logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

S A L V A T I O N // 03 SOON-TO-BE-STEPMOTHER

Padabog na bumukas ang pintuan ng mansiyon at kasunod 'non ang mabibigat na yapak.
Lumabas si Ellaine sa mula sa kusina para tingnan kung sino ang dumating. Tipid siyang napangiti nang makita si Almira—ang anak ng lalaking pinakamamahal niya.
"Almira? Napaaga ata ang uwi mo?"
"Why do you care?" Ismid naman na sagot ng dalaga. Napayuko nalang si Elaine dahil sa pagkapahiya sa sarili.
Aakyat na sana papunta sa kaniyang silid si Almira pero napatigil siya ng tawagin siya ng "soon-to-be-STEPMOTHER" niya, ugh! How she hates the idea.
"What?!" Pasigaw niyang tanong.
"Malapit ng maluto 'yong lunch natin, aayusin ko lang ang hapag. Parating na rin ang daddy mo." At pumasok na ito muli sa kusina.
Mabilis siyang umakyat papunta sa silid niya para magpalit at agad ding bumaba para pumunta sa kusina. Wala na siyang planong pumasok, mas gugustuhin nalang niyang pag-tiisang makasama sa mansiyon nila ang babae ng daddy niya kaysa ipahiya uli ang sarili niya sa mga ka-schoolmate niya.
Pagpasok naman niya ng kusina ay naabutan niyang abala ang babae ng daddy niya sa paghahain.
"Maupo ka na, sandali nalang ito at tsaka tumawag ang daddy mo, pauwi na daw siya." Ang feeling close naman nito, ani Almira sa isip niya.
"If you're trying your best para mauto ako na sumang-ayon sa relasyon niyo ng daddy ko, puwes uunahan na kita, kahit anong gawin mo hindi kita tatanggapin at matatanggap. Nag-iisa lang ang mommy ko at hinding-hindi siya mapapalitan." Salita lamang iyon ngunit napakasakit para kay Ellaine. She badly want Almira to support her with her relationship with Romualdo kaya kahit gaano pa karami at kasakit ang salitang sabihin at sasabihin sa kaniya ni Almira ay babalewalain nalang niya.
"Diba paborito mo itong adobong karne ng manok?" Aniya at sasandukan na sana si Almira pero agad nitong pinigilan ang kamay niya.
"Kaya ko na. Yes, this is my favorite. Namana ko kay mommy." Ani pa nito na halata namang sadya para mainis o saktan si Ellaine.
"Ganoon ba? Ano pa bang paborito niyo ng mommy mo?"
"Will you please stop that?!" Napatayo pa ang dalaga at nagulat naman siya, hindi alam kung ano ang susunod na sasabihin at gagawin.
"Stop acting like you really want to do what my mom and me love to do! Sa tingin mo ba kapag ginawa mo yun tatanggapin na kita?! Asa ka! Manigas ka! Just quit it! Wala ng ibang babaeng pakakasalan ang daddy ko, ever!"
"Almira!" Kararating lang ni Romualdo ngunit ito agad ang bumungad sa kaniya.
"D-dad..." Almira run out of words. Nahuli siya ng daddy niya na sinisigawan ang babae nito, tiyak na mapagagalitan siya.
"Bakit ganyan mo tratuhin si Ellaine?" Kalmado pa nitong tanong.
"What? Are you expecting me..." itinuro pa niya ang sarili, "na magiging maayos ang pagtrato ko sa kaniya? Sa kaniya na gusto mong ipalit sa mommy ko?!"
"Your voice! Kung pagtaasan mo ako ng boses parang may ipagmamalaki ka na ah! She's going to be your mom wether you like it or not!"
"Wala kang magagawa kung ayoko!"
"Pero sana naman kahit ayaw mo siyang maging mommy mo, ayusin mo yung pakikisama mo sa kaniya! Hindi yung parang katulong mo lang siya dito sa bahay. She's making it up to you... she's reaching you out so that--"
"So that mapalitan niya yung mommy ko? Ganoon ba dad?!" Mabilis na humakbang ang daddy niya palapit sa kaniya. Umatras man ay hindi niya nagawa kaya ang ending ay nasampal siya ng daddy niya. Napabaling sa kaliwa ang mukha niya dahil sa lakas ng sampal.
"All I want you to do is to treat her fair!"
"Y-you slap me?!" Hindi na niya alintana ang sinasabi ng daddy niya, pakiramdam niya ay nabingi na siya sa lakas ng sampal na natamo niya.
Parang nagising naman ang daddy niya sa nagawa...nasampal niya ang nag-iisa niyang anak...nagpadala siya sa emosyon niya...ngunit kahit gustuhin man niyang bawiin iyon ay wala na siyang magagawa, walang magbabago at higit sa lahat baka isipin ng anak niya na malambot pa rin siya para rito.
"You slap me for that bitch?!" Ang konsensiyang nadarama niya para sa anak ay tila naglahong bigla.
"She is not a bitch." Mariin niyang sabi, "and if you're waiting for me to say sorry sa pagsampal ko sa'yo...huwag ka ng maghintay pa kasi hindi ko gagawin iyon! Tama lang iyon para magising ka diyan sa mga pinaggagawa at pinagsasabi mo!"
"Alam mo? Sana ikaw nalang 'yong nawala eh! Mas masaya pa siguro ang buhay ko ngayon!" Nag-walkout siya sa harap ng daddy niya at napadapo naman ang paningin niya sa babae ng daddy niya.
"Masaya ka na ba? Nasira mo na yung buhay ko!" At nagpatuloy na siya sa pagpanhik sa silid niya.
"Hon, are you okay?" Nag-aalala namang dulog ni Ellaine sa mapapangasawa.
"No...masakit Ellaine, sobrang sakit marinig mula sa nag-iisa kong anak na..." Bading mang pakinggan at panuorin pero napaiyak siya, "mas gusto niyang mawala ako..."
"Sshhhh hon, everything will be alright soon, okay. I love you. I won't going to leave you. Matatanggap din tayo ni Almira." At niyakap niya ng mahigpit ang mapapangasawa.
***    ***    ***   ***
A/N: For some people, mahirap talaga ang tumanggap ng isang tao at hindi talaga basta basta iyon, mahirap and at the same time masakit kasi feeling mo may something na mapapalitan sa'yo kapag tinanggap mo iyong taong iyon...but there are also people na kayang tumanggap kasi para sa kanila it is another chance to be with someone na puwedeng dumagdag sa mga taong nagmamahal sa'yo.

Book Comment (22)

  • avatar
    Rose Ann Lopera

    ganda

    28d

      0
  • avatar
    Mariel Dimaano Alquiza

    nice

    19/07

      0
  • avatar
    Xiamon

    itss good

    13/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters