logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4: Liar

Chapter 4: Liar
ATHEENA'S POV
I smirked at what he said. Akala nya siguro maniniwala ako sa kanya na hindi nya ako naalala.
Ha! Sorry ka hindi ako naniniwala sayo na hindi mo ako naaalala.
Based on his looks earlier, bahagya siyang nagulat sa pag kakatawag ko sa kanya ng pangalan niya.
Magpapanggap na nga lang, hindi pa ginalingan tsk. Hindi mo ako maloloko boi. Wag ako!
"Actually, no. But we already see each other at the Seoul airport." I said to him. And his eyebrows is still furrowed. Tila hindi alam ang sinasabi ko.
"Sorry but, I don't remember you. Madami akong nakasalamuha na ibang tao sa airport." Pagdadahilan niya.
Liar! What a liar!
Nag uumpisa na naman akong uminit ang ulo! Argh! Kalma self!
Huminga ako ng malalim. Calming my self. "We accidentally bumped into each other." I simply said.
"Ah! You're the woman who doesn't look at where she goes that's why you bumped into me right?" Nakangising tanong nya.
"Hey! That was an accident! I didn't mean to bumped on you on purpose. Saka kung alam mo nang hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko, edi sana ikaw na lang umiwas diba?" I said. Defending my self to him.
Tama naman ako di ba? Sabi nga, pag nasa tama, ipaglaban mo!
"Okay fine, kasalanan ko na."
He surrendered. Wala na nang masabi eh. Ha! Take that you air head!
"But let's go back on why you called my name earlier?"
At ako naman ang natahimik ngayon sa tanong niya.
Bakit ko nga ba siya tinawag? Ugh! Nakalimutan ko na! Ah basta!
Hindi ko na siya pinansin at hinila ko na lang sina Bett and Cil. Hindi ko namalayang nandun pa nga pala sila.
"Lets go girls, wala nang pila." Yun na lang ang nasabi ko dahil sa hiyang hiya ako sa sarili ko.
Ang tanga ko talaga kahit kailan. At muntik ko na rin makalimutang kumain dahil sa isang yon!
Magta-time na din pati!
MEDYO na-late kami sa klase nang dahil sa walang kwentang pag uusap sa canteen.
Hindi naman kami napansin ng prof dahil may isinusulat ito sa board.
Phew, thank you Lord!
Ayaw ko pa naman sa lahat ay ang nale-late lalo na pag nahuli.
Double purpose pa yun duh! Magkaka mark pa ako nang late.
Aishh!
Pagkatapos ng huling subject before lunch, nakita kong nagmamadali itong Jaspher palabas ng room.
Excited lumabas? Gutom na gutom ba? Psh! kala mo naman di nag recess.
PAGKARATING namin sa canteen para kumain ng lunch, nahagip ng mata ko si Jaspher na naka upo at kumakain na habang nakaakbay ang isang braso sa inuupuan ng isang babae.
Wait! A girl? Sino kaya siya? Jowa kaya nya?
Bakit parang nasaktan ako sa isiping may jowa na sya? Sino ba namang babae na hindi sya jojowain eh sa gwapo niyang yan di ba? Pero pangit nga lang ugali.
Maganda rin yung girl pero di hamak na mas maganda ako. Hehe! Proud lang.
Pagkatapos naming umorder, umupo kami sa may malapit na table Kayna Jaspher.
Tumingin ako sa gawi nila. Mukang ang saya nya, nakikipag tawanan siya sa babaeng kasama niya.
At ngayon ko lang siyang nakitang tumawa ng ganon.
Mas lalo pa siyang gumwapo pag tawa siya o kahit nangiti lang.
"Huy!" Napatingin ako kay Bett nang sumigaw siya.
"Ha?"
"Ha-How you like that!" Napairap ako sa pambabara niya.
Ahh so hindi na pala uso ang ha-hatdog kase sumikat na ang 'how you like that' ng blackpink.
Edi waw!
"Ano nga kase sasabihin mo?" Tanong ko sa kanila.
"Kanina ka pa namin kinakausap dito ah di mo manlang kami pinapansin." Aniya
"Ah sorry, may iniisip lang." Pag papalusot ko.
"Oh I don't think so Ath." Si Cil. "Kanina ka pa diyan ngiti ng ngiti na parang tanga tapos Kinakausap ka namin di ka nasagot at parang hindi mo kami naririnig." She said.
Ah! Nakakahiya!
Hindi ko na lang siya pinansin at tumuloy sa pagkain ng bilini kong tanghalian.
Tumingin ulit ako sa gawi nila. Tapos na silang kumain at tumayo na. And to my surprise, nakita kong hinalikan niya yung babae sa cheeks.
Grabe ang PDA nyo!
May ibang estudyante din na nakakita at yung iba ay tila kinikilig sa nasaksihan lalo na shempre ang mga girls.
Hindi ako alam kung bakit ako tumayo at lumabas na ng canteen. Ewan ko din kung bakit parang nawalan na ako ng ganang kumain at parang ayokong makita siya na may kasamang ibang babae.
Weird...
Pero pag ikaw ok lang?
Tsk.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko para mawala sya sa isip ko pero still no use.
Narinig ko Sina Bett at Cil na tinawag ang pangalan ko habang papalabas sa canteen but I just ignored them.
NANG matapos ang pang hapon na klase, I bid my goodbye first to my friends. And they're even wondering why am I being like this.
This is not me! It's definitely not me!
Pagkarating ko sa parking lot, nakita ko si kuya Lucas na kumaway pa para lang makita ko siya.
"Oh kuya, ang agap mo naman ata." Sabi ko at habang nilalagay ang aking gamit sa sasakyan.
Kuya Lucas chuckled. "Theena, you know I always hate being late."
"Eh hindi ka naman ganito kaagap dumating dito di ba? Takang tanong ko at may pagtaas pa ng kilay.
Nakita kong napakamot siya sa kanyang batok. "Hmm, are you seeing someone here at school?" Pag hihinala ko.
Agad siyang naalarma. Ha! Halata kana kuya Lucas. Tsk. In denial amp! Natawa ko sa naisip ko.
"Huh? Sino naman? Estudyante katulad mo? Natawa siya. "Theena, hindi ako mamba."
Natawa rin ako at napakamot sa baba ko. "Wehh?! Hahaha well, if not a student, a teacher perhaps?" I smiled when I noticed he's cheeks turn red then he look away, avoiding my gaze.
"Aww you're so cute kuya, you're blushing like a teenager. Bakit kasi hindi mo na lang aminin na may gf ka pa lang teacher dito sa school huh?" Natatawa pa rin ako sa itsura nya! HAHAHA
Sinalubong niya ang tingin ko at ako naman, pinipigil ang gustong kumawala na tawa sa bibig ko.
You better control that laughing at yours Ath, or else maglalakad ka pauwi pag nagalit si kuya Lucas.
As if naman na papayagan nya akong maglakad pauwi lalo na pag mag isa.
"Theena, wala akong girlfriend." Mahinanong sabi niya pero namumula pa rin.
"Kuya Lucas, okay lang naman kung meron, nasa tamang edad na kana naman eh." Pagkukumbinsi ko sa kanya.
Kuya Lucas is already 35 years old na kaya tama lang sa kanya ang mag karoon na ng sariling pamilya. But whatever decision he makes, we're here to support and be there for him. Me and my family. Kuya Lucas is considering to be one of our family. Simula bata pa kami ni kuya Eryx, driver na namin siya.
Tumigil siya sa pag aaral simula kolehiyo dahil sa kakulangan sa budget. His mother doesn't have a job. While his father, leave them when he was kid. Kaya kailangan niyang mag trabaho para sa pamilya niya. Siya na rin ang tumatayong tatay sa pamilya nila. At nang makapag ipon at naka luwag-luwag, pinag aral pa niya ang kaniyang tatlong mga kapatid. Ang sabi pa nga niya, okay lang na hindi siya makatapos sa pag aaral, bastat ang mga kapatid niya ay makapag tapos.
I admired kuya Lucas for being a hardworking brother to their family and at the same time, for being a father too even though their real father replaced them for a woman.
Napangiti si kuya Lucas. "Ikaw talagang bata ka." Aniya at ginulo ang buhok ko. "Wag ako ang isipin mo okay? Isipin mo ang sarili mo. Hindi ko rin na naman kailangan ng pamilyang sarili ko dahil, nandyan na naman sina mama at ang tatlo kong kapatid. At syempre, nandyan din kayo. Parang second family ko na kayo eh." Na-touch ako sa sinabi ni kuya Lucas.
"Whatever you say kuya Lucas, we're here for you and I respect your decision whatever it is." I smiled at him at ginulo na naman ang buhok ko.
Aish! Parang yung kuya kong babaero lang kung makapag gulo ng buhok, wagas!
"O sya, tara na kanina pa tayo dito." Napatingin ako sa relo ko. Grabe 15 mins na pala kaming nag uusap.
Pagka pasok ko sa sasakyan, nag lagay ako ng ear pods sa tainga ko at nag patugtog ng kdrama ost (official soundtrack).
Habang nag iiscroll sa FB, naisipan kong hanapin ang fb account ni Jaspher. Nang makita ko, agad ko siya inistalk.
Wala naman siya halos post puro share at minsan tag pictures lang but kadalasan mga class pic lang or may kasama siya.
I look at his profile pic, naka stolen shot siya dun at naka tingin sa kung saan. Ang background ay nasa airport.
Wait diba ito yung airport kung saan kami unang nagkita?
Ay hindi pala, dito na pala yun sa pilipinas.
Saka kung sa Seoul airport sya inestolen shot, sino naman ang mag pipicture sa kanya dun di ba, eh as far as I know wala akong nakitang ibang kasama niya kundi sya lang.
Habang zinu-zoom ko ang dp niya, aksidente kong napindot yung like button.
Oh Sh*t! Anu gagawin ko?! Kahit pa i-unlike ko yon, lalabas iyon sa notifications niya. Wala na huli na ang lahat! Napamura na lang ang ako sa isip ko.
Ang tanga ko talaga! Pano na bukas? Mapapahiya ako neto! Argh! Bahala na si batman!
NANG makarating kami sa bahay, wala sina mom at dad. Tanging si kuya lang ang nandoon sa salas at nanonood ng Netflix.
"I'm home kuya." Tumango lang siya at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Psh!
I went upstairs to my room and change. After that, I go back downstairs.
"Where are you going?" He glanced at me. Naisipan kong sungitan siya.
"Hmp! None of your business." Sabay irap at dumiretso sa may gate. Nakasalubong ko si kuya Lucas sa garage. Nagtatakang tumingin sa akin.
"Oh theena, paalis ka ulit? Saan ka pupunta?" He asked. With matching furrowed eyebrows.
"Oo kuya Lucas may bibilhin lang ako sa mall na nagamitin para sa subject namin bukas."
"Ah ganun ba? Sige tara na." Bago pa siya pumasok sa sasakyan, pinigilan ko na agad siya.
"No kuya it's okay, kaya ko naman na mag commute, malaki na ako at hindi na ako bata para magpasama pa. Saka mabilis lang naman ako. Promise." Sabi ko at nakataas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa.
"O siya sige, basta magpaalam ka rin sa magulang mo baka mapagalitan ako. At pag may kailangan ka, tawagan mo agad ako ah." Sabi niya at natawa ako.
"Okay kuya, roger that!" At sumaludo pa ako.
SUMAKAY ako ng taxi at nagpahatid sa malapit na mall. Pagkapasok ko, pumunta muna ako sa bilihan ng milk tea.
Nang maubos ko, dumiretso ako sa book store. Didn't I mention na mahilig ako sa books at mag basa? Oh well.
I lied nung sinabi ko kanina kay kuya Lucas na may bibilhin ako para sa gagamitin sa school para payagan nya ako.
But I'm not a completely liar, minsan lang pag necessary hehe.
"Sana nandito hinahanap ko."
"Ako ba hinahanap mo?" Napaigtad ako nang may magsalita sa likuran ko.
And my eyes widened when I saw the man in front of me. "J-Jaspher?"
Natawa siya ng walang buhay. "Oh don't pretend that you're surprised to see me. I know you're following me."
Napatanga ako sa sinabi niya. "W-What did you just say?"
He walk towards to me and I step backwards. "I said.." He move closer to me and I step backwards again until I felt the bookshelf hit my back.
"Are you following me?"
oh fudge!
*lunok*
~To be continued~

Book Comment (142)

  • avatar
    Vivian Velarde

    I like Soo much

    26/07

      0
  • avatar
    Fairodz Guiamen

    what a nice🤩

    16/07

      0
  • avatar
    Terenze Unnhoe Ceneta

    good

    07/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters