logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

Chapter 2
GABI NA nang makauwi si Natalie sa kanilang bahay, inenterview sya ng manager kanina, and the owner of the restaurant she applied, ay nire-review ang kanyang requirements.
Then the manager will contact her when she will start working as an assistant manager, kailangan nya munang mag hintay nang ilang araw.
She was about to go up to the second floor when she saw Beatrix coming down, inirapan naman sya ng babae at dire-diretso syang nilagpasan nito.
"Ano kaya ang problema nya?" tanong nya sa sarili at nag lakad pataas at dumako sya sa kanyang kwarto.
Even though she was tired, she was still smiling. Iniisip na sana matanggap sya sa pinasukan nyang trabaho.
Humiga sya saglit sa kanyang kama para maibsan ang sakit ng likod nya, hinilot nya rin ang kanyang ulo dahil medyo sumasakit 'to.
A few minutes ago as she was lying on her bed, she heard a knock on the door, kaya naman bumangon sya at nag tungo sa pintuan para alamin kung sino ang kumatok.
"Manang carol kayo po pala." may pagka gulat ang kanyang tono nang mabuksan nya ang pintuan at si manang carol ang nakita nya.
"Hija, bumaba kana, nag handa na ako ng hapunan sa ibaba. Kumakain na doon si Bea." ani ng matanda, kaya naman tumango sya bilang tugon.
Hindi na sya nag bihis, siguro ay mamaya nalang dahil nakaramdam sya ng gutom, simula kaninang umaga lang ang huling kain nya, nakalimutan nya ring kumain kanina. Kaya naman sinundan nya si manang carol pababa, papunta sa dining area.
Tama nga ang sinabi ni manag carol na kumakain na si Beatrix, as if naman na hintayin pa sya ng babaeng 'yan, kaya naman naupo na sya at nag sumula narin kumain.
Mr and Mrs Legazpi are not here yet, maybe they are still working. Dahil kadalasan ang uwi nila ay late na.
Sumabay narin si manang carol sa pagkain, kaya naman mas lalo syang ginanahan na kumain, lagi kasing galit si Beatrix kung kumain, sino naman ang gaganahan na makasabay sya? Palaging naka busangot ang mukha.
"Hija, kamusta naman ang pag-aapply mo ng trabaho? Naka hanap ka naman ba ng trabaho?" tanong ni manang carol sa kanya, mabilis naman syang tumango.
"Opo, tatawagan nalang daw po ako, kung sakaling pwede na akong makapasok sa trabaho." matapos nyang mag salita ay ngumiti sya, napalingon naman sya sa gawi ni Beatrix na nakataas ang kaliwang kilay.
"Mabuti naman at may trabaho ka, para wala nang mashadong palamunin dito sa bahay." sarkastikong sabi ni Beatrix, pagtapos ay tumayo 'to at iniwan ang pinagkainan sa lamesa, ni hindi man lang dinala sa lababo.
Napailing nalang silang parehas ni manang carol.
"Kahit kailan talaga ang ugali ng batang 'yan." ani ni manang carol sa matigas na tono. Nailing nalang sya, dahil sanay na sanay na sya sa ugali ng nakaba-batang kapatid.
After they eat, tinulungan ng dalaga si manang carol sa pag-liligpit ng kanilang pinag-kainan, pinayagan naman sya ni manang carol.
"Hija ikaw ba ay may nobyo na?" usisa ni manang carol habang nag huhugas ng pinagkainan.
Agad naman syang napalingon at sandaling natawa.
"Wala po, wala nga po akong nagugustuhan sa ngayon." ani nya sa matanda at ngumiti. Tinanggap nya ang bagong hugas na plato na inabot sa kanya ni manang carol at inilagay 'to sa orocan dish organizer.
"Matanong ko lang hija, ano ba ang tipo mo pagdating sa lalaki?" interesadong tanong sa kanya ni manang carol, saglit naman syang natigilan at napaisip.
"Ang tipo ko..." napatingin pa sya sa itaas na tila nag iisip.
"Ang gusto ko sa isang lalaki ay responsable, mabait, matalino, mapagkumbaba, at higit sa lahat may takot sa diyos." ngumiti sya matapos nyang mag salita.
Inabot ulit sa kanya ni manang carol ang malinis na pinggan at nilagay ulit 'to sa orocan dish organizer.
"Paano kung... Paano kung hindi ganyan ang ibinigay sa'yo ng kapalaran?" tanong ni manang carol at patuloy lang 'to sa pag huhugas ng pinggan.
Paano nga kaya?
What if what she wants doesn't happen? what if fate gave her the opposite?
"I don't know... Tatanggapin ko nalang kung ano talaga ang para sakin, tatanggapin ko kung ano sya, wala namang pinipili ang pag-mamahal diba?" ngumiti ulit ang dalaga.
"Iba ka talaga hija." nginitian sya ng matanda, matamis nya namang nginitian pabalik si manang carol at pinag patuloy nila ang kanilang ginagawa, kapagkuwan ay nag uusap sila.
IT WAS LATE AT NIGHT, so Blade went to the base where their plan would be implemented. Nang makarating sya sa base nakita nya naman ang anim na myebro, kaya naman sumabay sya papasok sa base, nang makapasok sila, apat na lalaki ang bumungad.
"Hey mother fuckers." he greeted them.
Nangisi naman ang ibang myembro, nakita nya rin ang iba na nag sindi ng sigarilyo, kaya naman nakaramdam sya ng inggit at nag sindi rin.
Nakumpleto na ang grupo, kaya naman nag simula na silang mag plano, he also gave his opinion for the Charity Ball to be held, they agreed with his opinion that he will bring a katana in case there is a bloody night that happens.
Mas madaling gamitin ang katana, walang ingay. Kaysa sa baril.
After a few hours of planning, he decided to go home, nag tungo sya kung saan naka park ang sasakyan nya. Pumasoks sya sa loob at nag simula nang mag maneho.
Pero saglit syang huminto sa 7/11 para bumili ng ice cream, medyo nag c-crave kasi sya. Hindi ba porke isang Blade Ryder Suarez, hindi na pwedeng kumain ng ice cream.
Blade's favorite is ice cream. Chocolate flavor.
After he bought ice cream, he decided to go home.
Nang maka uwi sya sa kanyang pamamahay, nag tungo sya sa kanyang mini bar, nag bukas sya ng isang boteng whiskey at binuksan nya rin ang binili nyang chocolate ice cream.
He took a shot glass and a glass bowl, he took ice cream and he put it in the glass bowl, nilagyan nya naman ng whiskey ang kinuha nyang shot glass.
Payapa syang kumakain ng ice cream at sumisimsim ng whiskey sa kanyang shot glass, when suddenly his cellphone rang. Saglit syang nag taka dahil unknown number ang nakalagay, pero sinagot nya parin 'to.
"Who's this?" tanong nya sa kabilang linya at sumimsim ng alak.
"Hey honey, I'm Charlotte, yung girl na nasa bar last, last week? Hindi mo na agad ako nakilala?" nakakadiring ani ng nasa kabilang linya na may pang-aakit sa tono nito.
The fuck?
"Hey honey, let's meet again? dalhin mo ulit ako sa langit." kumunot ang noo nya saglit, the he suddenly grinned.
"Yeah, I like your idea." walang emosyong ani nya.
"Okay honey, meet me tomorrow night, 8:30 pm- ahh!" narinig nya ang isang ungol sa kabilang linya.
'Fucking Whore.'
"I wanna fuck you tomorrow night, until you die." then he ended the call.
"Selling herself just for money, what the fucking hell." he said and strangely grinned, kinuha nya ang ice cream at nilantakan 'to, tinungga nya rin ang laman ng shot glass at sinalinan ulit 'to ng panibago.
He drank alone in his mini bar for an hour, so when he felt drunk, he went straight to his room. Mabuti nalang at malapit lang ang kusina sa kanyang kwarto.
MAAGANG NAGISING si Natalie, balak nyang mag ehersisyo sa park malapit sa lugar nila, kaya naman nang magising sya, nag suot sya ng leggings, she also wearing a sport bra and she put a jacket on it because it was a bit cold outside.
Nang makapag ready, lumabas sya ng kanyang kwarto at bumaba, it's already 6:00 am kaya naman tiyak nyang tulog pa ang step parents nya pati narin si Beatrix.
Pero pag baba nya sa unang palapag, narinig nyang parang may nag uusap. Sinilip nya naman kung sino 'yon, nakita nya si Beatrix na may kausap sa cellphone at napansin nya rin ang malungkot na mukha nito.
Kaya naman nakinig muna sya, naka loud speaker kaya naman dinig na dinig nya ang nag sasalita sa kabilang linya. Hindi naman masamang makinig sa usapan ng may usapan, lalo na ay concern lang naman sya sa kanyang kapatid at baka may problema 'to.
"Please? Martin? Ayusin natin 'to." malungkot na boses ni Beatrix, na ngayon ay umiiyak na.
"Stop! I don't love you anymore, bakit ba hindi mo 'yan itatak sa kokote mo!?" galit na sabi ng nasa kabilang linya, dinig na dinig nya 'yon, kaya naman kumuyom ang kamao ni Natalie.
"But I love you, I love you more than myself Martin, bakit ba hindi mo makita 'yon?" ani ni Beatrix, pumiyok pa ang boses nito sa huling sinabi nya.
"Beatrix, hindi kita gusto at lalong-lalo hindi kita mahal, ginamit lang naman kita para mag kabalikan kami ni Khate." mas lalong kumuyom ang kamao ni Natalie ng marinig ang sagot ng kausap ng kapatid.
"Martin please... Don't leave me, I can't live without you.." mas lalong humagulgol si Beatrix, kaya naman nasaktan ang dalaga dahil ngayon nya lang nakitang umiyak ng sobra ang kapatid.
"Go ahead and die, because I will never come back to you." pagalit na ani ng nasa kabilang linya.
She waited for a few seconds, but the call died. All she heard was Beatrix crying. Malakas ang pag iyak ng kapatid, kaya naman nakaramdam sya ng awa para dito.
"Hindi nya deserved ang lalaking 'yon." bulong nya sa sarili at pinagmasdan ang kanyang kapatid na umiiyak.
Nang marinig ang hagulgol ng kanyang kapatid, hindi na sya nag dalawang isip na lapitan 'to at aluin.
"Bea? What happened?" tanong nya kahit alam naman nya kung bakit 'to umiiyak. She was crying just because of the man.
"Kanina kapa nandyan!?" pasigaw at galit na ani ni Beatrix at pilit tinatago ang kanyang pag-iyak, kahit kapansin pansin naman 'to.
"No, kararating kolang, tapos narinig kong umiiyak ka, anong problema?" malambing na pag-kakasabi nya para naman sa ganon ay mag bago ang trato sa kanya ng kapatid.
But Beatrix suddenly slapped her. Napahawak sya sa kanyang pisngi na sinampal ng kanyang kapatid, mabilis nyang tiningnan ang ekspresyon ng mukha ni Beatrix, parang wala lang 'to sa kanya.
"Gusto ko lang naman malaman kung anong problema mo, grabe ka Beatrix, nag mamalasakit lang naman ako sayo, don't you feel that I always care for you? Na kahit ganyan ang ugali mo?" ani nya sa mababang boses, tila natigilan si Beatrix.
"Go away! Leave me alone, hindi mo alam kung anong nararamdaman ko ngayon! Wala kang alam! I hope you die!" sigaw ni Beatrix sa kanya na, bigla nanikip ang dibdib nya sa huli nitong sinabi.
She's not doing anything wrong, bakit palaging galit ang mundo sa kanya?
Hindi nya nalang pinansin ang kapatid at diretso syang lumabas sa kanilang pamamahay, na may bahid na luha sa kanyang mga mata, hindi nya mapigilang hindi umiyak.
She wanted to help, gusto nya lang naman pagaanin ang pakiramdam ng kanyang kapatid, pero bakit mas lalong nagalit 'to. Ang alam nya lang ay wala syang ginawang masama sa kapatid.
Pumunta sya sa park para mag jogging, mukhang nawalan pa sya ng gana dahil sa nangyari kanina, pero isinantabi nya nalang 'yon.
Maybe Beatrix is ​​mad with her because she was adopted. Hindi naman masamang maging ampon diba? Sadyang hindi lang siguro sya gusto ni Beatrix, bilang isang kapatid.
Nang maramdaman nya ang pag sikat ng araw, nag pasya na syang umuwi sa kanila, but when she crossed the road, she was almost hit by a car. Imbis na ang driver ang humingi ng tawad, dali-dali syang yumuko para humingi ng tawad.
"S-sorry sir." ani nya at patuloy parin sa pag yuko. 'Ni hindi man lang nya tiningala kung sino ang sakay ng sasakyan.
"It's okay miss, you don't have to be sorry, I should be the one to apologize because my car almost hit you." kalmadong ani nito. Pamilyar.
Naka yuko parin sya. Narinig nya namang umalis na ang sasakyan nito. Kaya naman tiningala nya ang kanyang ulo para sundan ng tingin ang sasakyan na umalis na.
"Parang narinig ko na ang boses na iyon, but it's been a years, kaboses nya lang siguro." pakausap nya sa sarili at diretso syang nag lakad pauwi.
.

Book Comment (194)

  • avatar
    Meriam Lachano Bernardo

    truly good story

    18d

      0
  • avatar
    Marilyn Natad Inayi

    its so amazing storytelling nice good job

    18d

      0
  • avatar
    Oturan Saxor

    you have

    22d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters