logo
logo-text

Download this book within the app

Reincarnation of Center Empire Princess

Reincarnation of Center Empire Princess

varukii


1. Reincarnation

This story is not perfect like what you're expecting.
Language: Taglish
Genre: Adventure/Romance
I warning you, you may encounter some misspelled words, typos, and wrong graham (grammar), you can correct it if you want but don't you dare to insult my works. I'm still practicing.
Covers and fonts that I used are not mine. It came from Google and Canva. Inedit ko lang para may cover ako for the meantime.
a/n: PS!
This book is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are products of the author imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events, or locals is entirely coincidence.
Hana//pov
I gasp for air as I woke up.
"Eh? Ano nga ba nangyari?" Tanong ko sa aking sarili at inalala ang nangyari.
Hmm, nasagasaan ako ng tangang truck driver. Ibig-sabihin nasa heaven na ba ako?!
Tumingin ako sa paligid na puro damo at bulaklak, baka hardin 'to. Sinampal ko ang magkabila kong pisnge, "Malamang hindi ka tatanggapin sa langit." Pagkausap ko sa aking sarili.
"Mahal na prinsesa.."
Agad akong napabangon, "Ay yawakumikinang—" No bad word girl baka ibagsak ka ulit sa lupa.
"P-Patawad kung nagulat kita mahal na prinsesa." Lumuhod s'ya. Marahan akong tumawa, "Hoy baliw hindi ano ka ba." Pabalang kong sambit.
"A-Ayos ka lang ba mahal na prinsesa?" Pagtataka n'ya. 
"Mahal na Prinsesa?" Pagtataka ko din.
Wait, langit ba 'to? Na-dedemonyo ako sandali lang..
Tiningnan ko ang aking kasuotan, "Anak ng— anong kasuotan 'to? Ang init." Reklamo ko kasabay ng pag-suri sa tela ng bestida.
"Reincarnation ba tawag dito?" Tanong ko sa aking sarili, "Malalagot ako kay mama nito.." Mangiyak-iyak na sambit ko.
"Mahal na Prinsesa kung gusto n'yo ng bagong kasuotan, ihahanda ko para sa'yo." Sabi n'ya. 'Di ko nga kilala 'to.
"U-Uh, sandali—! Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ko.
"Aida, Mahal na Prinsesa." Sagot n'ya at nginitian ako. Umalis na s'ya ng hardin at napuno naman ako ng pagtataka.
Malalagot talaga ako nito kay mama! Wah! 'Yung order kong stylus pen 'di pa dumadating at hindi ko pa nga naiintindihan yung math namin!!
Lagot din ako kay papa kapag na-late ako sa archery practice namin! Ibalik n'yo ko please. 
"Lord, alam kong makasalanan ako pero sana wag n'yo naman ako parusahan sa ganitong lugar mukhang bibitayin ako pag-nabuking na hindi ako ang Prinsesa, at sana po mabawasan yung mga marites sa lugar namin dahil baka pag-bumalik ako sasabihin nilang buntis ako, Amen." Pag-dasal ko.
"Ok, so kailangan ko munang umalis sa lugar na 'to." Saad ko at naglakad habang nililibot ang tingin. Mahirap na, baka may daga na sumunod.
Akala ko talaga langit na 'to, as in yung heaven. You know what I mean, hehe.
"Paano kaya ako na-reincarnate? Pero, ayos na siguro 'to kaysa sa cremate." Biro ko.
"Prinsesa Farrah, nasa loob ng palasyo si Julia upang tanggapin ang parusa na iginawad n'yo sa kanya." May sumulpot na isang lalaki at sinabi sa'kin 'yun. Gwapo s'ya, opo.
Pero sandali, "Parusa?" Pagtataka ko. Sino ba 'tong prinsesa na 'to andaming responsibilidad ang potek.
Tumango s'ya, "Ang parusa sa pagnakaw ng pag-aari ng myembro ng emperyo ay kamatayan." Sagot n'ya. 
Syempre nagulat ako, shookt.
"Kamatayan? Seryoso ba yan?" Pagtataka ko.
Tinaasan n'ya ako ng kilay, "Ikaw mismo ang gumawad, kamahalan."
Ehh?! What? Nani? 
Marahan akong umubo upang makapag-isip ng maayos, "Dalhin mo 'ko sa kanya." Sabi ko.
Yumuko s'ya bilang paggalang at sumunod naman ako sa kanya maglakad. Nga pala, sino kaya yung lalaking 'to? 
"Nga pala ano ang pangalan mo?" Tanong ko. 
Tumigil s'ya sa paglalakad at ganun din ang ginawa ko bago s'ya lumingon, "Hindi mo 'ko kilala, kamahalan?"
Ano idadahilan ko? Uhm, nauntog ako sa damo? Kaya ko nakalimutan? Charot.
"Nagtatanong ako." Lakas loob kong sambit.
Bumuga s'ya ng hangin bago nagpatuloy ulit sa paglalakad, "Theodore Aruka. Ang iyong kabalyero, kamahalan." Pakilala n'ya. 
Wait, ha! May knight pala ako— I mean, yung prinsesa na 'to.
Habang papasok kami sa palasyo, "Ang laki..." Usal ko.
"May sinasabi ka, kamahalan?" Pag-baling sa'kin ni Theo, "Uh, wala." Palusot ko at sumabay sa kanya papasok sa loob.
"Kamahalan, Julia Kieran ang naakusahan sa pag-nakaw ng mamahaling dyamanteng kwintas mula sa kwarto mo." Paliwanag ni Theo at pinaluhod si Julia sa harap ko. 
Inilabas ni Theodore ang kanyang espada at itinapat sa leeg ng dalaga. Wala s'yang takot na tumingin sa'kin at parang hindi s'ya babae dahil sa tingin n'ya. Hindi naman nangangain 'to no?
"May huli ka pa bang sasabihin?" Tanong ni Theo kay Julia. Nanatiling nakatitig ng masama sa'kin si Julia kaya itinaas na ni Theo ang kanyang sandata.
Sandali, hindi ko pa kayang makakakita ng patay na katawan.
"Sandali." Saad ko. Hinawakan ko ang tela ng bestida sa bandang likuran ko at umupo sa tapat ni Julia. Hindi ko alam kung anong ugali meron ang prinsesa na 'to pero mukhang hindi naman masama ang Julia na 'to.
Baka nag-seselos lang ang prinsesa kay Julia, right?
Hinawi ko ang buhok ni Julia papunta sa likuran ng kanyang tenga, "Theo, ako na ang paparusa sa kan'ya kaya ihatid mo 'ko sa aking kwarto." Utos ko.
Marahan kong tinanggal ang nakatali sa kanyang kamay at inalalayan s'ya paakyat ng hagdan, "Manatili ka muna dito." Pag-pigil ko kay Theo nang akmang susunod s'ya sa kwarto.
"Nga pala Theo, saan nakalagay ang pa-unang gamot?" Tanong ko.
"Nasa aparador, kamahalan." Sagot n'ya. Pinasalamatan ko s'ya bago isara ang pinto.
"Ano nanaman binabalak mo? Papahirapan mo 'ko?" Pabalang na tanong ni Julia.
"Gusto mo ba?" Pinag-krus ko ang aking braso.
"Alam kong may binabalak ka nanaman, tigil-tigilan mo 'yang ugali mo." Iritang saad n'ya. Wow, galit na galit.
Dumeretso ako sa aparador para kunin ang first aid kit. Huminga ako ng malalim, "Hindi ka mapagkakatiwalaan kaya ko nagawa yun." Pagsisinungaling ko.
Marahan s'yang tumawa, "Talaga? Sa dami ng pinatay at ginahasa mo magdadahilan ka pa?" 
H-Huh? 
Hindi ko in-expect yung sasabihin n'ya, seryoso. Napabuga na lamang ako ng hangin at umupo sa kama katabi s'ya. 
"Maaari bang tumahimik ka muna kahit ilang minuto lang." Iritang sambit ko at hinila ang kamay n'ya. May mga sugat ang braso n'ya at gilid ng kanyang labi.
"Aray ko!" Sigaw n'ya. Nakakairita ang potek.
"Sige mag-ingay ka pa, didiinan ko talaga." Inis kong sambit.
Habang nilalagyan ko ng gamot ang sugat n'ya at sinulyapan ko s'ya na nagpipigil ng salita n'ya. Sinunod ko ang gilid ng kan'yang labi, "Susunod ka din pala." Marahan akong tumawa.
"Tsk—"
"Shh, tahimik na." Pang-aasar ko kaya nag-salubong ang kilay n'ya. 
Tumingin ako sa bintana, "Mukhang maganda ang panahon, gusto mo ba maglakad-lakad?" Tanong ko.
"Wala akong panahon para sa kalokohan mo, munting prinsesa." Akmang tatayo s'ya ng hawakan ko ang braso n'ya upang pigilan s'ya ngunit nakalimutan ko na may sugat s'ya. 
"Hala, so— p-patawad." Sabi ko. Muntik na sa english.
"Hayaan mo akong lumisan, kamahalan." Sabi n'ya at lumabas ng silid. Bumuntong hininga ako, "Ang sama mo palang tao, Farrah." Pinalo ko ang aking noo.
"Kamahalan, sinaktan ka ba n'ya?" Pag-aalala ni Theo. Niligpit ko ang mga gamot bago sagutin ang kanyang katanungan, "Hindi naman, alam n'ya naman na mapapaslang s'ya kapag ginawa n'ya yun."

Book Comment (34)

  • avatar
    BeaRaffy

    nice 💯

    28d

      0
  • avatar
    Zlyven Pesquera Mosquera

    i need

    26/07

      0
  • avatar
    CajetasAnnaliza Ribo

    nice story

    15/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters