logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

Chapter 4
Tulala ako habang papauwi ng bahay. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabing iyon ni Icarus. Bakit hindi ako nagpaalam sa kaniya? Ha! Bakit naman ako magpapaalam sa kaniya, aber? Who do he thinks he is? Kuya lang naman siya ng kaibigan ko. We're not even friends at all.
Malakas pa rin ang kalabog ng dibdib ko dahil sa nangyari kanina. At wala talagang plano ang Icarus na iyon na pakawalan ako hanggang sa hindi ako nakapagpaalam sa kaniya, ah?
"E-E'di g-good bye!" nauutal at napipilitang saad ko kanina dahil sa kaba.
Ngumisi naman siya and my heart almost melted!
"May bababa ba sa kanto?" narining kong sigaw ng driver ng jeep kaya mabilis ako sumagot at medyo napapitlag pa.
"M-Meron po!"
Huminto ang sinasakyan kong jeep at agad akong bumaba rito. Icarus actions confuses the shit out of me. I took a deep breath and exhaled it harshly to clear my thoughts. Pumasok ako sa bahay at nadatnan ang kapatid kong may ginagawang school works sa sala.
"Seth, magbihis ka na. Mamaya mo na 'yan gawin." saad ko at hinalikan siya sa pisngi.
Naka school uniform pa kasi siya hanggang ngayon. Nagulat siya nang bigla akong magsalita at hinalikan siya. "Sunshine! Ano ba 'yan?!" he hissed.
I rolled my eyes before I went inside my room. Nagbihis ako ng komportableng damit bago bumaba para hugasan ang mga plato doon sa kusina. Nagsaing na rin ako para sa hapunan namin mamaya. Sinabihan ko si Seth na bantayan na muna iyon. Matapos no'n ay nilabhan ko ang uniform ko. Huwebes bukas kaya P.E uniform ang susuotin ko.
"Sunshine!" I heard papa's loud voice from the living room. I trembled a bit.
Dali-dali akong bumaba. Bawat hakbang na ginagawa ko ay palakas nang palakas ang pagtibok ng aking puso. I don't know why but I felt nervous and scared.
Naabutan ko si papa na nakatayo sa hamba ng pinto ng kusina nang dumating ako. Kunot ang kaniyang noo at nagtatagis ang kaniyang bagang. Mas lalo akong kinabahan.
May nagawa ba akong mali?
"B-Bakit po, papa?" napalunok ako at binayo ng kaba ang dibdidb.
"Saan ka ba nagpupupunta at iniiwan mo dito ang sinasaing mo?!" galit na aniya bago hinakwit ang braso ko.
"P-pa..." I looked over his side and noticed the black smoke from the kitchen. It came out from the rice I'd cooked earlier. Nasunod ito at kamuntikan pa akong makagawa ng apoy sa buong kusina. And worse, sa buong kabahayan.
Umawang ang labi ko.
"Letse!" kinaladkad ako ni papa patungo doon. "Tingnan mo ang resulta ng katangahan mo!"
Kinagat ko ang ibabang labi at halos mapayuko na sa kaba at takot.
"S-Sorry po. Hindi ko po kasi napansin dahil nilalabhan ko po 'yung uniform ko--"
"At nagrarason ka pa?!" sigaw niya ulit sa akin bago sinabunutan ang maiksi kong buhok gamit ang isang kamay niya at kinaladkad ulit ako patungong sala.
Nangingilid ang luha sa aking mga mata. Takot. Natatakot ako sa maaring gawin niya sa akin. "P-papa, sorry po, hindi ko po sinasadya."
Hinawakan ko ang kamay niya sa buhok ko. Parang mapupunit na ata ang anit ko sa lakas ng pagkakakuyom niya rito. Habang pilit niya akong kinakaladkad, siya naman ang pagpigil ko.
Pwersahan niya akong binitawan kaya napatumba ako sa sahig. Napasigaw ako sa sakit.
"Papa, sorry po!" I cried.
"Tahimik!" he shouted and started to unbuckle his belt. "Hindi mo ba alam na dahil sa katangahan mo, pwede masunog ang buong bahay at mamatay kayo?! Kayo ng kapatid mo?! Nasaan ba ang utak mong bata ka?! Paano nalang kapag hindi ako umuwu ngayon?! Ano?! Bangkay nalang kayo?! Abo!"
Napayuko ako sa sakit at napaigik nang tumama ang sinturon niya sa aking balat.
"Papa!" I hears Seth's voice. "Tama na po!"
"Manahimik ka, Seth! Pumasok ka sa kwarto mo kung ayaw mong madamay ka rin dito!" galit na saad ni papa sa gitna ng pagpalo sa akin.
"Papa, tama na po! Tama na po!" naisigaw ko sa sakitΒ  bawat pagkakatama nito sa akin.
Mukhang hindi pa nakuntento si papa, sinipa niya ako sa tagiliran kaya namilipit ako sa sakit. Sinampal niya ako gamit ang likod ng kaniyang palad at nalasahan ko ang dugo sa aking labi.
"Wala ka na talagang matinong ginagawa! Pati ang kapatid mo, gusto mong damayin diyan sa kagagahan mo!" singhal niya at tindayakan ako sa tiyan.
Napadain ako.
"Walang kuwenta!" he yelled.
Niyakap ko ang tuhod ko habang nakaupo sa malamig na tiles. Umiiyak at walang hapaw sa pagtigil ang luha.
"Sa susunod, Sunshine, ayoko ng maulit ito. 'Wag mong iniiwan ang mga trabaho mo, naiintindihan mo? Paano nalang kapag nasunog ang bahay at mamatay kayong dalawa ng kapatid mo habang wala ako rito?" medyo kumakalma na ang kaniyang boses.
"S-sorry po..." humihikbing paumanhin ko.
"Puro kamalasan nalang talaga ang dinadala mo dito. Malas." iyon ang huling salita ni papa bago umalis at pumasok sa sariling kwarto nito.
"A-Ate..." lumapit sa akin si Seth habang namumula ang mga mata.
Tiningnan ko siya ng ilang saglit bago umiling at yumuko muli sa aking tuhod. "Wag kang lalapit sa akin!" I exclaimed.
"Ate..." he tried to come near me but I warned him one last time. Naiiyak na umalis nalang siya at pumasok ng kwarto.
Papa is right. Malas ako. Malas ako. Lahat ng mga tao na nakapaligid sa akin ay minamalas at nawawala. No one wants me, even my very own father. My biological father doesn't want me.
Una si mama, sunod naman si Preece at kani-kanina lang, muntik pang madamay ang kapatid ko dahil sa katangahan ko.
I sniffed and wiped off my tears. Sobrang sakit ng katawan ko pero naisip ko, tama lang ito sa akin. I am the reason why it happened. Kasalanan ko kung bakit ako nasaktan ngayon. I shouldn't have left what I've cooked. Kung sakaling gumawa iyon ng usok, hindi lang ako ang mapapahamak, ang kapatid ko at mga kapitbahay rin namin.
With the remaining strength left on my body, I stood up and walked towards the bathroom to clean myself. Sinuklay ko rin ang buhok kong nagkabuhol-buhol.
Habang nakatingin sa sariling repleksyon, hindi ko maiwasang tanongin ang sarili. Do I really deserve these? Yung mga sakit na nararamdaman ko? Dahil ba bunga ako ng maling desisyon, kailangan ko ba talagang maghirap?
"Tss." I tsked and tied my hair. Lumabas ako ng banyo ng paika-ika at namumugto ang mga mata.
Nilinis ko ang nakalat kanina bago nagsaing ulit ng panibago. Hindi ko ito iniwan kagaya nang kanina. Baka masunog na naman ito.
I sighed after I took a bath. Hindi umuwi si papa kanina kaya kaming dalawa nalang ni Seth ang nasa loob ng bahay. Tinawag ko lang siya para sabihing kakain na bago ako pumasok ng kwarto. Hindi ako kumain.
Nagbukas ako ng facebook ko at saglit na nakipag chat sa mga kaklase at kay Dori.
From: Dora the boots.
Guuuuuurl! Good evening! πŸ˜πŸ˜ŠπŸ™πŸ˜˜β€οΈβ˜ΊοΈ
Napailing ako at napangisi sa kajejehan niya. I replied. My mood lift up unexpectedly. At least, may kaibigan pa rin naman ako.
Me:
Hello, Dori. Gud eves.
Dora the boots: Ay! Ang ikli mo magreply! πŸ™„πŸ˜‘πŸ˜΅πŸ˜€
Me:
Haha. :))
She reacted Wow on my reply. Then I saw her typing.
Dora the boots:
Bak8 ganyan ang nickname ko?!
Me:
I happened to change it. Cute, isn't it? Lmao.
Dora the boots:
I he8 uuuuu!!!!!!! 😀
Me:
Lab yah. Hehe.
Marami pang asaran ang naging conversation namin ni Dori bago kami nagpaalam sa isa't isa. Nangingiti na ako ngayon. Mag la-log out na sana ako ng may nag pop out na message mula sa messager ko.
From: Cutiecutie
Good night, my Sunshine. You made my dark night brights. If ever you feel down, don't forget to look for the positive side. If you feel sad, just remember the happy moments you had. If you're in pain, remember the one that makes you smile. And if ever you're feeling down, just look above and stare at the sky. Close your eyes and clear your thoughts. Always remember that after the darkness, there's always light waiting for you. There's always a tomorrow for that heavy feeling. Now, rest for awhile. The day has been too long for you. Take care and have a good night sleep... And remember... you have a worth. You're special. You're beautiful. <3
I don't know who sent me this message. I don't know who was the sender but I'm very thankful to have him or her. Coincidence lang ba na parang alam niya ang nararamdaman ko o may alam talaga siya? But whatever it is, I wanna thank him still. My heart feels at ease. My tear fell as I read that message again. I'm getting emotional.
Thank you so much whoever you are. You made my day. Good night, too.
β€”
Tatlong sunod sunod na katok ang narinig ko mula sa pintuan ng aking kwarto. Hindi ko na kailangang magtanong kung sino iyon dahil wala namang ibang kumakatok ng kwarto ko bukod si Seth. Si papa kasi ay tinatawag niya ako sa sinisigawan kapag may sadya siya.
"Pasok ka." I said and phone my phone down on my bed.
Seth shyly looked at me and smiled hesitantly. I smiled back. He sat beside me on the bed. Puno ng lungkot ang kaniyang mata at pagsisisi.
"Ate, okay ka lang ba?"
"Hindi." natatawang sagot ko at ginulo ang itim na itim buhok niya. "Okay na ako ngayon, medyo masakit lang yung pisngi ko."
Nangingilid ang luha sa kaniyang mata at napayuko siya. Guilt was written on his face. "Sorry, Sunny, iniwan ko ang pinapabantay mo sa akin na sinaing..." nagsisising aniya.
Ngumuso ako at mahinang pinitik ang kaniyang noo. "Bakit mo nga ba kasi iniwan? Hindi ba't sinabi ko sayong tawagan mo ako kapag kumulo na iyon?" I calmly said.
He shook his head. "Nakalimutan ko... sorry, ate... "
I sighed and nodded. "Sige na, okay lang iyon. Basta huwag mo nang uulitin. I know I'm at fault too so you're forgiven now."
I flashed a sweet smile.
He looked up to me, his eyes were bloodshot and regret, guilt, and pain was visible on it. "I'm sorry, Sunny... Ate."
Ngumiti lang ako bago ginulo ulit ang kaniyang buhok. "Okay na nga, you're forgiven."
He pouted and he looks so cute while doing that. His brown eyes were a bit misty. His sharp nose were also red, emphasizing his white skin. Salubong ang makapal niyang mga kilay. And he reminds me of someone.
Pinanuod ko siyang umalis at lumabas ng kwarto ko. When he's no longer on my sight, I sighed heavily before I laid down on bed and covered my body with my comforter.
Kinabukasan, late akong pumasok sa eskwela. Matapos ko kasing maligo kanina ay tinakpan ko ng concealer na bigay sa akin ni Dori ang pasa ko sa pisngi.
Kasabay kong pumasok si Eleazar, iyong kapitbahay namin na mayaman.
Hinatid pa ako nito sa harapan ng classroom namin.
"Uh, good morning." saad niya bago umalis. Grade eight na kasi siya habang ako ay grade seven palang sa high school.
Pumasok na akosa room at umupo sa likurang bahagi. Wala pa si Dori nang tingnan ko ang katabing silya. Napabuga nalang ako nang hangin at binuksan ang assignment ko sa English. May mga hindi pa ako nasagutan roon kaya habang hindi pa nagsisimula ang klase, iyon ang inatupag ko.
"Thanks, kuya!" I heard her usual enthusiastic voice.
"No problem. Take good care, okay?"
"Okay."
Pumihit ang ulo ko mula sa notebook patungo sa hamba ng pintuan. I saw Dori and Icarus there, saying their goodbyes.
"Good bye, Princess." I heard him said before kissing Dori's forehead.
"Good bye, kuya. See you later." she kissed his cheek. "Thank you sa paghatid sa akin dito."
Tumango si Icarus at nang akmang tatalikod na ay nagtama ang mga mata namin.
He smiled a bit. Iyong tipo ng ngiti na para bang may ipinapaalala sa akin. Parang may kung anong paro-parong naglalaro sa tiyan ko. Ewan. 'Di ko maintindihan. I blushed when I felt my heart went crazy again.
"Good morning, Sunny!" binati ako ni Dori at umupo siya sa tabi ko.
Ngumiti ako nang maliit sa kaniya. "Morning."
"Para ba 'yan sa english sub natin?" she asked, smiling. Tumango ako. "Pakopya, ha? Papakopyahin rin naman kita sa Filipino. Please, friendship?" she made a puppy eyes.
Napatango nalang ako. Pinakopya ko si Dori sa assignment ko at pinakopya niya naman ako sa kaniya. Matapos ang klase ay nag-uunahan ang mga kaklase kong lumabas ng room. Nanatili ako sa loob, ayaw kong makipagsiksikan sa kanila.
"Saan ka malu-luch, Sunny?" she asked. "Sabay nalang tayo."
Ever since Preece died, madalang nalang namin i-open up ang topic na iyon. Pati na rin pagbanggit ng pangalan niya ay minsan nalang naririnig.
"Sige,"
"Tara," she said and hooked her arms on mine, and together, we went out from the room.
I was slightly taken aback when I saw somebody standing near the door. Pinagkibit balikat ko nalang iyon at baka hindi naman kami ang sadya pero nagulat ako nang may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Sunshine Marcus?" a baritone voice said.
"Pardon?" I uttered, brows sloped downward.
From leaning, a guy with the same tall as Icarus stood straight and smiled at me. I quickly noticed the familiar features from his face, 'di ko lang maalala kung sino.
"Hi." bati nito habang nakatingin diretso sa aking mga mata.
Mas lalong kumunot ang noo ko. "Yes?" I asked. I made a face. "Sino ka?"
"Sin or Sinon." he introduced and gestured his hands for a handshake.
Tiningnan ko lamang iyon. "Kilala mo siya, Sunny?" bulong ni Dori sa tabi ko.
Umiling ako at nag angat nang tingin sa lalaki.
"Anong kailangan mo?" takhang tanong ko rito.
The corner of his lips twisted up. "I'm Sinon. Hindi mo ba ako naaalala?"
I shook my head.
His smile grew wider. "I'm Preece's brother. Sinon Sawyer the third."
Nanlaki bigla ang mga mata ko at napasinghap. "B-Brother?"
He nodded. "Yep. Nagkita na tayo dati pa," sabi niya.
"I haven't seen you on his funeral." I said as a matter of fact.
"But I saw you."
"O...kay?" I arched him a brow. "Why? Anong kailangan mo?"
Kaya pala familiar sa akin ang mukha niya. Naalala kong may una palang pamilya ang tatay ni Preece. They were just a second family.
He shrugged his shoulders. "Nothing. I just came here to check on you." he said and messed my hair. His eyes glistened with an emotion I can't name.
They were mysterious.
Naguguluhang pinanood ko itong maglakad paalis sa lugar na ito.
"Kapatid yun ni S? Kaya palang medyo kahawig niya." saad ni Dori. "At ano raw? Check on you?"
Nagkibit balikat ako. "Weird."
"Princess." isang malamig na boses na napatigil sa amin ni Dori.
My body froze as soon as I heard those deep baritone voice from behind. Malamig ang boses niya. Nang lumingon ako ay nakabusangot ang kaniyang mukha at hindi maipinta sa irita. His eyes were dark. He was frowing.
"Kuya, nandito ka pala. Papunta na sana kami sa inyo, eh."
Instead of looking at his sister, he looked at me from head to toe, brows furrowed in annoyance.
I was slightly offended on how he looks at me. How dare he to look at me like that!
"Sino inyong lumapit sa'yong lalaki?" he asked.
Umawang ang labi ko at bumilis ang pagtibok ng puso ko sa hindi ko alam na dahilan. He was looking at me directly in the eyes like it was as though I'm the most enchanting thing on this world.
"Ah, wala, kuya." sagot ni Dori.
Tahimik na tumango lang si Icarus at tumingin na naman sa akin.
Magkasalubong ang kaniyang kilay nang tumalikod siya at maglakad.
"Follow me, young women." he said, emphasizing the word 'young'.
I felt a quite offended.
While following his steps, I couldn't help but to feel tension. I don't know. Icarus was so unpredictable. Parang kanina lang mginitian niya ako, pero ngayon ang sungit sungit na naman niya. Ang gulo.
Pagkarating namin doon, nakita ko roon ang mga pinsan ni Icarus. Hyas, Fire, Cedrick, Kalib at si Jasmine.
"Hi, Dori. Hi, Sunny..." mahinhin at malambing ang boses ni Jasmine nang batiin niya kami.
"Hello, Ate Jas." bati rin ni Dori rito at nakipagbeso.
"Hi." sabi ko at tipid n ngumiti.
Mahaba ang lamesa kaya kasyang kasya kaming lahat. Medyo naiilang rin ako dahil lahat sila ay magpipinsan tapos ako lang yung nahalo.
"Grabe! Nakakahilo ang Biochemistry!" rant ni Fire habang nakasimangot.
"Sinabi mo pa." sagot naman ni Hyas. "Dagdag pa ang calculus, nakakaputangina."
Ilang reklamo nila ang mga nariring ko. Mahirap raw umano ang strand na kinuha nila.
"Guys, anong gusto niyong kainin?" tanong ni Jasmine pagkuwan matapos nang mga reklamo nila. "Ako nalang ang mag-o-order ng lunch natin." she said and smiled.
Sinabi nila ang mga order na gusto nilang kainin. At tumango tango naman si Jasmine. She's really so pretty.
"Ikaw, Sunny? Anong gusto mo?" tanong niya sa akim.
Umiling ako sabay turo ng bag ko. "May balon ako. Thank you." I said.
"Wow! May balon ka, Sungit?" tanong ni Hyas sa akin.
Tumango ako. "Adobo."
"Pa-share!" he exclaimed, his eyes were shining.
"'Kay." I said. Kinuha ko mula sa bag ang balon ko at ipinatong ito sa lamesa.
"Ikaw nagluto niyan, friendship?" Dori asked.
"Yeah,"
"Pahingi rin ako."
"Sure."
Dumating na sina Kalib at Jasmine na may dala dalang tray na hawak. They put it on the long table and the guys merrily exclaimed except at Icarus and Cedrick who was always been so serious and cold and stiff.
"Hi, guys! Do you mind if I join your group lunch?" Dumating si Grettle na may hawak na tray ng pagkain. Nakangiti siya nang malawak habang nakatingin kay Icarus na nakatingin rin sa kaniya at may munting ngiti sa labi.
And as a very generous people around me, they welcomed her warmly.
"Thank you!"
Tahimik lang ako habang kumakain kami. I shared my food to them, pinuri pa nila ako na masarap daw ang luto ko, including Grettle.
Si Icarus nalang ang hindi. At papaano niya naman pupurihin ang luto ko eh hindi nga niya ni tikman man lang.
"Ang sarap talaga, sungit!" Hyas exclaimed and pinched my cheek. Napaawang ako at hindi mapigilang mapangiwi. There was a bruise there na tinakpan ko ng concealer.
"S-Salamat..."
A loud bang suddenly interrupted us. I looked up to Icarus when I heard him slammed his fist on the wodden table. Lahat kami ay napatingin sa kaniya.
"Anong problema, Icarus?" tanong ni Grettle at hinaplos ito sa braso. Lihim akong napaismid.
"Nothing. May nakita lang akong lamok." he said and looked at me sharply. "Ang sarap ngang kunin eh at pisilin." he said through gritted teeth.
I swallowed the sudden lump in my throat.
"Pisilin?" Cedrick asked and smirked menacingly.
"Yeah. Nevermind." Icarus scoffed and rolled his eyes.
Siguro nga nanggingingil talaga siya sa lamok na iyon.
After we'd finished our lunch, saglit pa silang nag biruan. Minsan sinasali nila ako at nakikitawa rin ako. Nang isa-isa na silang nagsibalikan sa kani-kaniyang classroom ay tumayo na rin ako at iniligpit ang mga gamit.
Dori and I walked towards our building's kiosk when she excused herself na bumalik sa cafeteria dahil may nakalimutan umano siya sa lamesa. Sasama na sana ako nang umiling siya at sinabing babalik rin kaagad. Tumango ako at napagdesisyonang maghintay nalang.
Habang naghihintay ay nagulat ako nang may biglang humatak ng palapulsuhan ko. I wasn't able to shout who the fuck grabbed me when a familiar manly scent infringed my nose. And the familiar beat of my heart the moment I smell it, I knew first hand who was holding me.
"What is your problem?!" galit kong singhal dito. Nasa pinakagilid kami ng pasilyo at madilim dito na parte. Parang may dragon na nagsasayaw sa loob ng tiyan ko.
"What happened on your face?" he asked, almost inaudible like he was controlling his voice and emotions to burst out.
"What?" Mas lalong kumalabog ang dibdib ko.
"This. What happened on your cheek?" itinuro niya ang kaliwang pisngi ko.
Napaiwas ako nang tingin at napalunok. My chest clenched inside my ribcage. "Just nothing..." I almost stuttered.
"Nothing?" sarkastikadong niyang tanong at umigting na naman ang perpektong panga. "Nothing pero may pasa ka?" he gritted his teeth.
Humugot ako nang malalim na hininga. "N-Nahulog ako sa hagdanan namin. I was too careless." I lied apathetically, not showing any emotion on my eyes.
His eyes suddenly softened but it quickly disappeared and went back to his usual cold one. It sent shivers down my spine.
"Does it hurt?" Di ko alam kung may pag aalala ba sa boses niya o kaswal na tanong lamang iyon. But his voice, it was the most sweetest voice I ever heard from him since we were still young.
I nodded, completely enchanted by his tender touch on my cheek.
He sighed heavily before brushing his hair upwards. "Come on."
Kumunot ang noo ko. My heart jumped.Β 
"H-Ha?"
"Gagamutin natin." he smiled a bit.
Hindi na ako makapagsalita nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila na naman. Napatingin ko ang magkadikit naming mga balat at hindi magilang mapangiti nang maliit.

Book Comment (34)

  • avatar

    it's my first time here, hopefully I'm going to enjoy this novel. Tragic or Endgame still rooting for nice plot

    17/01/2022

    Β Β 5
  • avatar
    WritesFritzz

    A STORY THAT TACKLES REALITY. MENTAL HEALTH, FAMILY ISSUES, SCHOOL PROBLEMS, FINANCIAL ETC

    09/01/2022

    Β Β 3
  • avatar
    Rio Gran De

    Super Nice

    06/08/2023

    Β Β 0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters