logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Mula sa rest house ay nag simula na kami mag lakad. Medyo malayo yung dagat kaya kailangan pa namin mag lakad ng limang minuto bago makarating doon. 
"Sigurado ka na hindi ka pa pagod?" tanong ni Derrick.
Nakatingin sya sa nilalakaran namin at bahagyang nauuna dahil medyo makipot yung daan pababa. 
Ang konting sinag ng araw at anino ng mga dahon ay madramang tumatama sa kaniya. He looks like an art. Maamo ang mukha niya. Hindi nalalayo sa ugali niya. Mabait at down to earth. Sya yung taong animo'y hindi marunong mag tanim ng sama ng loob, para bang ka'y gaan nya kasama dahil mahahawa ka sa mood niya. 
Ang Lola at Nanay niya lang ang kasama niya. Wala siyang kapatid. Sa murang edad ay nagawa na niyang mamasukan bilang kargador sa palengke para makatulong sa pang araw-araw na gastusin nila at para nadin makatulong sa Nanay nya na tindera din doon. Nakapag tapos siya ng pag-aaral dala ng sipag at tyaga niya kaya bilib ako sa determinasyon nya sa buhay. Nakaka-inspired kung tutuusin.  
"Yup, nakatulog naman ako sa byahe kanina at isa pa, looking forward ako sa bakasyon na 'to kaya dapat wala akong palampasing oras." 
Tinutok ko sa daan ang digi-cam pero dahil nauuna siyang mag lakad sa akin ay kita ang kaniyang malapad na likod sa camera.
Lumingon siya sa akin. Bahagya pa syang nagulat ng makitang naka tutok sa kaniya ang digi-cam, pero ng makabawi ay ngumiti siya dito.
"Hindi mo naman sinabi na kukuhaan mo ko ng video." pabiro nyang sabi at nilagay ang dalawang kamay sa likod.
Namula ako sa sinabi niya. "H-hindi ah! Nag kataon lang na nauuna ka," 
Nag pakawala siya ng malakas na tawa at huminto sa pag lalakad. Taka akong tumingin sa kaniya. 
"Mauna kana.." aniya at inilahad ang daan bahagya pading natatawa.
Ngumuso ako at nilagpasan siya. Hindi ko naman intensyon na makuhaan siya, sadyang nauuna lang sya sa akin at natatakpan niya yung daanan.
Naging tahimik lang kami habang nag lalakad. Ang prisensya nya sa likod ko ang nag papakaba sa akin ngayon. Feeling ko dadausdos ako pababa dahil sa kaba!
Pero nang makababa kami at sumalubong sa amim ang asul na asul na dagat ay para bang malalaglag ang panga ko sa pag kamangha. 
"Wow!" 
Sumabog ang buhok ko sa lakas ng hangin. Nanuot sa balat ko ang lamig pero wala na akong pakealam. Tinakbo ko ang distansya at hinanda ang digi-cam para kunan ng video ang mapayapang alon.
Sobrang linaw ng tubig! Kung hindi lang malamig ang panahon ay baka naligo na ako. 
Para akong nasa paraiso! 
Tinaas ko ang digi-cam at tyaka ko kinuhaan ang buong paligid. Umikot ako para makuhanan din ang mga puno at bundok. Sa malayo ay natanaw ko ang ibang pababa na din sa pinong buhangin. Nag uunahan sina Daniel at Stanley, sa likod nila ay si Owen, Henry, Jackson, Matthew at Joshua. Sumunod nadin sina William at Adam na tumangging sasama kanina. 
"Ang ganda dito!" rinig kong hiyaw ni Daniel. "Tara ligo tayo!"
"Ang lamig-lamig, Daniel!" saway ni Stanley. "Mag tigil ka nga!"
Lumapit ako sa kanila habang kinukuhanan ko ang manghang reaksyon nila. Lahat sila nakatanaw sa dagat, nakangiti kaya paniguradong maganda din ang nakunan ko sa kanila. 
"Pwede tayo mag bon fire dito." suhesyon ni Matthew habang nakatanaw padin sa malayong dagat.
"Oo, tapos mag ihaw tayo ng marsmallow!" dagdag ni Henry.
Tahimik lang ang iba habang nakatanaw sa dagat. Nang maramdaman ko ang pag lagay ng jacket sa balikat ko ay bahagya akong nagulat. 
Napatingin ako sa kung sino 'yon. Nakita ko si Jackson na syang naka gray tshirt nalang.
Napatingala ako hawak ang jacket nya sa balikat ko. 
"Baka sipunin ka," aniya ng hindi na nakatingin sa akin. Nakapamulsa syang tumindig sa gilid ko at seryoso ang tanaw sa malayong dagat. 
"Hoy ano yan?!" nagulat kaming dalawa sa biglaang bwelta ni Matthew sa amin "Pino-pormahan mo si Jin?"
Napatingin silang lahat sa amin ni Jackson kaya sabay kaming umiling. Deffensive sa pabirong paratang ni Matthew sa amin.
"Malamig kasi at baka sipunin!" dipensa ni Jackson.
"Nag seselos ang Matt!" pang-aasar ni Stanley at sinabayan ng hiyaw nina Henry at Daniel.
"Papatayin ka ni Jake pag nalaman yan, bro." gatong ni Joshua na syang nag palala.
Kaya imbis na si Jackson ang putaktehin ng asar ay nalipat iyon kay Matthew.
Kinuha ko ang pag kakataong ito para ipag patuloy ang pag kuha ng video. 
"Pasensya kana sa kanila.."  tumingin ako kay Jackson na ngayon ay nakatingin na sa akin. 
I chuckled "Okay lang, hindi naman bago sakin to,"
Ilang sandali pa kami nanalagi doon, kwentuhan at asaran bago kami nag pasyang umakyat para sa tanghalian. Si Matthew at Derrick ang nag presintang mag luluto.
"You know how to cook?" takhang tanong ko.
Takha din silang bumaling ng tingin sa akin na para bang isang palaisipan ang sinabi ko. 
Ang alam ko lang na marunong mag luto sa kanila ay si Joshua dahil minsan na ako nakatikim ng luto niya, pero ang malaman na may marunong pa mag luto sa kanila ay nakakagulat.
"Hah! Baka pag natikman mo luto ko, mainlove ka!" mayabang na wika ni Derrick na automatic na inalmahan ng lahat.
"Kapal ng mukha mo! Di hamak naman na mas magaling ako!" si Matthew at nag simula na ulit silang mag asaran na parang bata.
Napangiti ako sa bagong nalaman.
Pag ka-akyat namin ay bumalik na ang iba sa kwarto, ang iba naman ay nag libot, habang ako ay sumunod sa dalawa para tignan kung ano ang lulutuin nila.
"Pwede akong tumulong?" tanong ko.
Nag presinta parin ako kahit alam ko sa sarili kong wala naman akong maitutulong sa kanila.
Nag simula na silang mag halughog sa cabinet at ref ng sabay silang bumaling ng tingin sa akin. 
"Wag na, dyan ka nalang kami na dito." ani Matthew.
Sa amin kasi ay si Jeonghan ang madalas mag luto, minsan ay nag papadeliver kami pag tinamad siya.
Kare-kare at Sinampalukang Manok ang menu para sa araw na ito. Sinampalukang Manok ang kay Matthew at kay Derrick naman ang Kare-kare. 
"Allergic si Vernon sa peanuts ah." si Matthew. Nakadungaw sa mga rekados na hinanda ni Derrick.
"Kaya ka nga mag luluto ng Sinampalukang Manok."
Nilabas ko ulit ang digi-cam at inilapag iyon sa mahabang lamesa. Inayos ko para makunan silang dalawa at hinayaan ko iyon na naka record. 
Seryoso silang humihiwa ng rekados habang ako ay nakapangalumbaba habang pinapanood sila sa ginagawa nila. 
Pinatikim ni Matthew ang ginawa nyang sabaw at ganon din si Derrick, tinitignan kung tama lang sa panlasa nila pareho. 
Hindi ko mapigilan hindi matuwa sa samahang nabuo nila. Samahan na hindi mo basta-basta makikita sa iba. Para bang walang kahit anong hadlang ang kayang gumiba sa kanila. 
I'm so grateful that I met someone like them.
Ilang sandali pa akong nakatunganga sa kanila pinapanood hanggang sa matapos sila mag luto. Nang matapos ay pareho sila kumuha ng mangkok at nag salin ng sabaw bago nilapag sa harap ko.
"Dahil nandito kana rin lang naman, tikman mo to kung okay lang.." ani Matthew habang pinupunasan ang kutsara ng tissue at tyaka inabot sa akin.
Tinanggap ko naman iyon at tinikman ang Sinampalukang Manok niya. 
Nanlaki ang mata ko dahil ang sarap! Ngayon lang ako nakatikim nito!
"Masarap?" tanong niya.
"Oo, masarap!"
"Ito namang gawa ko, Jin." nakangiting wika ni Derrick at bahagyang nilapit pa ang mangkok sa akin
Napatingin ako sa kaniya at sa mangkok.
Kumuha ako ng konting sarsa at tyaka iyon tinikman.
Nang matikman ko maigi ay natigilan ako. Kahit  na agad ako nakabawi ay hindi iyon nakatakas sa paningin ng dalawa. 
"Hindi ba masarap?" Alalang tanong ni Derrick at tyaka binawi ang mangkok at sya naman yung tumikim.
"Patikim nga," agaw ni Matthew. "Okay naman ah.."
Nag angat ako ng tingin. Bakas sa mukha ni Derrick ang pag-aalala at pag tataka.
Umiling nalang ako at napangiti.
"Well, It taste like my mom's Kare-kare." nilapit ko ulit yung mangkok sa akin at tyka tinikman ulit yung luto niya.
Tinitignan lang nila ako na para bang isa akong kaawa-awang nilalang. Nagulat lang din ako ng malasahan ko sa luto nya ang pamilyar na lasa. It taste so good. It taste like home. 
"Stop looking at me like that!" tumawa ako para mag light ang mood "Mom is the best cook in town, so take that as a compliment, Derrick."
Ngumiti ulit ako para masigurado silang okay lang ako. 

Book Comment (64)

  • avatar
    Ma Sarah Mabini Ebit

    nakaka excite na habang tumatagal sa pagbabasa 😊

    11/08

      0
  • avatar
    Amero Mauna

    ok 👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍👍

    13/07

      0
  • avatar
    Xavier Zantua

    super ganda nang story sana mag ka next chapter na

    01/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters