logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3 Twin

Kabanata 2
Twin
--
I wasn’t able to focus on the party dahil sa nakita ko kanina. Tulala ako habang nagkakasiyahan sina Luna kasama ang iba pa naming kaibigan sa isang sofa kung nasaan si Yena, ang birthday girl. We were here at their house and she invited only a few. Ang Mama niya lang nagluto ng kanyang handa at nandito kami sa may pool side nila, may sofa rito at may table rin.
"Ayos ka lang?" Tumabi sa akin si Luna na may hawak na juice sa kamay.
Hindi ko namalayang papalapit na pala siya. Nagising ako sa pagkakatulala at tumingin sa kanya.
"H-Ha? Oo naman..." sabi ko at nag iwas ng tingin.
I still can't really forget that man. It's impossible for Sebastian to be alive again but he really looks like that man! I can't be wrong. I've memorized everything about Sebastian, including his walk! Kaya alam kong siya iyon... pero imposible!
"Kanina ka pa tulala. Ang sabi mo mag eenjoy ka na, kaya ka nga pumayag rito, diba?" Luna said.
"Pasensya na. Hindi kasi ako nakapag paalam kina Mommy at Daddy kaya nag aalala ako. Baka nag aalala na ang mga iyon sa akin..." palusot ko nalang.
"Text them! You have your phone with you, right?" Nagtaas siya ng isang kilay.
"Uh... lowbat..." palusot ko ulit.
Umirap siya. "Mina... alam ko na ang mga ganyang palusot mo. Sabihin mo, siya ang iniisip mo ngayon, noh? You should enjoy, forget about him for a moment!"
"Pasensya na..." nagbaba ako ng tingin sa mga kamay ko.
She sighed. "Fine. If you want to go home, go home. Text your driver. I'm sorry I forced you here. Alam kong hindi mo pa talaga kaya..."
"No, it's fine. I know you just want me to be okay..." I smiled slightly at her. I don't want her to worry about me.
I went home that night. Even though I took a shower and changed my clothes, I still can't forget the man I saw earlier. He really looks like Sebastian! Pati ang paglalakad niya kuhang kuha noong lalaki na iyon. Even the back, the hair... the only difference maybe is the body. Medyo mas malaki ang katawan noong lalaking nakita ko. May muscle siya sa kanyang braso at ang mukha... napaka seryoso.
Napuyat ako nung gabing iyon sa kakaisip sa lalaking nakita ko. Hindi ako matahimik kinabukasan, hindi pa rin siya mawala sa isip ko kahit nasa loob na ako ng klase kaya naman napagdesisyunan kong pagkatapos ng klase ko sa hapon, pupunta ako sa school nina Luna. I need to see that man again. Or maybe... I want to see him again. I just want to be sure. Baka pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko.
"Oh? Mukhang nagmamadali ka, ah?" Si ate nang napansin ang bilis ng lakad ko. Palabas na kami ng school.
"I'm going somewhere. You're still going to watch basketball practice, right?" I said while texting our driver.
"Nope. Not anymore," umirap siya. "Nakipag break na ako sa boyfriend ko roon kaya hindi na ako manonood. Nakakainis kasi. Napaka kulit..."
Tss. Palagi nalang siyang ganyan. Hindi na ako nagtanong dahil sigurado namang nagsawa lang siya sa lalaki kaya siya nakipag break.
"Why are you in a hurry? Where are you going?" Nagdududa niya agad tanong.
"Sa school lang nila Luna..."
"Mmm? Magkikita kayo? Umuwi ka ng maaga, ah."
"Oo..."
Mabuti nalang hindi na siya nagtanong ng iba pa.
I was with her in the SUV because she won't really watch the practice anymore. Nauna akong ihatid ng driver namin sa school nila Luna dahil mas malapit iyon kesa sa bahay. My sister and I said goodbye to each other and I went straight to the gate of Luna's school.
"Mina!" Luna greeted me with a smile.
Tinext ko siya kanina na pupunta ako rito kaya naghintay siya sa akin. Gusto kong sabihin na wag na niya akong hintayin pero siguradong magtatanong siya kung sino ang kikitain ko rito. Siya lang kasi ang ka-close ko sa school na ito. Alam niyang hindi ko masyadong gusto ang mga kaibigan niya rito.
"What are you going to do here? Gusto mong lumabas tayo?" She asked while smiling.
"Uh... oo..." nasagot ko.
Naisip ko tuloy na sabihin nalang sa kanya. She would surely be surprised too when she saw the man who looked like Sebastian.  Alam niya ang mukha ni Sebastian kaya sigurado ako roon! Tinitigan ko si Luna.
"Talaga? Gusto mo nang lumabas ngayon? Finally?" Natutuwa niyang tanong.
I don't want others to know that I am interested in that man and Luna could be trusted so I know she wouldn't tell the rest of our friends about it.
"Mina? Are you okay?" Si Luna nang hindi ako sumagot at nakatitig lang sa kanya.
"Ah, oo. Uh... gusto ko nang lumabas ngayon. Are you... free?"
"Oo naman! Ito lang ang hinihintay ko sayo, eh. Saan tayo pupunta?"
I looked at their gate. Nandito kami sa labas kaya kitang kita kung sino ang lalabas sa gate. Maraming students ang lumalabas pero alam kong makikita ko agad kung lalabas man ang lalaki na iyon doon.
"Luna..." hinila ko ang kaibigan sa gilid ng gate.
"Oh?" Nagtataka ang kanyang mukha pero nagpahila naman sa akin.
"May sasabihin ako..." sabi ko nang nasa tabi na kami ng gate.
"Ano iyon? Bakit ang seryoso mo naman yata?" Bahagya siyang tumawa habang nakatingin sa akin.
Pero hindi ko magawang sumabay sa tawa niya!
Tumingin ako sa gate at pagkatapos sa kanya. "May nakita kasi ako kahapon..."
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya.
"Oh, tapos? Anong nakita mo?" Tanong ni Luna, nawala na ang ngiti.
"Kasi..." kinagat ko ang aking labi.
"What? Ano ba iyon, Mina? Kinakabahan naman ako sayo!"
"May... nakita akong lalaki... kahapon... kamukhang kamukha siya ni..." kinagat ko ulit ang aking labi.
"Ni? Nino? Ano ba iyang nakita mo? Sino?" Sunod sunod niyang tanong.
"Ni... Sebastian..."
Nanlaki ang mga mata niya. "What? Saan? Dito sa school namin?"
Tumango ako.
"Kamukha niya? Paanong kamukha?"
"Kamukhang kamukha niya! Kaya ako bumalik rito para makita ulit siya. Baka kasi namamalikmata lang ako..."
"Hala! But I haven't seen anyone who look like Sebastian here yet. Tsaka kung meron man, baka kamukha niya lang talaga."
"Hindi lang niya kamukha, Luna, kamukhang kamukha niya! I can't be wrong, they're almost the same!"
Natakpan niya ang kanyang bibig. "Seryoso ka ba dyan? Baka naman kamukha lang niya? Maraming magkamukha sa mundo, Mina! Don't scare me!"
"I'm not scaring you, Luna. He really looks like that man!"
"Anong gusto mong sabihin? Na nabuhay ulit si Sebastian?!"
Hindi ako nakasagot.
"Oh my gosh! Don't scare me! You know I'm scared of ghosts, Mina!"
"Pero kamukha niya talaga..."
"Maraming nagkamukha sa mundo, kahit ikaw may kamukha ka! Kaya siguradong kamukha niya lang iyon. Wag ka nang mag isip pa ng iba."
"But they also walk the same way. They have the same eyebrows, eyes and nose--"
"Mina! Wag mo sabi akong takutin!"
I sighed. "Basta magkamukha sila. Now I need to see that man again to make sure. Baka mamaya pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko dahil sa sobrang miss ko kay Seb. Let's just wait here..."
Sumilip ako sa gate. There are still a lot of students coming out.
"Fine! My gosh, kinikilabutan ako, Mina..." si Luna at tinignan ang mga braso niya.
Huminga ako ng malalim at nag abang pa. Tinitignan ko isa isa ang mga students dahil baka dumaan siya at hindi ko siya makita! Kailangan ko siyang makita ulit. Kailangan kong makasiguro kung si Sebastian ba talaga iyon. Dahil sigurado talaga ako, kamukha siya ng lalaking iyon!
"Luna!" Bumilis ang tibok ng puso ko at nahawakan ko ang braso ni Luna nang nakita ang lalaking kamukha ni Seb!
Palabas na siya at dito ulit siya dadaan sa may banda namin! Nagulat si Luna at napalapit sa akin. Tinuro ko agad ang lalaki sa kanya.
"That! That man! Luna, look!" I said.
Luna immediately looked at what I was pointing at and she covered her mouth in shock. Namilog ang kanyang mga mata habang hindi na magkamayaw ang puso ko. My eyes also widened as I stared at the man.
Ngayon hindi na ako namamalikmata. Siya si Sebastian!
"Hey!" Habol ko nang lagpasan ulit kami ng lalaki.
"Mina!" Pigil sa akin ni Luna pero huli na ang lahat.
Hinawakan ko ang lalaki sa braso at pinaharap siya sa akin. He stopped walking and looked at me in shock. My heart stopped beating when our eyes met. Napa awang ang labi ko. Kunot noo niya akong tinignan.
"Excuse me?" Anya.
Kinilabutan ako at mas lalo pang umawang ang labi ko. Pati boses... Pati boses magkapareho sila! Wala nang duda, siya nga si Sebastian! He also has thick eyebrows, pointed nose, thin and red lips. I just noticed something different about him. Sebastian has blue eyes. But this man... has brown eyes.
"Seb..." nasambit ko at nangilid ang luha sa aking mga mata.
Umawang ang kanyang labi pero agad rin siyang nagtiim bagang. Binawi niya ang braso niyang hawak hawak ko at kumirot ang puso ko sa sakit. Napatingin ako sa kamay niya.
Sebastian never avoided me like that.
"Who are you?" He asked.
Nag angat ako ng tingin sa kanya. My heart ached even more. Umasa ako na siya si Sebastian pero nang tanungin niya ako ng ganon, parang may kung anong gumuho sa puso ko.
"Who are you?" Muli niyang tanong, mas mariin na ngayon.
"M-Michelle..." I said.
Sandali siyang natigilan. His jaw clenched even more and he looked at me with cold eyes.
"Michelle Agravante?" He almost said mockingly.
Nagulat ako. "K-Kilala mo ako?"
"Of course," he smirked with no humor. "Ang babaeng dahilan kung bakit namatay ang kakambal ko."
Natigilan ako. My lips parted and my eyes widened. Hindi ako nakapag salita sa gulat. Nawalan ng emosyon ang kanyang mukha at mas lalong lumamig ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Hindi naman ako makapaniwala sa narinig ko galing sa kanya.
Siya? H-He's Seb's twin?

Book Comment (58)

  • avatar
    Jazper

    nice

    14/06

      0
  • avatar
    Romnick Andres

    good story

    20/01

      0
  • avatar
    BatBaije

    Thank you, author wish for more

    01/09/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters