logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5: Revenge

Paano iyon nangyari?
Nakikita ko ang aking sarili na mabilis na tumatakbo. Dumaan ako sa mga sanga ng mga kahoy. Nasa Kagubatan ako. Bakit pamilyar ito? Nakaraan ba ito?
“Tulong!”
Muling bumalik sa aking alaala ang nangyari bago ako nakatulog. Gusto kong gumising pero nagpatuloy pa rin. Gusto kong ipikit ang aking isipan kung maari upang hindi masaksihan muli kung paano ko pinatay si Elder Nita.
Huminto ang lahat nang nakita ako ni Papa, nang inilalayan niya ako. Nag-usap kami hanggang nakarinig ako ng mga yapak. Pagkatapos ay patalikod na bumalik ang lahat at mabilis na ito. Bumilis nang bumilis hanggang usok na lamang ang aking nakikita.
“Alverda?”
“Gising na siya? Gumana kaya?”
I squint as a bright light greets my eyes. I adjust my eyes. Unti-unti kong nakikita nang maayos ang dating blurry na silhoutte ng lalaki. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Papa. Sumunod naman ang nakakunot-noong si Traveller Francisco. Kailan pa siya umuwi? Matagal na ba akong natutulog?
“Anong nararamdaman mo, Alverda?” tanong ni Papa.
Lumandas ang aking paningin sa kaniyang palad na nakahawak sa aking pulsuhan. Ito ang madalas niyang hinahawakang parte ng katawan ng kaniyang pasiyente, lalo na kapag malubha ang nararamdaman.
“Anong ginagawa mo?” pangbabanta kong tanong sabay tulak ng kaniyang palad papalayo mula sa akin.
His lips form a thin line and he sighs. “Wala. Hinahawakan lang kita. Nag-aalala lang ako. Sabay mo kasing ginamit ang iyong mga potentia. Wala ka namang training at bago mo pa sila nalaman. Sigurado akong nabigla ang iyong katawan.”
Kumunot ang aking noo. “Pinagsabay? Lamia lamang ang aking ginamit. I mean, kusa itong nagising nang nakaamoy ako ng dugo.”
Nagtinginan sa isa’t-isa sina Papa at Traveller Francisco. Si Traveller Francisco ang unang umiwas at tumingin sa akin.
“Sinubukan mong buhayin si Ancestor Nita gamit ang iyong healing potentia. Hindi mo ata naalala,” sabi niya.
Saglit akong napaisip pero wala talaga akong matandaan tungkol sa sinabi ni Traveller Francisco kaya hindi na ako sumagot. Dahan-dahan akong bumangon at agad naman akong inalalayan nina Papa at Traveller Francisco.
“Lumipat daw sa ‘yo ang potentia ni Ancestor Nita,” komento ni Traveller Francisco nang binigyan ako ng isang basong tubig ni Papa. Tinitigan ko muna ito at hindi sinagot si Traveller Francisco.
“Mukhang gumana na. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi mo maalala ang ibang detalye sa nangyari kanina. May naalala ka ba sa panaginip mo? Baka pwede natin iyang pakinabangan,” dagdag ni Traveller Francisco kasabay ang pagpasok ni Painter Philip at Manang Maria sa aking kwarto.
Binalot ng katahimikan ang paligid, nag-aabang sa aking sagot. May kakaiba akong nararamdaman. Alam kong may panaginip ako, pero hindi ko ito maalala.
“Hindi ko maalala,” mahina kong tugon.
“You’re not compitable to become a dreamer. Iyan ang dahilan kung bakit hindi mo naaalala ang panaginip, katulad sa natural nating mga panaginip,” sabi ni Painter Philip.
Tumango lamang ako habang nakayuko. Inubos ko ang isang basong tubig habang si Papa ay titig na titig sa akin. Hindi naman ako makatingin nang diretso kay Painter Philip dahil nangyari ang nakita niya.
“Anong na aalala mo bago ka nakatulog?” tanong ni Traveller Francisco nang matapos akong uminom.
Nanatili akong nakayuko habang nakatingin sa walang laman na baso. “I heard footsteps. I was thrilled to see who was coming, but I fell asleep.”
Ibinigay ko ang baso kay Papa at tumingin kay Painter Philip. Wala namang kakaiba sa kaniyang expression, casual lang. Inaasahan na niya ang nangyari, kaya siguro parang wala lang sa kaniya ito, pero pinatay ko ang isang Summan. Pinatay ko si Ancestor Nita.
“Makatatayo ka na ba?” tanong ni Painter Philip sa akin.
“Opo,” tugon ko sabay tango.
“Great. We’ll have our dinner. Nandito ang buong pamilya. Alam kong iyan ang kagustuhan mo.”
Lumabas siya mula sa aking kwarto kasama si Manang Maria. Ginulo ni Traveller Francisco ang aking buhok bago siya sumunod nina Painter Philip at Manang Maria.
“Sumunod agad kayo, Christopher,” pahabol ni Painter Philip.
“May regalo pala ako sa ‘yo, Avery,” sabi naman ni Traveller Francisco habang nakangiti. Ngiting parang nagpapahiwatig ng kakaiba.
Umupo si Papa sa aking kama at hinarangan ang aking paningin patungo kay Traveller Francisco. Pabulong siyang nagmura. Mukhang hindi narinig ni Papa pero narinig ko. Baka dahil sa aking potentia na lamia.
Sumulyap sa kaniyang likuran si Papa, tinignan kung nakaalis na ba ang kaniyang mga kapatid. Nang nasigurado niya na kami na lang dalawa ay muli siyang tumingin sa akin at yinakap ako nang mahigpit.
“Akala ko hindi mo kakayanin, anak. Tatlong mga potentia ang nasa katawan mo. Malalakas pa lahat.”
Yinakap ko siya pabalik at ngumiti nang maalala ang aking ginawa upang magising ang aking healing potentia.
“Kahapon ko nalaman na healer pala ako, Pa,” masaya kong panimula. Kumalas mula sa pagkakayakap sa akin si Papa at tinitigan ang aking mukha. Ngumiti ako. “Ginamit ko ang Grimoire na ibinigay mo sa ‘kin noong nakaraang taon. Akala ko mahihirapan ako o walang epekto ang nakasulat doon pero gumana,” dagdag ko.
Hinaplos ni Papa ang ibabaw ng aking ulo. Ito ang madalas niyang ginagawa kapag proud siya sa akin o nag-aalala siya sa akin.
Hinawi ko ang parte ng aking damit na nakaharang sa simbolong nasa aking dibdib. “See. May healer symbol na po ako.”
Ngumiti si Papa, ngunit may nagbabantang mga luha sa kaniyang mga mata. Nang mapansing nakatingin ako sa kaniya ay tumingin siya sa ibang direksiyon.
“Alam kong magiging katulad ka sa akin, anak. Sinigurado ko iyan,” sabi niya habang naiiyak na.
Inayos ko ang aking suot. “Hindi naman po makikinabangan ang aking potentia dahil magpapalagay naman ako ng APM,” naghihinayang kong saad.
Muling hinaplos ni Papa ang ibabaw ng aking ulo. “Susundin muna natin si Painter Philip, anak, dahil nang sinuway natin siya, hindi maganda ang resulta.”
“Ikaw lang po ang sumuway kay Painter Philip. Sinali mo lang ako. Pumayag na lamang ako dahil Papa kita,” biro ko, pero sa totoo ay nagsisisi rin ako kung bakit hindi ko na lang sinunod ang sinabi ni Painter Philip. Buhay pa sana hanggang ngayon si Ancestor Nita o ‘di kaya’y matagumpay niyang naibigay kay Papa ang kaniyang potentia.
“Hanapin ang kriminal,” bulong galing sa malayong lokasiyon, pero nasa loob lamang ng Castle.
Alam kong hindi iyon narinig ni Papa at alam kong ako ang tinutukoy ng matandang lalaki.
"Gawin niyo lahat upang makitil ang buhay ng babaeng iyon kahit makakalaban niyo pa si Healer Christopher. May dugong Gourmand ang anak niya kaya dapat patayin ang batang iyon."
“Anak, okay ka lang?” tanong ni Papa sa akin nang mapansing tulala akong nakatingin sa pintuan.
Sobrang bilis ng mga yapak, mukhang mga jumper din. Mas nag-focus ako sa mga kilos nila at inalam kung malapit na ba sila sa aming palapag.
“Anak.” Hinawakan ni Papa ang aking kaliwang balikat. “Okay ka lang? Masama ba ang iyong pakiramdam?”
Tumingin ako sa kaniya.
Paano ko ba sasabihin na may gustong pumatay sa akin? Gabi na. Kadalasan sa mga Summan ay nasa Castle na. Kumakain o ‘di kaya’y nagpapahinga na. Anong gagawin ko upang hindi mas magkagugulo?
Ibubuka ko sana ang aking bibig nang biglang sumulpot sa aking kwarto si Traveller Francisco. Agad siyang lumapit sa amin at hinawakan ang aking kanang braso.
“May problema. Sumugod ang kapatid ni Ancestor Nita at ang ibang kapamilya niya,” sabi niya at marahan akong hinila upang makaalis mula sa kama.
“Si Nilo,” saad ni Papa, para bang may naalala siya nang binanggit ang pangalang Nilo.
Binigyan ni Traveller Francisco ng makahulugang tango si Papa. Nagkatitigan sila saglit bago nagsalita si Traveller Francisco.
“Ilalabas ko si Avery mula rito.” Mas hinawakan niya nang mariin ang aking braso. Tumayo ako habang nagpa-process ang aking utak sa mga pangyayari.
Kagigising ko lang, binungad agad ako ng problema.
“No,” agad na tugon ni Papa. “Kayang manipiyulahin ni Nilo ang mga halaman, mas lalamang siya sa ‘yo kapag nasa labas kayo ng Castle.”
“Pero magkagugulo dito sa Ca–”
“Dadalhin ko siya sa labas ng Summa,” putol ni Traveller Francisco sa akin.
Tumahimik saglit, nagtitigan silang dalawa. Mukhang sasang-ayon si Papa kahit medyo labag sa kaniyang kalooban ang plano ni Traveller Francisco.
“Mas magkagugulo,” sabi ko at inalis ang paghawak ni Traveller Francisco sa akin. Medyo nagulat siya sa aking inasta pero nagpatuloy ako. “If he wants to revenge, he’ll kill anyone who are important to me. At saka, hindi maayos ito kapag lalayas ako. Pag-usapan nat–”
“He doesn’t want to talk, Avery. Buhay ang nawala sa kaniya kaya buhay ang kapalit. Gan’yan si Nilo,” sabi ni Traveller Francisco, parang may naalala na may kinalaman sa lalaking tinatawag nila na Nilo.
Sasagot sana ako nang biglang may tumagos sa pinto at patungo ito sa aming kinalalagyan. Sobrang bilis ng kilos nito at parang may mga mata dahil alam nito ang aming lokasiyon, pero mas mabilis si Papa. Agad niya akong yinakap at lumipat kami ng pwesto. Nakailag din si Traveller Francisco.
Palipat-lipat kami ng pwesto ni Papa. Napapansin ko na nahihirapan siya dahil nagmumukhang may buhay ang matulis na puno ng ubas habang sumusunod sa amin.
“May nakakapit na ibang potentia niyan dahilan kung bakit nalalaman ang pwesto niyo,” tukoy ni Traveller Francisco sa vine sa panay sunod sa amin.
Nanlaki ang aking mga mata nang biglang dumami ang vines. Mura ni Traveller Francisco ang huli kong narinig bago kami napunta sa ibang kwarto. Nakayakap siya sa amin dahilan kung bakit nasa ibang lokasiyon na kami.
Tumingin ako sa paligid nang nakarinig ako ng hikbi. Dumako ang aking paningin sa magkapatid na nagyayakapan. Kilala ko sila. Sila ‘yung magkapatid na wala ng mga magulang. Ang kanilang panganay na lamang ang nag-aasikaso sa kanila. Tinutulungan naman sila ni Beamer Lolita kaya nakakain pa rin sila nang maayos pero makikita pa rin sa kanilang mga mata ang kalungkutan o ang pangugulila sa kanilang mga magulang.
“No!” sigaw ko sabay tulak ni Papa upang makawala ako mula sa kaniya pero mas naging mahigit ang paghawak niya sa akin.
May tumagos na naman na vines at may ilang patungo sa mga bata. Agad akong ikinumpas ang aking mga kamay at lumabas ang mga berdeng usok. Agad kong tinapon patungo sa mga vine ang usok na nabuo sa aking palad at pinigilan ang mga ito.
Nanigas ang mga bata nang halos masaksak sila sa vines. Mabuti na lang ay naagapan ito ng aking mga usok. Medyo nakahinga ako kahit nahihirapang panatilihin sa pwesto ang vines dahil nagpupumiglas ang mga ito.
“Fuck,” mura na may halong daing ni Traveller Francisco. Pati si Papa ay dumaing din kasabay sa pagrehistro sa aking sistema ang amoy ng dugo.
May natamaan.

Book Comment (179)

  • avatar
    samantha

    this novel is really a masterpiece. sa lahat ng nabasa ko, ngayon lang ako nag rate at sa first time na 'to, five star pa. it's really amazing. keep on writing fantasy story, author <3

    08/03/2022

      29
  • avatar
    Zophia Membreve Barason

    grave ang ganda ng kwento kapopolotan talaga ng aral

    1d

      0
  • avatar
    Rj Hermano Rauch

    good story i really like it keep up the good work don't stop writing stories because i really like it

    18d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters