logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3 Artwork

"Good morning Reign!," nakangiting bati ng ibang estudyante mula sa kabilang section. Agad ko rin silang binati at nginitian.
Nang makarating ako sa room ay as usual, kakaunti palang ang tao. Iginala ko ang aking mata at napairap nang mapansin na nad'on na si Maverick. Napansin din n'yang nakatingin ako sa kan'ya kaya sinamaan n'ya ako ng tingin.
Agad ko s'yang pinagtaasan ng kilay pero masama parin ang tingin n'ya sa akin. 
"What?!," inis na sambit ko nang makalapit ako sa upuan ko. Pero sa halip na sagutin ay hindi n'ya ako pinansin saka nagpatuloy sa pagbabasa ng pocket book na dala n'ya. Seriously?!
"Hoy!," I said habang inuuga pa ang upuan n'ya. Wala pa rin akong natatanggap na response mula sa kan'ya. Bwisit talaga!
"Hoy kasi!," I said, nauubusan na ng pasensya.
"Reign, ang aga naman ng LQ n'yo ha!," narinig kong pang-aasar ng iba naming kaklase kaya sinamaan ko sila ng tingin kaya lalo lang silang natawa. Hindi ko nalang sila pinansin saka itinuon ang atensyon kay Maverick na daig pa ang may malakas na earphones sa tenga dahil hindi ako sinasagot.
"Ano ba kasing problema mo? Sasamaan mo ako ng tingin d'yan tapos hindi mo ako kakausapin kapag tinatawag ka!," inis kong sambit kaya napalingon s'ya.
"Akala ko ba, 'wag na kitang kausapin?," inosenteng tanong n'ya at narinig ko ang reaksyon ng mga kaklase namin. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin pero sa utak ko ay kanina ko pa s'yang tino-torture.
Nagbasa na lang din ako hanggang sa dumami na ang mga kaklase namin na nasa classroom. Mabilis din naman tumakbo ang oras at ngayon ay recess na.
"Hoy, Andrei! Tara sa canteen!," narinig kong sabi ni Sky nang makalapit s'ya sa amin. Narinig ko naman ang pagsang-ayon ni Maverick kaya napairap ako. Labag man sa kalaooban ko, wala na rin naman akong choice kaya binilisan ko na lamang ang pag-aayos ng gamit para di sila paghintayin.
"Let's go," pag-aya ko sa kanila pero natigilan si Maverick kaya pinagtaasan ko s'ya ng kilay.
"Kasama ka pala, sorry. Sige kayo nalang muna, bye!," sabi n'ya sa dalawa saka dumeretso papunta sa iba naming kaklase na lalaki. Mukhang may mga kaibigan na rin s'ya. Inirapan ko s'ya saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa canteen.
Badtrip talaga sa asungot na 'yon! Ayaw pang sabihin na ayaw n'ya akong makasama. Well, the feeling is mutual naman pero nakakainis s'ya. Balak ata n'yang sirain ang buong week ko eh, kainis!
"Sis, ang noo mo naman 'wag mo masyadong ikunot! Pa-obvious naman 'to na naiinis kasi ayaw s'yang kasama ni Andrei," narinig kong sabi ni Sky kaya nagtawanan silang dalawa ni Harper. 
Aba, nakuha pa talagang mang-asar ha!
"Bwisit, magsama-sama kayo! Kainis!," iritang sabi ko saka sila iniwan para maka-order ng makakain. Narinig ko naman ang boses ng isang lalaki sa likod ko. Agad kong nilingon at nakita ko si Kaydee, isa sa mga kaklase namin at kaibigan ni Maverick.
Maya-maya ay narinig kong inaasar n'ya si Maverick dahil sa sagutan namin kaninang umaga kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Sorry," narinig kong sabi ni Maverick pero hindi ko s'ya pinansin. Nakakainis talaga s'ya! Kahit ako ay hindi ko na rin alam kung bakit ba inis na inis ako palagi sa presensya n'ya.
Nang maka-order ay pinabayaan ko sila d'on at hindi pinansin. Mabilis din namang natapos ang recess kaya bumalik na kami sa room para mag-klase. Arts ang sunod naming klase kaya nag-ayos na rin ako ng mga gamit ko.
"Good morning, class," bati sa amin ng teacher namin sa Arts nang makapasok s'ya sa classroom. Kung ano-ano na rin agad ang itinuro n'ya na hindi ko naman masabayan dahil nadi-distract ako sa katabi kong si Maverick.
"Now, I want you to find a pair. Try to apply the elements of art in the artwork that you will make with your pair. Ang topic na gagawin n'yo wil revolve around a central topic which is love, as long as the elements are well-executed ay bibigyan ko kayo ng mataas na score. You only have 30 minutes to do that," pagbibigay instructions n'ya.
Humarap ako kay Harper na katabi ko para sabihin na kami nalang ang mag-pair nang ngitian n'ya ako at ituro si Sky. I feel betrayed dahil nag-pair sila samantalang ako ay wala!
Agad kong itinaas ang kamay ko at napansin 'yon ng teacher namin.
"I just want to raise a concern po, I don't have any partner yet," I said at nagtaas naman ng kamay si Jaydee, the friend of Maverick.
"Si Andrei din daw po, wala pa," sabi n'ya.
"Okay then, Mr. Vegaz and Ms. Funtanilla, kayo nalang ang mag-pair," our teacher said kaya sinamaan ko ng tingin si Jaydee na kanina pang natatawa.
"Akala ko ba kami ang magka-pair," narinig kong bulong ni Maverick sa tabi ko. Hindi ko rin s'ya inimikan pero unti-unting nauubos ang oras na meron kami para tapusin ang output na kailangan.
"Hello, kaya ba today?," sarkastikong tanong ko kaya napalingon sa gawi ko si Maverick. Itinuro ko ang art materials na nasa lamesa ko, iniintay ang sagot n'ya.
I heard him sigh na para bang labag na labag sa kalooban n'ya na maka-pair ako. Sabagay, sino ba namang may gustong makipag-pair sa taong laging mainit ang ulo sa'yo? Pero the feeling is mutual naman dahil ayaw ko rin s'ya ka-pair eh.
"Let's make a clear and concise artwork para ma-represent natin ang idea about love," he suggested and I frowned. Clear? Representation of love?
"Hindi ba kung representation of love ang gusto natin ay dapat abstract ang gawin? Since love is as complicated tingnan as an abstract," I suggested, purely basing on my beliefs and experience.
"No. Love is and should not be confusing like an abstract," sabi n'ya, naninindigan sa pinaniniwalaan n'ya pero sino ba ako para magpatalo sa kan'ya?
"Sabing hindi nga eh, hindi naman sa lahat ng pagkakataon eh maayos ang pagmamahal, 'di ba?,"
Our debate about love went on for a few minutes until we heard our teacher said, "15 minutes left".
Sinamaan ko s'ya ng tingin at binulungan, "Bahala kang gawin ang gusto mo, basta gagawin ko ang nasa isip kong idea," I said.
Kinuha ko ang bond paper saka nagdrawing ng abstract na naiisip ko sa kalahati ng page. I used different lines and shapes na distorted sa paningin. I just drew freely, in a way that I want it to be, to represent myself being free in choosing who I love.
I used gray color to represent pain and anxiety, as well as other dark colors like black to represent how love really feels. 
The truth is, love is not always represented through the color of happiness. Sometimes, it is represented through the colors of sorrow. And based on my own life, I experienced the second one.
After 10 minutes ay natapos ko ang part ko, tinitigan ko ito at inayos ang ibang part until I got satisfied with how it looks. 
Tiningnan ko ang gawa ng ka-pair ko. Hindi pa s'ya tapos pero mukhang kaunti nalang ay magagawa na rin n'ya ang gusto n'yang gawin sa artwork n'ya. 
Unlike mine, his work looks more organized. Dahil na rin sa mga straight lines na alam mo kung saan patungo at papunta, with him using bright colors like yellow, the shapes and everything on his work was on point. Sobrang detailed at maayos tingnan.
I stared at him and made me think, he's probably from a happy family, or a happy environment, maybe his parents are living perfectly as well as his siblings. Maayos siguro ang lahat sa kan'ya, anak-mayaman at kayang kaya i-afford ang lahat ng magugustuhan n'ya.
Hindi siguro s'ya nakakaranas na masaktan o magdusa, hindi rin siguro n'ya naranasan na mawalan ng kaibigan and worse, ng magulang.
The thoughts made me envy him. Iniisip na sana gan'on din ang mga pananaw ko tungkol sa mga bagay gaya ng pag-ibig. Wishing na sana at a young age, I was not broken hearted para habang lumalaki ako, I would still look at love like a piece of art.
Kaso hindi eh. Our differences made me realize kung bakit magkaiba ang pananaw namin sa pagmamahal. He's no one to blame, no one else is. Siguro lang ay s'ya, nararanasan n'ya ang pagmamahal samantalang ako, hindi gan'on kabuo ang love na natatanggap.
"Reign? Okay ka lang ba?," nagulat ako nang tanungin n'ya ako kaya bumalik din ako bigla sa diwa ko. I shook my head dahil sa mga naiisip ko saka s'ya sinagot na okay lang ako.
"You look sad," he said, looking worried pero sinamaan ko lang s'ya ng tingin.
"Sabing okay lang nga ako," mataray na sabi ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa n'ya kaya nagtaka ako.
"Okay ka nga lang, nakakapag-taray ka na ulit eh," narinig kong bulong n'ya. Out of nowhere ay napangiti rin ako bigla. 
"Kanina pa kita tinatanong kung okay na ba 'yung gawa natin pero hindi ka sumasagot," narinig ko pang sabi n'ya kaya agad ko ring tiningnan ang gawa naming dalawa. 
It's not as bad as I expected. I thought our artwork would be messy and hard to be understood but it's not. To my surprise, it turned out great and kung iisipin, our message on each side can be understood.
Nang maisulat ang pangalan namin ay agad ko na rin itong ipinasa.
"Ohh, this artwork is nice," puna ng teacher namin nang iabot ko ito. "The message was strong and too powerful. Mukhang galing sa puso talaga ang pagkakainterpret n'yo sa gawa niyong dalawa"
"But I noticed that you believe on two different concepts of love," sabi n'ya kaya tipid akong ngumiti at tumango. "Well, I hope that someday, you'll be able to create another artwork that portrays how you interpret love. And sa panahon na 'yon, I hope that the both of you will be able to find what real love is," she continued and gave me a sweet smile. I smiled back and went to my chair.
Mabilis na natapos ang mga klase namin hanggang hapon, maagang umuwi si Harper dahil dadalaw daw sila sa orphanage at si Sky naman ay sinundo ng parents n'ya.
"Bye po!," I said as I waved and smiled to Sky's parents nang sunduin s'ya. Tinanaw ko hanggang sa mawala sa paningin ko ang kotse nila saka nawala ang ngiti ko. 
Minsan, I can't stop myself na mainggit sa dalawa kong kaibigan. Their lives were so perfect, if not, almost. Sky has those supportive parents na palaging nand'yan para sa kan'ya. Harper on the other hand, despite being an adopted daughter, has one of the best parents I've ever seen.
Samantalang ako? Raised only by my mother dahil iniwan kami ng tatay ko, the first man I've ever loved. Bata pa lang ako nang iwan n'ya kami ni Mama kaya hindi ko naranasang lumaking masaya kasama ang mga magulang ko.
Growing up was never easy for me. I have to face my everyday life without depending on my dad. I have to learn the basic things in fixing household appliances and tools dahil lumaki akong walang tatay at wala akong maaasahan sa pag-aayos n'on.
Every family day, I was forced to fake a smile para lang hindi maramdaman ni Mama na kulang ang presensya n'ya. In fact, hindi naman talaga s'ya nagkukulang. The thing is that hindi rin n'ya kayang mapunan yung part na iniwan ni Papa the moment he decided to leave.
"Hindi ka pa ba uuwi?," narinig kong tanong ng isang pamilyar na tao. Umiling na lang ako saka itinungo ang ulo ko.
May meeting pa mamayang 5:00 ang members ng campus journalism at kasali ako roon kaya hindi pa ako makakauwi. 
"Sure ka bang okay ka lang? Kanina ka pa mukhang malungkot eh," nag-aalalang tanong ni Maverick kaya nilingon ko s'ya.
"Why do you care?," I asked bitterly. Hindi naman n'ya kailangang magkunware na nag-aalala s'ya kahit hindi eh.
"Hindi ko rin alam? You looked so sad at pakiramdam ko lang ay kailangan mo ng taong makakaintindi sa'yo," he answered.
"D'on ka na, kaya ko ang sarili ko," I said as I looked away, binibilang ang mga sasakyan na dumadaan para malibang ang sarili ko.
"Why do you keep on pushing people away?," I was stunned with his question. 
"Bakit palagi mong pinagtutulakan yung mga tao na may pakealam sa'yo? Bakit palagi mo akong pinagtatabuyan kung gusto ko lang naman makipagkaibigan sa'yo?," 
"Kasi lalaki ka, lalaki kayo at pare-parehas lang kayong lahat. Lahat kayo mawawala rin sa huli," I answered honestly. I heard him sigh.
"Gan'on ba ang tingin mo sa mga lalaki?," I heard him ask innocently. Tumango naman ako.
"Hindi ko alam kung sinong lalaki ang nang-iwan sa'yo kaya bigla mong naisip na lahat ng lalaki ay iiwan ka. Pero ako, I'm genuine about asking to be friends with you. Kaya kung kailangan mo ng kausap o kaibigan, I'm always available," I heard him say as he walked away.
To be honest, I felt so guilty about hating men. Alam kong mali rin ako sa part na sa kanila ko ibinubuhos ang galit ko sa tatay ko pero hindi ko rin maiwasan na maramdaman ang gan'on.
But hearing his words, pakiramdam ko ay napakasama ko ngang tao. Thinking na I was willing to push people away in my life dahil lang sa pagkakamali ng tatay ko. I also questioned myself kung bakit naging gan'on ako.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag-dial sa number ni Harper.
"Hello?," I heard as she answered my call, naririnig ko pa ang boses at tawanan ng mga bata. Maybe she's in the orphanage already.
"Hi, Harper. May gusto lang sana akong itanong," I said. Sinabi naman n'yang saglit lang daw dahil maingay sa pwesto n'ya.
Maya-maya ay narinig kong tumahimik sa kabilang linya. "Hello, sorry about that. Ano nga ulit 'yon?," 
"Harper, tingin mo ba, dapat kong tanggapin yung friendship na inaalok ni Maverick?," I asked pero walang sumasagot. Kinakabahan ako dahil baka iniisip ni Harper na ang sama kong tao para tarayan si Maverick pero at the end ay kakaibiganin ko rin.
"Yiiie!," narinig kong pang-aasar n'ya sabay tawa. "Oo naman! Sabi na nga ba eh!," narinig ko pang sabi n'ya.
"Huwag mo muna akong asarin, please lang. Nagtatanong lang din naman ako eh!," sabi ko kaya napatawa lalo s'ya.
"Seriously, though. Andrei is a nice guy and I can see his sincerity about being friends with you. I don't think he's not a type of guy na mawawala bigla. And we told you since noon pa naman 'di ba, hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho. Try to open your heart in being friends with him and malay mo, mabuksan mo rin ang puso mo to accept every man who's willing to enter your life," she said. 
I immediately thanked her at tumayo sa kinauupuan ko para hanapin si Maverick. I wanted to apologize too dahil sa mga ginawa kong pagtataray sa kan'ya. 
Inikot ko na ang buong campus pero hindi ko parin s'ya nakikita. Tiningnan ko ang relo ko at nakita na 5:00 na kaya sumuko na ako at nagpunta sa office ng campus journalism.
To my surprise ay nand'on s'ya.
"Reign! And'yan ka na pala. By the way, meet our new member!," sabi ng editor-in-chief namin habang itinuturo si Maverick.
Nang makumpleto ay nagsimula na ang meeting tungkol sa Intramurals na gaganapin na next week. Maverick and his friend, Kaydee are assigned to take pictures on the event. Ako naman ang taga-edit ng pictures sa campus journalism. Paminsan-minsan lang din ako nagsusulat.
Nang matapos ay nag-ayos muna ako ng gamit at narinig kong nagpaalam na si Kaydee kay Maverick. I wanted to talk to him pero may iba pang members na nasa office at nahihiya ako kaya ipapapabukas ko nalang 'yon.
Nang lumabas ako sa office ay nagulat ako dahil kasunod ko lang si Maverick. Hanggang sa makalabas ako sa bulding na 'yon ay kasunod ko lang s'ya.
"Sinusundan mo ba ako?," mataray na tanong ko pero umiling lang s'ya.
"Madilim na at mag-isa ka kaya sinasamahan kita. Delikado na ang dami pa namang lalaki sa dinadaanan mo kanina," he said kay tumango-tango nalang ako. Magtutuloy na sana ako sa paglalakad nang may maalala ako.
"By the way," I said at nakita kong napatigil din s'ya. He looked at me, confused kung bakit ako tumigil.
"Let's be friends," I said.

Book Comment (25)

  • avatar
    John John Ocaso

    ets so

    28/07

      0
  • avatar
    GualvaRose

    Great story🤍

    22/06

      0
  • avatar
    PangandamanJohaer

    work hard

    22/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters