logo
logo-text

Download this book within the app

5. North Prince

Hana//pov
"Pasensya na kamahalan at medyo may kaliitan ang bahay namin." Sabi ng lola ni Tristan. Si Tristan yung panday na gwapo.
"Ayos lang." Tinanggap ko ang baso ng tubig na ibinigay n'ya. Tumungo ako ang matanda sa kusina kaya sumunod ako.
"Tulungan na kita." Pag-boluntaryo ko upang mag-hiwa ng mga gulay.
"Ano ang lulutuin mo?" Tanong ko.
"Sabaw para sa sugatang kabalyero kamahalan. May gusto ka bang kainin kamahalan?" Tanong n'ya. Naaalala ko si lola sa kan'ya.
"Lola, maaari bang ikaw na muna magbantay kay Theo? Ako nalang bahala ang magluto." Sabi ko. Walang nagawa ang matanda at pumasok sa silid kung nasaan ang iba na nagbabantay din kay Theo.
Ako lamang mag-isa sa kusina kaya hiniwa ko na an mga gulay. Kumpleto ang mga putahe para sa tinola maliban sa manok.
"Mukhang problemado ka, kamahalan." Sumulpot si Tristan habang nakasandal sa pinto.
"Kailangan ko ng manok." Sabi ko.
"Sige, bibili ako." Sabi n'ya. Tinawag ko s'ya, "Ito yung pambili." Sabi ko.
Umiling s'ya, "Makakabili pa ako, gamit ang binigay mong dyamante." Sabi n'ya at naunang lumabas.
Ok, Sabi mo e'.
Habang hinahantay kong bumalik si Tristan ay inihanda ko ang clay pot. Wala silang kaldero.
"Kamahalan." Lumabas ng silid si Julia kaya nilingon ko s'ya, "Hindi pa rin ako sigurado kung may kapalit 'yang kabaitan mo pero kung sakaling meron man. Pakiusap, wag mo idadamay ang lola ni Tristan." Sabi n'ya. 
Tumango ako, "Pangako."
"Hindi ako naniniwala sa pangako kaya gawin mo ito." Seryosong saad n'ya. Marahan akong tumawa, "Oo gagawin ko."
"Kamahalan, ito na yung pinapabili n'yo." Bumalik si Tristan dala yung manok. Pinasalamatan ko s'ya at nangluto na ng tinola.
"Nakakagutom naman yan, kamahalan." Sabi ni Julia at sumilip sa pot.
"Kumain kayo ng marami." Sabi ko at inilagay ang malunggay sa pot. 
"Kamahalan, wala ka namang nilagay diba?" Paninigurado ni Tristan. 
"Meron." Sabi ko.
"Sabi ko na—"
"Gulay." Pagputol ko. Napatigil sila at nagpigil ng tawa.
"Pero, seryoso kamahalan wala kang nilagay na kahit anong ikakamatay namin diba?" Tanong ni Julia at tumango ako.
Inilapag ni Tristan sa mesa ang pot at kumuha naman ako ng mangkok na gawa din sa clay para naman ito kay Theo.
"Tawagin mo na yung lola mo para makahigop na ng sabaw." Sabi ko kay Tristan.
Lumabas din naman ang lola at ako naman ang pumasok sa loob para pakainin si Theo, ang yabang kanina tapos s'ya naunang nagpahinga.
"Theo gising, para kang batugan." Pang-aasar ko at inilapag sa maliit na mesa ang mangkok.
"Sandali lang." Sabi n'ya at tumalikod.
"Sige lang masarap pa naman yung sabaw." Panghihikayat ko sa kanya at dahan dahan naman s'yang bumangon.
Hinipan ko muna ang sabaw bago n'ya higupin, "Ano? Masarap?" Tanong ko at tumango s'ya. 
"Kamahalan kantahan mo nga ako." Utos n'ya. 
"Inuutusan mo 'ko?" Sarkastikong tanong ko.
Umubo s'ya, "M-Masakit pa rin kasi yung katawan ko, paki-usap kamahalan." Sabi n'ya. Parang tanga lang.
"Sige, tutal mukhang malapit ka nang mamatay." Biro ko.  
"Panalangin~ ko sa habang buhay. Makapiling ka, makasama ka, 'yan ang panalangin ko~" Pagkanta ko.
"Nakalimutan ko sunod." Dugtong ko. 
Nakatulog ang loko. Pinitik ko ang noo n'ya, "Kumain ka nga muna." Sabi ko at lumisan muna ng silid.
"Kamahalan, kain!" Pagyaya ni Julia habang ngumunguya. Umupo ako sa tabi ng matanda, "Kamusta ang lasa?" Tanong ko.
"Kung may lason man 'to ayos lang basta busog ako bago mamatay." Biro ni Julia.
"Siraulo 'to." Sabi ni Tristan. 
Habang kumakain kami ay kumalabog ng malakas ang pinto mula sa labas, "K-Kamahalan mukhang alam ng mga tauhan ng hilaga na narito kayo sa bahay." Sabi ni Tristan. 
"Tauhan ng hilaga?" Pagtataka ko.
"Ganito, dun ka muna sa kwarto at kapag may pumasok na naka-itim saksakin mo kamahalan." Sabi ni Julia at ginabayan ako sa kwarto kasama si lola.
Pinatabi ko muna si lola kay Theo at ako naman sa likuran ng pinto, "Mukhang hindi tayo titigilan ng prinsipe na 'yun." Saad ni Theo.
Tahimik lang kami nang may marahang tumulak sa pinto upang makapasok. Nakaitim s'ya kaya agad ko s'yang sinugatan at hinila s'ya papasok sa kwarto para hindi s'ya makalikha ng ingay, "Sabihin mo sa ibang kasama mo na wala kang nakita dito." Utos ni Theo.
Tumawa ang naka-itim, "Paano ba yan may nakita na ako."
May sugat s'ya sa tagiliran, "Ikaw yung nasa manahiban kanina diba?" Tanong ko.
Hinila ko s'ya patayo, "Kamusta ang tagiliran mo?" Tanong ko ulit. 
"Kamahalan, tinangka ka n'yang patayin." Sabi ni Theo, "Theo, kahit ganu'n ang nangyari tao pa rin ang kalaban mo." Sabi ni lola.
"Hindi malalim ang sugat ko sa tagiliran kaya wag kang mag-alala." Sabi ng naka-itim.
Inilahad ng naka-itim ang kamay n'ya, "Kian, Prinsipe ng hilaga." Pakilala n'ya. 
"Prinsipe?" Pagtataka ni Theo.
Tinanggal ni Kian ang tela na nakaharang sa mukha n'ya at nilingon si Theo, "Magaling ka makipag-laban." Sabi ni Kian.
Yumuko si Theo, "Patawarin mo 'ko sa aking kahangalan, mahal na Prinsipe." 
"Papatawarin kita kung maiinbitahan ko ang prinsesa sa kaarawan ko mamayang gabi." Sabi ng prinsipe.
"Hindi ba't tinanggihan ko ang iyong imbitasyon, kamahalan." Sarkastikong saad ni Theo sa kanya. Wow, yung atmosphere nagdidilim, ang paningin ko sa dalawang 'to.
"Titigil kayo o titigil lamang loob n'yo?" Iritang tanong ko at pareho naman silang umiwas ng tingin.
Inalalayan ko si lola palabas ng silid, "Anong nangyari?" Tanong ni Julia. Huminga ako ng malalim, "Iyan din ang itatanong ko."
"Nasa labas si Tristan, kinukumbinsi ang mga tauhan na umalis na." Sagot n'ya. 
"Hindi sila aalis hangga't hindi lumalabas ang Prinsipe nila." Napa-upo ako sa upuan. Tiningnan ko ang matanda na nanghihina.
"Dalhin n'yo kaya sa manggagamot si lola." Sabi ko. Umiling ang matanda, "Ayos lang ako, kamahalan."
"Sige na lola kailangan mo 'yun." Sabi ko. Bigla na lamang bumagsak ang matanda.
Agad akong lumabas, "T-Tristan! Ang lola mo!" Pagtawag ko sa kanya.
Agad n'yang binuhat ang matanda at hinanda ang kabayo n'ya, "Kamahalan, ako na ang bahala na ihatid s'ya sa manggagamot." Sabi ni Tristan at umalis na.
"Anong nangyari kamahalan?" Tanong ni Kian. Pinigilan kong lumuha, "Kian, maaari mo bang sundan ang kabayong iyon at panatilihin mo silang ligtas." Sabi ko.
Yumuko s'ya, "Masusunod."
Huminga ako ng malalim at bumalik sa bahay nila Tristan, "Julia, bakit ayaw n'yong dalhin ang matanda sa manggagamot?" Tanong ko.
"Gusto nang magpahinga ni lola." Sagot n'ya. 

Book Comment (34)

  • avatar
    BeaRaffy

    nice 💯

    26d

      0
  • avatar
    Zlyven Pesquera Mosquera

    i need

    26/07

      0
  • avatar
    CajetasAnnaliza Ribo

    nice story

    15/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters