logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

KABANATA 6

NAKATUKOD ang aking braso sa unan habang nakatingala sa kisame. A pure white ceiling is what I see, but my imagination sees some visible stars glimmering. I smile like I saw a falling star while sitting on Maurel’s soft and comfy queen sized bed. I was dreaming of having a sweet prince-charming, but my illusion stopped as I heard the creak of the door. Narinig ko ang padabog niyang mga yabag palapit sa aking kinaroroonan. Tumalbog pa ako nang bahagya sa kamang kinauupuan ko sa pabagsak pagsampa. Dalawang beses niyang niyugyog ang balikat ko sabay agaw ng unan.
“Bes, sa sofa bed ka na, please?” mahaba ang ngusong pagmamakaawa niya pero hindi ko pinansin. Tumirik ang mata kong sinamaan siya ng tingin kahit ramdam na ramdam ko ang pamimigat ng talukap.
“Be gentleman kahit ngayong gabi lang,” pakiusap ko rin.
“Hindi naman ako lalaki, e,” katwiran niya.
“Ano ang nakikita mo sa salamin, babae?” pabalang kong tanong.
“Tabi na lang tayo.”
Agad itong nahiga sa tabi ko at bahagyang itinulak pa ako para umusod nang kaunti. This will be my first time— no! Hindi na pala ito ang unang beses kong natulog nang may katabing lalaki. But, this will be my first time sleeping with him even though I already sleep here for a couple of times. Mabilis akong tumayo sa kama at hinawakan ang kamay niyang nakadagan sa tiyan nito.
“Ayoko!” mariing tanggi ko.
Hinila ko ang kamay niya at pilit itong ibinabangon pero masyadong nagpapabigat para hindi ko maipagtabuyan palabas sa sarili niyang kuwarto.
“Condo mo, condo mo?” nakataas ang dalawang kilay niyang pambabara.
“Hindi, pero—”
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bawiin niya ang kamay. Niyakap niya nang mahigpit ang unan at dumila na parang bata sapagkat alam niyang hindi ko matatanggihan.
“Bahala ka riyan. Sa ayaw at sa gusto mo, I’ll sleep beside you,” pinal niyang pahayag dahilan para maupo ako sa tabi niyang bagsak ang balikat.
Biglang bumaliktad ang ihip ng hangin at ayaw na niyang matulog sa sofa bed. Siguro pagod lang ito ngayon kaya wala sa bokabularyo niya ang maging gentleman. Wala akong nagawa kundi ang mahiga sa tabi niya kaysa sa matulog sa sofa, kung saan hindi ako magiging komportable. Kung maaga pa ay paniguradong umuwi na lang ako sa bahay ngunit ipagpapabukas ko na ang pag-uwi dahil madaling araw na at parehas kaming pagod sa biyahe. His parents’ anniversary was successfully done with a festive celebration—and Frence behaved after that incident and after the tossing moment of champagne. His parents is a perfect example of a couple from their prominent affection to each other.
Bumuga ako ng hangin nang sumagi sa isip ko ang kapatid niya. What would I do if ever we are now working at the same roof?
“Oh, bakit problemadong-problemado ka?” pahikab na puna niya.
I faced him with a worried look. “Bakit ka pumayag na kasama mo siyang magma-manage ng business n’yo?” mababa ang tonong tanong at pilit kong hindi ipinahalatang ayaw ko sa kapatid niya.
“Why, is there a problem?”
Mabilis akong nailing. “Wala, naitanong ko lang.” Iwinagayway ko ang palad sabay ngiti nang mapakla. Sumimangot siyang hinawakan ang kamay at sandali kaming nagkatitigan.
“Althea, bes…” calling me out.
“Hmm?” ungot ko habang nakatitig pa rin sa mga mata niya.
“Do you have any idea?” Kumunot ang noo ko kasabay ng pag-angat ng isa kong kilay. Is he asking me to give him an idea for our fake breaking up?
“For what?” maang kong tanong, kunwari ay hindi ko pa alam ang ipinapahiwatig niya. I stared on his weary eyes.
“Kung paano tayo magbre-break.” He scratched his neck while his eyes locked on me.
I shrugged. “Mambabae ka ganoon.” Sabay tawa ko ngunit agad ding tumigil nang samaan niya ako ng tingin. “I don’t know, but can I ask?”
Tumungo siya matapos niyang tumango, hihintay ang itatanong ko.
“Paano kung na-fall ako sa ‘yo kahit alam kong...” I curved my hand as a gesture for representing him as a gay. “Sasaluhin mo ba ako?” I curiously ask.
He shrugged with a sighed. “Hindi ko masasagot ‘yan sa ngayon dahil hindi ko rin alam baka mamaya bumaliktad ang mundo. Bakit gusto mong maging tayo?” Sabay ngisi niya. Tinampal ko siya sa braso at nginiwian.
“Ewan ko sa ‘yo!” Hahampasin ko pa sana nang hawakan agad nito ang kamay ko.
“Ikaw nagtanong, kaya iniisip ko baka may lihim ka pa ring pagtingin sa akin,” tumatawa niyang pang-aasar pero napakamalas niya dahil hindi ako madadala sa mga sinasabi niya.
“Saan mo nakuha ang pagka-assuming, bakla?” taas-kilay kong tanong.
Intead of giving me an answer his facial expression became serious. “Pero kung mahal na kita, mamahalin mo ba ako at tatanggapin kung sino ako?” There is a hint of hope on his voice pero hindi ko alam kung tama ako sa nahimigan.
“Mukha bang hindi pa kita tanggap sa lagay na ito?”
“Mahal talaga ako nito,” natutuwang sabi niya sabay pisil sa aking pisngi.
“Bilang kaibigan,” pagtatama kong iniangat ang hintuturo sa harap ng mukha niya.
Lumabi itong sumimangot. “Ito naman friendzone agad ako,” he joked.
“Bakit may feelings ka sa akin?” mapanghamon kong tanong nang nakangisi. Naningkit ang aking mata. I can easily decipher his thoughts through his eyes, but this time I can’t read his eyes for it was blank.
He forced a smile and answered, “A feeling of a friend.”
Palihim akong nakahinga nang maluwag. It will be more complicated if he fell in love with me. Isang biyaya kapag nahulog siya sa akin at gusto ko rin siya, pero ang sitwasyon namin ay nagbago na nang husto.
“Narinig mo na ba ‘yong bagong collaboration song nila Shawn Mendes and Camila Cabello?”
Bago kami magtungo sa Cebu, nahuli ko itong tumili nang malakas habang paalis kami sa condo niya nang mapanood niya ang rumarampang si Shawn Mendes—modeling the Calvin Klein boxer shorts. Mabilis siyang umiling-iling at napansin ang pagsama ng aura ng kaniyang mukha. Galit at naiinis, na parang inagawan ng minamahal nang marinig ang pangalan ni Camila.
“Hindi. Ayaw kong pakinggan dahil naiinis lang ako kay Camila.”
“Bakit?” maang kong tanong kahit alam kong patay na patay siya sa singer na iyon at nagseselos siya kay Camila.
“Shawn is my fiancé,” he claimed that it almost choked me from bursting a loud laugh.
“But you are my Shawn version two.” Then I winked that it causes him to grimace and rolled his eyes as if there is disgusting.
“Althea, hindi ako natutuwa!” mariing babala niya.
“Nagpra-praktis lang ako sa magiging future legal jowa ko, ano ba!” biro ko habang hindi matigil sa pagtawa.
Umismid itong napayakap sa sarili. “You’re giving me goosebumps, Althea! Kulang lang sa tulog ‘yan. Matulog ka na!”
Tumawa ako nang mahina dahil napakadali niyang kilabutan kahit binibiro ko lang. Hindi niya maiwasang mapangiwi sa pandidiri tuwing nasasabihan ko ng cheesy lines. Nakakatawa lamang na isa pinagpapatansyahan kong mapansin niya ako noon at hinhiling na magkaroon kami ng relasyong gaya ng madalas mangyari sa cliché novels na nababasa sa pocketbooks. But all of my romantic fantasy from him vanished.
Pagod na pagod akong umuwi kahit wala naman akong ginawa kundi ang matulog lamang sa condo unit ni Maurel. Wala na ito sa aking tabi paggising ko at hindi ko maalala kung nagka-tsantsingan kaming dalawa habang natutulog. Masyado akong pagod kagabi kaya hindi ko namalayan ang pag-alis niya maliban lamang noong maalimpungatan ako nang gumising siya. Naramdaman ko ang pag-angat niya ng ulo ko n’on pero agad din akong nakabalik sa pag-idlip pagkatapos.
“Pamangkinak!” bungad ni mamita nang siya lamang ang nadatnan ko sa sala pagkapasok sa loob ng bahay.
Niyakap niya ako nang napakahigpit as if he didn’t see me for years, but instead of complaining, I hugged him back. Ang mainit na pakiramdam sa loob ng bahay ay yumakap sa akin matapos ang isang linggong pagtikim ng aking balat sa air-conditioner.
“Nag-almusal ka na?” maamong tanong ni mamita pagkakalas niya sa yakap. I nod as a response. Ipinaghanda ako ni Maurel ng simpleng almusal, toasted bread at kape bago siya umalis.
“Bakit hindi mo sinabing ngayon ang uwi mo?” nagtatakang tanong ni mamita, na parang hindi ko sinabihang isang linggo lang ako bago umalis.
Umiiling-iling akong nagsalita habang nakataas ang isang kilay, “Nako, mamita! Hindi ba nasabi ko sa ‘yong one week lang ang business meeting namin pero nakalimutan mo na.”
Napakamot si mamita sa bagong kulay niyang buhok. Green sa itaas, blonde sa ibaba at may naka-hair extension pa na ngayon ko lang napansin. Fashionista si mamita pero parang hindi bagay sa kaniya ang hair color niya ngayon. Nagmistula siyang isda sa aking paningin. Bilog ang hugis ng kaniyang mukha at hindi matangos ang ilong niya pero gandang-ganda ako sa cheekbones niya; mahaba at maitim ang pilikmata ni mamita at naiinggit ako sapagkat hindi ako biniyayaan ng ganoon.
“Kumusta ang date mo sa iyong fafa boss?” kinikilig niyang tanong sa pagitan ng kaniyang pagbungisngis.
“Mamita, hindi kami nag-date!” pairap kong pagtatama.
“Imposible! Pagkatapos ng business meeting ninyo, hindi kayo nagde-date?” Tiningnan ko siyang nakahawak sa baba niya habang naniningkit ang matang sinusuri ako mula ingrown hanggang anit.
“Wala talaga,” iling kong sagot. Kung mayroon mang nagaganap na date, iyon ay peke.
“Maniwala ako sa gilagid mong bakla ka!” irap niyang sambit habang kumikilatis.
“Wala ba kayong gala ngayon ng mga amiga mo, mamita?” mabilis kong pag-iiba ng usapan.
Humalukipkip si mamita at biglang napaisip sa tanong ko. Tumipak ito nang may maalala. “Maya-maya lalarga na kami, gusto mong sumama?” nakangiting paanyaya niyang mabilis kong tinanggihan sa pamamagitan ng pag-iling.
“Pinapunta ako ni Maurel sa office niya after lunch.”
Bago pa bumuka ang bibig ni mamita ay isang matinis at malakas na boses ang narinig sa labas ng bahay. “Baklush, nandito na kami!”
Sabay bukas ng pinto. Natutop ng dalawang amiga ni mamita nang makita nila kaming nag-uusap. They were about to apologize, but I made a smile. Hinablot niya ang bag sa upuan at masiglang ngumiti si mamita.
“Mga dilaw na bakla, palarga na!” sigaw niya’t kumekembot-kembot niyang nilapitan ang dalawa sabay sukbit sa kaliwang balikat ang silver sling bag, presyong divisoria.
“Bye mamita. Ingat ang mga fafabels sa inyo!” kumakaway kong paalam. “Sana may masungkit pa ang iyong mamita,” tumatawang sagot ni mamita bago ko isara ang pinto.
Bumuga ako ng hangin ngunit nahigit ko rin ang aking hininga nang umalingawngaw sa tahimik na bahay ang ingay ng ringtone kong huni ng insekto.
“Huwag ka na palang pumunta rito. Bukas na lang dahil bukas na rin magsisimula si Frence.”
Napamaang ako sa text niya. Akala ko panaginip lang ‘yon pero totoo pala. Nailing akong napahilamos sa mukha. Nakakainis!

Book Comment (14)

  • avatar
    Rejane Saavedra

    ma ganda

    28/10

      0
  • avatar
    Renz Garcia

    I love it

    09/10

      1
  • avatar
    Kim Villavicencio

    ❤️❤️❤️

    12/08/2023

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters