Chapter 6 Nics POV. Naka-upo ako ngayon sa kama ko habang iniisipa at nag-f-flashback sa mga nangyari, bago ko pa man makita ang lalaking may matulis na pangil ay halos ma-iyak ako sa una kong nakita at nadiskubre. Flashback... Nasa kuwarto ako nakahiga, pagod ako dahil tinulungan ko ang beshy ko na maghanap ng trabaho, at sa kasamaang palad walang tumanggap sa kaniya. Kaya 'yon na nga, nakahiga lang ako sa kama ko habang ang mga mata ko ay gusto nang umidlip dail sa pagod, ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Agad ko 'yong kinuha at tiningnan, nakita kong nag-text sa akin si Laurence. "Babe, nandito na ako sa bar, na sa'n ka na? Gusto mong sunduin kita?" Sunod-sunod na tanong nito sa text. Ang pinagtatak ko lang, bakit babe ang tawag niya sa 'kin? Mahal 'yong callsign namin ah, at wala kaming pinag-usapang pupunta sa bar, saan naman kayang bar? I replied at him back but instead of ranting, I planned to asked him what bar it is and where. He relied and texted me the address, and luckily it is just near at my house. Nawala ang pagod ko at kinutuban sa text niya, I wore blue fitted dress and a high heels at dahil tinatamad na 'kong mag-ayos ng buhok ay minbuti kong i-ponitale na lang ito. Pagkatapos mag-ayos ay agad akong lumabas at pumara nang taxi, ilang minutes lang at narating ko na ang bar. Hindi ko hilig ang bar, alam niya 'yon, mas prefer ko ang tahimik... Niligawan ako ni Laurence nang dalawang buwan, mabait naman siya at marunong umintindi, isa sa mga gusto ko sa isang lalaki. Pero biglang nagbago ang paniniwala ko nang makita ko ang lalaking mahal ko na nakikipaghalikan sa ibang babae, napatulala lang ako sa nakita ko, habang patagong nasasaktan. Hindi ko balak na mag-iskandalo, ipapahiya ko lang ang sarili ko kung gagawin ko ang bagay na 'yon. Biglang tumulo ang mga luha ko na para bang nag-uumahan sa pagbaba, ganito pala ang masaktan... Nakita kong masaya si Laurence sa halik na 'yon, pati rin yata ang babae niya masaya. Pakasaya sila! Nagmukha akong tanga... Ilang araw, buwan o taon na ba niya akong niloloko? Gusto ko man silang sugurin at batuhin ng maraming tanong, na naghihintay ng mga sagot ay hindi ko nagawa, sa halip ay pinunasan ko lang ang mga mata ko at lumabas ng bar. Nang makalabas ako, may nakita akong dalawang lalaki na nag-aaway. Kung titingnan kasi para lang silang nag-aaway ang galing nilang umiwas at kumilos para matamaan ang isa't isa. Inaamin kong na-aliw ako sa laban nila pero nabigla ako nang biglang tumulo ang mga dugo, nang bigla itong sipsipin ng lalaki ang dugo nang kapuwa nito lalaki ang lalaking duguan naman ay nakamaskara, bakit niya pinatay? Ayaw kong madamay! Dahil sa takot ay napatili ako... End of flashback. Bumuga ako nang malalim na hininga, pagod na ako, gusto ko na magpahinga, gusto ko na matulog ngayong gabi nang kahit sandali lang ay makalimutan ko ang mga nangyari. Nagbihis na ako, pagkatapos ay humiga sa kama. Makakapikit na sana ako nang bigla akong tawagin ni papa. "Nics, bilisan mo na riyan!" Kahit tinatamad ay wala akong nagawa kung hind ang lumabas, baka magtampo pa sila kapag hindi ko sila sinabayan sa pagkain. Pagkarating sa kusina ay nakita ko si papa at 'yong lalaki na nagtatawanan, ano kayang pinag-uusapan nila? Ayshh, baka nag-f-flashback na naman 'tong si papa! Mahilig pa naman siya sa flashback, nakaka-iyak, 'wag naman sana puro kahihiyan ko ang ikunwento niya... Magkarugtong lang ang dining at kusina namin wala nang checheboreche, hindi rin naman kasi kami mayaman. Isa akong call center sa umaga at palaging over time na nagtatrabaho dahil wala rin naman akong magawa kung dito lang ako sa bahay. Hindi ein ako mahilig gumala at mas priority ko talaga ang magtrabaho at makapag-ipon para sa pangarap kong business. Nakatingin lang ako kina papa sa malayo, hindi ko rin marinig ang mga pinag-uusapan nila kaya mas minabuti kong puntahan muna si mama sa kusina na pawang busy sa pagluluto nang putahe, sumandal ako sa lababo at tiningnan ang lamesa na punong-puno nang pagkain. "Ang dami mo naman yatang niluto ma, isa lang naman bisita natin. Tama na 'yon baka hindi natin maubos," awat ko rito. "Hayaan mo na, alam mo ba, na para tumagal ang isang relasyon, eh dapat masarap ka magluto? Kaya ka iniiwan eh, 'di ka kasi marunong magluto," mukhang nambubulyaw nitong usal. "Grabe naman, kapag ba hindi magaling magluto, hindi ka na karapat-dapat na mahalin? Ma, naman... Nakaka-iyak kaya," na-iiyak kong turan. Dahil sa sinabi ni mama nakaramdam ako nang kirot, this is the first time na nakaramdam ako nang ganito, first time ko rin kasing magkaroon ng karelasyon. Bakit kasi ang babaw ko, ang dali ko siyang sinagot, ni hindi nga siguro siya nahirapan... Kung makakahiling lang ako, ang hihilingin ko ay sana hindi ko nakilala ang lalaking 'yon! Edi sana hindi ako nasasaktan ngayon... Edi sana hindi ako makaka-absent sa trabaho ko ngayon, **nyeta! "Oh siya, bantayan mo muna ang niluluto ko at mag-c-cr lang ako," utos ni mama. "Mmm," responde ko. Ramdam na ramdam ko ang kirot sa puso ko dahilan para hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko, hindi ko alam kung bakit ganito... Bakit ang sakit-sakit? Pa'no niya nagawa ang bagay na 'yon? Dahil ba sa hindi ako magaling magluto? Dahil ba sa magaling lang ako kumain? Tsk that bu**sh*t! "Are you crying?" Biglang sulpot no'ng lalaki dahilan para mapaharap ako sa pader ng lababo. "I'm not," deretsahan kong tanong without making any clue that my tears already began by wiping all my tears that's already in my face. "Tsk, I can already see it," turan nito. "Nagtanong ka pa," saad ko. "Naramdaman ko rin 'yan no'n," natatawang saad niya. "Pake ko?" Sarkastiko kong tanong. "Tsk," singhal nito. Pagkatapos niyang suminghal ay dahan-dahan niyang inilapit sa mukha ko ang mukha niya, and when the time fastly run I could feel his breath at my own breath. Pilitin ko mang lumayo ay hindi ko magawa dahil wala naman akong mapag-usugan, anong gagawin ko! "Patapusin mo muna ako sa sasabihin ko," saad nito but I didn't respond. I can feel and smell his breath, his breath is good but I am just thingking of, why his breath still smells good when he even sucks a blood? I don't want him to kiss me.so I decided not to move even a little to protect my precious self... I could see his eyes at nagulat ako nang makitang may pagka-gray ang kulay nito. I began looking at his lips that suddenly widden, that's smiling. I don't know what that smile all about, is it have any meaning? I was just shocked when he move and I now stopped myself breathing because of what he do, I just closed my eyes and thought to meet his lips but I'm glad that he just whispered in my ears. "Dahil sa pagiging broken, natutunan kong kumain ng marami," natatawang bulong nito habang ako naman nakapikit. This man! "Iyon lang pala ibubulong mo, inilapit mo pa talaga nang sobra 'yong mukha mo sa 'kin!" Naiirita ko ring bulong. Mahina naman siyang natawa at hindi ko na siya pinansin pa, itinuon ko na lamang ang atensiyon ko sa utos ni mama, na bantayan ang niluluto niya. Ilang sandali pa ay bumalik na si mama at tiningnan ang niluluto niya, habang ako naman nakatingin lang sa ginagawa niya. At hindi ko namalayan ang sarili kong mapayakap sa kaniya patalikod, ito lang yata ang bagay na makakapagpagaan sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Sila ang pinagkukunan ko nang lakas... "Mmm?" Takang usal nito. "Ma... Turuan mo 'ko magluto," saad ko. "Sure! Hehe... Buti naman at willing ka nang matuto ngayon," natatawang saad nito. "Gumising ka nang maaga bukas para makapamalengke tayo," dugtong pa nito na ikinatango ko lang. Sa totoo lang mas prefer ko ang kumain kaysa sa magluto, ang hussle kasi magluto while masarap lang kumain haha... Bakit ko nga ba nasabi ang bagay na 'yon? Ayshh may trabaho ako bukas eh, siguro ito na 'yong oras para magpahinga naman ako nang konti... Ilang sandali pa ay kumawala na ako sa pagkakayakap ko kay mama at tumingin sa hapag, nakita ko naman si papa at 'yong lalaki na nagtatawanan. Hindi ko alam kung bakit sila tawa nang tawa, hayst. Parang kahihiyan ko talaga ang ikinukwento ni papa eh, my ghad! Siya kasi yung nagsasalita or should I say nagkukuwento kaya posibleng kahihiyan ko ang pinagsasabi niya. "Tara na sa mesa nak, tapos nako rito," aya ni mama habang hawak-hawak ang pinaglagyan niya nang ulam. "Ako na maglalagay niyan ma, para naman may mai-ambag ako," usalko. "Baliw, ayos lang... Umupo ka na ro'n at tumabi sa nobyo mo," saad nito na ikinagulat ko. "Suitor ma! Manliligaw pa lang, hindi nobyo!" Iritang turan ko naman dito. Hindi ko alam bakit gano'n na lang ang turan ko sa sinabi ni mama, bakit nga ba? "Act nga lang 'to eh," bulong ko pa habang papunta sa mesa. Pagkarating ko sa mesa ay nagdadalawang isip ako kung tatabi ba ako sa kaniya o hindi, haysst... "Ano pang itinatayo-tayo mo diyan nak, umupo ka na," utos ni papa. Heto na nga eh, uupo na nga eh... Ayshh kainis! "Kain na tayo," saad ni mama. Ano nga bang pangalan ng lalaking 'to? Naku naman! "By the way I'm Toper," biglang pagpapakilala nito. Buti naman at naisipan niyang magpakilala... Pagkatapos niyang magpakilala ay ngumiti lang ang mga magulang ko at agad naman siyang kinunan ni mama nang kanin at ulam. "Anong trabaho mo iho? At sa'n ka nakatira ngayon?" Sunod-sunod na tanong ni papa sa kaniya. "I worked as an employee at Vamware company, do'n po ako nag-s-stay kapag ayaw ko sa bahay." Saad nito na ikinagulat ko. Anong kompanya ulit 'yon? Vamware? Eh... 'di ba 'yon ang sikat na kompanya rito sa Pilipinas? This man is interesting... Pero bakit sa building mismo nang kompanya siya nag-s-stay? Luhh baka siya 'yong may-ari, tapos nagpapanggap lang siya na isa lang siyang employee pero ang totoo , eh siya taulga ang may-ari? Wahhh! Kakabasa ko 'to nang novels... Pero kung employee siya nang Vamware, bakit nagawa niyang sumiosip ng dugo? Alam ba 'to nang kompanyang pinagtatrabahuhan niya? Ano ba siya? Nagsimula na kaming kumain, nagkukuwentuhan sila habang ako, busy sa pagkain at nakikinig lang sa pinag-uusapan nila. "Ahh, ehh... Iho uuwi ka na ba pagkatapos mo kumain dito?" Biglang tanong ni mama kay Toper, dahilan para lumingon at mapatingin ako sa kaniya. "Kung p'wede po sana rito muna ako para makasama ko nang isang araw si Nics," nakangiting saad nito. That words stock in my head, it feels like real but I think I just assumed that it's true, this is just an act. No more, no less! "Bakit gipit ka ba sa oras?" Seryosong tanong ni papa. "I can always make time for Nics sir and ma'am but I was just thinking that it would be the last time we will see each other," nakangiti pa rin nitong saad. "Why?" Seryosong tanong ni papa. "I'm afraid Nics didn't liked me and liked someone better than me," seryoso ngunit nakangiti pa rin nitong saad. "Bakit naman anak, may gusto ka bang iba?" Takang tanong ni mama sa akin. "W-wala n-naman po..." Na-uutal na saad ko. "Kami ang bahala sa 'yo iho," ani ni mama habang nakatingin kay papa. Naku naman malaking pagkakamali 'to! I didn't plan to be with this killer guy, who killed man a while ago using his little fang! Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na lahat ng platong pinagkainan namin at nagpaalam na pupunta sa kuwarto ko. Gusto kong i-share 'to sa kaibigan ko pero baka maka-istorbo lang ako sa kaniya, ang alam ko nasa hospital siya dahil sa mama niya. Gusto ko rin alamin kung anong resulta at kung ano ang nangyari kay tita... Nang makarating ako sa kuwarto hindi ko inasahang nandoon si Toper, anong ginagawa niya rito? "Sabi nang papa mo rito raw muna ako mag-stay sa kuwarto mo," biglang sagot niya kahit hindi ko pa siya tinatanong. "Mmm, sige do'n na lang ako sa guest room," ani ko. "Kung gusto mo ro'n na lang ako sa sinasabi mong guest room," saad niya. "Hindi, diyan ka na lang. Baka kasi marumi 'yong guest room kaya do'n na lang ako." "Dito ka na lang at baka magkasakit ka do'n, hindi maganda sa katawan ang maduming lugar," usal pa nito. "I'm okay don't worry," usal ko sabay labas. Kaya ko namang mag-stay saglit sa isang maruming kuwarto, hindi niya kailangan mag-alala, tsk! Pagkalabas ay tinungo ko na ang guest room, lahat ng guest room nasa taas at nasa baba ang kuwarto namin. Kung tutuusin ang sikip sa baba dahil parang halos lahat ng bagay nandoon, pero malaki naman 'yong bawat kuwarto parang makalat lang talagang tingnan... Minsan nga mas gusto kong mag-stay sa guest room dahil maluwag sa paningin kung tingnan pero kapag nakapanood ako nang nakakatakot, eh hindi ko na magawang pumunta ro'n dahil sa takot... Im just an only child and i wishes to have a sibling too but its imposible. Though I have best friend that I treated like a sister and she's Jane. Naalala kong tatawagan ko nga pala siya, kinapa ko ang bulsa ko at kinuha ang cellphone and dialed her number. Nag-ring ito ngunit walang sumasagot, napagpasiyahan kong tawagan siya mamaya at baka busy siya.
diamond gosto ko
23/03/2025
0nice
26/11/2024
0good story
26/11/2024
0View All