logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 34: Who Killed Who

Kinabukasan, maaga kaming nagising, pumunta kami sa hideout at katakot-takot na training ang ginawa. Ang kabilang panig ay panay reklamo pero sa tuwing tinitignan sila ng masama ni Jacob ay natatahimik ang mga ito.
“How long does it take for you to build this?” tanong ni Daniel habang nagpapahinga pagkatapos ng sparring nila ni Gueyo.
“Not too long.” Maikling sagot ni Third.
“So, how long?” ulit na tanong ni Daniel.
Nahalata yata niyang naiinis na si Third sa mga tanong niya kaya naman nanahimik nalang ito. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Porsche na nananahimik sa gilid. Nilapitan ko ito.
“What are you thinking?”
Hindi siya sumagot.
“Wala ka nang sigarilyo?”
Dahil sa tanong ko, nakuha ko ang atensyon niya.
“Bakit? Gusto mong subukan?” aniya.
“Hah. Hindi ano? Ayaw ko pang mamatay ng maaga.”
Natahimik naman kaming dalawa sa sinabi ko. Parang dati ay normal lang na sinasabi ito sa iba at parang biro pa ang dating pero ngayon, parang dalawang meaning na.
“I’ve been meaning to ask you this since the first time we met.” Hindi siya sumagot pero alam kong hinihintay niya ang itatanong ko. “Don’t you have any friends?”
Silence.
He stretched for a bit.
“You.” Aniya.
“I mean, other than me, nitong nakaraan lang naman tayo nagkakilala, I was asking about the friends that you’ve made no’ng nasa E-1 ka pa.”
May sinabi siya pero sa sobrang hina ay hindi ko ito narinig.
“Huh?” I said, hoping for him to repeat what he said.
“Nasa E-1 parin naman ako ngayon.” Sagot niya.
“Yeah, I know, what I mean is noong normal pa ‘yong E-1.”
Natawa siya sa sinabi ko. I didn’t say that to make him laugh, sadyang wala lang talaga akong maisip na term kung paano niya magegets ang tanong ko.
“Them.”
Inginuso niya ang direksyon nila Daniel at Gueyo. Naguluhan naman ako. Seryoso ba siya? Eh parang hindi pa nga ata sila nagpapalitan ng salita sa isa’t-isa.
“Hindi ako nagbibiro.”
Mukhang napansin niyang hindi ako naniniwala.
“Paano? Bakit hindi na kayo nag-uusap? Tsaka kung magturingan kayo parang hindi niyo kilala ang isa’t-isa.”
A soft chuckle came from him.
“It’s a long story. But long story short, I fucked up.”
I chuckled. Hindi ko siya tinatawanan it just seems like a thing na gagawin talaga ni Porsche.
“I can’t imagine how chaotic it must have been.” Komento ko.
“It was chaotic and terrible at the same time.”
Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Tinitigan niya pa ng ilang sandali siala Gueyo at maya-maya ay nagpaalam na aalis na muna.
“What happened?”
Nasa tabi ko na pala si Ken.
“He told me a secret.” ani ko.
“What secret?”
“Secret nga eh.”
Natawa naman ako noong kumunot ang noo niya.
“He’s a loner.”
Hinampas ko ng mahina ang braso niya.
“Mabait naman ‘yon, puro maling sides niya lang kasi ‘yong nakikita mo.”
“Ba’t mo ba pinagtatanggol ‘yon? Siguro kayo na ano?” sarkastikong sabi niya.
“First of all, I confronted him already and we’re all good, wala siyang gusto sa’kin, wala rin akong gusto sakanya.”
His face lit up.
“He’s better be saying the truth.”
Hindi talaga ako makapaniwala sa isang ‘to! Lahat nalang gustong pagtalunan.
Maya-maya lang ay nasa sari-sarili na namin kmaing kwarto. Pero hindi rin nagtagal ay may narinig kaming malakas na tunog ng isang bell na nanggagaling sa sala. Nagkatinginan muna kami ni Bea bago kumilos at lumabas sa kwarto.
Nang makarating kami sa salang lahat ay sinalubong kami Miss Alvarado nang walang ekspresyon na mukha.
“Alam ko namang may ideya na kayo kung anong meron kung bakit ko kayo pinatawag.”
Ibinaba niya ang bell na hawak niya sa pinaka malaipt na mesa sakanya.
“But I have an announcement to make.” She paused. “This is your last task. Pero syempre, hindi naman magiging madali ang last task.” Ngumiti siya.
Creepy.
Pinasunod niya kami sakanya sa isang parte ng mansion. Huminto kami sa isang malaking pintuan. Nadaanan ko na ito dati pero hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin pero ngayon na tinititigan ko na ito, kapansin-pansin ang kagandahan nito kahit sa labas palang.
“Please get inside.”
Pumasok naman kaming lahat doon.
Kung anong ginanda ng labas ay siya namang kina-plain ng loob nito. Walang laman na kahit na anong gamit doon. Malaki ang kwarto na ‘yon at kahit na walang mga gamit, kapansin pansin parin ang kagandahan nito dahil sa mga nakapinturang mga imahe sa pader.
“This is your task.” Bahagyang isinara ni Miss Alvarado ang pinto. “This is called, Room of Killers.”
Natahimik ang lahat. Animo paghinga ko ay naririnig ko na. May kung anong bigla nalang nakapagparamdam saakin ng takot. Bakit parang hindi ito maganda?
“You’re not allowed to leave this room not until you find out who’s the killer.”
Bakas ang kaguluhan sa mga mukha naming lahat. She closed the door behind us. Dahil doon, kaunting liwanag nalang ang makikita sa loob ng kwarto nanggagaling ‘yon sa isang maliit na bintana.
Tulad ng inaasahan, kahit subukang basagin nila Ken ang bintana ay hindi ito masira-sira. That explains why this room is empty.
“Did you bring your knife?” bulong saakin ni Thana.
Tumango ako. Sinisugurado ko rin na palaging may dalang maliit na kutsilyo sila Ken dahil hindi namin alam kung kailan kami mapapasabak sa ganitong mga sitwasyon.
“I hate this game.” Bulong ko.
Maya-maya ay may narinig kaming boses na nanggagaling sa speaker sa itaas ng kwarto sa tapat ng speaker ay isang camera.
“Your task is to find out who killed…” Hindi niya ito tinuloy bagkus ay bigla na lamang may nahulog na kung ano sa itaas ng dingding. Tumingin kami sa itaas at ang kaninang nakasarang dingding ay nagkaroon nalang bigla ng butas kung saan nanggaling ang nahulog na kung ano. Ilang sandali pa ay kusa nalang itong nagsara.
Nang mahimasmasan mula sa gulat, tinignan naming kung ano ang nahulog. Nasa sako ito at ang hitsura nito ay madaling malaman kung ano ang laman.
Dahan-dahang binuksan ni Clarence ang sako at tumambad saamin ang masangsang na amoy ng isang babae.
“Sofia!”
Tumakbo papalapit sa bangkay si Trisha at tinignan ito ng maigi. Umalingawngaw ang iyak niya sa silid.
Napaatras naman kaming lahat. Sobrang putla na ng katawan ni Sofia at hindi narin makilala ang mukha niya dahil sa mga sugat sa mukha niya.
“You have to find out who killed Sofia.” Then the audio goes off.
Isang malakas na sigaw mula kay Trisha ang nangibabaw sa loob.
What the fuck did I just witnessed?

Book Comment (90)

  • avatar
    Mak Kodok

    good

    19/08

      0
  • avatar
    Rizza Loreanne Palomata

    ganda ng story huhu

    25/06

      0
  • avatar
    Jayson Lapiguera

    wee

    22/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters