logo
logo-text

Download this book within the app

4. Cruelty

Hana//pov
"Sana makapag-isip ka ng maayos, mahal na hari." Saad ko at lumabas ng tindahan para makapag-gala.
Nasaan na ba yung tatlong yun..
Naglibot ako para hanapin sila nang biglang may bumunggo na bata sa'kin at nadumihan ng putik ang bestida ko.
May isang babae na hinila ang bata at lumuhod sa'kin, "P-Patawad kamahalan." Pagmamakaawa n'ya. 
Umupo ako upang magkatapat kami ng bata. Pinunasan ko ang madungis n'yang mukha, "Ayos lang, siguraduhin mo lang na sa susunod mababantayan mo ang iyong anak." 
Binigyan ko s'ya ng ginto. Galing 'to sa hari, binigyan ako kanina.
"M-Maraming salamat, kamahalan." Sabi ng babae. Ang bata n'ya pa, parang labing-anim.
Tiningnan ko ang kamay ko na nadumihan kaya napabuntong hininga na lamang ako at pinagpatuloy ang paghahanap sa tatlo. Ramdam na ramdam ko ang mga titig ng mga tao habang naglalakad ako, "Anong problema nila?" Tanong ko sa aking sarili.
"Oh! Bili na kayo bagong lihang mga patalim galing sa aming dakilang panday!" Nakarinig ako ng boses ng lalaki kung saan madaming taong nagsisiksikan.
Naririnig ko rin ang pagpapanday. Akmang maglalakad ako patungo doon nang may humawak sa braso ko, "Yo, kamahalan." Si Julia.
"Naalala mo 'ko? Bakit ka nandito? Diba 'di ka lumalabas ng palasyo? Hinanap mo ba ako prinsesa?" Sunod sunod na tanong n'ya at lumapit pa sa'kin ng isang dangkal.
Umiwas ako ng tingin, "S-Sinamahan ko lang yung kambal para bumili ng kasuotan." Sagot ko. Alam kong babae s'ya pero kung lalaki 'to ang gwapo n'ya. 
"Pupunta ka ba du'n? Samahan na kita." Inakbayan n'ya ako patungo dun sa nagkukumpulan na mga tao, "Tabi!" Sigaw n'ya. 'Di ko alam kung tatawa ba ako.
Tumingin sa'min ang mga tao at nagbigay ng daanan. Umupo si Julia sa bakanteng lamesa kung saan nakapatong yung mga sandata.
"Julia ano ba yan ang aga aga—" Naputol ang sasabihin ng nagpapanday nang magsalita ang nagbebenta.
"M-Magandang umaga mahal na prinsesa." Pagbati n'ya at yumuko.
"Magandang umaga." Bati ko pabalik.
"Sige lang kamahalan pumili ka lang, libre nalang para sa'yo—"
"Julia naman parang timang." Sabi ng nagbebenta at natawa si Julia. Ang cute nila!
Agaw pansin ko ang maliit na kutsilyo kaya 'yun ang kinuha ko. Pinagmasdan ko ang magandang disenyo, "Ang kutsilyo ng hari, magaling ka mamili kamahalan." Sabi nung Panday. 
Tiningnan ko ang kabuuan n'ya. Wala s'yang suot pang-itaas kaya nakabungad ang maganda n'yang pangangatawan. Kayumanggi ang kanyang kulay na bumagay sa gintong kulay ng kanyang mga mata.
Itinapat ko sa kanya ang hawakan ng kutsilyo, "Gawin mong ginto ang hawakan." Utos ko.
Marahan s'yang tumawa, "Ano ang ipapalit mo, kamahalan?" Tanong n'ya. Hoy, 'wag kang tumawa masyado ka nang gwapo.
Iniyukom ko ang aking kamay at inilahad sa kanya 'yun. Itinapat n'ya ang kanyang palad kaya inilapag ko ang bagay na 'yun sa kanya, "Tama na ba 'yan bilang kabayaran?" Paninigurado ko.
"Ehh?!"
"Dyamante pare!" Hiyaw ni Julia at kinuha sa panday ang ibinigay ko para tingnan n'ya.
Ngumisi ang panday, "Bigyan mo ako ng isang oras kamahalan." 
"Kamahalan, mukhang may pagbibigyan ka ng bagay na 'yun." Sabi ni Julia. Tumango ako, "Mukhang magugustuhan n'ya 'yan." Sabi ko.
Medyo kalmado na sana ako kaso naririnig ko yung mga bulungan ng mga tao. Bulong na maririnig mo talaga.
Nagsasalita sila ng hindi kaaya-aya kay Farrah. Natitiis ba ni Farrah yung ganitong buhay? Sabagay kaya n'yang kumitil ng buhay.
"Ayos ka lang kamahalan?" Natauhan ako nang biglang magsalita si Julia. Tumango ako.
"Bigla bigla ka ba naman nagbabago kamahalan, hindi namin alam kung anong pinaplano mo." Bulong n'ya. 
"Hindi ba kayo sanay na may kabaitan din ako?" Tanong ko. Umiling s'ya, "Kilala ka namin, mabait ka lang sa sandaling panahon." 
Ugh, you're so cruel Farrah.
Tumingin ulit ako sa mga sandata at kumuha ng bala pana, "Bibilhin ko 'to damihan mo." Sabi ko sa nagbebenta. Pumili naman ako ng pana na matibay, "Ito din." Sabi ko.
Hindi porket wala ako sa mundo namin hindi na ako mag-eensayo. Malalagot talaga ako kay papa nito.
"Noona! Noona!!" Narinig ko ang boses ng kambal. Nang makita nila ako ay niyakap nila ako kasabay ng pag-hikbi nila.
Umupo ako upang punasan ang kanilang luha, "N-Noona may mga tao na nakikipaglaban kay Theo!" Pag-sumbong Gadreel. 
"Noona, natatakot ako!" Sabi ni Gabreel.
"Noona si Theo!" Sabi din ni Gabreel.
"Gabreel, Gadreel, bumalik kayo sa kalesa at sabihan ang hari na bumalik na sa palasyo maliwanag? Pagkakatiwalaan ko kayo." Sabi ko.
"Pero Noona—"
"Makinig kayo, kayong dalawa ang magpo-protekta sa hari." Seryosong saad ko at tumango sila.
"Mukhang kailangan mo ng tulong, kamahalan." Ngumisi si Julia.
Ngumiti ako, "Hindi."
Kinuha ko ang pana at dumeretso sa daan kung saan galing ang kambal. Naglalaban sila sa tapat ng simbahan, seriously?
May fountain sa gitna, ang ganda naman ng lugar na 'to.
Inihanda ko ang pana at itinira sa isang naka-itim na lalaki. Sa tagiliran s'ya tinamaan, "Kamahalan anong ginagawa n'yo dito?!" Inis na tanong ni Theo.
May sugat din s'ya sa tagiliran, "Ang yabang mo naman kung kakayanin mo mag-isa 'to." Sabi ko.
May isang naka-itim na lumapit sa'kin sinaksak ko sa tagiliran n'ya ang bala ng pana, "Kinikilabutan ako, kadiri.." Usal ko.
"Sinabihan ko yung kambal na dalhin ka sa ligtas na lugar." Sabi ni Theo. Nasa likuran ko s'ya at nasa likuran n'ya naman ako.
Tumawa ako, "Hindi porket kabalyero kita minamaliit mo na ako." 
"Talaga kamahalan? Tingnan natin." Sabi n'ya. Naghiwalay kami ng pwesto at lumayo ako sa mga kalaban para mas madali itong panain.
Umakyat ako sa fountain para mas madali ko silang mapana, "Ang muli nating pagkikita, kamahalan." May isang naka-itim na sobrang bilis na lumapit sa'kin kaya muntik na ako mahulog sa tubig.
"Hindi ako gagawa ng masama sa'yo kamahalan pero sa kabalyero mo, baka pwede pa." Napalingon ako kay Theo na nakaluhod na at nakatapat sa leeg n'ya ang espada ng iba pang-nakaitim.
"Ack.." Usal n'ya nang saksakin ko s'ya sa tagiliran, "Patawad, ayaw ko lang ng gulo kaya maaari bang magpahinga ka na muna." Sabi ko at pinagpalit ang pwesto namin tsaka ko s'ya tinulak sa tubig.
Paglingon ko kay Theo naroon na sila Julia, yung tindero, at yung panday. Ngumisi si Julia, "Akala ko ba hindi mo kailangan ng tulong namin, kamahalan?"
Marahan akong tumawa at lumapit sa kanila, "Salamat."
Nilapitan ko si Theo at hinawakan ang pulsuhan n'ya, "Humihinga pa s'ya." Saad ko.
Bumuhos naman ang malakas na ulan, "U-Umulan nga kamahalan..." Usal n'ya.
Inalalayan s'ya ng panday na tumayo at tumingin naman ako sa paligid, "So cruel..." Usal ko. Kumalat sa paligid ang dugo ng mga naka-itim.

Book Comment (34)

  • avatar
    BeaRaffy

    nice 💯

    27d

      0
  • avatar
    Zlyven Pesquera Mosquera

    i need

    26/07

      0
  • avatar
    CajetasAnnaliza Ribo

    nice story

    15/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters