logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5

Biglang nablangko ang utak ko. Hindi ko alam kung magagalit sa babae dahil sa ginawa nitong pagtulak sa anak ko o lalayo na lang para umiwas dahil hanggang ngayon puno pa rin ng guilt ang puso ko dahil sa nagawa ko noon dito. Kasalanang nagbunga at kailanman ay hindi ko matatakasan pero hangga't kaya kong itago ay gagawin ko.
“The one and only. Ang tagal mong nawala dahil ba sa kanila?” mapanuyang tanong nito habang tinitingnan ang mga anak ko. “Nabuntis ka? Tapos hindi pinanagutan? Tama ba ako? Kaya bigla kang naglaho. Hindi ko alam na may kalandian ka din palang taglay, akala ko pa naman santo ka. Mali pala ako.”
Tiningnan niya ako nang may panghuhusga. Nagawa kong salubungin ang kanyang mga mata. Oo, nabuntis ako pero sino siya para husgahan ako? Hindi ko sinasadya ang nangyari, kaya nga umiwas at nagtago ako upang hindi ako magdulot ng gulo sa iba, lalo na sa kanya.
Masakit ang bawat salitang binitawan nito pero ayaw ko ng gulo lalo na sa harap ng mga anak ko.
Hindi ako malandi, hindi ko lang sinasadyang magkamali.
“Pasensya na pero sana hindi mo itinulak ’yong bata, hindi naman niya sinasadyang mabangga ka," tugon ko na binabiwala ang mga pasaring niya. Hindi ko siya papatulan dahil alam kong may kasalanan ako sa kanya pero wala pa rin siyang karapatan na pagsalitaan ako ng ganoon. Wala siyang alam sa totoong nangyari at wala na akong balak pang ipaalam sa kanya baka kamuhian pa niya ako lalo.
“Dapat kasi hindi ka pabayang ina. Alam mo ng matao dito sa mall pero hinayaan mong tumakbo ’yang anak mo," paninisi pa nito sa akin. Alam kong may kasalanan ako pero hindi naman na nito kailangang itulak pa ang bata. Masyado naman yata itong marahas.
Nagbago na ito. Hindi na ito ang Michelle na nakilala ko. Masyado ng magaspang ang ugali nito ngayon.
“Hindi ako pabayang ina. Wala kang karapatang pagsabihan ako mg ganyan. Bakit ba gan’yan ka kung makapagsalita? Nawala lang ako ng mahigit anim na taon pero naging malala na yata ang pagiging magaspang ng ugali mo.” Hindi ko na mapigilang sagutin ito.
Kapag anak ko na ang pinag-uusapan wala akong uurungang laban. Hindi naman sinasadyang mabangga siya ni Cupid pero ang dami na niyang sinabi. Can't she just let it go? Para makalaalis at makalayo na rin kami sa kanya.
“Ikaw na rin ang nagsabi mahigit anim na taon kang nawala. Kaya marami nang nagbago pero ang malas ko yata kasi nakita pa ulit kita.” May galit sa tinig nito. Mapait din itong nakangiti sa akin na para bang naasar sa nangyayari ngayon.
Hindi ito masaya na makita akong muli. Habang ako inaasam na sana magkita kaming muli kahit na may takot at kaba sa puso nimko kapag nangyari iyon pero ngayon pinagsisihan ko ng minsan hiniling ko ang bagay na iyon.
“Pasensya kana, h'wag kang mag-alala. Aksidente lang ang pagkikita natin ngayon at kahit ako hindi ko na rin hahangarin mag-krus pa ang landas natin.” Nasasaktan ako sa mga sinasabi ko ngayon pero kung ayaw na niya akong makita pang muli hindi ko na ipipilit pa. Siguro mas mabuti na rin iyon para mabawasan ang guilt na nararamdaman ko.
“Mabuti dahil ng mawala kang parang bula mahigit anim na taon na ang nakakaraan. Kinalimutan ko na rin ang pinagsamahan nating dalawa," anito. Parang tinatarak ng kutsilyo ang puso ko sa mga katagang binibitawan nito. Masakit.
Tila ba balewala rito ang pagkakaibigan nila. Kungsabagay ako naman ang may kasalan kung bakit nasira iyon. Dahil sa kasalanang nagawa ko.
Bumaling ito sa mga anak ko. “Be careful next time, kiddo.”
Nagtago naman sa likuran ko si Cupid na tila natatakot dito.
“Pasensya na. Pero sana huwag mo na lang basta-basta itutulak ang nakakabangga sayo lalo na kung bata.”
Michelle rolled her eyes. “Huwag mo akong turuan ng dapat kung gawin.”
Base sa reaksyon nito nagsasayang lang ako ng oras at laway sa pakikipag-usap dito.
Isa pa madami na ang napapatinging mga sa gawi namin kaya iiwas na lamang ako.
“Mauna na kami,” paalam ko kay Michelle pero pinigilan bigla nitong hinawakan ang braso ko ng akma na akonv tatalikod.
“No. Wala kang karapatang talikuran ako. Ako dapat ang magwo-walk out, hindi kayo. Bye,” saad nito at mabilis nang tumalikod at naglakad palayo sa amin.
“Mommy, she's scary,” saad ni Cupid nang makalayo na ng tuluyan si Michelle.
“Nope, she’s weird,” kontra ni Eros na nakakunot pa ang noo habang tinatanaw ang lugar na tinungo ni Michelle.
“Don’t mind her, guys. She's just angry but she's actually nice,” saad ko sa kambal at binigyan ang mga ito ng matatamis na ngiti.
Siguro nga may hindi kami pagkakaunawaan ni Michelle base sa naging sagutan namin pero ayaw kong mag-isip ang mga anak ng masama laban dito.
“Do you know her, mom?” Cupid asked.
“Yeah. She’s my best friend.”
“But why she’s angry?”
“It's a long story, Cupid. Saka na iku-kwento ni mommy. Saka 'di ba sinabi ko sayo na huwag kang tatakbo?" Pag-iiba ko ng usapan.
“Sorry, Mommy. Sorry for making you worried,” malambing na saad nito at yumakap sa beywang ko.
Napangiti naman ako sa inasal nito.
“Basta next time, don’t run okay?” Tumango naman ito bilang sagot.
“Are you really okay?” bigla namang tanong ni Eros dito habang tinatingnan ang mukha ng kapatid na nakasubsob sa beywang ko.
“Yes, I am a big guy na. Big guy don’t cry na daw sabi ni Ninang Margarita,” sagot ni Cupid dito.
Bahagya kong ginulo ang mga buhok ng kambal.
“Let us buy a gift for Ninang Margarita. Then we will eat to your favorite fastfood na.”
“Okay, mom.”
“Yehey!”

Book Comment (135)

  • avatar
    Theresa Macula Limosionero

    nice story! good job👍

    21/08

      0
  • avatar
    Belle Singson

    ganda 🥰

    20/04

      0
  • avatar
    Velasquez Shena

    super ganda ng kwento sana my book 2 tsaka love story ni cohen at margarita

    07/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters