logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

S A L V A T I O N // 06 CAUGHT

Almira's POV
Bawat paghakbang ko sa baitang ng hagdan nina Aldrin ay tila hinahataw ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito. Bakit naman ako kinakabahan? Ang tanong ko sa aking sarili, may mangyayari bang hindi maganda ngayon? Ano naman kaya?
Maingay ang bawat yapak ko sa sahig nila dahil sa takong ng aking black shoes pero hindi ko na alintana kung sakali mang may mabulabog sa ingay nito. Ang mahalaga'y makausap at mayakap ko ngayon yung taong alam kung makapagpapakalma sa akin—si Aldrin...
Nang matunton ko na ang pinto ng silid niya ay kumatok muna ako, ngunit walang sumasagot kaya naisipan kong pumasok na sa loob.
"Aldrin?" wala pa ring sumasagot.
Hanggang sa nakarinig ako ng mahihinang hagikgikan. Sinundan ko ang hagikgikan na naririnig ko at napunta ako sa veranda ng silid ni Aldrin.
Nakatalikod siya sa akin at nakakandong sa mga hita niya si—Jess??
Nahinto ako sa pagkakabigla hanggang sa bumalik ako sa ulirat at nasalubong ko ang gulat na mga mata ni Jessica.
"A-aldrin, si Almira." Mahinang aniya sa nobyo ko. Pero tila busy ito sa ginagawa—ginagawang paghalik sa leeg ng babaeng hitad!
"Bayaan mo muna siya, tayo ang magkasama ngayon...hmm..." Anito at pilit na hinahalikan ang labi ni Jessica pero umiwas ang huli.
"Si Almira nasa likod mo." Parang naging hudyat ko na rin yun para lumapit sa kanila. Reflexes ko na rin ang nanguna sa akin para iangat ang bag ko at inihampas sa ulo ng malanding hudyo!
Hindi pa ako nakontento at sinabunutan si Aldrin pero nang makita ko ang hitad na babae niya ay ito naman ang pinag-initan ko. Talagang sinabunutan ko siya at kinaladkad papasok sa kuwarto ni Aldrin para mahila ko siya pababa ng bahay nila. Sa sobrang panggigigil ko ay walang nakapigil sa akin maski ang malanding hudyo.
Nakababa na kami sa hagdan nina Aldrin pero hatak ko pa rin ang buhok ni Jess.
"Almira, I'm sorry! I'm sorry!" Hindi ko man nakikita ang mukha niya ay alam kong umiiyak na siya.
"Sorry?! Do you really think that I'll accept that?! Malandi ka!" At mas lalo ko pang pinanggigilan ang buhok niya.
"Almira, stop it!" Pilit na tinatanggal ni Aldrin ang mga kamay ko sa pagkakasabunot sa buhok ng kabit niya.
Hindi siya nabigo pero agad ko naman siyang inundayan ng sampal.
"Tang'na mong hayop ka! Ga*o ka! Pilit kitang iniintindi! Pero ito...ito pala yung ginagawa mo sa likod ko! Animal ka!"
"Alam ko, mali ako! Ako yung mali! Huwag mo naman ng idamay si Jess!" Gago ka talagang kupal ka!
"Paanong huwag idamay eh dalawa kayong taksil mga hayop! Nakakadiri kayong dalawa!" At dinuro-duro ko pa sila.
"No! Jess has nothing to do with us! Gusto na talaga kitang hiwalayan pero siya yung dahilan kong bakit tayo pa rin! Kasi inaalala ka niya!"
"Eh bakit naglalandian kayo hah?!"
Napailing nalang ako nang walang makuhang sagot.
"Kahit ano pang sabihin o idahilan mo—niyong dalawa...hindi mababago nun na nagtaksil kayo! Pinagtaksilan niyo ako!" Lagi nalang akong talo.
Parang nawala ang pilay ko dahil sa nangyari. Tuloy-tuloy akong lumabas sa impyernong mansiyon na iyon.
"Putangna! Tumigil ka na!" Then I harshly shed off my tears again.
"They aren't worth it! Putek sabi kong tumigil ka na eh!" Napaupo nalang ako sa gilid ng daan, hindi alintana kung nakikita ako ng ibang mga taong dumadaan.
Hindi ko alam kung gaano akong katagal na nasa ganoong puwesto basta ang alam ko lang ay maggagabi na. Kasabay naman ng pagdilim ng kapaligiran dahil pagabi na ay ang pagkulimlim din ng kalangitan nagbabadya ng pag-ulan.
Gusto ko ng tumayo at umalis pero wala akong pupuntahan. Wala akong cellphone para tawagan ang mga kaibigan ko at samahan ako. Wala akong mommy na masasandalan at pagsasabihan kung gaano akong nasasaktan ngayon.
Aldrin is my first of firsts. My first love, first kiss, first date, first to be with when I burst out, first to hug when I'm sad, he's my comfort and now...my first heartbreak. Tang'na! Sabi kasi eh, aral muna bago landi!
Bumuhos na ang malakas na ulan pero heto pa rin ako at nakaupo sa gilid ng daan. Tumingala ako at nasaksihan ko ang napakadilim na mga ulap.
"Bakit ako na naman?! Wala ka na bang ibang maparusahan?! Ako nalang lagi!" Pagsisigaw ko na akala mo talaga ay may kausap ako.
Kumidlat bigla kaya natakot akong magbabad pa sa ulan. Pumara ako ng dumaang taxi, naawa ata sa akin ang driver kaya pinasakay na ako. Pagtapat ng taxi sa bahay ay bumukas ang gate, naroon ang katulong namin na may dalang payong. Sinabi ko na bayaran at bigyan ng tip ang taxi driver bago ako tumuloy na pumasok sa mansiyon namin.
"At saan ka na naman naglakwatsa?! Ang lakas na nga ng ulan nakuha mo pang gumala!" Bungad sa akin ni Daddy. Hindi nalang ako sumagot.
"Hon, pagpahingahin mo muna si Almira. Almira, umakyat ka na sa kuwarto mo at magbihis ka baka magkasakit ka niyan." Epal talaga 'tong Ellaine na'to eh. Pabida lagi! Kahit hindi mo sabihin aakyat talaga ako sa kuwarto ko!
"From this night hanggang tatlong buwan, you are grounded!" Dinig kong huling sabi ni daddy.
Tuloy-tuloy lang akong pumasok sa kuwarto ko at naligo. Matapos maligo ay kinuha ko ang pinaka daring kong damit at iyon ang sinuot. Grounded my ass! Walang makakapigil sa sawing nilalang na katulad ko.
This is the perfect time to get wasted!
To be continued...

Book Comment (22)

  • avatar
    Rose Ann Lopera

    ganda

    28d

      0
  • avatar
    Mariel Dimaano Alquiza

    nice

    19/07

      0
  • avatar
    Xiamon

    itss good

    13/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters