logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4: Who is she? This nightmare keep chasing me all night. -Angela Stine

Chapter four: Who is she?
This nightmare keep chasing me all night.
-Angela Stine
____________________________________________________________
Gulat na gulat lang akong nakatingin kay lola, na ngayon ay nag-eempake ng mga gamit ko. Matapos ko kasing sabihin sa kaniya na lilipat ako ng school, ay dali-dali nitong kinuha ang isang maleta.
"Lola hindi nyo na kailangang gawin yan. Hindi naman ako aalis, lilipat lang naman po ako ng school." Maktol ko dito pero hindi man lang niya ako pinakinggan.
Hay, kaylangan ba talaga ng maleta?
"Kaylangan mo ang lahat ng ito. Kung sa DA ka mag aaral, dapat talagang dalhin mo lahat ng kaylangan mo. Dorm school ang paaralang iyon Angela, kaya dapat handa ka." Handa? Handa para saan? Tyaka paano niya nasabing dorm school, e hindi niya pa naman napupuntahan. Unless alam niya ang lugar na iyon.
"Alam niyo lola, kanina pa ako nag tataka sa inyo. Nung sinabi kung lilipat ako ng school, hindi man lang kayo nagulat. At ngayon parang pinapalayas niyo na ako, kayo nga'y magsabi sa akin ng totoo. Bakit ganyan ang reaksyon ninyo nung sinabi kong lilipat ako ng school?" Kung umasta kayo ay parang alam niyo nang mangyayari ito.
"Alam mo apo, ang mahalaga ay doon kana mag aaral. Matulog kana nga, ay ng may lakas ka para bukas." Matutulog? Seryuso po ba kayo? Alas dos (2) palang ng hapon patutulugin niyo na ako? Ang lakas ng trip niyo.
"Lola alas dos palang ng tanghali. Masyado pang maaga para matulog." Pero pwede din naman akong matulog.
"Basta matulog kana." Napabuntong hininga na lang ako. Kung ito lang ang paraan para matigil kayo. E aba papatusin kuna.
Ang kulit din kasi ng matandang to. Bahala na nga, matutulog na ako.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking kwarto ay kaagad na akong humiga at napatingin sa kisame.
Hay, ang daming nangyari ngayong araw. Halos hindi na kinaya ng brain cell ko.
Ipinikit ko na lang ang aking mata hanggang sa dapuan ako ng antok.
Naalimpungatan na lang ako dahil sa taong kanina pa ako niyuyogyog.
Argg. Gusto ko pang matulog. Grabe naman kasi si lola kagabi. Pinatulog nga ako ng hapon, pinuyat naman ng gabi. Ewan ko kung anong trip niya pero wala kaming ginawa kagabi kung hindi ay ang kumain at manuod ng drama.
Napatalukbong na lang ako ng kumot at pumikit muli. I wanna sleep, I wanna sleep, I wanna sleep.
"Huy bata ka bumangon ka na diyan. Nakakahiya sa sundo mo."
Imbis na pansinin ang nang gigising sa akin ay hinayaan ko na lang ito at nagpalamon muli sa antok.
Nang imulat ko ang aking mata isang madilim na pasilyo ang bumungad sa akin.
Nasaan na naman ba ako. Bakit nandito na naman ako sa madilim na lugar na ito. Nasabi ko na lang habang nangangapa.
Hay, natulog lang ako ulit. Babangungutin pa ata ako.
"Hello? Is anybody there?" Sigaw ko ngunit wala man lang ni isang nag salita.
Ito nanaman ako sa lugar na ito. Sa lugar kung saan wala ni isang liwanag.
Hay, palagi na lang akong napupunta dito.
"Hello?" Pag-ulit ko ng bigla na lang may nag salita sa kung saan. "Iha anong ginagawa mo dito? Tumakas kana, baka makita ka pa niya." Sabi ng matandang babaeng, bigla nalang sumulpot sa aking harapan. Halatang matanda na siya dahil sa puti nyang buhok at kulubot niyang balat.
Saan siya galing? Paano siya napunta sa panaginip ko?
"Lola nasaan po ba ako? Bakit ganyan ang itsura niyo? Anong nangyari sa inyo?" Tanong ko nalang habang nakatingin sa matandang may galos at punit punit ang damit. May bahid din ng dugo ang katawan nito at mga pasa.
"Iha tumakas kana, papatayin ka niya. Mamamatay ka dit---."
"O my god." Napatakip na lamang ako ng aking bibig sa nakita.
Hindi na natuloy ng matanda ang kanyang sasabihin ng bigla na lang itong mapa suka ng dugo habang tumitirik ang mata. Kitang kita ko ang pag tagos, ng isang matalim na bagay mula sa likuran niya.
Halos hindi narin ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang nakatingin sa katawan niyáng bumagsak. "Gumising kana iha, iligtas mo ang sarili mo." Huling sabi ng matanda habang nanghihingalong nakatingin sa akin. Hindi ako makakilos at parang gusto kung hawakan ang dugong umaagos mula sa katawan niya.
Gusto ko syang lapitan, gusto ko siyang tulungan. Pero natatakot ako sa babaeng kamukha ko na ngayon ay may hawak na patalim. Kitang kita ko kung paano niya hugutin ang armas na iyon mula sa katawan ng matanda.
Naaawa ako sa matanda pero mas nananaig ang takot ko sa babaeng ito.
"Huwag kang lalapit, wag na wag kang magkakamaling lumapit sa akin." Gamit ang aking mga braso- pilit ko iyong ginagamit panangga sa maaari niyang gawin.
This nightmare keep chasing me all night.
Bakit ba kaylangan ko na lang laging mapaginipan ang babaeng to. Ibang pangyayari sa iisang tao at lugar, normal pa ba iyon?
Hindi ako duwag pero may takot din naman ako kahit papaano.
"O, bakit para atang takot na takot ka saakin e parehas lang naman tayo. Ikaw ay ako, ako ay ikaw. Nakalimutan mo na ba Angela." Sabi nito habang ang tuno ng pananalita niya'y para bang nasasaktan.
Ilang beses kubang sa sabihin sa kaniya na mag kaiba kami. Na hindi kami pareho at mas lalong hindi kami iisa.
That im not a monster like her.
Hahakbang pa sana s'yang muli ng kaagad akong tumakbo palayo sa kaniya.
Takbo lamang ako ng takbo sa walang hanggang kadiliman. Pilit na tinatakasan ang halimaw sa panaginip na ito. "Run, run as fast as you can Angela." Sigaw ng babaeng humahabol sa akin.
Bakit ba palagi ko nalang siyang napapaginipan? Ano ba ang koneksyon ko sa kaniya?
Kahit pagod na, hindi parin ako sumukong makalayo at makatakas sa babaeng paulit-ulit ko nalang napapaginipan.
Ang babaeng bigla na lang sumulpot sa aking mga panaginip simula ng ako'y tumuntong sa Ika labing anim (16) na taong gulang. Kung noon ay parang kakambal ko lamang ito na nakakasama ko sa mundo ng panaginip. Ngayon ay naging bangungot ko na yata. Bangungot na paulut-ulit akong hina-hunting.
Sa kakatakbo ko hindi ko na lang namalayang nakapasok na pala ako sa isang gubat. Sa gubat kung saan lagi nag tatapos ang aking bangungot.
Hindi tulad ng isang typical na gubat, ang gubat na ito ay kakaiba. Madilim at ang tanging nagsisilbing liwanag lamang nito ay ang buwan. Ang mga puno at halaman naman na madadaanan mo ay patay na. Lanta na ang mga ito at nangingitim.
Kapansin-pansin din ang mga mapupulang mata na nakabantay sa bawat galaw mo. Ang mga huni ng ibon at insektong nagpapadagdag lamang sa takot na aking nararamdaman. At ang malamig na simoy ng hangin na nakakapagpataas ng aking balahibo.
Hindi ko tuloy magawang hindi isip na anytime ay pwedeng may mangdakma sa akin.
"Sino yang kasama mo~~" pakanta nitong sabi na nakapag patayo ng balahibo ko. Ramdam ko ang pag lamig ng paligid, hindi tulad kanina mas domoble na ito. Na amoy ko rin ng nasusunog na kandila na mas lalong nagpatindi ng takot na aking nadarama. Bigla ko tuloy na isip na baka may white lady dito.
"Please stop it. Ayaw ko na." Sabi ko nalang habang napapayakap sa aking sarili. Takot ako, takot na takot ako.
Paglingon ko sa paligid. "Bulaga!" bigla nalang lumitaw ang nakakatakot na mukha ng babae sa aking harapan. Matinding kaba at takot ang nararamdaman ko habang nakatingin sa mapupula nitong mata, matutulis na pangil at kuko. Pero ang mas nakapag patindi ng aking takot, ay ng bigla na lang maging isang Lobo ang babae.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, hanggang sa makita ko nalang ang aking sarili sa katauhan nito.
Paano nangyari iyon? Hindi to totoo?
Nanginginig na lamang ako habang hindi makapaniwala sa aking mga nakita.
Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa. Ramdam ko ang paninigas ng aking mga paa, sa aking kinatatayuan. Gusto kung lumayo, pero hindi ko kaya. Pinilit kung muli na humakbang paatras dahil malapit na ang lobo sa akin.
Napapikit na lamang ako para hintayin siyang ako'y lapain. Pero hindi iyon ang naramdaman ko kung hindi, ay ang malakas na mag-asawang sampal.
Halos mamanhid ang pisnge ko dahil doon.
Kaagad akong bumalikwas sa kama habang hinihingal na naka tingin sa taong sumampal sa akin.
Her slap wake me up. Her slap save me from that dream.
Ayos lang masampal umaga-umaga basta para sa lintik na bangungot lang na iyon.
"Lo-lola buti nalang nagising niyo ako. Akala ko mamamatay na ako." Hinihingal kong sabi habang nakahawak sa aking dibdib, ng makatanggap ako ng isang malakas na batok sa ulo.
Ako na nga itong nag-papasalamat, ako pa itong sasaktan.
"Ouch! Para saan po iyon?" Sabi ko sabay himas sa aking ulo.
Ano na naman bang problema nitong matandang to?
"Yan ay para sa pagiging tulog mantika mo. Alam mo bang ilang oras na kitang ginigising? Abay bata ka, hindi ka na nga naghapunan dahil ang sarap ng tulog mo kagabi. Ngayon naman ang hirap mo pang gisingin. Alam mo bang kanina pang alas kuwatro (4) nag-hihintay ang sundo mo? Tignan mo ang oras at mag aalas sais (6) na." Sabi ni lola na nakapag-pabuntong hininga sa akin.
Sa pagkakatanda ko ay kumain naman ako ng hapunanan. Makakalimutin na talaga.
"Hala sige maligo kana." Nagulat nalang ako ng bigla akong ipag-tulakan ni lola sa banyo. Yung totoo araw-araw naman akong naliligo. Hindi na ako kaylangang ipag-tulakan sa banyo dahil magkukusa naman ako.
Napapailing nalang tuloy ako sa mga inaakto nya at kaagad na naligo't nag bihis.

Book Comment (168)

  • avatar
    Longcob Ryan

    isn't this a scam?

    10d

      0
  • avatar
    Jamz Ubjail

    Nice

    11d

      0
  • avatar
    PJ Rasuman

    so amazing

    21/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters