logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER: 7

Chapter: Seven
PALABAS na kami ngayon ng sa restaurant upang bumalik doon sa site, ng makarating na kami agad na sumalubong si jessi sa'min na may pilyong ngiti.
"Saan kayo galing?" tanong nito sa amin ni marx.
"Dyan lang sa restaurant," ani ko. Mas lumapad pa ang ngiti niya kaya nakasalubong ang dalawa kong kilay.
"Date?"
"Hindi ah." Sigaw ko.
"Lunch time na kasi kaya I invited her to eat..." sabi ni marx na ngayo'y katabi ko lang. Tumango tango naman si jessi.
"Akala ko talaga nagdadate na kayo–"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng mabilis akong nagmartyang humakbang paalis doon.Maliit na bagay pinapalaki pa! Bahala kayo diyan.
3pm na kaya nagdesisyon akong umuwi na sa condo para makapag pahinga. Ipinarada ko agad ang aking sasakyan at mabilis na binuksan ang pinto ng condo ko.
Sumalapak agad ako sa sofa habang inaalis 'yong sapatos at medyas ko , kinuha ko sa gilid 'yong slipper ko at isinuot ito. Pumunta ako sa kusina at nag timpla ng hot choco. Ng matapos ko nang natimpla ito dumeretsyo ako sa couch.
Tinikman ko ang ginawa kong hot choco, napangiwi naman ako dahil masyadong matamis ang nagawa ko. Napaisip naman ako, ba't ang sarap nung ginawa niyang hot choco? Saan niya kaya natutunan 'yon?
Ibinaba ko ito sa coffee table at sumandal sa couch. Ilang minuto na ganito ang pwesto ko hindi ko namalayan nakatulog na pala ako dahil siguro sa pagod.
Nagising ako dahil sa ingay ng doorbell. Padabog akong nagtungo roon habang nag-uunat. Agad ko itong binuksan at bumungad na naman ang mukha ni husserl na ngayo'y may dala dalang box ng donut.
Napataas naman ang kilay ko na napatingin sa kan'ya. "Delivery boy ka ba?" nakacross arm ako habang nakasandal sa gilid ng pintuan.
"No, I'm not." tanggi niya.
"Anong ginagawa mo dito?" walang gana kong tanong sa kanya.
"I'm here to take your necklace back," aniya. "And to give this too." Sabay taas niya no'ng hawak niyang box ng donut. Para naman akong naglalaway na napatingin dito.
Ng narealize ko kung ano 'yung ginagawa ko kaagad kong inayos ang aking tayo at tumikhim. "Pasok..." aya ko sa kanya.
Nanatili lang siyang nakatayo kaya nagsalita ulit ako, "Tatayo ka na lang ba diyan maghapon?" sarkastiko na saad ko sa kanya.
Tahimik lang siyang naglakad papasok, agad ko namang isinara ang pinto at pumunta sa salas kung nasaan siya.
"Attorney..." Tawag ko sa kanya kaya nilingon niya ako. Umupo ako sa sofa, katabi ko siya ngayon ngunit malayo ang agwat namin sa isa't isa.
"What–"
"Bakit ayaw mo na tinatawag kang attorney? Ang cute kaya..." ani ko sa kanya na siyang ikinasilay ng ngiti niya.
"Hindi lang ako sanay... They just call me an attorney when I'm in court."
"For now on tatawagin na kitang attorney sa ayaw at sa gusto mo." Nakangiti kong saad sa kanya.
Bigla naman siyang napatulala sa'kin kaya nawala 'yong ngiti ko at napalitan ng taray. "Oh, tingin tingin mo diyan?"
"Can I make a nickname for you?" tanong niya sa'kin.
"Sure, why not?"
Sumilay muli ang kanyang ngiti sa labi kaya napaiwas ako ng tingin. Kinapa ko ang aking dibdib ng naramdaman kong pumipintig ito ng mabilis na parang tinatambol.
"Then I'll call you choco..." Napatingin naman ako sa kanya.
"Ang pangit naman!" reklamo ko sa kan'ya kaya humahalakhak siya ng tawa.
Kusa na lang na ngumiti ang aking mga labi dahil sa tawa niya. "Ano ba! Palitan mo na lang."
"Why? Ang cute kaya it's suit for you because you like chocolate right?"
Napatawa na lang ako sa kawalan. Grabe I can't imagine that someone make a nickname for me base on my favorite.
Napasuklay naman ako sa aking buhok habang humahalakhak parin sa tawa. "See you like... Choco."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Heh! Natawa lang ako dahil sa tawa mo noh."
"Pwede na rin."
"My laugh?" tanong niya.
Tinignan ko siya at biglang napatawa. "What? Ang sabi ko pwede na 'yong nickname na binigay mo sakin," natatawa na sabi ko sa kanya.
Nag-iwas tingin siya, nahihiya siguro haha. "Attorney... Don't be shy." pang aasar ko sa kanya.
"Stop." maawtoridad na ani niya sa'kin.
Mapangasar akong tumawa at lumapit sa kanya. "Hindi ka mabiro..." ani ko sa kan'ya sabay gulo sa kan'yang buhok.
Nagulat naman ako ng hinawakan niya ang aking kamay. Humarap siya sakin habang nakatitig sa aking mga mata, ilang dangkal na lang at maglalapit na ang aming labi ng may narinig kaming nag doorbell kaya agad ko siyang itinulak papalayo sa'kin at mabilis na tumayo.
Humarap naman ako sa kanya. "Hoy, halika bilis!" taka naman siyang napatingin sa'kin.
Napasinghal ako at hinila sya patayo. Magrereklamo pa sana siya ng nilakihan ko siya ng mata. "Sumunod ka na lang." Utos ko sa kanya.
Mabilis ko siyang ipinasok sa aking kwarto at ipinasok sa aking closet. "What are you doing?"
"Magtago ka muna dito, okay?" ani ko sa kanya habang nakatingin sa aking pintuan.
"Clar–"
"Shhh..." pagputol ko sa sasabihin niya, kaagad kong isinara 'yong closet kung nasaan siya. Napasandal ako dito habang habol ang paghinga.
"Clarity ba't hindi mo ako pinag buksan?" Nagulat naman ako ng biglang sumulpot si jessi sa aking harap kaya umakto akong nag-eexercise.
"Wow! Kailan ka pa nag-umpisang mag-exercise?" sarcastic nitong tanong sa akin.
"Ba't masama? At saka hindi mo ba alam na maganda ito para sa katawan?"
Napairap naman ito sa kawalan. "Oo na... Turuan mo nga ako ng steps mo–"
Umakto naman akong masakit ang aking balikat. "Woah... Ang sakit na ng balikat ko." Lumingon naman ako sa kanya. "Sa next na lang."
Mabilis naman akong naglakad paalis sa kwarto ko, naramdaman ko na sinundan na niya ako kaya nakahinga ako ng maluwag.
"Ba't ka nga pala pumunta dito?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa living room.
"Bakit may tinatago ka ba dito?" Na patigil naman ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.
"Ano namang itatago ko sa'yo?"
"Chill masyado ka namang defensive..."
"Pumunta ako dito para ibigay sa'yo ang mga design ni marx." Inabot niya sakin 'yung hawak niyang brown envelope. Kinuha ko agad ito.
Andito kami ngayon sa living room habang nanonood ng movie marathon. Napatingin naman ako kay jessi na ngayo'y kumakain ng pop corn habang abala sa pinapanood namin.
Kanina pa ako hindi makapali, paano ba naman kasi akala ko aalis na siya ayun nag-aya pang manood ng movie kaya wala akong nagawa baka mamaya magtaka pa 'yon sa mga kinikilos ko.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko sa kanya.
Lumingon naman ito sa'kin. "Ilang beses mo na bang itinanong 'yan?"
Napasandal ako sa aking kinauupuan. Napatingin ako sa clock wall at gano'n na lang gulat ko ng 8 pm na pala! Kawawa naman si husserl do'n
Napaigtad ako ng sikuin niya ako. "Tapos na 'yong pinapanood natin," aniya. "Aalis na po ako... May pinagkakaabalahan ka siguro no?"
"Ano naman ang pinagkakaabalahan ko?" pabalik na tanong ko sa kanya.
Nagkibit balikat siya. "Malay ko..."
Mabilis akong nagtungo sa aking kwarto ng makalabas na si jessi, ng tuluyan ko ng mabuksan 'yung pinto agad kong pinuntahan si husserl na andoon pa rin hanggang ngayon.
Binuksan ko ito at bumungad ang nanghihina ang mukha niya. Nakaramdam naman ako ng guilty dahil sa ginawa ko.
"Are you okay?" tanong ko sa kanya at inalalayan siyang lumabas.
"I-I'm not okay..." ani nito habang nanginginig ang kanyang mga binti. Inalalayan ko siyang pinaupo sa higaan ko.
"Sorry, si jessi kasi..."
"It's okay, don't worry about me... I'm fine."
Bigla namang kumulo 'yong tiyan niya kaya napatingin ako sa kanya. "Gusto mo ipagluto kita–"
"No... Uuwi na lang ako."
Biglang kumulo ulit 'yong tiyan niya kaya nagsalita ulit ako, "Dito ka na lang kumain."
Naka-upo siya ngayon habang sinasandok ko 'yong niluto kong adobong baboy. Dahan dahan kong inilapag ito sa lamesa at tumingin sa kanya. "Kumain kana..."
Sumandok agad siya ng kanin at kumuha ng unting ulam. Pinapanood ko lang 'yung mga kilos niya.
Isinubo niya na ito, ilang nguya pa lang ang ginagawa niya ng napatigil siya. "Bakit? Hindi ba masarap?" tanong ko sa kanya.
Tumingin naman ito sakin at nagsalita, "Wow, this is so good!" aniya kaya napangiti ako.
"Buti naman... Akala ko hindi mo nagustuhan–"
"Paano kung hindi ko nagustuhan?" tanong niya sa'kin.
"Edi ipapakain ko pa rin sa'yo, marami ngayon ang nagugutom noh."
Natawa naman siya at bumalik ang tingin niya sa kanyang kinakain. Naka-upo lang ako habang pinapanood siyang kumakain na sarap na sarap sa niluto ko.
Rich kid siguro 'to ani ko sa aking isip.
Napabaling ang tingin nito sa'kin. "Hindi ka pa ba kakain?" tanong nito sa akin.
"Makita lang kitang kumakain busog na ako."
Hindi naman maipinta ang mukha niya dahil sa sinabi ko. "Bakit?" natatawa na ani ko sa kanya.
"You mean that?"
"No, It's meant to be joke..." saad ko. Kita ko naman sa mukha niya ang pagkailang.
"Here..." Inabot niya sakin 'yung necklace ko kaya mabilis ko itong tinanggap.
"Thank you..." pasasalamat ko sa kanya. Ngumiti naman siya.
"You're welcome."
"Paano na 'yan... Nakalimutan nating tikman ang binili mong donut?"
"It's okay..."
Naging awkward 'yong atmosphere namin. Nagsalita na naman ako.
"Bye?"
"Bye..." ani niya at mabilis na naglakad papalayo.
Nakatitig ako ngayon sa box ng donut, mabilis ko itong binuksan at nagulat ako na puro chocolate 'yong flavor nito. Kumuha ako ng isa at tinikman.
Napapikit ako dahil sa sarap. "Hmmm..." kumuha ulit ako ng isa at mabilis na kinain.
"Okay naman palang maging kaibigan 'yon eh..." ani ko sa kawalan habang ngumunguya.
Nandito ako ngayon sa bahay dahil inatake na naman si dad. Pumunta ako sa silid niya at umupo sa gilid ng kama.
Napatingin naman si dad sa'kin na ngayo'y gising na. "Clarity..." Tawag niya sa aking pangalan kaya mas lumapit pa ako sa kan'ya. "Bakit dad?" tanong ko habang hawak hawak ang kanyang kamay at nilagay sa aking pisngi.
"I can't wait to see you with a man you love..." nahihirapang aniya.
Nagbabadya naman ang aking mga luha. Hindi ko man lang ma-bawasan ang nararamdaman ni dad ngayon at nagsinungaling pa ako sa kanya tungkol sa boyfriend ko.
"Malapit na dad..."
"Kailan pa?" tanong niya.
Na Tahimik naman ako. Kada araw na lumilipas mas lumala ang sakit ni dad kaya kailangan ko na talagang makahanap ng magpapanggap na boyfriend ko.
Huminga ng malalim si dad at nagsalita, "I'm sorry anak kung pinapadali ko ang lahat," saad niya.
Agad naman akong nagsalita, "Hindi dad, wala ka pong kasalanan kaya huwag kang mag sorry... Ako dapat ang humingi ng tawad sayo dad kasi wala man lang akong magawa para sa'yo–"
"No, don't say that..." aniya. Pinunasan ni dad ang luha ko gamit ang kanyang hinlalaki.
"Sorry dad..." agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
"Shhh..." aniya sabay hagod sa aking likod. Napahagulgol na lang ako ng iyak habang nakasandal kay dad.
"Stop crying." Agad naman akong umayos sa aking kinauupuan ng mahimasmasan.
"Alam ko sa pagdating ng araw... Makikita kita sa loob ng simbahan habang nakasuot ng damit pangkasal." Huminto siya sandali at nagsalita muli, "Pero hindi ko alam kung aabot pa ako ron..." para namang may bumara sa aking lalamunan.
"Gusto kong masubaybayan 'yong buhay mo kapag may sarili ka ng pamilya pero alam kong hindi ko na ito maaabutan pa..."
"Kahit 'yung lalaking mahal mo lang sana ang maabutan ko, okay na ko roon," aniya. Napatingin naman ako kay dad at humingi ulit ng tawad.
"Okay lang... Alam kong busy siya kaya 'wag ka ng humingi pa ng tawad." para naman akong naguilty sa sarili ko.
Dito muna ako matutulog sa bahay. Umakyat ako sa aking kwarto at binuksan ito. Pumunta ako sa bathroom at hinubad lahat ng aking damit at nagshower.
Kasabay ng pagbagsak ng tubig sa'kin ang patak ng mga luha ko. Nakayakap ako sa aking sarili at humagulgol ng iyak.
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kahit sana matupad ko 'yong kahilingan ni dad pero hindi ko man lang magawa! Pakiramdam ko ang sama sama kong anak dahil wala akong magawa.
Sana meron man lang taong nandyan para sabayan ako sa mga problema ko, 'yung taong laging nandyan para punasan ang mga luha ko, 'yong taong andiyan para pasayahin ako kapag nakakaramdam ako ng lungkot at 'yong taong iintindi sa'kin.

Book Comment (42)

  • avatar
    Radine Felipe

    I want to read untill the end

    20d

      0
  • avatar
    BanugonRyan

    thank you

    26d

      0
  • avatar
    delorazomark

    Good story

    17/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters