logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

MAID BY ACCIDENT

MAID BY ACCIDENT

Zintrazania25


CHAPTER 1

SHANNY’S POV
“Shanny! Apo! Gumising ka apo!”
“Lumabas ka d’yan apo, iligtas mo ang buhay mo apo ko!”
"Shanny... jusko gumising ka apo!"
Nagpabaling-baling ako sa aking higaan dahil sa mga boses na tumatawag sa pangalan ko. O guni-guni ko lang na parang may tumatawag sa akin?
“Shanny!”
Hindi ko na lang pinansin at umayos na lang ako ng higa, maaga pa kami bukas ni Lola. Nakapagtataka dahil biglang lumakas ang pagtawag sa aking pangalan. Sa ilang minute ay tumahimik na at muli ay umayos ako ng higa, napakunot ang aking noo nang may maamoy akong usok sa aking kuwarto. Hindi kaya ay guni-guni ko na naman o baka maagang gumising sina Lolo at Lola para magluto? Pinakiramdaman ko at dahan-dahan kong iminulat ang aking mata, bigla akong ginapangan ng kaba dahil sa aking naisip, hindi iyon panaginip!
Doon ay napapitlag na ako dahil ang malakas na sigaw at paghuhumiyaw ng nasa paligid ko ay biglaan nang naglaho. Kanina ay akala kong guni-guni ay totoo pala, ang kaninang narinig ko ay nagmula sa labas nitong silid. Hindi kaya? Sina Lolo at Lola?!
Mabilis akong bumangon at lumabas patungong sala. Nang makita kong puno ng usok na siyang nagmumula sa kusina ay napuno ng kaba ang aking dibdib. Mabilis kong pinuntahan kung nasaan sina Lolo at Lola. Tanging sigaw lamang nila ang narinig ko at ang gumising sa akin kanina. Wala na akong makita dahil sa kapal ng usok pero hindi dapat ako sumuko.
"La? Lo? Nasaan na po kayo?!" Nagtungo ako sa kusina at nagulat ako nang may matabig ako sa aking paanan, napag-alaman kong mga basag na plato ang nagkalat sa sahig. ‘Anong nangyayari?’
Halos nanlamig ang buong katawan ko nang mas lumagablab ang apoy na ngayon ay unit-unti nang tinutupok ang aming munting kusina. Sana ay may tumulong sa amin.
"Lola? Lolo, umalis na po tayo!" Paulit-ulit ko silang tinawag ngunit walang sumasagot sa akin. Napasubsob ako sa sahig nang may muntik tumama sa akin na haligi. Nang makabangon ay nagtungo akong muli sa itaas kung nasaan ang kanilang kuwarto. Wala akong natagpuan doon, nasaan sila? Mabilis akong bumaba at tumambad sa akin ang apoy na halos lamunin na ang buong bahay namin. Wala ng oras, kailangan ko silang mahanap upang makalabas na kami. Nanginginig ang bawat tuhod kong hinalughog ang buong sala ngunit hindi ko pa rin sila makita. Bumabalot na ang makakapal na usok papunta sa aking puwesto, wala akong magawa kun‘di tawagin sila nang pauli-ulit lamang. Napahagulgol na ako nang may maapakan akong matulis na bagay na siyang dahilan ng pagkasugat ng aking talampakan.
Pinilit kong tumayo at humawak sa isang upuan ngunit bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, umiikot na ang aking paningin dahil na rin sa makapal na usok dulot ng sunog. Patuloy ko silang tinawag bago dumilim ang paligid.
~~~
May naririnig akong mga ingay at parang may mga nakatitig sa akin kaya napamulat ako ng mata at tumambad sa akin ang mga unipormadong pulis. Tatlo sila na may seryosong pinag-uusapan ngunit natigil rin nang makita nila na nakatingin ako sa kanila.
"Oh hija! Mabuti at gising kana." Napatingin ako sa pulis na nasa bandang unahan ng dalawa, medyo may edad na ito kumpara sa dalawa pa nitong kasama.
Hindi ako kumibo ngunit sa aking pagpikit ay biglang nanumbalik ang mga nangyari kanina. ‘Sunog? Usok? Ang bahay? Sila Lolo at Lola nasaan na sila?
Sa pag-aalala ay tuluyan na akong napabangon sa higaan nitong ospital. Nang makatayo ay nagulat ako ng hawakan ako ng isa sa pulis na sa tingin ko ay baguhan pa lamang dahil parang ka-edad ko lamang ito. Dahil dito ay napatigil ako sa paglakad. Nilingon ko silang tatlo at may kung anong kahulugan ang makikita sa kanilang mga mata. ‘Malungkot.’
"Nasaan na po ang Lolo at Lola ko? Nasaan sila? Maayos na ba ang kalagayan nila?" Sunod-sunod na tanong ko at nilapitan ang isa sa kanila.
Napuno ng katahimikan ang silid, ni isa ay wala pang kumibo o sumagot man lang sa mga itinanong ko. Naghintay ako sa pagbuka ng kanilang mga labi ngunit bigo akong makakuha ng sagot. Sa emosyon na pumupuno sa akin ay tumalikod na ako, gusto kong ilabas ang lahat. Dahan-dahan akong humakbang pabalik sa higaan.
"W-Wala na sila ineng, nasawi sila sa nangyaring sunog." At sa pagkakataong iyon ay napatigil ako, p-parang tinakasan ako ng lakas, hindi ko maigalaw ang aking mga binti nang dahil sa balitang ‘yon! Pinakamasamang balita!
Para itong bombang sumabog sa ulo ko na paulit-ulit na umalingawngaw sa aking pandinig. Wala sa sariling natagpuan ko na lamang na panay na ang pagtulo ng aking mga luha, wala man lang akong nagawa.
Hindi ko magawang isipin na wala na sila, ang nakapagpawasak nang husto sa akin ay ang makita ang mga katawan nila. Katawan na wala ng buhay at hindi na magawang mamukhaan dahil sa tindi ng sunog.
~~~
Isang linggo na ang nakalilipas at nakatayo ako sa puntod nina Lolo at Lola. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na sila, ito ang huli kong magiging dalaw dahil luluwas ako sa Maynila para maghanap ng trabaho. Gagawin ko ito para na rin matupad ko ang pangarap namin nina Lolo at Lola at iyon ang muli akong makapag-aral, mag-iipon ako para makapasok sa paaralan.
Umihip ang malakas na hangin kung kaya't nagmadali na akong umalis.
'Paalam na po.'
Sa ngayon dito muna ako tumutuloy kila Chelsea, kaibigan ko. Noong nalaman nila ang nangyari sa akin at sa pamilya ko ay mabilis silang tumulong. Sila ang gumastos sa pagpapalibing kina Lolo at Lola kaya napakalaki ng utang na loob ko sa kanila.
"Oh Shanny halika na at maghahapunan na tayo." Nakangiting salubong sa akin ni Chelsea at hinawakan ako sa aking braso. Napakaganda niya talaga. Sa mga matang bilugan na kulay brown at maputing balat, hindi maipagkakaila na galing siya sa marangyang pamilya dahil na rin sa mala-mansyon nilang bahay. May kumpanya ang kanilang pamilya na alam kong kilalang-kilala at dahil na rin sa mahusay na pagpapatakbo ng pamilya nila.
"Oo nga pala…s-sigurado kana ba Shanny na luluwas ka sa Maynila?" tanong niya habang nakasunod sa akin sa pag-akyat sa hagdan.
"Chelsea alam kong malulungkot ka, kaya lang kailangan ko 'to para makapag-ipon. Uuwi rin naman ako para makita ka ulit." Nakangiti kong paliwanag habang tinititigan siya, nakikita ko ang matinding lungkot sa mga mata niya. Ayokong nalulungkot siya dahil isa siya sa mabuti kong kaibigan. Hanggang sa makapasok kami sa aking kuwarto ay ramdam kong tutol siya na umalis ako. Ibinaba ko na ang maliit kong bag at kumuha ng pampalit na damit. Matapos kong magtungo sa banyo ay lumapit na ako sa kaniya at umupo sa kama.
"Shanny... pwede namang dito ka nalang magtrabaho, o kaya sasabihin ko kila mommy na pag-aralin ka muna nila hanggang sa maka-ipon kana." Napaayos ako ng upo sa kama at hinawakan ang balikat niya.
"Chelsea hindi naman sa ayaw ko na tanggapin 'yon pero ayoko namang maging pabigat pa sa mga magulang mo... saka babalik din naman ako." Pangungumbinsi ko sa kanya habang nakangiti gusto ko mang umiyak ay pinigilan ko para hindi rin siya malungkot.
"Sige bahala ka na nga!" Bumusangot muna siya bago ngumiti.
"Tara na sa baba... nagugutom na talaga ‘ko." Tumayo na rin ako at sumunod.
~~~
Kinabukasan ay maaga akong nakapagbihis dahil ngayon ang luwas ko sa Maynila.
"Shanny mag-iingat ka do'n huh? Mamimiss kita ng sobra." Paalala ni Chelsea at niyakap ako.
"Shanny tanggapin mo na itong tulong namin para sa panggastos mo." Tatanggihan ko na sana ang mama ni Chelsea ngunit inilagay na sa kamay ko ang puting envelop.
"S-Salamat po talaga... maraming maraming salamat po sa lahat!" Hindi ko mapigilang umiyak, niyakap na ako ng mga magulang ni Chelsea. Ito na siguro ang huling pagkikita naming dahil hindi ko pa alam kung agad akong makakabisita sa kanila. Matapos kong magpaalam ay sumakay na ako sa tricycle papunta sa istasyon ng bus.
Pagkababa ay dumeretso na ako sa bus at sumakay. Isinandal ko ang ulo ko para makapagpahinga sandali. Halos apat na oras yata ang inabot bago makarating sa Maynila dahil na rin malayo-layo ang probinsya namin.
Pagbaba ko ng bus ay naglakad na ako para humanap muna ng matutuluyan, dahil mahirap na kapag inabot ako ng gabi. Ang sabi rin kasi nila Chelsea ay iwasan kong abutin ng gabi sa kalsada dahil baka may mga adik na nakatambay lang.
Nang may mamataan ako na parang nagpapaupa ng bahay sa kabilang kalsada ay napagpasyahan kong tumawid na. Sa muling paglingon ko ay may nakita akong bola na gumulong sa gitna ng kalsada, hinanap ko kung saan nanggaling iyon. Naplingon-lingon ako at natanaw ko hindi kalayuan ang isang paparating na sasakyan. Sa ikalawang paglingon-lingon ko ay nanlaki ang aking mga mata nang may nakita akong bata na dire-diresto lang naglakad. Nabitawan ko ang malaki kong bag at dali-daling tinakbo ang bata dahil malapit na ang paparating na kotse.
Nang makalapit ako ay niyakap ko na lang ang bata at nagpagulong-gulong kami sa gilid, mabuti at mabilis akong tumakbo para maabutan siya. Pananakit ng katawan ang aking naramdaman nang dahan-dahan akong tumayo. Inalalayan ko ring tumayo ang bata.
"Ayos ka lang ba?" Mabilis kong nilibot ng tingin ang katawan niya, wala naman siyang tinamo na mga sugat dahil na rin sa pagkakayakap ko sa kaniya.
"S-Salamat po a-ate. Hala dumudugo po ang siko niyo!" Nanlalaki ang mata niyang nakaturo sa siko ko. Napatingin ako sa siko ko na may mga gasgas at sugat nga akong natamo, pero ayos lang dahil nailigtas ko naman siya.
"Oh my God! S-Sorry! I'm really sorry! Hija are you okay?" Napalingon ako sa may ari ng sasakyan na papalapit na sa puwesto namin, hindi ko napansin na tumigil ito dahil akala ko ay nagtuloy-tuloy lang ito sa pag-alis at iniwanan kami.
"Ayos lang po kami. Pasensya na po dahil may pupulutin daw po kasi itong bata kaya hindi niya napansin ang sasakyan niyo,” nakangiting palusot ko dahil wala naman sinabi sa akin ang bata, nakita ko lang din ang patuloy nitong paglakad sa gitna ng daan kaya dali-dali ko itong iniligtas. Mukhang hindi gumana ang palusot ko dahil bakas pa rin ang pag-aalala niya. Kung tutuusin ay wala naman siyang kasalanan dahil aksidente ang nangyari.
"Hija, 'yong siko at kamay mo may mga sugat, halika dadalhin kita sa hospital." Nilingon ko muna ang bata dahil baka may iniinda pa siyang iba sa katawan. Laking gulat ko nang wala na pala ito sa tabi ko! Grabe talaga ‘yon ah, iniwan nalang ako? ‘Ako na nga tumulong, naiwan pa.’
"A-Ay huwag na po! A-Ayos lang po ako baka nagmamadali na rin po kayo," sabi ko habang itinuro ko pa ang sasakyan niya.
Napatitig ako sa kaniya napakaganda nito, nagsusumigaw ang eleganteng pananamit niya mga nasa late 30's na siguro pero ang ganda pa rin niya masasabi kong marangya ang buhay na mayroon sila.
"No, I insist hija-" Hindi na niya naituloy dahil patuloy ako sa pagtanggi.
"Hindi na po talaga... okay na po ako malayo po sa bituka ‘to," palusot ko dahil ayoko namang maka-abala pa.
"Okay ganito nalang ihahatid na lang kita para makasiguro na rin ako na ligtas ka. Saan ka ba nakatira hija?" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at sa titig niya ay bigla kong naalala 'yong bag ko! Oo nga pala ang bag ko!
"Ang totoo po niyan ay kaluluwas ko lang po kanina galing probinsya para maghanap po ng trabaho." Tumango siya at ngumiti, ang ganda talaga niya.
"Anong trabaho ba ang hanap mo hija?" tanong niya ulit. Para sa akin naman ay kahit ano na dahil ayoko na rin namang mamili saka hindi pa rin naman ako graduate kaya mahihirapan rin ako kapag naging mapili pa ako.
"K-Kahit ano po, ang mahalaga po ay maka-ipon ako para makapag-aral po ako." Napatango siya at parang nag-isip sandali.
"Ganito na lang hija, pwede kitang kunin para magtrabaho sa amin." Nagulat ako pero natuwa rin dahil may instant trabaho na ko.
"T-Talaga po? Salamat po! Kahit katulong nalang po marunong naman po ako sa mga gawaing bahay,” masayang paliwanag ko. Gusto ko siyang yakapin pero nakakahiya naman 'yon.
"Okay from now on... magtratrabaho kana sa bahay. Ano nga pala ang name mo hija?" tanong niya sakin.
"Shanny po... Shanny Melzano po."
At ngayon nang dahil sa isang aksidente ay may trabaho na ako.
'Isang maid by accident.'
Pero hindi ko inasahan na sa biglaang pagkakaroon ko ng trabaho ay siya rin pa lang magbabago sa nakasanayan kong mundo.

Book Comment (205)

  • avatar
    Paulin Elcano

    the flow of the story is good. in every scene, you can't say that it is cliche because it's not. the story is very unique and, I know for sure, in the next chapters it will be more surprising. xoxo.

    15/02/2022

      5
  • avatar
    BactolMary genina bactol

    the story is good and unique, i like it...

    12d

      0
  • avatar
    ManarangjrSherwin

    It great

    16d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters