logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 06: Strange

SHANE'S POINT OF VIEW
Was it my fault kung bakit siya naging malungkot?
"U-um . . . the girl thing . . . joke ko lang iyon, ah? Huwag mo namang seryosohin," wika ko sabay tawa. Oo na. Gagawin ko na lahat para hindi na ako ma-guilty.
Mas lumapit siya sa akin. Ikinakaba ko ito. Akala ko, papagalitan niya ako dahil sa sobrang seryosong mukha niya ngunit hinawakan niya lang ang ibabaw ng ulo ko at ginulo ang aking buhok.
"Itong buhok ko," reklamo ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Nahirapan pa nga akong suklayin ito kanina tapos guguluhin niya lang? Paano ba naman kasi, maraming buhol-buhol. Wala nang maiiwan sa buhok ko niyan kapag nagkataon.
Tinanggal ko ang kamay niyang nakapatong sa ulo ko. Umatras siya ng kaunting hakbang ngunit nananatili pa rin ang tingin niya sa akin.
I sighed at mariing napapikit. "Bakit ka pala narito?" tanong ko, diverting the topic.
"Wala lang. Bawal ba?"
"Hindi. Nagtanong lang. Bawal ba? At saka, bakit mo pala kinuha ang phone number ko mula kay May?"
Ngumisi na naman siya. Magka-wrinkles ka sana sa kakangiti mo! "Wala lang. Bawal ba?" Different questions, same answer. Grabe. Napakahusay.
Pinaikot ko ang aking mga mata dahil sa inis. "Siyempre, it's private," seryosong sabi ko.
"Yeah. Private. For your friends only," dagdag naman niya.
Wala sa sariling umangat na naman ang kilay ko. "Alam mo naman pala. So, why did you get it?"
"Kasi kaibigan mo rin ako."
"Sorry, ah? As far as I can remember, hindi kita kaibigan."
Imbes na mahiya sa sinabi ko, he smiled. Hala! Hindi ba siya nagsasawa sa ngiti niya? Hindi ba siya nangangalay? Ako ang nangangalay sa kaniya.
"Okay. Miss Shane Smith, I'm Mister Andrei Williams. Will you be my friend?" Inilahad niya ang kaniyang kanang kamay sa harapan ko.
Tinaasan ko siya ng kilay for the nth time. Oh, so formal, huh?
Tiningnan ko ulit siya mula ulo hanggang paa. Wala namang sigurong mali kung makikipagkaibigan ako sa kaniya. "Okay, fine, Mister Williams." Iniabot ko ang kamay at nakipag-shake-hands sa kaniya.
"Now, we're friends."
"Fine, Sir."
~*~
"Hi! Let's play." May lumapit sa aking isang batang lalaki. Ang nakapagtataka, malabo ang kaniyang mukha.
"Okay."
Isa lang ang malinaw sa akin - naglalaro kami ng habulan sa isang park . . . pamilyar na park. Pagkatapos naming maglaro, umupo kami sa isang bench habang basang-basa sa sarili naming pawis.
"Nakapapagod," sabi ng kasama ko.
"Oo nga, eh," pagsang-ayon ko naman habang hinihingal.
"I have a question. Ano ang gusto mong maging paglaki mo?"
Wala sa sariling sumagot ako, "Ewan."
"Gano'n ba?" Tumango ako. "Kung ako naman ang tatanungin, gusto kong maging isang doctor."
"Nice. Bakit mo naman gustong maging doctor?"
"I want to cure my dad." Naging malungkot ang tono ng boses niya.
"Bakit? Ano'ng nangyari?"
"May cancer siya."
Unti-unting nag-iba ang paligid. Ngayon, nasa labas naman ako ng isang green gate.
"Manloloko ka!"
"Huwag mong isama ang anak ko! Kung aalis ka, umalis ka nang mag-isa mo!"
"Hindi ka karapat-dapat maging ama sa kaniya. Bad influence lang ang maibibigay mo!"
Rinig na rinig ko ang sigawan nina Papa at Mama. Nag-aaway na naman sila.
Hawak-hawak ni Mama ang kanang kamay ko at bitbit niya naman sa kabila ang isang itim na maleta. Hindi ko alam ngunit umagos ang mga luha mula sa aking mga mata.
"Ma, Pa, tama na po!" Natigilan sila sa sinabi ko at pareho silang napatingin sa akin. "P-please po."
Lumuhod si Mama sa aking harap at pinunasan ang basang pisngi ko. "Sorry, Honey. I need to do this. Kung mananatili tayo rito, patuloy lang tayong lolokohin ng papa mo."
Napatingin ako kay Papa na nag-iwas ng tingin. "Pa, i-is it true? Niloloko mo kami ni Mama?" Hindi siya sumagot.
Hinila na lang ako ni Mama papasok sa loob ng puting kotse. Tumingin ako sa labas ng bintana para tanawin si Papa ngunit wala na siya roon. Siguro, pumasok na siya sa loob ng bahay.
Mula sa kung saan, nakita ko ang batang lalaking may malabong mukha. "Aalis na kayo?" tanong niya mula sa labas.
Tinanguan ko lamang siya dahil parang nawalan na ako ng boses.
Nasulyapan ko siyang kumaway sa akin nang magsimulang umandar ang kotse. Hindi ko tinanggal ang tingin ko mula sa kaniya hanggang sa makalayo na kami.
Agad akong napabangon sa kama at napatampal sa noo ko.
Panaginip lang naman iyon ngunit bakit ganoon? Weird! Part of it was true (hayung pag-aaway ng mga magulang ko) and the rest was not (hayung pangyayari kasama ang batang lalaki).
That was strange. Sino kaya hayung batang lalaki?
May nangungulit na nga lang na Andrei, mayroon pang batang lalaking malabo ang mukha. Nakababaliw!
Uh, panaginip lang naman iyon. Bakit ko ba kasi prinoproblema iyon? Stupid me.
And oh, speaking of Andrei, bigla kong naalala si May. Lokong May na iyon. Dahil lang kaibigan niya, ibinigay niya na ang number ko sa kaniya.
Dali-dali kong kinuha ang phone sa ilalim ng aking unan at t-in-ext siya—hindi, tinawagan pala.
"Hell—"
"May! Bakit ka nagbibigay ng phone number ko nang walang paalam sa akin? Ha?"
"Sorry, Shane. Nangulit kasi si Andrei."
"Ano ngayon kung nangulit?"
"Naubusan nga ako ng pasensiya."
"So?" Aba, nauubusan din naman ako ng pasensiya, ah.
"Kaya binigay ko. Hayaan mo na. Naibigay ko na, eh."
Oo nga naman. Naibigay naman na. Nangyari na. Siyempre, hindi ko naman puwedeng agawin na lang ang phone ni Andrei mula sa kung saan at i-delete ang number ko sa contacts niya. That is rude.
Napasinghap na lang ako ng hangin. "Fine." Hindi sumagot ang nasa kabilang linya. "May?"
"Hindi mo ba talaga siya kilala?"
Kumunot ang noo ko. "Sino?"
"Si Andrei."
"Kakikilala ko lang sa kaniya noon sa bar."
"Hindi. I mean, kilala mo ba siya matagal na?"
Huh? Wala naman akong naaalalang nagkakilala na kami long time ago. "Hindi. I never met him before." Bakit hindi maganda ang pakiramdam ko sa usaping ito? Weird. "Bakit ba?"
"Wala. Natanong lang." Subalit bakit iba ang ibig sabihin n'on sa akin?
"Totoo?" pag-usisa ko.
"O-oo." Napangisi ako. Hindi talaga alam magsinungaling ni May kahit kailan at kahit saan, mapausapan man sa personal o sa phone lang.
"Eh, bakit ka nauutal?"
"A-ah . . . parang may kung ano kasing bumabara sa lalamunan ko. Hayung kinain ko yatang peanut na buo kanina. Hindi ko nanguya." Confirmed. May tinatago siya.
"May itinatago ka," pag-amin ko. Funny. Ako talaga ang umamin imbes na siya.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay narinig ko ang kaniyang malalalim na paghinga. For sure, kung nandito siya sa harap ko ngayon, para siyang nakakita ng multo.
"Kung ayaw mong sabihin, hindi kita pinipilit but, I'm going to find it out." You left a clue, May. Hindi na ako mahihirapan. Clue: tungkol kay Andrei.
Ang akala ko, hindi na siya magsasalita. "Better. Hindi na niya ako mapapatay."

Book Comment (16)

  • avatar
    DiamanteKennkenn

    very good

    11/03

      0
  • avatar
    Mike Ablay

    hahaha about felings ☺️

    09/11

      0
  • avatar
    Judy Ann Caña

    ganda

    15/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters