logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 1

Chapter 1
Late akong nagising umaga nang lunes kaya nalate rin ako sa school. Saglit akong naharang sa gate. Pa-simple akong gumilid para makatakas. Fortunately, nakaiwas naman na ako roon sa kumpulan ng mga estudyante. Tamad akong umupo sa pinakalikurang bahagi ng classroom namin habang inilalapag ang bag sa lamesa.
"Good moring, Sunny..." bati sa akin ni Dori. She was wearing her complete uniform just like mine. Nakatali ang mahaba niyang buhok at may hair clip din siya.
Ngumiti ako pabalik at hinalikan ang kaniyang pisngi. "Good morning, Dora the explorer."
Sabay kaming napatawa.
"In-invite ka raw ni Preece?" she asked. "Inimbita niya rin kasi ako kaso 'di ako pwede. May lakad kami next week at naka schedule na 'yun kaya hindi pwedeng tanggihan. Sayang naman."
"Sasama ako," maikling sagot ko at ngumiti.
"Okay lang ba sa papa mo? I mean, we all knew he's strict, baka 'di ka payagan 'nun."
Huminga ako nang malalim.
"He'll talk to papa. Siguro sa mga susunod na araw, baka pumunta siya ng bahay namin para ipagpaalam ako. I don't know when." I shrugged.
Ang sabi niya ay siya na raw ang bahalang kumausap sa papa ko tungkol doon. Hindi ko alam kung kailan pero hula ko ay sa susunod na araw.
Hindi naman nagtagal ng ilang minuto, dumating na si Preece na katulad ko ay late rin.
Nagkatinginan kami at bigla kong naalala ang paghalik niya sa aking pisngi. I looked away.
"Nag-community service ka?" I asked, a bit awkward.
"Yeah," maikling sagot niya at binati kami. "Good morning, girls."
Not long after, dumating na rin ang guro namin at nagsimulang mag-discuss. Apat na subject ang ti-nake namin sa morning shift. May dalawang nagpa-quiz at ang isa naman ay nagpa-assignment.
The class didn't last long, nang mag-lunch break na ay pumunta kami sa may field at umupo sa ilalim ng malaking mahogany tree. Our group of friends also came and joined us.
Lahat kami ay may kani-kaniyang mga baon. Ang iba naman ay bumili lang sa cafeteria at sumali sa amin.
"Gosh! Ma'am Montes is a teacher freak!" kwento ni Kath habang ngumunguya. "She made me clean the whole room, alone!"
Nagkatawanan ang iba sa amin sa rants nito. She was so pissed off and her face was so hilarious to look at.
"Do you know my mom bought me a new phone? Latest model of IPhone. It's so mahal talaga. I told her na nga na 'wag na akong bilhan kasi meron pa naman akong magagamit pero she insisted," kuwentonaman nang isa.
Almost all of them were rich kids, unlike me, hindi naman ako kagaya nila na afford lahat ng bagay. Though, nakakasabay pa rin naman ako. Sometimes, I wanted to caged myself 'till no one could ever notice me. Ayoko ng atensyon. Fame means stress.
Kinuha ko nalang ang cellphone mula sa bag at napagdesisyonang magscroll nalang ng social media. Some of my friends were brat. These teenagers around me can get anything they wanted at kani-kaniya silang kwento nito sa mga kaibigan namin.
Wala naman akong maipagmamalaki kaya nanahimik nalang ako.
I opened my Instagram and scrolled it down. Wala naman ka interesante roon kaya bumalik ako sa facebook.
Memes are all over.
Minsan natatawa ako at ang iba naman ay isene-share ko. After that, I took a quick selfie and posted it on my 'my day' with a caption, "happy lunch break"
"Sunny, kain na muna bago ang cellphone," narining kong pangaral sa akin ng S sa akin.
"Bago mo'ko pagsabihan, ibaba mo na muna iyang cellphone mo." I rolled my eyes.
May gana pa talaga siyang pangaralan ako eh siya nga itong nagce-cellphone rin.
He chuckled and put down his phone. Sabay na naming tinapos ang natitirang pagkain. He offered me a bottle of water and I took it happily.
"Wala bang sa'kin, S?" tanong ni Dori habang nakangusong nakatingin kay Preece.
"Walang sa'yo dahil pangit ka," he said a flashed a smirk.
I stuck out my tongue at Dori and she just rolled her eyes.
"Dori, minsan kasi, matuto tayong magbigay sa kapwa para babalik rin sa'yo ang grasya," natatawang ani Koy habang sumisimsim ng juice nito.
Napuno nang tawanan ang buong lugar.
"'Wag niyo 'kong pagtawanan! Eh, bakit ba? Mahal kaya ang presyo ng papel ngayon!" she reasoned out and we burst out laughing again.
Gebby a.k.a Dori were born rich. Filthy rich, to be exact. Ewan ko ba sa kaniya, isang pirasong papel lang naman iyon, hindi naman siguro niyan nila ikakapulubi.
Isa-isang ng umalis ang mga kasamahan namin hanggang sa kaming dalawa nalang ni S ang natira. I just watched them leave on by one.
Napuno ng lungkot ang puso ko kaya nagbuntong hininga ako at iniling ang ulo para walain iyon sa aking isipan.
"Kumusta ang weekend mo?" tanong niya.
I just silently hummed and looked above. Ang sikat ng araw ay tumatama sa aking mata kahit nasa ilalim kami ng maraming dahon. Umihip nang malakas ang hangin na siyang nagpalipad ng ilang hibla ng aking maikling kulay lupang buhok.
A smile crept into my lips. "It went good," I said as a matter of fact. Wala naman kasi si papa sa loob ng dalawang araw na 'yun, eh. May laro siya sa pagbibilyar kaya kaming dalawa nalang ng kapatid ko ang natira sa bahay.
"Stop smiling, you look creepy," seryosong sabi niya kaya mabilis na nawala ang ngiti ko sa labi at bumagsak ang paningin sa lupa.
"I missed her, S..." I confessed and smiled sadly.
I missed my mother. So much. It has been a year now since she died and I still haven't move on an inch. It was so hard to let her go. I would've been happy now if she was still here. The pain was too much to bear especially that I was still holding into our memories together.
The pain was too much that until now it haunts me.
I sighed and lifted my hands as if reaching the sky. I wanna reach her, I wanna hold my mom, I wanna see her... but I couldn't.
Sa ilalim ng sikat ng araw, pilit kong inaabot at inaaninag ang liwanag sa aking puso. Ang katahimikan. Ang kapayapaan. I wanted to feel that. I wanted to have that, again.
Naramadaman kong ipinatong niya ang kaniyang braso sa balikat ko. He held my head and let it rest on his shoulder. I heave a deep sigh repeatedly as I slowly closed my eyes and put down my hand on my lap.
Wala siyang ibang sinabi at hinayaan lang akong nakasandal sa kaniyang balikat. We fell into a deafening silence but it feels more comfortable. Silence comforted me.
I could hear the beats of our hearts as we stayed quiet for a long minutes, nanatiling nakapikit ang aking mga mata. I felt his hands caressing my hair and his lips pressed against my temple and I never had a peaceful feeling since my mother died until now. Until he held me in his arms.
I smiled.
Kagaya nang nakasanayan, sa hapon ay kumain ulit kami sa labas ng school. Nakaupo kami ngayon sa isang bench malapit sa mga stall ng street vendors habang parehong may hawak na balot ng gulaman sa aming mga kamay. Kasalukuyan kaming sumisilong sa init ng hapon at nagpapalamig. Pinagpapawisan na nga kami pareho dahil sa pag linis ng classroom.
"Sunny, kumusta na kayo nang kapatid mo?" tanong ni manong Kaloy na isa sa mga street vendor rito sa labas ng school namin. Dating kapit bahay namin si manong Kaloy noong hindi pa kami lumipat ng bahay.
Sumimsim muna ako sa gulaman na hawak bago sumagot, "Maayos naman po. Parehong nag-aaral."
"Mabuti naman at hindi kayo pinababayaan ng papa niyo," sabi nito habang busy sa pagbigay ng paninda sa mga estudyante.
"Hindi naman po."
"Naglalaro pa rin ba siya ng bilyar, Sunny? Balita ko malaki ang panalo niya noong nakaraang linggo. Dumayo pa raw sila sa kabilang rota."
Nagkibit balikat ako. "'Di ko po alam." I said, wala naman kasing sinabi si papa na nanalo siya. "Pero naglalaro pa rin po si papa hanggang ngayon," dagdag ko.
Hindi na nagtanong si manong Kaloy hanggang sa matapos kaming kumain. Naging busy na rin kasi ito.
"Manong, paki-balot po ng limang barbecue, salamat po," sabi ko bago dumukot ng pera sa pitakang hawak ngunit bago paman ako makabunot ay pinigilan na ako ni Preece.
Our eyes met.
He smiled. "My treat."
Mabilis akong umiling. "Hindi! Ako na. Pasalubong ko 'to kay Seth," I said. "Atsaka may sarili naman akong pera, 'no?"
Umiling rin siya. "Ako na nga sabi. Libre ko ngayon."
Sumimangot ako. "' Wag na. Ako na. Kayang kaya ko 'to."
"Nah. Ako na. Ako 'yong nagyaya. Let me pay for it,"
Wala na akong nagawa nang siya na ang nagbayad ng mga binili ko. He pulled one hundred pesos from his pocket and gave it to the vendor.
"Salamat," sabi ko bago kinuha ang mga binili sa tindero.
"No problem," mayabang siyang ngumisi sa akin bago kinuha ang bag ko sa lamesa at siya na ang nagbitbit nito.
"Yabang porket rich kid," natatawang sabi ko at umirap.
He chuckled and pinched my cheek. "Ang parents ko ang mayaman. Hindi ako, Sunny." Natatawa bagama't seryosong saad niya.
I pouted.
Things I like about S was his down-to-earth personality. He wasn't boastful about his wealth—about his family's money and connections. He was always so humble that sometimes I'd find it fake.
I could say he was raised for being a good kid. Mayaman sila pero kayang kaya niyang makipagsabayan sa mga mahihirap na kagaya ko. Ang swerte ko nga dahil naging magkaibigan kami. He's like a big brother for me. And the feeling is mutual. He sees me as his younger sister. We treat each other like a siblings.
I smiled sweetly.

"Sunny, Preece!"
Sabay kaming napalingon sa kanan nang may tumawag sa aming mga pangalan. Dori was walking straight to our direction as her lips curved downwards. Umaalon ang mahaba nitong buhok na may headband.
Gulat ko siyang tiningnan. I thought she already went home? Kaya nga kaming dalawa nalang si Preece ngayon dahil akala namin nakauwi na siya.
Nang huminto siya sa aming harapan ay sinabunutan niya agad kami ng buhok. Napa-igik ako.
"Ba't niyo 'ko iniwan?! Akala ko ba sabay tayong kakain?!"
"Eh, akala ko kasi umalis ka na. I saw your driver kanina at nakita rin kitang pumasok sa van niyo." I said while fixing my hair.
She stomped her feet and glared at the both of us. "Ang selfish niyo!"
Pinigilan kong matawa. She's so cute whenever she pout. Para siyang si Boots sa Dora the explorer.
"Dori, hindi mo naman kasi sinabi na sasabay ka pala, eh." I calmly said and pull her books from her arms, paniguradong nabibigatan na siya.
Napapadyak pa rin siya. Tss. Kahit kailan, isip bata pa rin. I can't blame her though, bata pa naman talaga siya—bata pa kami. Pero dahil panganay akong anak, medyo seryoso ako sa ibang bagay.
"Sana tinawagan niyo man lang ako," nagtatampong sabi niya.
"Don't worry, Dori. Sa susunod, libre kita." Inakbayan siya ni S at ngumiti.
Mabilis namang nawala ang tampo sa kaniyang mukha at bigla nalang ngumiti. "Talaga?"
"Yup!"
"Sige!" she exclaimed. "Uuwi na ba kayo?" tanong niya pagkaraan.
Tumango ako. "Oo."
Kinuha niya ulit sa akin ang mga libro niya bago ako hinalikan sa pisngi. "Ang daya niyo hindi niyo ako isinama. Pero sa susunod, ah?" sabi niya.
Tumango ako at ngumiti nang matamis. "Sige."
"Sige na, aalis na ako. Baka maabutan ko pa sina kuya." she said and bid her goodbye. "Bye, friendships!"
Ngumiti ako bago kumaway rin. Nilingon ko ang likuran ni Dori at nakita ang van nila.
Coincidentally, I met Icarus' hazel brown eyes. My eyes widened and my heart beats go crazier inside my chest. Dali dali akong umiwas nang tingin.
Ngunit bago ako makaiwas, nakita ko ang pagtaas ng sulok ng kaniyang labi.
He smirked at me.
Shet.
I looked at Preece beside me. "Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?" I asked, almost stammering.
He sighed and messed my hair. "Sabay ka na sa'kin. I-d-drop nalang kita sa kanto niyo." he offered.
Mabilis akong pumayag. Mabuti na iyon ng makatipid. Napatingin ulit ako sa direksyon kung saan naroon si Icarus at nakitang nakatingin pa rin ito sa akin.
I rolled my eyes.
I could feel my cheeks heating up again.
"Goodbye, Sunny. See you tomorrow." Preece said and smiled. Nasa may kanto na kasi kami malapit sa bahay namin.
"Salamat sa pa-free ride. Ingat kayo pauwi," sabi ko. May sarili kasi siyang driver dahil minor pa siya.
"Ikaw din, mag-ingat ka."
I bid my one last goodbye before turning my back and walked towards our house. Nakita ko ang kapatid ko na kakarating lang din mula sa eskwelahan nila. Malapit lang kasi ang paaralan na pinapasokan niya kumpara sa'kin na kailangan pang sumakay ng jeep.
I called him. "Seth!"
Nanlaki ang mata niya nang makita ako. Patakbo akong lumapit sa kaniya at ibinigay ang barbecue na dala. "Late ata ang uwi mo ngayon?" I asked as I raised my brow.
Napakamot siya sa kaniyang kilay. "May tinapos lang na project," he said.
Tumango ako bago ginulo ang kaniyang buhok. Sabay kaming pumasok ng bahay.
"Maligo ka muna at magbihis ng pangbahay tapos bilhan mo'ko doon kina aling Moning ng illustration board." I said. "May gagawin akong project ngayon," sabi ko bago umakyat sa kwarto ko at nag half bath.
Bumaba ako mula sa kwarto at pumasok sa kusina. Kakarating lang ni papa mula sa lugar na hindi ko alam kaya lumapit ako sa kaniya at nagmano.
"Pa, anong gusto mong kainin ngayong gabi?" I asked casually. By the look of him, I think he's on a good mood kaya hindi rin ako natatakot na magtanong.
"Ikaw bahala." Kibit balikat niya bago ako binigyan ng isang libo. "Hatian mo ang kapatid mo niyan." sabi niya.
Ngumiti ako nang malaki. Saktong sakto at may mga bayarin ako sa school na kailangang bayaran, hindi ko na kailangang humingi sa kaniya.
"Salamat," mahinang wika ko bago tumalikod at nagsaing ng kanin. Nang matapos iyon ay nagpakulo ako ng tubig sa heater at nagtimpla ng kape para sa kaniya. Gatas naman ang akin.
"Papa!" I heard Seth's enthusiastic voice as soon as he saw his father.
I saw papa's lips formed into a sweet smile. "Seth, anak, halika." sabi niya sa malambing na boses.
Seth excitedly went closer to his biological father and hugged him tight. "Papa, na-miss kita!"
Natawa nang mahina si papa bago niyakap pabalik ang anak. "May dala akong pasalubong sa'yo. Tingnan mo, nasa sala."
Tumili si Seth bago patakbong pumunta sa sala para tingnan ang mga pinamili ni papa.
Humugot ako nang malalim na hininga bago tinapos ang pag-inom ng gatas at bumalik ng kwarto. "Seth! 'Yung pinapabili ko sa'yo!" sigaw ko mula sa loob.
I opened my facebook account and scrolled. Memes, educational quotes and such ang bumungad sa akin. I watched tons of videos and laughed my ass out not until a message suddenly popped out all of a sudden.
Kumunot nalang bigla ang noo ko nang makakita ng isang mensahe sa isang hindi pamilyar na account. It was a spam.
From: Cutiecutie
I love you, Sunny.
Weird, creepy and disgusting. Nagkibit balikat nalang ako bago nag scroll down sa Facebook. I saw one particular account na madalas kong bisitahin.
As usual, puro quotes lang na shinare ang mag laman ng timeline niya. Napaka oldies nga naman niya talaga. At nang tingnan ko ang profile picture, iyon pa rin katulad nang dati. Hays. Ba't ang gwapo pa rin? Halos isang taon na niya itong profile niya at mukhang madadagdagan pa ata ng ilang taon bago siya magpapalit uli.
Nakasuot siya dito ng isang white polo at pang I.D ang datingan ni lodi.
Ang gwapo talaga kahit kailan, pero syempre, wala akong pagsasabihan nun.
I looked at his picture again before saving it on my device.
I smiled cheekily.
Icarus Del Ciano, you're definitely handsome. It was even just an understatement.
How to be you po?
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa eskwelahan bitbit ang mga project na dala. Third quarter na at mas dumarami ang mga kailangang ipasang projects. Nagulat ako nang may bigla nalang humawak sa aking balikat habang naglalakad ako sa pasilyo.
Humihingal si Dori habang pinagpapawisan. Panic ang rumeristro sa kaniyang mukha.
"Sunny! You need to see this! Come on!"
Hindi na ako makapag-react nang bigla nalang niya akong kinaladkad. Kanda iwas iwas kami sa taong nadadaanan habang walang humpay ang pagtakbo niya kasama ako.
"Bakit ba, Dori? Anong nangyayari?!" nagsimula na rin akong kabahan.
"S-Si Preece!" she said between panting. "Si S! Si Preece, nakikipagsuntukan!" she exclaimed.
Nanlaki ang mga mata ko at mas binilisan ang pagtakbo. Saktong-saktong pagdating ko ay siya ring pagtumba ni Preece sa sahig habang pinapaulanan ng suntok ng kalaban.
"S!" tili ko at nanlaki ang mata.
He suddenly looked at me kaya natamaan ang kaniyang pisngi. Ngumiwi siya at itinulak ang kalaban kaya napahiga ito. Siya naman ang nagpaulan ng suntok.
"Shit. Preece! Magtigil ka diyan!" sigaw ko.
"Fuck you! Fuck you! Fuck you!" he cursed countless times before giving him one last punch on the face and the boy went unconscious.
Dumating ang ilang staff ng school at inawat siya. Samantalang dinala naman sa clinic ang nawalan ng malay na estudyante.
"Mr. Sawyer!" sabi ng dean ng eskwelahan namin.
Preece wiped off the blood in the sides of his lips before smiling reassuringly at me and gave me a nod.
Napailing ako.
Dinala siya guidance office habang ako naman ay nasa labas nito at hinihintay siya. Late na ako sa first subject but I wanted to know if he's okay first. May sugat at pasa rin siya.
Ilang minuto ang nakalipas, lumabas siyang gusot gusot ang uniform.
"Ano bang nangyari, S?" I asked worriedly.
He only shook his head. "Tara, pasok na tayo ng room. Late na tayo, oh," he said before pulling my bag.
Isiniwas ko iyon sa kaniya at pinakatitigan siya ng seryoso. "Tell me." sabi ko. "Ano bang nangyari at nagkasuntukan kayo?"
Hindi siya umimik at naunang maglakad sa akin.
"Preece! 'Wag mo nga akong talikuran! Tinatanong kita!" sigaw ko sa kaniya habang sumusunod sa mga malalaking hakbang na ginagawa niya.
Hindi pa rin siya nagsasalita.
Inis akong humarang sa kaniyang dinadaanan.
His eyes drifted on me and it shows nothing but coldness. "It's nothing, Sunny. Come on, may klase pa tayo," aniya sa mahinahon na boses.
Mas lalo akong nainis. "Wala?! Nakipagbasag ulo ka roon dahil wala lang?! Sige nga sabihin mo sa akin kung bakit ka nanununtok ng wala lang! Ano 'yun, bigla ka nalang tinamaan ng pagkatopak mo kaya inaway mo' yun? Ano? Baliw ka?" sarkastikado kong singhal sa kaniya.
He frustratedly messed his hair. "Hindi ako iyong nauna, okay? It was entirely his fault!" he hissed and pouted.
"Shut up! Narinig ko ang ibang estudyante at sinabi nilang ikaw ang naunang nanuntok!"
His jaw clenched as he rolled his eyes. "And so?"
Hindi nakapaliwalang napasinghap ako. "Anong 'and so'?! Baliw ka na ba talaga?!"
Humugot siya nang malalim na hininga at umirap.
"Look, Sunny, believe me or not, hindi ako 'yung nauna, okay? He started it! Kasalanan na niya iyon kung bakit ko siya nasuntok!"
Umirap nalang ako sa kaniya bago tumalikod at naunang maglakad.
Dumeritso ako sa garden ng school kesa sa room namin. Alam kong nakasunod lang din siya sa akin dahil nararamdaman ko ang presensya niya.
"Anong gagawin natin dito?" tanong niya pagkaraan.
Hinarap ko siya at pinameywangan. "Lilinisin ko 'yang sugat mo."
He quietly nodded and sat beside me.
Nanatili akong seryoso para iparating sa kaniya na hindi ko nagustuhan ang kaniyang ginawa.
"Sunny..." he uttered weakly.
Walang imik kong nilinis ang sugat niya sa pisngi at ilang galos nito. Ayoko siyang kausapin. Ayoko siyang pansinin. I didn't like what he did. I didn't like seeing him fighting with other students o kahit sino paman niyan. He's a good man. Mabait siyang tao.
"Hindi ko gusto ang ginawa mo," tahimik kong saad habang dinadampian ng bulak na may alcohol ang kaniyang pisngi.
He flinched.
"Sorry..." mahinang sabi niya.
Nanatiling blangko ang mukha ko at tinaasan siya ng kilay.
Napayuko siya. "It just that... I didn't like what he'd said."
"Bakit?"
Umiling siya at umiwas nang tingin. He sighed deeply. Something inside my chest melted at that.
My eyes softened. Alam kong may rason siya kung bakit niya iyon ginawa. At gusto kong marinig iyon.
"S, sabihin mo sa akin." mariin kong saad.
Humugot muna siya nang malalim na hininga bago tumingin ng diretso sa aking mata. Parang nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin ito sa akin o hindi.  
I gave him an encouraging nod.
He flashed a sad smile. "He said you're a criminal's daughter. And I didn't like it. I'm sorry,"

Book Comment (34)

  • avatar

    it's my first time here, hopefully I'm going to enjoy this novel. Tragic or Endgame still rooting for nice plot

    17/01/2022

      5
  • avatar
    WritesFritzz

    A STORY THAT TACKLES REALITY. MENTAL HEALTH, FAMILY ISSUES, SCHOOL PROBLEMS, FINANCIAL ETC

    09/01/2022

      3
  • avatar
    Rio Gran De

    Super Nice

    06/08/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters