logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 3

Thalia's point of view
As I was reminiscing the scene that just happen earlier. I can't stop myself from being stocked by the bush. Aminado akong may parte sa akin ang may kasalanan rin sa nangyari. It was just smooth, reality and pure.
“Thanks God you're awake.” nang sandaling marinig ko ang boses na iyon ay napabaling ang tingin ko sa kanang parte kung saan nagmumula iyong tinig. It's him. The arrogant guy in the highway who pulled my hair. What's he's doing here anyway?
Napagilid lalo ang tingin ko kung bakit matiwasay ang aura nito sa akin gayong ibang-iba sa pinapakitang ugali nito roon sa Highway. Nag-aalala lamang ba ang isang ’to o may iba pa siyang pakay maliban roon?
“Looked. I am here for saying sorry?” sorry, e bakit? Napakunot-noo ako.
“Sorry for what?”
“For everything.” mas lalo akong nagtaka sa tinuran nito.
Wait, what does he...
“Isa ka rin ba sa mga taong nais patayin ako? Kabilang ka sa kanila, kabilang ka sa——————”
NANGINGINIG at dahan-dahang iminulat ko ang mga mata. Puting kisame ang sumalubong sa aking diwa kasabay nang pagod, gutom at uhaw at siya ring pagpunas ko nang luha sa aking mga mata. Panaginip lang pala iyon ngunit parang totoo talaga. Iyong lalaki sa highway kanina ay imposibleng pumarito iyon at daluhan ako sa masakim na pangyayaring napabilang ako. O ako talaga ang sadya niyon.
Dahan-dahang bumalik sa akin ang takot. Takot na baka anumang oras, araw o panahon ay posibleng nakahanduhasay na ako sa lupa at burol nalang ang tatapos sa aking katawang-lupa.
Ano ang maaaring ibig sabihin nang panaginip ko’t nagpakita iyong lalaki roon sa Highway kanina? Possible kayang kabilang ang taong iyon sa mga nais na sa akin ay pumatay, pero kung gayunman sa highway palang, bakit hindi na ako nito tinuluyan gayong opurtunidad na nito niyon na gawin ang kababalaghan.
Ano ba itong nangyayari sa buhay ko’t puro nalang problema ang dumarating. Kailan kaya ako makaginhawa nang matiwasay at mamuhay na walang pangamba at takot na posibleng nakaamba sa aking munting palaisipan. Una ay iniwanan ako nang taong akala ko ay iyon na ang makakatuwang ko sa buhay. Pangalawa ay itong pangyayari kamakailan lang na kung hindi ako nakaiwas ay posibleng nakaratay na ako ngayon sa kabaong at imbalsamado na.
Napabuntong-hininga ako’t gumilid ngunit napaigik nang maisip na sariwa pala sa akin ang sugat na natamo gawa noong pananambang kanina sa bukana mismo nang apartment na tinutuluyan ko. Napalabi ako. Kung sana’y tinuluyan na ay hindi ako literal na magdurusa ngayon. Sunod-sunod na katok ang nagpabalik sa akin sa huwisyo kasabay niyon ang pagluwal ni Candy sa pinto at kasunod si Kelly na parehong visible ang pag-alala sa kanilang mga reaksyon.
“Hay naku, Thai. Ano na naman ba itong drama mo’t may pahiga-higa ka pa sa kama. Aba’y tapusin mo na iyong taping at nang magkaroon na nang salaysay ang storya.” Paanas na pambungad sa akin ni Candy na pinulyawan pa nito nang ngiwi.
“Tumahimik ka nga, Candy. Nabaril na nga iyong tao kung ano-ano pang lumabas riyan sa bunganga mo.” Si Kelly na yumukod at sinuri ang sugat ko bago iyon napabuntong-hininga at umupo sa mismong tapat ko.
“Ano ba kasing nangyari ha? Magtell ka nga sa amin nang magkaroon kami nang idea man lang.”
“Hay naku, Candy. Tigil tigilan mo iyang pagkatsismosa mo ha at nang makapagpahinga rin itong is Thalia.” patutyaba ni Kelly
“Hayaan mo na si Candy, Kel. Ganyan naman talaga iyan e. Literal na bungangera.”
“Tse! Nagkampihan na naman.” Ngumuso ito na wari’y nagtatampo ngunit halata naman sa mukha nitong hindi. Bumaling sa akin si Kelly at hindi ko mawari kung anong reaksyon ang mahihinuha ko sa mukha niya ngayon.
Nag alala. Lungkot. Nagdaramdam o ano.
“Huwag kang mag-alala, under investigation na ang pangyayari at posibleng anumang oras ay may maibigay na lead sa atin ang mga pulis.”
“Tama iyon, Thai. Iyong head mismo nang S.W.A.T, SOCCO at NBI ang naroon dahil tatlong sibilyan rin ang namatay.” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. The one who is behind in this patriotism has no conscience literally. Nandamay pa sila nang mga taong inosenti. Hayop!
“Ngunit rinig kong usapan nang mga head ang tumingin roon sa krimen ay mahihirapan daw ang mga itong resolbahin iyon. Malinis at walang natirang kahit anong ibidensya ang naturang pananambang. Ang sabi’y isang malaking sindikato daw ang may gawa nito na patapon tapon sa iba’t ibang lugar na ngayon ay nandito na nga sa Maynila.”
“Hala, sure ka ba riyan, Candy. Ay naku! Nakakatakot namang gumala gala ngayon.”
“Sinabi mo pa.” Natahimik ako’t tuluyan nang hindi nakapagsalita. Bakit nais akong paslangin niyong mga taong sindikato. Anong kasalanan ko?
Pasado alas tres y media ay tuluyan ko nang
nilisan ang ospital. Bantay sarado ang naturang establisyemento nang aming madatnan. Maraming nagkalat na mga pulis at S.W.A.T ang umaali aligid kagaya niyong sinabi ni Candy. Hindi ako imbalido ngunit disidido ang dalawa na samahan ako rito sa apartment upang siguruhin daw nang mga itong ligtas ako.
As if.
Nang tuluyan kaming makapasok sa apartment ko ay printeng umupo kaagad ang dalawa sa sofa na iyon sana ang tungo ko. Mistulang sila iyong nabaril at ako iyong palakad lakad lang sa tabi.
“Oh! tinatayo tayo mo riyan, Thai? Halika’t umupo gagang ’to.” napailing nalang ako at napangiti sa tinuran ni Candy. Kahit saan talaga wala itong amor.
“Thai, diba ang sabi mo walang nangungupahan riyan sa kabilang kwarto na tapat mismo sa apartment mo? E bakit nang tanungin ko ang receptionist ay okupado na daw.” si Kelly na nagbuhos nang tubig sa baso at inisang lagok iyon. Okay sila nga iyong nabaril.
“Totoo namang spacious pa ’yun ah! Baka may kumuha kanina kanina lang. Sa pagkakakalam ko kasi ay bakante riyan e.” Napatango tango si Kelly at Candy.
“Bakit pakiramdam ko ay naging tsismosa ka ngayon, Kelly. Ngayon ka lang naging usisira a!” naniningkit ang matang nakatingin si Candy kay Kelly na animoy nagdududa.
"Gaga. Balak ko sanang kunin iyong kwarto kasi gusto ko ring mag venture muna.”
"Ano nalang ang say nang 'oh so precious' mong Condominium doon sa Maldives.” O ayan nagbabangayan na naman ang dalawa. Pustahan, matagal bago pa nanahimik ang mga iyan.
“Kailan niyo nga pala balak lisanin itong lugar ko.” Gusto ko na kasing magpahinga. Pareho silang napabaling sa akin at sabay na pinanliitan rin ako nang mga mata.
“Pinapalayas mo ba kami, Thai. Haluuu! I'm hurt. Hindi ka mabuting kaibigan.” Tinampal ni Kelly si Candy nang magsimulang magdrama na naman.
“Ano ka ba, you should understand Thalia 'cause she was having a gunshot that need to be taken care of and rest. Hala tumayo ka na riyan at aalis na tayo.” paanyaya ni Kelly mula rito.
"Pero sure ka bang okay ka lang, Thai? I mean the scene earlier, it's suffocating."
"Kaya ko, Candy. I can handle myself." Enough to die within a minute.
"Kaya mo ha?" Tumayo ito at sinabayan si Kelly palabas sa pinto. Pareho silang hindi inalis ang tingin sa akin na tila ba'y naninimbang kaya nauunsiyami ako.
"Ano ba kaya ko nga ang sarili ko no?" Tumango sila pareho kasabay nang pananahimik ay siya ring pagkawala nang dalawa sa mga mata ko.
Muli nakaramdam ako nang pag iisa. Kahit saang tingin ko sa lugar na ito ay wala akong ibang maramdaman kundi kalungkutan lang. Sumagi sa isip ko si Vince. Ni hindi man lang tumawag ang isang iyon at kumustahin man lang ako. Napasandal ako sa ulunan nang Sofa at doon ay hinahayaang mamalisbis ang luha sa aking mga mata.
Napapikit ako kasabay nang pangingirot nang aking tagiliran ay siya ring tuloy tuloy na pagbuswak nang mga luha ko sa mata. Until unti at dahan dahan akong napadaus dos.
Nasaan na nga ba ang Thalia na hindi nagpapadala sa problema, nasaan na iyong tinatawanan lang lahat nang sakit upang maibsan lamang ang pait.
"Lumaban ka Thalia, kaya mo iyan. Matibay ka at hindi basta basta natitibag." Pangungusap ko sa sarili.
Unti unti at sa isang iglap lang namalayan ko nalang ang sariling papalabas sa kwarto ko upang makalanghap nang sariwang hangin. Nagkalat ang mga pulis sa labas kaya imposibleng may hangal na mananambang pa rin.
Akmang isasara ko na ang pinto nang mahagip nang mga mata ko ang lalaking nakasandal sa dingding at pasimpling humihithit sa Vaper nito. It's him. The guy in the highway. Ano ang ginagawa nang isang iyan dito?
Bigla itong tumingin sa aking direskyon dahilan na nagtama pareho ang paningin namin. Shit! That piercing eyes of him tells me something I can't name.
Napakurap kurap ako nang mistulang ito ay nahinto rin sa paghithit sa kanyang Vaper. Ang nanliit nitong mga mata ay walang pinagbago kahit ang reaksyon sa mukha ay purong blangko.
Napalabi nalang ako nang kusa itong tumalikod at pumasok sa kwartong katabi lang mismo nang kwarto ko. Okay, so he's a boarder huh? Not in he's taste.
Isinawalang-bahala ko na lamang iyon at itinuloy ang pagsarado sa pinto. My only goal this time is to go out and breathe some fresh air at the same time.
Nang tuluyang makalabas ay inabala ko ang sarili sa paglakad lakad lang. Natigilan ako nang sa unahan katabi nang mga pulis ay may batang kalye ang pilit na pinapaalis nang mga ito. Hindi ko alam kung bakit namalayan ko nalang ang sariling lumalapit sa kinaroroonan nang mga ito at pasimpleng kinuha ang atensyon nang mga Uniformed personnel.
"Ah-ahmm, sir ano hong nangyari?" Tanong ko dahilan na bumaling ang mga ito sa akin. Binalingan ko nang tingin iyong batang babae. Madungis ito at halata sa mukha ang pagod at gutom. Napalabi ako at hindi ko mapigilang haplusin ang mukha nito at yumukod.
"Okay ka lang ba, gusto mo nang pagkain?" Tumango ito at hinaplos ang tiyan. Mas lalo akong naawa sa bata kaya pinigilan ko ang tumulo ang mga luha.
"Ahh. Ma'am bawal ho iyan dito, Ma'am. Baka kasi isa iyan sa mga sindikato at umaarte lang." Pakingshit! Binalingan ko ang mamang pulis at tinaliman nang tingin pati batang paslit hindi dapat maliitin. Wala pa 'tong muwang sa mundo at labis ang galit na naramdaman ko na kahit mga unipormadong tao ay walang karespe respeto sa mga taong ganito ang sitwasyon.
"Wala ho kayong karapatang pagsalitaan nang ganyan itong bata. Bata lamang po 'to at wala pang alam sa mundo. Ano't unipormadong tao po kayo kung gayong inuuna ninyo ang sariling interes at hindi nang mga taong nakapaligid lamang sa inyo."
"Sorry po ma'am pero mahigpit na ipinagbabawal——"
"Halika, Ineng at nang magkalaman ang sikmura mo." Inabot ko ang kamay nang bata at walang pagdadalawang isip na tinanggap nito iyon. Nakangiti ito nang pasimple kong binalingan nang tingin. Sa isang fast food chain ko ito dinala at pagkatapos kong umorder ay kaagad nitong dinumog iyon at maganang nilantakan ang lahat nang pinambili ko.
Napangiti nalang ako sa makitang reaksyon nang paslit. Nasaan kaya ang mga walang modong mga magulang nito at hinahayaan lamang ang anak nilang maging palaboy laboy sa daan na kumakalam ang sikmura at gutay gutay pa ang damit gawa nang halos walang maipambili.
"Anong pangalan mo, Ineng?" Tanong ko dahilan na natigil ito sa pagkain at masuyong nginitian ako na nagpang abot sa tenga nito.
"Hazel po."
"May mga kapatid ka ba? Saan sila ngayon?"
"May kapatid ako pero kinuha siya noong may baril e at sinakay sa kotse. M-may dugo si Kuya at hindi ko alam kung babalik pa ba siya." Napakunot noo ako.
"Anong sasakyan ba iyon?" Tanong ko at umiling iling ito at tinuloy na ang pagkain.
"Masasamang tao ba sila, Ineng?" Tinuro nito ang mga pulis na naka patrol sa bawat sulok niyong apartment.
"Tapos ang rinig kong sabi ay wala na raw si Kuya po kaya nga nandoon parin ako kanina dahil hinihintay ko siyang bumalik." Hindi ko alam kung bakit tumulo nalang bigla ang luha ko sa sinabi nang bata. Isa pala ang kuya nito na namatay sa pananambang. Pinahiran ko iyon nang nag angat ito nang tingin sa akin at nagtatanong ang mga matang inaanalisa ako.
"Ug—ughhh! Gusto mo pa ba? Magsabi ka lang bibilhin ko sa iyo lahat." Nagliwanag ang mukha nito at sinabayan pa nang isang munting palakpak.
"Gusto ko pong matikman iyong sinisipsip po na may straw sa gitna tapos may bukog bilog po." Milktea.
"Sige, dito ka lang at huwag kang aalis ah! Bibili lang ako saglit." Tumayo na ako at tinungo ang counter nang makabalik ay mas naging maliksi ito nang ilapag ko sa lamesa ang binili kong Milktea para mismo sa kanya.
"Hayan! Ubusin mo ha."
"Opo," dali dali nitong sinipsip iyon at sa isang iglap lang ay naubos na nga ito. Ngumiti na lamang ako't binilhan ito ulit nang muling nanghingi ito.
INABOT KO sa bata ang marami raming pagkaing pinambili ko para rito upang iuwi sa tinitirhan nito. Binilhan ko rin ito nang damit upang kahit paano ay hindi man lamang siya lamigin. Nalaman ko rin mula sa bata na nakatira pala ito sa lola niya na barong barong raw ang di kalumaang bahay nito.
"Mag iingat ka ha? Huwag pagala gala sa gabi. Huwag ka ring lumalapit sa taong hindi mo kilala o di kaya'y basta basta ka nalang sumasama. Naiintindihan mo ba ako?" Tumango ito. Buong akala ko ay aalis na ito ngunit laking gulat ko nang dinumog ako nito nang napakahigpit na yakap dahilan na hindi ko rin napigilan ang sariling napayakap rito pabalik.
Shitness! Nagsisimula na naman ang mga luha ko sa pagtulo.
"Sana po Ikaw nalang ang mama ko po, sobrang napakabait niyo po kasi kahit na hindi ninyo ako kaano-ano." Hinimas ko ang buhok nito at hinapuhap iyon.
"Sige po ate. Aalis na ako. Sana po ay magkikita pa ulit tayo po." Ngumiti ako nang pilit upang ipakita rito na okay lang at baka magkikita pa kami.
Tumalikod ako at laking gulat ko nalang nang makita ko na naman iyong lalaki kanina roon sa apartment na nagbi Vape. Napakunot noo ako at agad na sinugod ang lalaking iyon.
"Hoy lalaki, sinusundan mo ba ako ha?" Minata lamang ako nito mula ulo hanggang paa at muli ay nag iwas nang tingin. Aba bastos to 'a!
"Kinakausap kita kaya magsalita ka." Hindi ito umimik at naglakad paalis. Walanjo. Napaka Gentleman.
"Hoy, bingi ka ba?" Bulyaw ko rito at agad siyang sinundan.
Tumigil ito at hinarap ako.
"Why do you keep on shouting, Naririndi na ako sa ingay nang boses mo." Aba!
"Kung matino ka ba naman kapag tinatanong ay okay na sana tayo. Isang simpleng 'Oo at hindi lang naman ang gusto kong marinig mula sayo."
"Hindi."
"Anong Hindi." Mas lalong nanliit ang mga mata nito at hindi ko alam kung ano ang dapat kong ireact sa walang emosyon nitong mukha. Sa pangalawang pagkakataon ay nakaramdam ako nang inis nang hindi na muli ito nagsalita at tinitigan na lamang ako. Napaka walang modo.
"Hoy kinakausap pa kita. Sagutin mo akong hayop ka."
"Hindi ako naghahanap nang asawa."
"Ano?"
"Anong ano? Ikaw ang hindi matinong kausap. Ang sabi mo ay sasagutin kita diba? E sa hindi ako naghahanap nang mapapangawasa e kaya sorry ka nalang." Saglit akong natigilan at hindi nakapagsalita. Ano raw?
"Sa bawat 'Hindi' ko ay purong 'Ano' ang itatanong mo, ngayon sabihin mo sakin, okay ka pa ba? Dala siguro iyan sa sugat mo sa tagiliran kaya——"
"Wait! Huwag mong sabihing—hoy? Bastos kinakausap pa kita." Sigaw ko nang tumalikod ito at tuloy tuloy lamang sa paglalakad. Hmmmp! Hinayupak.
Tinakbo ko ang pagitan naming dalawa at nang malapit na ako sa direskyon nito at bigla itong hinarap sa gawi ko dahilan na napaurong ako't nawalan nang balanse at napapikit nalang at nakahanda nang makipaghalikan sa sahig.
"Fuck! Why are you so dumb careless, are you that desperate to hurt yourself?" His voice seems so familiar to me. Kasabay nang pagsalo sa akin nang malulusog na bisig ay siya ring pagbukas ko sa mata at nagpang abot ang tinginan naming dalawa. Huminto ang mundo ko at inaanalisa ang buong mukha nito. Kung gwapo ito sa malayo mas gumwapo naman ito lalo sa malapitan.
"Quit staring, I might vanished. I know I am that pretty to make every woman turn their life full of colors and tantalizing wet dreams." Doon lamang ako nahimasmasan at dali daling tumayo bago ito tinulak at walang pasabing iniwan ito at naglakad papalayo.
Na curious tuloy ako kung ano ang amoy ko, hindi paman din ako nakaligo magmula noong nakauwi ako galing hospital kaya literal ay may nangangamoy na talaga ako.
Hala huwag naman sana! Lupa kainin mo na ako record of the history iyong kahihiyang ginawa ko kani kanina lang
Shit!

Book Comment (83)

  • avatar
    Kim Yarcia

    good ilove this mission to love🥺💔💔💔💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗💗🙇🏻‍♀️🙇🏻‍♀️💅🏻💅🏻💅🏻

    11d

      0
  • avatar
    Amla Edrob

    wow

    17d

      0
  • avatar
    Lopez Laurence

    500

    22/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters