logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 3

SHANNY'S POV
Nagising ako sa tumatamang sinag ng araw sa may naka-siwang na kurtina. Tinalukbong ko muli ang mabangong kumot at humilata sa malambot na kama. Pipikit na sana akong muli pero may naalala ako.
NGAYON ANG UNANG ARAW KO!
Dali-dali akong pumasok sa banyo at nagbihis ng unipormeng ibinigay sa amin. Kulay dark blue ito na katulad sa mga suot ng mga katulong na nakikita ko sa mga palabas na engrande. Mabilis ang bawat kilos ko dahil ayoko namang magkaroon ng pangit na impresyon lalo na at ngayon ang una kong araw sa trabaho ko bilang maid, isang personal maid ng apat na mga bata.
Inayos ko muna ang mga kumot at unan na ginamit ko baka kasi biglaang i-check ito ni Manang Loshen, mahirap na eh baka lalo akong pag-initan no'n. Itinali ko ang buhok ko nang pabilog para malinis at maayos na nakikita, ayoko naman na sabihan akong dugyot 'pag namawis ako sa mga ipapagawa sa akin.
Hindi rin nagtagal ay lumabas na ako, kaunting pulbos lang ang inilagay ko sa mukha ko. Wala rin naman akong mga kolereteng katulad sa iba na mga mamahalin, dahil wala rin akong sapat na pera para maka-bili no'n.
Paglabas ko ay ang iba pang mga katulong ang bumungad sa akin, nakasalubong ko si Manang Loshen na masama ang tingin, 'anu kaya problema niya sa akin?'
"Ano pa ang itinatayo-tayo mo riyan?! Magmadali ka at anong oras na? Alas singko pa lamang ay kailangan na nakahanda ka na. Ilang minuto na lamang ay mag-aagahan na sila Madam at ang mga Sir." Tuloy-tuloy na sermon ang inabot ko kay Manang Loshen bago niya ako lagpasan, nanlulumo akong napatingin sa aking relo, 6:34 pa lamang ay napagalitan na ako.
Sa susunod na araw ay maaga na talaga ako. Pumunta na ako sa kusina upang tumulong sa paghahanda ng mga pagkain sa engrandeng lamesa nila Ma'am Senya, nakita ko ang iba pang mga katulong. Babatiin ko sana sila ngunit itinuro lamang nila sa akin ang mga dadalhing pagkain sa lamesa. Bahagya akong nakaramdam ng lungkot dahil hindi ako sanay na ganun ang pakikitungo ng iba sa akin.
Sa aming bayan ay natural na natural lamang iyon at naka-tataba iyon ng puso kapag kinumusta ka rin pabalik. Siguro nga ay iba rito, dapat ko na lamang gawin kung ano ang trabaho ko.
Maya't maya pa nailagay na namin ang iba't ibang pagkain, parang may malaking pagtitipon na magaganap sa dami ng pagkain. Nakatayo lamang kami sa gilid at mahigpit na bilin din ni Manang Loshen na magbigay pugay kami sa pamamahitan ng pagyuko habang kumakain ang mga amo namin.
Tahimik lamang ang iba pang mga babaeng katulong, ganoon din ako dahil kinakabahan ako baka ay magkamali ako ng galaw ay talagang masesermonan ako ni Manang Loshen.
"Good morning sa inyo Madam, Sir!" sabay-sabay na nagsalita ang mga katabi ko, ginapangan ako ng kaba dahil baka napansin nila na hindi ako nakasabay sa pagbati. Rinig ko ang mga yapak na pababa ng hagdan, sa kuryosidad ay naiangat ko ang aking ulo at pinagmasdan si Ma’am Senya. Maya’t maya ay nakita ko si Ma'am Senya na nakangiti sa akin nang mapansin niya na tinitignan ko siya. Pansin kong lagi niya rin akong tinitignan kapag hindi ako nakatingin sa kaniya. ‘Ah baka nagkamali lang ako.’ Ibinaling ko na lang ang tingin sa aking palad na ngayon ay ramdam ko nang namamawis sa kaba.
"Shanny, pababa na ang mga anak ko, ikaw ang mag-aasist sa kanila sa mga kailangan nila huh?" Muli akong napatingin kay Ma'am Senya.
"S-Sige po ma'am!" natatarantang sagot ko dahil alam kong nakikinig ang mga isnaberang kasamahan ko sa tabi ko. Nginitian niya ako pagkatapos ay umupo na sa harap ng lamesa.
Ang sabi sa akin ni Manang Loshen kanina ay madalang lamang dito kumain ang asawa ni Ma'am Senya, ganoon rin si Ma'am Senya dahil sa ibang lugar na sila tumutuloy. Napag-alaman ko rin na ang apat na mga bata lamang ang nakatira rito. At doon na nga ako naguluhan, ibig sabihin ay hindi na bata ang mga anak ni Ma'am Senya? Hay! Mamaya ko na lang malalaman ang sagot.
Hindi rin nagtagal at may narinig na kaming mga yapak ng mga paa na pababa sa hagdanan—engrandeng kulay ginto na hagdanan. Hindi ko mapigilan pero dahan-dahan akong lumingon doon, parang bumagal ang oras nang makita ko ang inakala kong mga bata.
Lalaki silang lahat! Lalaki na binata na! At hindi bata na tulad sa naiisip ko mula pa kahapon!
Nangungunang bumaba ang isang binatang lalaki na sa tingin ko ay kasing-edad ko lamang na labing-walong taon, kulay light-brown ang buhok nito na talagang napakaganda ng ayos, mababakas ang seryoso nitong mukha. Nakita niya ako at bahagyang kumunot ang kaniyang perpektong kilay ngunit agad din itong nagtungo sa kaniyang upuan.
Sumunod ang dalawa na parang may pinagku-kwentuhan dahil panay ang tawa ng isang binatang lalaki na kulay dark-brown ang buhok, magkakahawig lamang sila pero mahahalata mo na mabait itong isa. Ang katabi naman niya na siyang nagku-kwento ay kulay asul ang buhok na talagang nakapagpatingkad sa kaniyang kaputian, mahahalata na masayahin ito dahil sa ekspresyon ng mukha nitong pala-ngiti kung magkuwento. Hindi nila ako napansin at tinungo na lamang nila ang kanilang upuan.
Parang ginapangan ako ng lamig sa katawan ng magtagpo ang tingin namin ng isa pang lalaking huli na bumababa sa hagdanan, unang tingin pa lang ay mababakas na ang seryosong awra na parang nakapalibot sa kaniya. Kulay pilak ang buhok nito na sa tingin ko ay kumikinang sa oras na tamaan ng sinag ng araw, napakaganda. Hindi na siya ngayon nakatingin sa akin at umupo na lamang sa tabi ng lalaking kulay asul ang buhok. Talaga pa lang kapag nasa ganitong estado ang pamumuhay ay may mala-porselanang balat. Lahat sila ay kutis-mayaman.
Tahimik ang bawat isa habang kumakain, siguro nga ay ganoon ang mga nasa ganitong estado ng pamumuhay 'yon bang may manners na dapat sinusunod. Na-miss ko tuloy ang Lolo at Lola ko dahil kapag kumakain kami ay lagi kaming masaya na nagku-kwentuhan at walang oras na natahimik ang aming bahay. Pero nang dahil sa isang aksidente nagbago na ang buhay ko, nawala sila kasama ang aming bahay.
"I have something to tell, my dear..." pigil ni Ma'am Senya sa mga anak pagkatapos kumain. "Just stay and wait me in the living room." Sumunod na lang sila sa sinabi ng kanilang ina at tinungo na ang sala. Hindi pa rin kami umaalis sa puwesto, kinakabahan ako. Hindi pa rin umaalis si Ma’am Senya at bumaling sa akin.
"Shanny halika sumama ka sa akin, ipapakilala kita sa mga anak ko," matapos 'yon ay itinuro ko muna ang mga nasa mesa na kailangang iligpit.
"P-Pero po? Ma'am tutulungan ko muna po sila..." Umiling lamang si Ma'am.
"No need hija, it's their job. Iba ang sa iyo dahil ikaw ang magiging personal maid ng mga anak ko, that only means na ang ipapagawa nila ay 'yon lamang ang gagawin mo. Hindi mo na kailangan tumulong kila Manang Loshen." Tinitigan niya ako at hinawakan ang kaliwang braso ko.
"Alright?" tumango na lamang ako at sumunod sa sala.
Nakaupo lamang ang apat na anak ni Ma'am Senya pagkarating namin sa sala. Seryoso lamang ang mga ito na siyang nakapagpakaba sa akin.
"Listen, my boys..."simula ni Ma'am kaya napalingon sila sa banda namin. "Ito si Shanny ang bago niyong personal maid, siya ang tutulong sa mga kailangan niyo simula ngayon." Paliwanag ni Ma'am.
"Personal maid? We don't need it Mom..." Nagsalita ang isa na may kulay pilak na buhok.
"No, Axron it's final. She will work here from now on." May diin na sabi ni Ma'am Senya.
"Shanny? Sila ang i-aasist mo, okay?" tanging pagtango lamang ang aking nagagawa sa ngayon dahil hindi ako mapakali na nakatingin silang apat sa akin kahit na nagsasalit ang Mommy nila.
"O-Opo naiintindihan ko po." Wala sa sariling sagot ko, nakakailang talaga.
"Good! Hindi ako rito tutuloy dahil talagang marami pang dapat ayusin sa trabaho kaya Shanny, ikaw na ang bahala sa mga anak ko huh?"
Lalo akong ginapangan ng kaba dahil hindi pala dito mananatili si Ma'am, nabanggit na rin ni Manang Loshen noon na may isa pa silang bahay, mansyon pala. Akala ko pa naman mapapanatag na ang kalooban ko na kasama si Ma'am, siya lang kasi 'yong masasabi kong mabait dito.
"Aalis na ako. Kayo boys, be good to your personal maid. I will visit when I have time,” bilin ni Ma'am sa mga anak.
"Yes, Mom!" sagot ng may kulay asul na buhok.
"Makakaasa ka Mom." Nakangiti naman ang isang dark brown ang buhok. Samantalang nakatingin lamang sa akin ang isa na may kulay light-brown ang buhok.
"Is she an ordinary one?" biglang tanong ng may kulay pilak na buhok, na animo'y pinag-aaralan ang aking kilos.
"Axron, watch your words!" saway ni Ma'am Senya na hindi ko maintindihan kung bakit. Ordinary? Siguro naitanong niya 'yon kasi ganito ako manamit na hindi gaya ng mga mayayaman, kaya nga ako nandito para maka-ipon.
"What? I'm just asking Mom. Are you sure that… she's not from any kind of group that are trying to attack us?" tanong pa no'ng Axron ang pangalan.
"Of course, she's not. I met her in the human world,” dugtong ni Ma'am. Huh? bakit? kung banggitin ni Ma'am ang human world parang may kakaiba. Naguguluhan na ako.
"Or... She's hiding some powerful ability, and sooner or later she will kill us."
Bakit ba nila sinasabi 'yon? anu bang klaseng mga tanong ang sinasabi nila? paano ko magagawa 'yon, eh baka hindi ko pa man sila nahahawakan ng mga daliri ko eh bumulagta na 'ko sa sahig. Sa dami ng guard dito, ganoon pa ang iniisip nila sa'kin. Nakaka-sakit ng damdamin ang mga binabato nila sa akin.
"No, mabait si Shanny kaya nga siya ang kinuha ko," sabi na lang ni Ma'am.
"Kailangan ko nang umalis, and Shanny ikaw na ang bahala rito habang wala ako." Bumaling sa akin si Ma'am at tinapik ang balikat ko. Hindi ko maiwasan ang malungkot lalo na at aalis si Ma'am, pero kakayanin para maka-ipon ako.
Lahat kami ay pinanood na lumabas sa pintuan si Ma'am Senya. Nang marinig na namin ang kotse na umalis ay ginapangan na ako ng kaba.
"Shanny, right? I'm Levi. Nice meeting you." Naglahad ng kamay iyong may kulay asul na buhok. Halatang mabait ito hindi tulad ng iba niyang mga kapatid.
"I'm Felix. Don't be scared Shanny." Pagpapakilala ng may dark brown na buhok, Felix pala ang pangalan niya. Sa tingin ko sila lang dalawa ang may mabuting ugali. "Uhm, si Axron at Si Jinro." Turo ni Felix sa kay Axron na kulay pilak ang buhok at kay Jinro na kulay light brown ang buhok.
"Axron is the eldest among us and I'm the second one, then Felix...J inro is the youngest." Paliwanag naman ni Levi.
"Shut up guys!" Nagulat kami nang malakas na nagsalita si Axron, nakakatakot talaga ang awra niya.
"You!" tinuro niya pa ako. Kita ko ang malamig na titig niya sa akin.
"Leave now!"

Book Comment (205)

  • avatar
    Paulin Elcano

    the flow of the story is good. in every scene, you can't say that it is cliche because it's not. the story is very unique and, I know for sure, in the next chapters it will be more surprising. xoxo.

    15/02/2022

      5
  • avatar
    BactolMary genina bactol

    the story is good and unique, i like it...

    12d

      0
  • avatar
    ManarangjrSherwin

    It great

    16d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters