logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2: Meet her Promise are really meant to be broken. Because right now, I just broke my promise. -Angela Stine

Chapter two: Meet her
Promise are really meant to be broken. Because right now, I just broke my promise.
-Angela Stine
______________________________________________________________
Pagkarating ko sa eskuwelahan, ay hindi ako magkandaugaga sa pag takbo papuntang classroom.
Sh*t na malupet, late na naman ako nito.
I run as fast as I could, but it's really my unlucky day. Pag-bukas ko palang ng pintuan, mukha ng mga kaklase kong nakikinig, at teacher naming masamang nakatingin ang bumungad sa akin.
Sh*t patay talaga ako nito. Mukhang bad mood pa ata si Ma'am.
"You are 30 minutes LATE AGAIN in my Class MISS STINE." Galit na galit na wika nito habang nakapameywang at nakataas pa ang isang kilay.
Napayuko na lamang tuloy ako sa kanilang harapan.
Ang sama na nga ng panaginip ko, ang sama pa ng umaga ko.
Ang malas-malas ko ngayong araw. Hindi naman friday the thirteen, pero grabeng kamalasan naman ata ito.
Kung kanina, habang nakasakay ako sa motor ni Kuya Dagol, bigla nalang naglaglagan ang baon ko. Tapos sa gate hindi ako pinapasok dahil late na nga raw ako, wala pang ID. Bakit ba kasi na uso yang no ID no entry na iyan, kilala naman ako ni manong guard. At ang malupet pa, hindi lang ID ko ang nakalimutan ko. Pati ba naman yung project namin, na iwan ko rin. Kaya ayon bumalik ulit ako sa bahay. Tapos ngayon sesermunan pa ako ni Ma'am. Hindi niya alam ang mga pinag-daanan ko ngayong umaga. Sunod-sunod na kamalasan ang nangyari sa akin kanina.
Gusto kung sabihin sa kaniya na ang malas ko ngayon, pero huwag na, baka mas lalo lamang magalit.
"Sorry if I'm late today Ma'am. It will never gonna happen again." Sabi ko habang nakayuko parin.
Grabe halos araw-arawin kuna ang pagiging late.
"You know what Miss Stine, I always hear that excuse of you. Lagi ka nalang bang malelate sa klase ko? Alam mo namang mababa ka sa subject ko, while sa iba wala namang problema. Then ito pa ang gagawin mo araw-araw. For pate sake your now Grade 11. You must act as a senior high school student not a junior. If wala lang yang K-12 na yan dapat college na kayo. You know that I didn't trited all of you as a High School Student, but a college student kasi yon naman na dapat kayo. I'm not just your subject teacher in Basic Calculus but also your adviser so please stop acting like that, stop acting like a junior high school student. Change yourself Miss Stine. Not for me but for yourself, and one more thing, isang late mo pa at baka ipatawag ko ang parents mo." Ha? Kaylan pa po ako nagkaroon ng parents? Si lola lang naman kasama ko, wala naman akong nanay at tatay. Guardian lang ang meron ako.
Tyaka late lang naman, ipapatawag kaagad ang magulang?
"Sorry po talaga ma'am , hindi na po mauulit." Hindi na po talaga, susubukan ko pong pumasok ng maaga.
Pero mukhang mahihirapan ako, mahirap pa namang gumising ng maaga.
"Okay, you may seat. Tanungin mo na lang ang mga kaklase mo mamaya, kung ano ang pinag-aaralan namin. Tutal dyan ka naman magaling." Napatango na lamang ako sa sinabi niya.
Hindi naman kasi dapat ako malelate, kung hindi lang talaga ako nag rush para sa project namin sa Biology. Ipapasa na kasi namin ito ngayon, at kaylangan na kaylangan na talagang matapos kaagad.
"Uy Angela. Natapos mo naba yung project natin sa Bio?" Kaagad akong napalingon sa isa sa mga kaklase ko at bumuntong hininga.
Tignan mo itong isang to. Nag tatanong nalang kung tapos na yung project, hindi man lang tumulong sa paggawa. Pero ako lang naman talaga yung gumawa, pambili lang naman inambag nila. Samantalang ako: oras, effort, at pag pupuyat inambag ko. Para lang matapos agad ang project namin.
"Oo, nandoon sa labas, kukunin ko na lang mamaya." Nakakahiya naman kung pagbubuhatin pa kita.
"Naks, maaasahan ka talaga." Oo maaasahan niyo ako, pero masyado niyo naman atang pinapasan sa akin lahat.
"Am Camila. Pwede bang pakopya mamaya nung answer mo sa assignment natin sa Stat? Kahit yung number three lang." Pakopyahin mo ako. Hindi ko natapos yung assignment natin sa Stat dahil sa project na iyan.
"Nako yun lang pala eh. Basta ba pakopya rin ako mamaya nang number one para quits." Hay, bahala ka. Kopyahin mo kung gusto mo, basta wag mo akong sisisihin.
"Sige, sige. Makinig nalang tayo baka mamaya bigla nalang mag tanong si Ma'am dito mahirap na."
°°°
The Basic Calculus Class went so fast for me, knowing that I am late again.
Wala lang naman akong ginawa, kung hindi ay makinig nang makinig. Pero wala naman talaga akong maintindihan. Knowing me na laging lutang tuwing BasCal (Basic Calculus).
Minsan halos mag-dugo narin talaga ang utak ko, dahil pagkatapos nito ay Biology naman.
"Good morning Mr. Masiglat!" Sabay-sabay naming bati sa aming gurong pumasok.
Mayroon itong makinis na ulo at may suot na salamin. Mukha itong strikto pero hindi naman, basta ba't marunong kang makinig.
"Oh good morning too students. So natapos nyo ba ang project, na pinapagawa ko sa inyo?" Ho. Speeking of project, buti nalang natapos ko.
"Yes Sir!" Sigaw ng mga kaklase ko.
"Good. Maaasahan talaga kayo. So pwede niyo nabang ipresent sa harapan?"
"Yes naman sir!" Sigaw ng ilan sa aking mga kaklase.
Naupo nalang ako at pinanuod silang lahat. Grabe, dapat magpasalamat sila dahil kung hindi sa akin baka lumagapak na kami. Sila ng bahalang mag present dyan, tutal ako naman ang gumawa.
°°°
Habang nag lalakad kami ng aking mga kaibigan papuntang canteen, hindi ko maiwasang mapalingon-lingon sa aming mga nadadaanan.
Hindi man kalakihan ang aming paaralan, marami ka namang matututunan at magiging kaibigan.
Hindi ko rin minsan mapigilan ang aking sarili na humanga sa aming mga guro. Napakatatag at napakagaling nilang ihandle ang mga studyanteng katulad ko. Katulad ko nalaging late, at s'yempre yung ibang pasaway. Yung patience nila ay nakakahanga talaga, dahil biruin nyo. Kahit na magulo, maingay at pasaway kami ay nagagawa nila kaming pagtiisan. Alam kong trabaho nila ang turuan kami. Pero yung pagiging pangalawa nilang magulang sa amin ay nakakataba ng puso. Kasi everytime na may problema kami, sila yung isa sa pwede naming sandalan.
"Uy Angela, may balak ka bang lumipat ng school sa susunod na pasukan? Alam mo na, malapit narin tayong mag grade twelve, ilang buwan na lang." Napalingon na lang ako kay Jane at napailing iling.
Hindi ko alam kung bakit niya na tanong ito, pero parang may kakaiba. Wala naman akong balak lumipat, dahil ang paaralang ito ay naging parte na ng pagkatao ko. Sa paaralang ito ako nahasa at nagkaroon ng mga kaibigan. Kaibigan na lagi kong masasandalan at mapagsasabihan ng problema.
Si Jane ay maputi, actually kasing puti niya ang labanos. May kulay ginto syang mata at buhok, na hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung inborn ba o pinasadya. Kada tatanungin ko kasi siya, lagi niya na lang iniiba ang usapan.
"Wala naman akong balak na lumipat ng school. Tiyaka kuntento na ako dito sa school natin kasama kayo." Sabi ko na lang na nakapag pangiti sa kanilang dalawa.
Totoo naman, hindi ko sila iiwan dahil mahalaga sila sa akin. At isa pa, kuntento na ako sa paaralang ito kasama sila.
"Naks naman talaga oh. Nakakapanindig damdamin naman nun." Yung totoo, paano ko na nga ba ulit naging kaibigan ang baklang 'to? Sa tinagal-tagal na kasi ng pagsasama naming tatlo, hindi ko parin maiwasang mapaisip kung paano ko sila naging kaibigan.
Siguro nga tama sila, na kahit hindi mo e-approach ang isang tao o kaibiganin ay darating parin sa puntong magiging close kayo.
"Mag sitigil ka nga dyan Carlos." Ito na naman tayo. Mag sisimula na naman po sila.
"Huy babaitang Jane, hindi ako si Carlos. Because I'm Carlota. Ipokrita talaga itong babaitang ito, ingget sa beauty ko." Carlos sa bahay, Carlota sa School, yan ang moto ng kaibigan namin mas babae pa sa amin kung kumilos.
Gwapo nga ang isang 'to, ang kaso babae raw talaga ang puso nya. Hindi siya maputi, bagkos isang moreno. May mala tsokolateng kulay itong buhok at mata.
"At bakit naman ako maiinggit sa mukha mo? Eh mukha kalang paa." Pftt, mukha daw paa. Hay, para talaga silang aso't pusa.
Napatingin ako sa mga junior na natatawa habang nakatingin sa dalawa kong kasama. God, ako ang nahihiya sa kanilang dalawa. Nasa harapan na kami ng canteen nagawa pa nilang magtalo.
Hindi lang pala mga junior ang nakakarinig sa dalawang to. Pati mga guro at kapwa namin senior ay pinapanood na rin sila.
"Ay ay ay, pigilan mo ako Angela at baka masabunutan ko itong babaeng to." Napailing-iling nalang ako. Hay ayaw kong sumali sa usapan nila. Pero wala eh, bahala na si Batman.
"Go on, sabunutan mo na. Make sure lang na wala kang ititirang buhok ha." Pag che-cheer ko sa kaniya. Kita ko naman ang pag-iling-iling ng ilang mga estudyanteng napapadaan sa pwesto namin.
"Ay bad. Hindi manlang ako pinigilan." Paawa effect nitong sabi habang nakahawak sa dibdib. Walang hiya talagang bakla. Ang daming alam.
"Alam mo kasi bakla, ayaw nitong kaibigan natin na sayangin ang oras niya, sa walang kwentang bagay na tulad mo. She's just gonna waste her time kung pipigilan kapa niya. Isa pa, alam naman niyang wala kang laban sa akin." Ngising sabi ni Jane. Hay sige lang, mag talo lang kayo. Huwag nyo akong intindihin, hindi pa ako gutom promise.
"At paano mo naman nasabi aber?" Taas kilay nasabi ni Carlos na ikinangisi lang ng isa.
"Dahil lagi akong may dalang gunting. See this...ito ang ginagamit ng tatay ko sa barber shop nya. Itinakas ko lang." Nagawa pa nitong ipakita ang gunting sa isa.
Hay, kahit kaylan talaga.
"Ikaw babae ka..."
"Hep hep hep, tama na iyan. Bumili na nga kayo at baka malate pa tayo sa next subject natin." Sermon ko sa kanilang dalawa, na mas inuna pang mag-asaran kaysa bumili ng makakain.
Ng dahil sa dalawang to wala pa akong meryenda.
"Ay oo nga pala babaita, may quiz daw tayo ngayon sa Stat sabi ni Sir."
Grabe kinabahan ka talaga? Samantalang yang isa tumatawa lang.
"Nako, easy-easy lang yan eh. Masyado kang nerbyosa. If I know ABC lang naman sagot don." Tsk, kaya pala. Dating gawi lang ang babaeng ito. Sige lang guys, ipagpatuloy niyo lang ang chikahan.
"At ano, mag mimini may nimo ka? Grabe ka talaga day, for your information may parusa yung hindi makakapasa. At isa pa pala, show your solution daw. Kilala niyo naman si Ma'am, magbibigay ng ABC na pagpipilian pero may kasama dapat na sulution." May parusa? Hala, patay ako nito.
"Hanggang ilang item ba?" Tanong ko nalang.
"Aba't himala at nag salita ka. Akala ko napipi kana." Natatawang sabi ni Carlos sa akin. Bwisit na bakla, tawagin ba naman daw akong pipi.
Sinamaan ko na lang siya ng tingin. Kung nakamamatay lang ang tingin, kanina pa dapat nakabulagta ang baklang to.
"Psh, may red tide ata to ngayon. Hanggang 40 daw, kaya ikaw Jane dapat makapasa ka kung ayaw mong mabigyan ng punishment. Tyaka show your solution daw sabi ni Ma'am." Pananakot nito sa isa.
"Psh. Edi kakalahatiin, easy as that."
"Easy as that mo mukha mo. Dapat makakuha ka ng twenty eight, wag mung kakalahatiin kasi fifty percent lang ang katumbas non. Hindi ka parin papasa." Tama, kaya mahirap pumasa kung hindi ka nag review. Pero ang mas mahirap, kung wala kang chit card at calculator. Kapag wala ka ng dalawang yan, sigiradong kulelat ka. Hindi kasi pinag-ququiz ni Sir yung mga walang dala.
"Psh. Palibhasa kasi matalino ka. Tabi na lang tayo mamaya para pakupya." Tsk. Kupyahan na naman. May pataas-taas kapa ng makapal mong kilay na nalalaman.
"Oo na, ano pa nga bang magagawa ko? May choice ba ako?" Wala kang choice. Mahal mo eh. Kahit naman sabihin nating bakla ka, alam ko namang lalaki ka parin.
"Hahaha ang lakas talaga ng karisma ko."
"Hay, ang hangin."
"Ay ang init."
At yun na nga, nag simula na nanaman silang mag-bangayan.
Wala nalang akong ibang nagawa, kung hindi ay mapabuntong hininga. Mapabuntong hininga dahil sa dalawang 'to na tinalo pa ang mga grade one, kung mag-away at mag-asaran.
Ang kukulit talaga ng dalawang to. Bahala sila sa buhay nila.
Iniwan ko na lang sila doon at pumasok na sa canteen. Bumili lang ako ng dalawang Lemon Square Cheese Cake at coke in can. Minsan hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit tinawag na lemon square cheese cake ito, hindi naman siya square. Tsk, bahala na nga. Pati ito prenoproblema ko pa.
Pag karating ko sa classroom, napailing-iling na lang ako sa mga kaklase kong tudo ang pagrereview. Pero magtutulungan din naman mamaya.
Makalipas ang ilang minuto, sabay na dumating ang aming guro at ang dalawa kong kaibigan.
At tulad nga ng inaasahan, sa kalagitnaan ng quiz ay may mga nag iingay. Pero ang hindi nakatakas sa paningin ko ay ang pag taas-taas ng kamay, pag padyak ng paa, pag-wave ng ballpen at paglalaro ng buhok ng apat na studyante sa harapan.
Ang unang studyante na nag-tataas ng kamay, na para bang nag-uunat ay si A, o sa tunay na pangalan ay Carissa. Isang top 2 student sa aming section. Pangalawa naman, ay ang nag-papadyak ng paa na si John o B, ang top 4. Pangatlo ay si Fatima na may pacurly-curly pa ng buhok. Sya ang C at syempre ang top 3. At ang huli ay si Dexter, ang D at top one. Sya ang studyanteng iniwewave ang ballpen.
Kung sa ibang section, ang mga studyante ay nagtatakipan ng papel o sagot. Well ibahin mo sa section na ito. Kami'y nag tutulungan, ngunit hindi tuwing may quiz o test. Nagtutulungan lamang kami, kapag nakalimutan naming may quiz o test pala kinabukasan. Kaya ganito ang set up na ginagawa namin.
Kung mali man, ang sagot ng isa sa top 4. Ang kaylangan lang gawin ay pumito. Sa pag-pito ay may roon ding bilang. Kaya hindi na nahihirapan ang ilan.
Habang busy kami sa pagsasagot bigla nalang bumukas ang pintuan at sumilip ang isang lalaki.
"Goodmorning Sir, pinapatawag po kayo sa office." Sabi nito na nagbigay ng hudyat sa amin.
Pagtayo pa lamang ng aming guro. Inihanda na nang ilan ang kanilang sarili.
Pagkalabas nito'y sunod-sunod nang nagtanungan ang aking mga kaklase ng sagot.
"Class behave okay?" Nagulat kami ng bigla nalang syang pumasok. Kaya ka agad kaming umaktong inosente.
"Yes Ma'am!" Pero ang hindi nya alam, may hidden agenda kami. At yun ay ang pagkokopyahan.
Ng wala na ito, ay kaagad na kinuha ng ilan ang kanilang correction pen o tape, eraser, scientific calculator, pati narin cheat card (papel o index, kung saan nakalagay ang mga formula.) Nag simula ng sulatan nang dalawa sa Top 4 ang eraser na hawak nila. Habang ang ilang studyante nama'y ibinigay ang kanilang Scientific Calculator (SciCal) sa natitirang dalawa. Ibinigay din ng ilan ang kanilang calculator sa top 5 na si Carlos. Hindi na nag-alinlangang magtipa ng tatlo.
Napalingon lingon na lang ako. Naghahanap ng pwedeng pagkopyahan.
Pero bigla bigla nalang dumating si Sir. Yes, buti nalang natapos na nila.
"Mia pahiram nga ng correction."
"Layla calculator mo nga."
"George cheat card mo nga."
"Oy sinong may eraser? Pahiram nga."
At yun na nga, nag simula na kaming maghiraman ng scientific calculator, cheat card, eraser at correction.
Kopyahan doon, kopyahan diyaan. Kopyahan everywhere.

Book Comment (168)

  • avatar
    Longcob Ryan

    isn't this a scam?

    10d

      0
  • avatar
    Jamz Ubjail

    Nice

    11d

      0
  • avatar
    PJ Rasuman

    so amazing

    21/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters