikat na sikat na talaga kayo, Ms. Hera." Bulong sa akin ni Hersh pagkaupo namin.
Isang row ang pagitan namin ng mga classmates ko dahil siyempre, social distancing.
"You know, beautiful women are supposed to be famous."
Dumating na rin sa wakas si Prof. Glyden makalipas lamang ang ilang minuto. Professor namin siya sa History and nasa Mid-50's na siya. Medyo boring siya magturo kaya mostly ng mga students dito'y inaantok sa tuwing siya na ang nagtuturo. Pero good job naman siya para sa akin dahil marami naman akong natututunan sa kanya.
Si Mr. Montecarlos naman ang sunod na pumasok sa klase namin. Professor naman namin siya sa Natural Science. Unlike Prof. Glyden, he's an energetic man kaya naman ganadong-ganado ang mga kaklase kong makinig sa kanya, but I'm an exception. For me kasi masyado siyang nakakahilong magturo. Yes, he is enthusiastic pero hindi naman dapat gano'n ang pagtuturo niya. Hindi naman sa I'm bashing him pero masyado lang siyang malikot magturo.
Tumunog na ang bell makalipas ang fifty minutes na pagtuturo niya. Lumabas na ang halos kalahati ng klase para magmeryenda at kasama na kami ni Hersh doon. Nagpunta kami sa cafeteria at doon kumain.
Um-order lang naman siya ng isang hot chocolate at isang Tacos para sa akin. Hindi na raw siya o-order ng para sa kanya dahil busog pa raw siya.
"Hera." Napalingon kaming pareo sa aking likuran kung saan nagmula ang tinig at doon ko nga nakita ang aking childhood partner na si Relzé Madrigal.
Family friend namin ang pamilya Madrigal kaya naman mabilis lang namin mapapayag sina mom and dad sa tuwing magkakaroon kami ng meeting, date, or whatever.
"Oh hi!" Bati ko sa kanya pabalik
Gaya ko, isa rin siyang celebrity na dito rin nag-aaral. Madalang nga lang kami magkita dahil magkaiba ang course naming dalawa. Actually, we're loveteam at kilala sa tawag na HerZé. Nagsimula ang pagiging loveteam namin nang ipalabas nationwide ang movie na Still Into You.
"Ang HerZé magkasama na naman."
"Ang cute talaga nilang dalawa."
"Bagay na bagay talaga sila."
Napapangiti na lamang kaming tatlo sa mga usapan ng mga kapwa namin estudyante rito. Palagi namang ganyan ang mga sinasabi nila. Ang lakas kasi ng dating nitong katabi ko.
Nagpaalam na rin kami sa isa't isa nang muling tumunog ang bell hudyat na kailangan na naming pumasok sa kani-kaniyang rooms.
After so many years of listening, the class dismissed and all of the students went out of the room except the two of us. Inayos pa kasi namin ang mga gamit ko and ayoko rin namang sumabay sa bugso ng mga tao.
"Ms. Hera, nasa labas na raw po si Richard." Sambit niya kaya naman tumayo na kami at naglakad na rin palabas.
Wala naman nang masyadong tao rito sa corridor dahil nakauwi na ang halos lahat sa kanila. 'yong ibang students na lang na nakikipag-jamming sa kapwa nila students at 'yong iba pang faculty members na lang ang natira.
Naghihintay na nga si Richard sa labas sakay ng itim na Chevrolet gaya nga ng nasa message niya. Pumasok naman kami sa sasakyan at pinaandar na niya ito pauwi. Inalalayan naman ako ni Hersh papasok ng bahay paghinto ng sasakyan.
As usual, wala ang parents ko dahil meron silang meeting sa Batangas about doon sa launching ng Monocco Cosmetics na gaganapin this October. As a celebrity and a model, ako ang napili nila na maging endorser ng Monocco.
"Hi ate!" Masayang bati sa akin ni Ralshé, younger sister ko.
"Kumusta ang studies?" Bungad ko sa kanya.
"Okay naman ate. Perfect ako sa latest quiz namin sa History." Sagot niya at ipinakita pa sa akin ang paper niya.
"Wow naman! Keep up the good work!" I brushed her hair with my hands before I walked away.
Isa rin sa naging dahilan kung bakit magaan ang loob ko kay Relzé ay dahil iyon sa pangalan niya. Magka-rhyme kasi ang pangalan nila ng sister ko kaya nga minsan napagkakamalan silang magkapatid sa tuwing magkasama sila.
Wala namang pasok bukas kaya hayahay ako for today. Wala namang bagong projects na dumating sa amin kaya no worries at makakapagpahinga ako.
#
Nagtimpla na lang ako ng hot choco at iyon ang ginawa kong breakfast. Nasusuka kasi ako sa tuwing kakain ako ng marami sa umaga. Besides, energy drink naman ito kaya sure ako na hindi ako magugutom nito.
Habang kumakain ako, biglang nag-vibrate ang phone ko. Tiningnan ko naman ito at isang message mula kay Relzé ang natanggap ko.
Relzé:
[Dinner tayo sa Pav. Grills later, 7:00pm. Sunduin kita jan sa inyo.]
Napangiti naman ako sa message niyang iyon. He is so romantic and professional talaga. Kaya ko siya nagustuhan, e.
Me:
[Okay. See you!]
Ibinaba ko naman na ang phone ko matapos kong mag-reply.
Ano kayang susuutin ko mamaya? I'm so excited. I just can't hide it.
"Anong ibig-sabihin ng ngiting 'yan, ate?" Pambabasag ni Ralshé sa katahimikan dahilan para mapawi ang mga ngiti ko sa labi.
"Nanjan ka pala." Tugon ko at uminom ng hot choco.
"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko," aniya. "Anong dahilan ng pagngiti mong iyan?"
Hindi talaga ako tatantanan nito hangga't hindi ko sinasabi sa kanya ang totoo.
"'yong kuya Relzé mo kasi, inaya niya akong mag-dinner. 'Yon lang." Uminom na naman ako matapos kong sagutin iyon para rin maibaling ko roon ang paningin ko.
"Sus. Parang hindi ka naman sanay."
Napaka-cute talaga niya kahit kailan to the point that I want to pinch her pinkish cheeks really, really bad until she can't handle the pain.
"Maliligo na ako. Maiwan na kita jan."
Hindi pa rin niya ako tinantanan ng mapanu'yang tingin hanggang sa makalabas na ako ng Dining Room. Kahit kailan ka talaga, Ralshé Francial Micolah.
Naligo naman ako habang nakikinig ng music. At oo. Nakikinig ako ng music. Nakasanayan ko na kasi iyon. Besides, wa​ter​proof naman ang speaker ko na regalo sa akin ni Tita Maytha no'ng birthday ko.
Nag-ayos na ako matapos kong maligo at kahit mamayang gabi pa kami lalabas, hinanda ko na kaagad ang mga susuotin ko sa dinner namin. Todo sukat ako sa harap ng salamin habang patuloy naman sa paghahanap ng karapat-dapat na suotin. Tinawagan ko na rin si Hersh para ayusan ako mamaya bago ako sunduin dito ng bebe ko.
Maya-maya pa'y muli na namang nag-vibrate ang cellphone ko at this time, hindi na siya message kundi tawag na. Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nag-aabalang tumawag sa akin ng ganitong oras. Pagtingin ko naman sa screen, nakita ko ang pangalan ni mommy.
"Hello, mom." Bati ko pero hindi man lang niya ako binati pabalik.
[Pumunta kayo ni Hershey bukas dito sa Batangas para sa photoshoot ng Monocco. We'll wait until 8 o'clock]
"Pero masyado naman po atang maaga ang 8," ani ko "Can you make it 10?"
[No.]
Napailing na lamang ako sa biglang pagsagot niyang iyon. As always naman.
[Napag-usapan na rito na 8 ang start ng photoshoot kaya huwag ka nang maarte pa. Besides, sanay ka na rin naman na gumising ng maaga kaya for sure makakarating kayo on-time.]
Pinutol na niya ang linya matapos niyang sabihin ang mga bagay na iyon sa akin.
Talaga bang ganyan na siya palagi? Hindi man lang niya hinihintay ang response ko. Basta nasabi na niya 'yong gusto niya, the end na. E, paano naman 'yong gusto kong sabihin? 'yong sa side ko? Tsk. Ibang klase talaga siya. Si daddy din gano'n. Mas malala pa nga. Kapag hindi ka kasi nakarating sa meeting place on-time, X ka na kaagad sa meeting nila or kung anuman ang dahilan ng pagpunta nila sa lugar na iyon.
Nag-browse na lang ako sa Internet kung ano man ang pwedeng mabasa o kaya naman news na makita. Pero kadalasan lang sa nababasa ko ay ang tungkol sa mga bagong products ng kakumpitensya naming pamilya.
Halos magkatapat lang ang Monocco Building at ang Transford Corporation na pagmamay-ari nila kaya kitang-kita kaagad kung sino sa amin ang may mas maraming customers and clients. Ang Transford ang first ever high technology company sa bansa kaya naman hindi na ako magtataka kung makabago ang mga aparato nila.
But I'm just wondering kung hindi ba talaga nasundan ang magkapatid na Caizer and Raizel? Sabi kasi ng mother nila sa isang interview na si Ms. Sheila, she's pregnant daw pero hindi naman na nasundan pa ang interview na iyon sa kanya after so many years. Hindi na namin alam kung she chose to have an abortion before the birth of her child or mas pinili lang talaga nila na gawing private ang panganganak niya at itago ang anak niya sa madla.
"Ate." Muntik na akong mapatalon sa biglaang pagtawag sa akin ni Ralshé.
"Hindi ka man lang ba marunong kumatok?" Bungad ko.
Pumasok naman siya sa kwarto ko at dali-daling dumamba sa kama ko. Napakalupit na bata talaga.
"Ano na naman bang kailangan mo?" Panimulang tanong ko.
Naglabas naman siya ng cellphone at naglaro ng Sokoban.
"Mas malakas kasi ang aircon sa kwarto mo kaya dito ko napagdesisYunang pumunta." Sagot niya.
Hay naku! Kahit kailan talaga 'tong batang 'to. Kampi palagi sa kung saan siya mas komportable.
Inabot siya ng tanghali sa kakalaro kaya naman kinausap ko na siya.
"Tama na 'yan. 'Yong mata mo pag-ingatan mo. Tsaka kakain na tayo." Anyaya ko at nauna nang kumabas.
Sumunod naman na siya sa akin sa dining room. Kaming dalawa kang sana ang kakain dito kaso nga lang napag-isipan ko na isabay na kang din ang mga maid namin dito pata mas masaya. Sabi ng nila, The more the merrier. Hindi sila sanay sa ganitong sitwasyon kaya sobra talaga ang saya nila nang anyayahan ko sila.
#
Seven na ng gabi at nandito na rin si Relzé. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya at naupo ako sa passenger's seat.
"Pavillion Grills, right?" Sambit ko
Ngumiti naman siya sa akin at nagsimula nang magmaneo. Pagkarating namin doon, agad siyang bumaba ng sasakyan para muli akong pagbuksan.
Sinalubong kami kaagad ng mga staff ng restaurant pagkapasok na pagkapasok namin. May isang staff naman na may name plate na Che-Che ang nanguna sa table namin. Nagtaka tuloy ako bigla. Lahat kasi ng mga tao rito ay nakatingin sa amin sa pagpunta namin sa aming kakainan. Para talagang may kakaiba ngayon.
Nagsimula namang patugtugin ang violin pagkaupo namin.
"Ano ba kasing ibig-sabihin nito?" Takang tanong ko habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi.
"This day is a very special day for me." Panimula niya.
Anong ibig niyang sabihin?
Marami na ring nag-vi-video at kumukuha ng litrato sa amin. Mas lalo tuloy akong na-cu-curious sa mga nangyayari.
"Matagal naman na tayong magkasama, 'di ba? Sa projects, tapings, and even sa business." Pagpapatuloy niya. "Kaya nga ako napamahal sa iyo, e."
"Sabihin mo na kasi 'yong point mo. Naiinip na ako." Tatawa-tawa kong sabi.
Hinawakan naman niya ang aking kamay at tumingin nang diretso sa aking mga mata.
"I love you, Hera," aniya.
Ngumiti naman ako sa kanya pabalik. "I love you too, Relzé"
Ibinalik niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa at may kinuha roon na isang maliit na red box.
Ibinigay niya ito sa akin at binuksan at doon na lamang ako nagulat sa laman nito. Isang singsing.
"R-Relzé anong ibig-sabihin nito?" Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga ginagagawa niya. Prankster kasi siya. Kaya ako kinakabahan na baka kapag naniwala na ako na totoo nga ito, saka niya ilalabas 'yong hidden camera sa restaurant na ito at saka niya sasabihin sa akin na "IT'S A PRANK!"
"Hindi ko na talaga kayang itago itong nararamdaman ko. Matagal kong pinag-isipan 'to at ngayong araw na ito, alam ko sa sarili ko na sigurado na ako." Paliwanag niya. "Hera Micolah, will you be my wife?"

Book Comment (19)

  • avatar
    DanaoJhon Ross

    good morning ako po si Jake at may kwento ako sainyo shdjejwjwnwwnsdffdhahabababababsbsbsbshebebsjsbsbrdid in a while so I can get it to you you can you can get you a while ago but I'm not sure if I can get it to you tomorrow morning ako po si Jake at the pak you can get it to you tomorrow morning ako na na na song is on my desk at may have been the same since we got in person or not interested anu manHAHA I mean I'm coming to get you can I come get it tomorrow and send me a pic please anversus

    21/07

      0
  • avatar
    PatricioJoan

    thank you so much

    07/06

      0
  • avatar
    Carin Sarino

    nice

    06/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters