logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6: Poison

Natatakot akong tumingin sa paligid upang alamin kung sino ang nasasaktan, pero naramdaman ko ang malagkit na likido na lumalabas mula sa tagiliran ni Papa. Isang bisig na lang niya ang nakahawak sa akin habang ang isa ay pilit pinipigilan ang vine upang hindi tumama sa akin.
Tumulo ang aking luha kasabay sa pagtigas ng aking mga daliri at paglabas ng aking mga pangil. Titig na titig sa akin si Papa, pilit akong pinapakalma pero tuwing sinusubukan niyang magsalita ay dugo ang lumalabas mula sa kaniyang bibig.
I shout at the top of my lungs and my smoke starts coming out, embracing the whole room. Agad kong pinutol ang vines na balak saktan ang mga bata, pagkatapos ay nilibot ko ang kwarto gamit ang mabilis kong kilos at pinutol ang lahat na mga vine.
Bumalik ako kay Papa at inalalayan siya nang nabunot niya ang vine mula sa kaniyang katawan. Napalunok ako nang makitang may mga bulaklak na nagsisimulang mabuhay sa kaniyang sugat—a poison.
Lumapit sa amin si Traveller Francisco, saka ko napansin na nasugatan ang kaniyang kaliwang pisngi.
“Fuck,” malutong niyang mura habang nakatingin sa sugat ni Papa na halos matakpan na ng mga bulaklak. “Magiging gan’yan din ba ang sa akin?” tanong niya habang marahan na hinawakan ang kaniyang sugat. “Magiging halaman ba tayo?” Madrama siyang tumingin sa mga mata ni Papa kaya nagkatinginan sila.
Napabuntong-hininga si Papa habang tumawa naman si Traveller Francisco.
“Damn. Kakaiba talaga si Nilo,” sabi ni Traveller Francisco at tumalikod sa amin. Pinuntahan niya ang mga bata at inalalayan palabas mula sa kwarto.
Unti-unting nawawala ang aking mga usok nang nalanta na ang mga vines. Tumingin sa paligid si Papa, nalilito na may halong pagkamangha.
“Ano ang ginawa mo?” tanong niya sa akin.
“Disabled his vines and poison,” tugon ko sabay turo sa mga bulaklak na nasa sugat ni Papa. Unti-unti itong naglalaho na parang bula.
Ginamit ko ang aking kanang kamay upang magpalabas ng usok at inilapat ito sa sugat ni Papa. Hinayaan naman niya ako. Nang unti-unting nagamot ang kaniyang sugat ay ngumiti siya sabay haplos sa ibabaw ng aking ulo.
“You’re the greatest healer now,” sabi niya habang naluluha. “I am proud of you.”
“They are coming,” sabi ni Traveller Francisco nang bumalik siya.
Muling ngumiti sa akin si Papa bago niya hinarap ang kaniyang kapatid. Nagkatitigan sila at mayamaya ay marahan na sinampal ni Papa si Traveller Francisco. Mag rereklamo sana siya pero hindi niya itinuloy nang mapansing nagamot ang kaniyang sugat. Palihim naman akong napangiti dahil sa ginawa ni Papa.
Pareho kaming tatlo na napaatras nang biglang may sumulpot sa aming harapan, isang jumper. Sasaksakin niya sana si Papa pero agad na kumilos ang aking mga paa at lumapit sa lalaki. Mabilis ko siyang napigilan at pinihit ang kaniyang kamay dahilan kung bakit siya napasigaw.
Narinig ng mga kasamahan niya ang kaniyang sigaw kaya nagsidatingan sila. Hinigpitan ko ang paghawak sa lalaki at binuhat siya. Itinapon ko siya sa mga bagong dating niya na mga kasamahan, pareho silang apat na natilapon sa labas ng kwarto.
Ganito pala kalakas ang lamia.
Napatitig ako sa aking kamay, lalo na sa kamay na tumapos sa buhay ni Ancestor Nita. Kakaiba ang lakas na aking taglay. Ganito ba ang lahat na mga Gourmand?
Napansin kong mas lumapit sa akin sina Papa at Traveller Francisco nang may panibagong lalaking pumasok sa kwarto. Kasunod niya ay si Painter Philip. Mukhang nagkaroon sila ng labanan bago dumating sa kwarto na aming kinalalagyan dahil pareho silang sugatan.
“Nilo, tama na. Pag-usapan natin ito,” wika ni Painter Philip, pero walang imik ang lalaking tinatawag niyang Nilo. Sa halip ay titig na titig sa akin ang lalaki.
Mahirap intindihin ang pinapahiwatig ng mukha niya. Parang nagagalit siya na naluluha na parang ewan. Nabigla na lamang ako nang sumigaw siya at humahagulhol kasabay ang pagluhod. Parehong huminga nang maluwag ang magkapatid na Balindong dahil sa ginawa ni Nilo habang ako ay nalilito pa rin.
“Bakit kailangang mamatay ni Nita sa gano’ng paraan?” tanong ni Nilo habang nakaluhod pa rin at nasa sahig ang kaniyang mukha, halos halikan na niya ito.
“I’m so–” Hindi ako natapos sa pagsasalita nang biglang siyang tumingin sa akin.
“Nasa iyo ang potentia niya?” Marahas niyang tanong.
I nod hesistantly. He stand up ang grip my shoulders. Parehong pilit inalis nina Papa at Traveller Francisco ang paghawak ni Nilo sa akin, pero nagmamatigas siya. Hindi naman ako nasasaktan. Natatakot lang ako sa facial expression niya, para siyang nawawalan ng bait.
“Alam mo na ba?” Kumunot ang aking noo dahil sa tanong ni Nilo. “May mahalagang impormasiyon na nalalaman si Nita. Hindi niya ako sinasabihan dahil si Christopher lang daw ang dapat makakaalam nito kaya gusto niyang ibigay ang potentia niya sa ama mo.”
Napatitig ako kay Nilo. Pilit kong inalala ang aking paniginip pero wala talaga akong maalala.
Mukhang nabasa ni Nilo ang aking mukha kaya binitawan niya ako at huminga nang malalim. “Ang bata mo pa, inosente. Nadumihan ka lang sa potentia ng Gourmand,” saad niya.
Tinalikuran niya ako habang bagsak ang kaniyang mga balikat. “Magpasalamat ka na si Christopher ang ama mo. Kung hindi, isusugal ko ang aking buhay, mapatay lamang kita.” Sinabi niya iyon habang nakatalikod sa akin.
Nasasaktan ako dahil sa sinabi niya kahit deserved ko naman. Hindi, kulang pa nga ang mga salita. Buhay ang aking kinuha mula sa kaniya at wala ng pwedeng gawin upang maibalik iyon.
“I’m ve–”
“’Wag!” agad niyang agap sa akin. “Huwag mong ituloy. Walang Gourmand ang humihingi ng tawad. Hindi bagay sa inyo. Hindi rin maibabalik lahat gamit ang salita niyo.” Ikinuyom niya ang kaniyang mga palad. “Siguraduhin mo lang na wala ka nang mabibiktima.”
Umalis mula sa kwarto si Nilo at agad naman siyang sinundan ni Painter Philip. Nakahinga naman ako nang maluwang nang narinig na malayo na ang kanilang mga yapak.
“Kakausapin ko siya anak,” marahan na sabi ni Papa sa akin sabay haplos sa aking buhok.
Tumango lamang ako.
Nang naakalis na si Papa ay yinakap ako ni Traveller Francisco sabay sabing, “Pupunta tayo sa kwarto. Magbibihis tayo.”
Ang mga butas sa mga dingding ay unti-unting inaayos sa potentia na nakapaligid sa Castle. Kaya pala mas pinili ni Papa na hindi lumabas dahil alam niyang hindi agad masisira ang Castle.
Nagbihis ako habang si Traveller Francisco ay nagliligpit sa mga basag. Pagkatapos kong magbihis ay pumunta kami sa kwarto niya dahil siya naman ang magbibihis. Habang naghihihtay sa kaniya ay tinitignan ko ang mga litrato, mga lugar ito na hindi pamilyar sa akin. Mukhang sa ibang bansa ito.
Tumayo ako at tinignan ang paligid ng kwarto. Ngayon lang ako nakapasok sa kwarto ni Traveller Francisco dahil ayaw niyang may ibang papasok dito. Madalas itong naka-lock at siya mismo ang naglilinis.
Huminto ako sa harap ng bookshelve na puno ng mga libro. Tinignan ko ito isa-isa at inamoy ang ilan hanggang nakarating ako sa photo album. Kinuha ko ito at tinignan ang laman.
Sa unang pahina ay pangalan ang nakasulat. Zendaya Torres. Curious sa nabasa, agad kong tinignan ang kasunod na pahina. Bumungad sa akin ang maputing babaeng at may kulot na buhok. Itim na tuga ang kaniyang suot at nakangiti siya habang nakahawak ng nakalulon na papel. Sa baba ng picture ay may handwritten ni Traveller Francisco na nagsasabing, “Congratulations, Zend.”
“Avery, ito na pala ang gi–” Agad na kinuha ni Traveller Francisco mula sa akin ang photo album at itinago niya ito sa kaniyang likuran. Kunot-noo akong nakatingin sa kaniya habang siya ay ngumiti lang at ibinigay sa akin ang maliit na box. “Birthday gift mo ‘yan. Maaga kong ibibigay baka kasi magiging busy ako.”
Kahit nagtataka ako kung sino si Zendaya Torres ay hindi na ako nagtanong ukol nito. Tumango lamang ako at ngumiti.
“Salamat ng maraming,” sabi ko.
“Walang anuman,” maligaya niyang tugon. “’Wag mo munang buksan niyan. Saka mo buksan kapag birthday mo na.”
Tumango ako. Gustong-gusto ko talagang magtanong kung sino ang babae pero natatakot ako. Baka kasi masyado akong nangingialam. Wala naman akong narinig na nagkaroon ng nobya si Traveller Francisco. Sa kanilang magkakapatid, si Painter Philip lamang ang may normal na relasiyon sa kaniyang kapareha.
“She is a woman from other dimension.” Nabigla ako dahil sa biglaan pag-amin ni Traveller Francisco. “Pareho kami ng dimension sa past life ko.”Nanlaki ang aking mga mata habang tumawa naman siya. “May magaling na psychic sa ibang bansa, Avery. Siya ang nagbigay sa akin sa mga litrato na ito. Hindi sana ako maniniwala pero nang nakita ko ang larawan ni Zend, naalala ko kung paano ako namatay sa nakaraan kong buhay. Hanggang naalala ko lahat ng mga alala na kasama ko si Zend.”
Ibinalik niya sa lalagyan ang photo album at tinitigan ito. May pangungulila sa kaniyang mga mata at agad naman niyang tinatakpan ng malungkot na ngiti.
“Paano po kayo namatay?” mahina kong tanong at tumawa naman siya.
“Nasagasaan.”
Kumunot ang aking noo kaya muli siyang tumawa at ginulo ang aking buhok.
“They don’t have potentia there. Ang iilan pala ay meron pero kakaiba kasi sa kanila, hindi sila naniniwala sa potentia. Gagawin ka lang katatawan kapag sasabihin mong may potentia ka.”
Napatango ako ng maraming beses, pilit iniisip kung ano ang pakiramdam mamuhay sa dimension na tinitirahan ni Zendaya.
“Buhay pa siya?”
Umupo si Traveller Francisco sa pinakamalapit na upuan bago tumango. “Iba ang oras natin sa kanila. Magkasing-edad lang kami.
Napa-wow ako at ngumiti nang malaki. “You can go there. Magaling at malakas po kayo na traveller,” masaya kong saad.
Ngumiti nang mapait si Traveller Francisco at tumango. “Pupunta ako roon kapag wala ng problema rito. Ayaw kong iwanan ang ating pamilya habang may hinaharap pa na mga problema.”
Napawi ang aking ngiti dahil sa sinabi ni Traveller Francisco.
“At kapag pupunta ako roon, isasama kita. Pangako ko iyan sa ‘yo,” dagdag niya, puno ng paninigurado ang kaniyang boses at mga mata.

Book Comment (179)

  • avatar
    samantha

    this novel is really a masterpiece. sa lahat ng nabasa ko, ngayon lang ako nag rate at sa first time na 'to, five star pa. it's really amazing. keep on writing fantasy story, author <3

    08/03/2022

      29
  • avatar
    Zophia Membreve Barason

    grave ang ganda ng kwento kapopolotan talaga ng aral

    1d

      0
  • avatar
    Rj Hermano Rauch

    good story i really like it keep up the good work don't stop writing stories because i really like it

    18d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters