logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3.2

Chapter 3.2
"Hija," napalingon ako sa gilid ng may humawak sa aking balikat. Nakatagpo nang aking mga mata ang pigura ng ina ni Preece.
Right in front of me is his mother. At hindi nakakatulong ang magkahawig nilang mukha upang pagaanin ang bigat sa puso ko.
"Tita." pagtango ko rito. Namumugto ang mata nito habang pilit na ngumingiti sa akin.
"Kanina ka pa nakatayo diyan, umupo ka muna at magkape. Malakas pa rin ang ulan." suhesyon niya
Umiling ako at umiwas nang tingin. Tumingin ako sa mukha ni Preece na nasa kabaong. "Ayos lang po ako." sagot ko.
I heard her sighing. "My son is handsome, right, Sunny?"
I nodded and smiled a bit. "Opo... ang gwapo niya." halos pabulong ko nang saad.
"Naalala ko pa dati sa tuwing umuulan, palagi siyang nagpapatimpla ng gatas sa akin at nagpapaluto ng sopas." she said, smiling. "Nalalamigan daw kasi siya at gusto niya ng init. Tapos magpapalambing siya sa akin. Sila nang kapatid niya..." she sniffed.
Hindi ako nagsalita.
I bit my lower lip as I felt my throat dried up.
"Pero ngayon namang umuulan, nagluto ako ng sopas at nagtimpla ng gatas, hindi niya naman tinatanggap." pumiyok ang boses nang mommy niya at napahikbi.
"Ang l-lamig na niya..." dagdag nito at napahagulhol.
A sudden anger along with pain clenched around my chest. Naalala ko iyong mga sumbong sa akin dati ni Preece. His mother was experiencing physical, emotional, and mental abuse. And as a child, ramdam niya rin ang sakit na dinaramdam ng kaniyang ina.
I wonder how painful it was for Preece to watch his mother being cheated and being abused.
"M-Maria..." dumating ang papa ni Preece at niyakap ang kaniyang asawa.
Napabaling ang tingin ko sa kaniya. His eyes were filled with so much emotions I could clearly name. Pain, anger, sorrow, and regrets. Pero kahit magsisi pa siya, hindi na niya maibabalik ang kaibigan ko. He can't bring back the emotional torture he gave to his family, to his son.
Huminga nalang ako nang malalim bago tumalikod at nilisan ang lugar na iyon. Ayaw kong makita ang papa ni Preece. Ayaw kong makita ang taong dahilan kung bakit siya nasasaktan noon. I might breakdown.
Kasi kahit kaibigan lamang ako ni Preece, tinuring ko na siyang sariling kapatid.
Natagpuan ko ang sariling nakaupo sa swing na huling tagpo namin ng namayapang kaibigan ko. Malakas pa rin ang ulan at malamig ang hangin pero parang wala akong maramdaman. Waka akong pakialam.
"Sunshine..." isang baritono at pamilyar na boses ang siyang nagpatingala sa akin.
I stared at him blankly.
He smiled. Icarus smiled at me.
My heart took a leap. He's here. Someone was here for me.  "Why are you here?" namamaos kong saad.
Nagkibit balikat siya bago tumabi sa akin, doon sa pwestong inupuan ni Preece bago siya nawala.
Like me, he was also wet from the rain.
Nilingon ko siya at nagtatanong na tiningnan.
The corner of his lips rose up. I couldn't see any pity on his eyes. "Napadaan lang." simpleng sagot niya at tiningnan ako nag mariin sa mga mata.
Tahimik akong tumango at umiwas nang tingin. He was looking at me intently. "A-Asan si Dori?" nauutal kong tanong at umiwas nang tingin.
"Nasa bahay." he answered while looking at me still.
"Ayos lang ba siya?" I asked.
Kanina kasi habang nasa bahay ako ng pamilyang Sawyer, impit na humagolhol si Dori hanggang sa mawalan siya nang malay. I was worried but I couldn't blame her though... para na kaming magkatapid tatlo.
"She's fine now." he said. "How about you? Are you okay?" he asked, worry was evidence on his voice.
Umiling ako. "I am not." sabi ko sa totoo. I tried never opened up to someone aside from my bestfriends.
I looked at him.
Icarus and I had never been really close. Our mothers were bestfriend but when my mother died, hindi na kami masyadong nagkikita pa. Madalas ay sa school. He and I were actually childhood friends. O friends nga ba?
"You'll feel better soon..." bulong niya.
I couldn't see any sympathy on his eyes. I couldn't see any pity on it while looking at me which I am thankful with. Ayoko sa simpatya. Mas mabuti nang wala ng lumapit sa akin kaysa ang makakita ng ganoong tingin.
"It feels... unbearable." natatawang ani ko at tumingala sa kalangitan. Sa sobrang lakas ng ulan, hindi ko alam kung maririnig pa ba niya ako o hindi. "Una, nawala si m-mama... ngayon naman ang kaibigan ko."
Ipinikit ko ang aking mga mata at ninamnam ang mga patak ng ulan.
"Death is inevitable, Sunshine. You see, hindi natin 'yan mapipigilan, kahit tayo ay babalik at babalik rin sa lupa at magiging abo. Your love ones left your side but in your heart, they're still there. Hindi sila tuluyang nawala. All you have to do is to feel them. Feel their love." Narining kong saad niya pero hindi ko ito sinagot, imbes ay napatanong ako sa aking sarili. I just couldn't process what he'd said.
"Wala na bang mas mamalas pa sa'kin? Halos lahat na yata ng kamalasan, nasalo ko na. People around me—who cared fot me—would leave me eventually. Walang nakakatagal sa'kin." bulong ko sa hangin.
"Someone will." seryosong aniya, nagulat ako dahil narinig pala niya ang aking sinabi. "May isang tamang tao ang dadating sa tamang oras at tamang pagkakataon at hindi ka nito iiwan. Kung aalis siya, ibig sabihin nun, hindi siya ang tama na tao para sa'yo."
Natawa ako nang mapakla. "Maybe." kibit balikat ko at tumingin sa kaniya. "Maybe yes... maybe not."
He stared at me intently and a smile crept on his lips. My heart feels like a thunder. It was roaring inside my ribcage.
I bit my inner lip.
I felt his hand on top mine. Mas lalong kumalabog ang dibdib ko. His callous hand was pressing on mine. "Why aren't you crying?" tanong niya habang hawak pa rin ang kamay ko.
My heart suddenly tugged while I looked at his hand above mine. Mabilis kong binawi ang kamay ko. Para akong nakokoryente.
Napakurap ako at napatikhim.
Nagbuga ako ng hangin. "Kailangan ba talagang umiyak? I mean, kapag ba talaga nasasaktan ka, kailangan mong umiyak?" I asked, brows knitted.
Hindi ko rin maintindihan. Hindi lang siya ang unang beses na nagtanong sa'kin niyan, marami pa. Required ba talagang umiyak kapag nasasaktan ka?
"It's not like that... but I guess, yes?" naguguluhang tanong niya. Nakakunot ang noo at nakabiling ang ulo sa isang gilid na para bang nagtataka talaga siya. Napatawa ako bigla. I don't know. I just find him... cute.
"Well, bakit naman ako iiyak?" tanong ko sa gitna nang malakas na ulan at mahihinang tawa ko. "There's no need to cry, Icarus. Yes, I might feel sad, in pain, and such but can't find any reason to cry at all. Wala naman kasing maibabalik kung iiyak ako eh. Hindi na maibabalik pa ang mga nawala sa akin. Kahit lumuha pa ako ng ilang balde o drum, wala." mapait kong wika.
Mas lalong nagsalubong ang mga kilay niya.
Ngumiti ako sa kaniya. "I am hurting, yes I am." I added.
Amusement danced on his hazel brown eyes as he stared at me.
"You're very different, Sunny..." bulong niya at tumingin sa harapan namin.
Habang nakatagilid siya sa akin ay kitang-kita ko ang tangos ng kaniyang ilong, ang hugis ng kaniyang panga, ang mahahaba niyang pilik mata, at ang makinis niyang leeg na kasalukuyang binababaan ng tubig ulan.
I licked my lower lip as I find him so gorgeous. Nag-iinit ang pisngi ko.
Ngayon ko lang napansin ang suot niya. He was wearing a round plain black shirt at isang pares ng maong na pantalon at isang puting sneakers rin. Umiwas ako nang tingin nang mapansing bakat ang katawan niya dahil sa pagkabasa ng damit niya. He was so goddamn gorgeous and hot.
"I guess, too." muntikan pa akong mautal. I don't want to observe him more often. Baka mapuri ko na naman siya sa isip ko. "Bakit ka ba napadaan dito? Hindi ka ba sumabay sa kapatid mong umuwi?" iwas ko ng topic.
He shooked his head. "Sinundan talaga kita rito. I saw you walking out from your late friend's funeral and I thought of walking after you. And then, nakita kita rito. Mag-isa."
"Hmm..." I was lost of words.
Natahimik kami pareho. Tahimik namin pinapakinggan ang malakas na ulan. Wala akong ibang maisip na topic kaya tinikom ko nalang ang bibig ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin. My heart really beats so fast whenever he's near and I don't know why.
Narinig kong tumikhim siya. Nakakailang na ewan ang atmospera ng lugar. My cheeks were still on heat. Kabaligtaran ng malamig na ihip ng hangin.
"Icarus—"
"Sunny—"
Sabay naming saad at nagkatinginan. Nanlaki pareho ang mga mata namin. I blinked my eyes several times. And so as he did.
An awkward silence filled us.
And not long after, sabay kaming napahaglapak nang tawa.
"Damn." he laughed as he shook his head.
Hindi ko alam na kaya ko pa palang tumawa sa gitna ng sakit. Kaya ko pa palang tumawa sa gitna ng lungkot. I thought it would take me time to be back at my senses again. But I'm wrong. Because right in front of my pain, Icarus made me laugh.
It took us minutes to stop ourselves from laughing.
"Come on." he suddenly stood up kaya tumingala ako sa kaniya.
"Why?" I asked, still smiling.
He gestured his hand for me to put mine above and I curiously held his hand and my eyes widened and my lips parted when he pulled me forcefully that I ended up getting crashed over his wet, chiseled chest.
"W-What are you... doing?" nauutal kong tanong at napakurap.
"Hugging you." sabi niya sa pormal at seryosong boses. Pinulupot niya ang mga braso sa maliit kong beywang at mas idinikit ang mga katawan namin.
Uminit ang pisngi ko at napakagat ng ibabang labi. My chest tightened with so much comfort while my body was pressed against his.
"B-Bakit?" I managed to ask.
Huminga siya nang malalim. "I just feel like hugging you."
Napakurap nalang ako at nawalan ng salita. The beat of my heart was getting fast. At kahit na malamig ang hangin na tumatama sa aking balat, ang init naman na galing sa kaniyang yakap ay nagbibigay ng init sa aking puso.
He wrapped his arm around me and pulled me closer for a tight warm hug.
Nag-iinit ang pisngi ko lalo. Napangiti ako bago napaisip ng nakakaloko. Icarus and I has never been really friends. Ngunit hindi rin naman kami magkaaway. Her mom and I's were bestfriends and her sister and I as well.
"Salamat... kuya," I giggled teasingly.
His body suddenly stiffed.
Humalakhak ako sabay tulak sa kaniya at takbo palayo.
"Sunny!" he shouted and ran after me.
And under the heavy rain and the dark gray sky, our carefree laughter roared around.

Two weeks after Preece was buried, humupa na kaunti ang usap-usapan tungkol sa pagkamatay niya. May ibang napapag-usapan pa rin iyon pero hindi na katulad ng dati. Nakakapanibago sa tuwing pumapasok ako ng room namin, wala nang Preece sa harapan ng upuan ko, wala nang Preece nagpapakopya sa akin, wala nang nanglilibre sa akin. Wala na 'yung taong palaging nagpapangiti sa akin. Hindi pa rin ako sanay hanggang ngayon. It feels like the world turn its back on me the moment my bestfriend died.
Sobrang nasanay na kasi ako sa presensya nya, eh. Elementary palang kami, halos hindi na kami mapaghiwalay dalawa, para kaming magnet kung ipagsama. Kaming tatlo nina Gebby.
"Nami-miss ko na siya, Sunny..." narinig kong malungkot na saad ni Dori or should I say, Gebby, habang nakaupo kami sa pinakadulong bahagi ng room.
I looked at her sideways. "That's normal." I don't wanna look at her to see the pain on her eyes. Hearing her pained voice was too much. Dahil ako, nasasaktan rin ako.
"Miss na miss ko na siya..." pumiyok ang boses niya at suminghot singhot.
My heart tightened.
Napabuga nalang ako ng hangin at pinagpatuloy ang ginagawa. May pinapasulat sa amin ang filipino teacher namin patungkol sa mga klase ng bolkano ang meron sa pilipinas. Sa science naman ay doon sa mga experiment na kakailanganing gawin. I diverted my attention there, not minding her sniffs.
"Wipe off your tears, Dori. Hindi na babalik pa si Preece." walang emosyon kong sabi.
"B-But..." she began to cry hard.
Napailing ako at ngumiti nang mapait.
After the class, sinamahan ko ulit si Dori pumunta sa senior high school building para puntahan ang kuya niya. Si Icarus. I suddenly felt excited. Ang bigat sa dibdib ko ay biglang gumaan. I feel so excited to see him and also to thank him personally.
"Hi, Sunny!"
Umikot kaagad ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Kalib. As usual, with his wide smile on his lips.
"Hello." walang gana kong sagot.
"Ay, ang sungit talaga ng batang 'to!" he laughed and messed my hair.
Napasimangot ako.
Why was everyone treating me like a child? Twelve na ako! Tinabig ko ang kaniyang kamay at sinamaan siya nang tingin.
Mas lalo siyang napatawa.
"Kuya Kalib, nasaan si kuya?" tanong ni Dori habang nasa room kami ng mga seniors.
"Aba! Ewan ko! Hanapan ba ako ng mga nawawalang tao?!" sarkastikadong sabi ni Kalib habang nanlalaki pa ang mata na para bang naiiinsulto.
Halos mapapadyak na ako sa inis.
"Bobo!" dumating si Hyas at biglang binatukan si Kalib na ngayon ay ngumunguso na.
"Ano ba, Hyas! Kung may galit ka sa akin, sabihin mo! Hindi 'yung ganito na palihim mo akong sinasaktan!" madrama nitong wika at napahawak pa ng dibdib.
Ngumuso si Hyas at sinamaan nang tingin ang pinsan. "Shut up, idiot! Nakakarindi ang boses mo!"
"What the—"
"Kuya!" sabay kaming napapihit ang ulo mula sa pintuan nang may sumigaw.
Jasmine... the living doll in the campus, stepped herself inside the room and everyone got quiet.
Pati si Kalib.
She smiled sweetly and stopped in front of Kalib.
"My doll..." sabi ni Kalib at napakurap. Para siya na bewitched at biglang napatikom ang bibig.
"Uwi na tayo!" she exclaimed and giggled. "Nasa labas na sina tito at tita, hinihintay tayo," she sweetly said.
"S—sure... tara na, uwi na tayo." he got into his feet before pulling Jasmine's cute bag and together, they walked out from the room.
Ang ganda talaga ni Jasmine. Para siyang manika na humihinga at nag-aaral sa parehong eskwelahan na pinapasukan ko. Grade 10 pa lang siya pero sobrang laki ng dibdib niya, pati na rin ang pang upo.
She's such a beauty.
"Of course not! Ah! Stop, Grettle!"
"Ayiee... aminin mo na kasi! Hindi naman kita kakagatin! May gusto ka sa akin, ano?"
"Grettle, come on! Stop it!" halakhak nito.
"Sabihin mo muna sa'king gusto mo'ko, tsaka na ako titigil. Sige na!"
"No, I won't!"
"Icarus! Sige na! Huwag ka na kasing mahiya! Alam ko naman na may gusto ka sa'kin, eh. Malay mo, from bestfriend maging jowa tayo! Let's give ourselves a shot! Wala namang mawawala, eh!"
Mga halakhak at biruan ng dalawang tao ang narinig ko. Kunot noong tumingin ako sa pasilyo nang marinig ang boses ni Icarus at matalik na kaibigan nitong si Grettle.
Or kaibigan nga lang ba?
Nagtiim bagang ako bigla ng magtagpo ang mata namin. His thick brows creased as he saw me throwing him a glare. Nagtataka ang kaniyang mga mata.
I looked at Grettle beside him and looked at her from head to foot. Hindi ko mapigilang manliit ng makitang sobrang ganda ng hubog ng kaniyang katawan. Her body is the real definition of a sexy woman. Bukod sa sexy na, maamo pa ang mukha nito.
Nairita bigla ako.
Kaya pala natagalan siya dahil kasama niya pala ang 'bestfriend' niya. Ha! Samantalang ako, heto at nagbibitbit ng mga libro ng kapatid niya, siya naman ay naglalandi!
Inis na binitawan ko ang libro sa ibabaw ng upuan at umirap sa kawalan.
"Dori." bati ni Icarus sa kapatid niya at hinalikan ito sa noo. "Bakit ka nandito? Wala pa ba si manong?" tanong nito.
"Sasabay ako sa'yo ng uwi, kuya." she answered.
"Hi, Dori!" narinig ko bati ni Grettle sa best friend ko kaya mabilis akong napalingon ngunit na imbes na si Grettle ang tingnan ko, nakasalubong ko ang matiim niyang titig.
Hindi ko maiwas ang mata ko sa kaniya. I am irritated, alright! And it's frustrating me because I don't know the reasom behind it! Basta naiirita lang ako. Just the thought of him flirting around while I was with his sister, helping her, literally makes my blood boil.
And I don't think itutuloy ko pa ang plan ko na magpasalamat sa kanita. Kusang umikot ang mga mata ko kaya mas lalong kumunot ang noo ni Icarus sa aking harapan. Inirapan ko ulit siya bago binalingan si Dori.
"Dori, uuwi na ako." pahayag ko. Hinatid ko lang naman kasi siya rito eh at aalis na rin ako. Hindi ko nalang pasasalamatan si Icarus. Next time nalang.
"Ha? Aalis ka na kaagad? Mamaya na! Isasabay ka nalang namin ni Kuya."
Umiling ako. "Hindi na. Malapit lang naman ang amin eh atsaka kaya ko namang umuwi mag isa. Atsaka, sasabayan ako ni Eleazar. Alam mo naman 'yon, parang tuko kung makadikit sa akin."
"Ha? Sigurado ka ba? Pwede ka namang sumabay sa amin, eh."
Umiling ulit ako. "Hindi na talaga. Tutulongan ko pa ang kapatid ko sa project niya ngayon."
She pouted and nodded. "Sige na nga!"
Napangiti ako at ginulo ang buhok niya. "Bye, ingat ka."
"Ikaw rin, ingat!" she waved her hands.
I looked at Hyas and waved my hands at him. Grade ten palang si Hyas at guwapo rin. No doubt, he's a Del Cianco. "Good bye, Hyashin..." I smiled at him sweetly.
He smiled back and nodded. "Good bye, Sunny na masungit."
I heard an exaggerated cough from Icarus.
Natawa ako sa tinuran ni Hyas at dumukwang na kay Dori para halikan siya sa pisngi.
I saw Grettle smiling at me. Pumeke ako ng ngiti. "Bye po, ate Grettle."
"Babush!" she giggled.
I gave her a brief nod before I threw a look at Icaurs I scoffed once again before bumping his shoulder and walked out from that room.
Habang nag aabang ako ng jeep sa labas ng campus, may biglang humaklit sa braso ko kaya gulat akong napalingon sa kung sino man ito.
"Oh, my God!" tili ko.
Icarus stood in front of me. Jaw clenching and eyes piercing. I felt chills on my spine. Puno ng pagtataka ang kaniyang mga mata at naroon rin ang irita.
Nang makabawi sa pagkagulat ay binawi ko ang braso ko at tinaasan siya ng kilay.
"Ano ba, kuya!?" inis kong saad.
Dumilim bigla ang kaniyang mata at mas lalong nagtagis ang kaniyang bagang.
"What?" Halos mapaatras ako sa tanong niyang iyon. May pagbabanta ang kaniyang tono at inis. Sobrang lamig at paos pa ang kaniyang boses.
Umismid ako at nagtaas noo. Who says I get intimidated by his raspy cold voice?
"Tinatanong 'po' kita, kuya. Bakit ka nandito?" I smirked.
Nanliit ang kaniyang mata. "Who told you to call me that?" mariin niyang tanong at humakbang ng isang beses sa akin.
Nanlaki ang mata ko at napaatras ng isang beses. Biglang binayo sa kaba ang dibdib ko.
"Ako lang, bakit?" maangas ko ring sagot.
Nanuyo ang aking lalamuna.
He bit his lower lip and stepped closer to me until I could smell his manly scent. It was so good.
"At bakit mo ako tinatawag na kuya?" he arched me a brow.
Nanginig ang labi ko at napaatras ng ilang beses hanggang sa tumama ang likuran ko sa malamig na pader, sa likod ng waiting shed.
"A-Ano ba!" itinulak ko siya pero hindi iyon sapat para matabig ang muskulado niyang katawan, dagdag pa na ang tangkad niya.
He towered over me with his hypnotizing hazel brown eyes. Ilang beses ata akong napalunok nang mas lumapit siya sa akin. Mas lalong nanginig ang aking labi sa kaba. I was never been intimidated my whole life not until now. Not until Icarus shows me his superiority.
Buong akala ko ay itatanong niya naman sa akin kung bakit ko siya tinawag na kuya pero iba ang narinig ko kays sa inaasahan ko at natagpuan ko nalang ang sariling natulala sa kawalan.
"How 'bout me? Aren't you going to say goodbye, Sunny?"

Book Comment (34)

  • avatar

    it's my first time here, hopefully I'm going to enjoy this novel. Tragic or Endgame still rooting for nice plot

    17/01/2022

      5
  • avatar
    WritesFritzz

    A STORY THAT TACKLES REALITY. MENTAL HEALTH, FAMILY ISSUES, SCHOOL PROBLEMS, FINANCIAL ETC

    09/01/2022

      3
  • avatar
    Rio Gran De

    Super Nice

    06/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters