logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

Chapter 7:
Jane's Pov.
Naglalakad ako ngayon pa-uwi sa bahay namin, since nando'n si papa sa hospital, may maikli pa akong oras para makapag-apply ng kung ano-anong trabaho.
May sakit ang mama ko at hindi ko alam kung saan kami kukuha nang panggastos, ni hindi nga ako nakapagtapos ng higschool. Sa totoo lang namomoroblema ako, hindi ko sinisisi si mama pero sana nagawan ko nang paraan. Sana nagagawan ko nang paraan ang lahat, bakit ba kasi ganito ang buhay ko?
Kahit gustuhin kong magalit, hindi ko magawa. Wala naman din kasing may kasalanan kung bakit ganito ako ngayon, may plano ang diyos at do'n ako kumakapit. Fighting!
Only child ako, at muntik na akong mawala sa mundo. May sakit si mama, sakitin rather... At nagpapasalamat ako kasi na-iluwal at nabuhay pa rin ako, kaya kahit ganito ang buhay ko nagpapasalamat pa rin ako. Ang mabuhay sa araw-araw ang pinakamahalaga at masayang bagay na nangyayari sa buhay ng isang tao kaya dapat hindi natin sinasayang kundi ay pinapahalagan.
Madilim ang bawat sulok na dinadaanan ko, squatters area kasi 'tong bahay namin. No'ng bata ako takot na takot akong umuwi mag-isa dahil baka may aswang na biglang sumalubong sa harapan ko. Pero ngayon iba na, hindi na ako takot, kasi nga what to see is to believe.
Takot din ako na baka may sumalubong sa 'king kutsilyo, magnanakaw, rapist at kung ano-ano pa pero mabuti na lang at naturuan ako nang papa ko nang self defense, hindi ko nga lang natanong kung sino ang nagturo sa kaniya, siguro si lolo o 'kaya si lola o baka may kakilala siya na tinuruan siya.
Kapag gabi sa lugar na 'to ay wala masiyadong tao, dahil halos lahat ng ta ay gabi na nagta-trabaho. At tanging si Mang Ramon lang ang kapitbahay namin na kilala at close ko. Mabait si Mang Ramon lalo na ang buong pamilya niya, at isa siyang security guard ng isang kompanya. Kuwento pa niya, no'ng una nga raw ay nagtaka siyang kung bakit ang laki nang sweldo niya pero hindi na siy umangl o natanong pa at nagpasalamat na lang sa ibinigay ng kompanya.
Malapit na ako sa bahay ng may biglang humawak sa kamay ko...
Ramdam ko ang matutulis nitong kuko na halos bumabaon sa pulso nang kamay ko. Nilingon ko ito at nakita ang kabuuan nito, isang nakamaskara at mabalahibo ang mga kamay kahit yata hita papuntang papa ay may balahibo.
"Bitiwan mo ako," malumanay kong saad habang nagpupumiglas.
Hindi ito sumagot kaya nakaramdam ako nang kaba at takot, anong gagawin ko? Ayaw ko pang mamatay!
Nang biglang mag-ring ang cellphone ko...
Hindi niya hawak ang isang kamay ko kaya dali-dali kong kinuha ang cellphone at sinagot 'yon bago pa man niya 'yon mahawi.
"Tulong!" Sigaw ko nang bigla iyong hawiin ng nakamaskara ang cellphone na hawak ko.
"H-huwag m-mo a-kong patayin, maawa ka," pagmamakaawa ko.
Ngunit humalakhak lamang ito sa akin, ang halakhak na 'yon ay pamilyar at parang narinig ko na sa kung saan, ang halakhak ding 'yon ay nakakapaninding balahibo. Dahilan para mangatog ang mga tuhod ko sa takot.
Hinila niya ang buhok ko dahilan para mailapit nito ang mukha ko sa mukha niyang nakamaskara.
"Hindi kita papatayin kung may bampirang magliligtas sa 'yo," banta nito habang hila-hila pa rin ang buhok ko
Bampira? May bampira ba? Totoo ba ang mga bampira? Baliw na yata 'to!
"Baliw ka na!" Sigaw ko.
Sa pagsigaw ko ay mas lalo niya pang diniinan at binigyang puwersa ang paghila sa buhok ko, ramdam na ramdam ko ang sakit sa pagkahila niya at halos maramdaman ko ang anit kong nasusugatan. Ang mga kuko niya ay halos maidiin na niya sa anit ko, at parang bawat segundo ay ibinabaon niya iyon ng ibinabaon sa ulo ko.
At kahit gamitin ko ang mga natutunan ko kay papa ay hindi ko magawa dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak sa kamay ko.
Wala akong laban dito, anong gagawin ko?
"Tulong!" Sigaw ko pa and it all went black.
Third Person's POV.
Hindi na nakalaban pa si Jane dahil sa hindi nito namalayan ang pagdugo nang kaniyang ulo at pulso sa kamay. Ang kuko nang isang nakamaskarang lalaki ay sinasadya ang pagbaon nito sa pulso at ulo ni Jane na para bang gusto niyang patayin ang dalaga.
"Hey!" Sigaw ng isang bampira ngunit tumawa lang ng malakas ang nakamaskarang lalaki sa harapan nito.
"Bitawan mo siya," mahinahong saad ng bampira.
"Long time no see Toper," banggit nito sa pangalan ng bampira.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Takang tanong ni Toper.
Ang tinig ng nakamaskarang lalaki ay parang paos at parang matandang lalaki kung pakikinggan ngunit nasa tinig parin nito ang buong tono nang isang binatang lalaki.
"Bakit ko sasabihin?" Sarkastikong tanong ng nakamaskarang lalaki.
"Tsk, obvious ba na gusto kong malaman?" Sarkastiko ring tugon ni Toper.
"May na-aamoy akong isang dalaga, kasama mo ba siya?" Seryoso ngunit sarkastiko nitong tanong.
"Shut up, and let's end this f*c**ng nonsense fight!" Na-iiritang usal ni Toper na ikinahalakhak ng nakamaskarang lalaki.
Dahil sa init ng ulo ay agad na tumakbo si Toper papunta sa nakamaskarang lalaki dahilan para mabitiwan ng nakamaskarang lalaki si Jane.
Pagkalapit ni Toper ay agad niyang kinuha si Jane imbis na labanan ang nakamaskarang lalaki, at hindi 'yon inaasahan ng nakamaskarang lalaki, napangisi na lamang si Toper sa kaniyang ginawa at sa kung anong reaksiyon ang meron sa nakamaskarang lalaki. Kahit hindi niya makita ang kabuuan ng mukha nito ay kita naman sa mga mata nito ang galit at pagka-irita.
Mabilis na itinakbo ni Toper ang walang malay na si Jane habang nakasunod naman sa kaniya ang lalaking nakamaskara. Hindi alam ni Toper ang gagawin at nagdadalawang isip sa gustong gawin.
Gusto niyang ibigay si Jane kay Nics na nasa kotse lang naghihintay, ngunit kung gagawin niya 'yon ay baka mapahamak din si Nics...
"Awooo!" Ani Toper na may kalakip na mensahe sa kung sinong bampira o asong lobo na makarinig niyo.
Humalakhak lang ang lalaking nakamaskara habang sinusundan siya, hindi siya napapagod tumakbo at kargahin si Jane. Ang nakapagpapabahala lamang sa kaniya ay ang duguang si Jane, baka kapag hindi naagapan ang mga sugat na natamo niya ay maaaring ikamatay ng dalaga.
Nang may bigla siyang maisip na plano...
Takbo lang siya nang takbo at umabot sa punto na kinailangan na niyang akyatin ang bubong ng bahay ng mga tao, hindi nakakagawa nang kahit na anong ingay ang mga paa niya, 'yon ang plano niya. Ang paakyatin ang nakamaskarang lalaki sa bubong para makagawa nang ingay at para mapalabas ang mga tao, dahil do'n makakatakas siya rito habang tatangkaing patayin ng mga tao ang nakamaskarang lalaki.
Ngunit nagkamali siya, ang mga paa nito ay hindi gumagawa nang ingay na katulad lang din ng sa kaniya.
"Toper!" Biglang sigaw ng isang tinig babae.
Dahil sa sigaw na 'yon ay nakaramdam siya bigla nang kaba dahilan para mapahinto siya at ang nakamaskarang lalaki at mapatingin sa kaniya... Nakikita nang binata ang pag-aalala sa mukha nang dalaga, ngunit dama niya ang kaba na baka ang dalaga naman ang puntiryahin ng nakamaskarang lalaki.
"Nics, bumalik ka sa kotse bilis!" Sugaw ni Toper.
"Na sa'n ka!" Sigaw ulit ng dalaga.
"Please bumalik ka sa kotse!" Sigaw ng binata.
"Bilis!" Sigaw pa nito.
Halos patakbo na nilakad ni Nics ang daan patungo sa kotse habang may mga luhang tumutulo sa kaniyang mga mata at dahil 'yon sa pag-aalala at sa mga nasasaksihan.
Napangisi ang nakamaskarang lalaki at agad na tinakbo ang puwesto kung na saan si Nics, inihanda na nito ang kaniyang kuko na para bang agila na dadagit ng isang mahinang isda sa karagatan. Mabilis na inilagay ni Toper si Jane sa isang lugar na may mga basura at inihiga muna ro'n.
At bago pa man iyon magawa nang lalaki ay pinigilan iyong agad ni Toper sa pamamagitan ng mga kuko nitong mas matalim pa sa kukong mayroon ang lalaking nakamaskara. Sinugod niya iyon ngunit madadaplisan na sana ni Toper ang lalaki nang agad itong makailag sa pagsugod niya, si Toper ngayon ay parang pinoprotektahan ang dalaga. Sa pamamagitan ng kaniyang dalawang kamay, habang nakalabas ang matutulis na mga kuko.
"Huwag kang haharap Nics, tumakbo ka papunta sa kotse at manatili do'n, bilis!" Utos ni Toper sa dalaga na agad naman nitong sinunod.
"Knight and shining armo? Haha, corny..." Sarkastiko ngunit seryoso nitong saad.
Para itong nanggigigil sa galit, habang si Toper naman ay inihahanda ang sarili sa anumang segundo na susugod ang nakamaskarang lalaki.
Nang bigla itong huminto at mapatayo nang tuwid.
"Hindi patas!" Biglang sigaw ng nakamaskarang lalaki.
Nagtaka naman si Toper sa inusal ng lalaki...
"Magkikita at maglalaban-laban din tayong muli sa nakatakdang oras," seryosong usal nito sabay mabilis na umalis.
Agad na nilingon ni Toper ang nasa kaniyang likuran at do'n nakita ang ilang kasamahan. Ngayon niya lang nalamang ang dahilan kung bakit napa-back out ang nakamaskarang lalaki.
Naalala naman niya si Jane na inilagay sa isang lugar na may basura, kaya agad niya itong pinuntahan at kinuha.
Pasan-pasan niya si Jane nang tingnan niya ang kaniyang mga kasamahan na nando'n, nakita niya si Rose at Jamwell at ang iba pa, at ngumiti sa mga ito.
"Sabihin niyo kay King Randyle at Dave ang nangyari, magkita na lang tayo mamayang umaga," nakangiti nitong saad.
Agad naman siyang pumunta sa kung saan naka-park ang kotse na kung na saan si Nics. Nakita niya ang mukha nitong nag-aalala, nang makita siya nang dalaga na karga-karga si Jane ay agad na lumabas si Nics sa kotse at binuksan ang pinto nang passengers sit...

Book Comment (47)

  • avatar
    A anterioIvan

    diamond gosto ko

    23/03/2025

      0
  • avatar
    Ieza Perocho

    nice

    26/11/2024

      0
  • avatar
    erokVancerenzyl

    good story

    26/11/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters