logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 3

Aaliyah's POV 
Beep... beep...beep
Napabalikwas ako ng bangon at dire-direstong nagtungo sa banyo habang kusot-kusot ang mga mata 'saka naligo at nagsepilyo.
Hindi ko na naabutan si ina sa dining dahil alam 'kong nagtungo na ito sa trabaho at dahil narin na late na ako ng gising. Tss! Pagagalitan na naman ako nito mamaya.
Matapos 'kong mag-agahan ay nagmadali na akong pumasok sa school 'buti nalang at nalate rin ang prof namin bago paman niya ako maunahan ay nakaupo na'ko sa puwesto ko.
"Good morning class,"ani Mr. Agapito matandang bading na Professor namin.
"Good morning prof,"bati ng iba 'kong kaklase sinabayan ko lang sila pero walang tinig na nagmula sa 'kin, gano'n ako parati.
"Miss Ho,"tawag niya kaya napabuntong-hininga akong tumayo.
Ano naman kaya ang issue sa 'kin nito.
"You're late"aniya na nakapameywang, palihim akong napataas ng isang kilay.
"Ang pagkakaalam ko prof nauna ako sa iyong maupo rito, how come did you say that I am late?"walang ganang sagot ko. 
"Aal, stop it!"rinig 'kong bulong ni Alyssa sa 'kin, ang isa 'kong classmate. Pareho kami ng isang subject kay Mister Agapito which is humanities.
Hindi ko siya nilingon at nakatitig lang sa prof namin na halatang nagtitimpi dahil sa kabastusan ko, kung gano'n ang maitatawag niya.
"You still don't learn your manners Miss Ho ano?"pabagsak niyang inilapag ang dalang libro.
"I didn't get here in exact time Mister Agapito at gano'n din kayo, 'wag niyo sana akong sitahin kung kayo mismo ay late rin," mahinahong sabi ko 'saka naupo, gaya ng dati ay wala na siyang sinabi at nagsimula na ang klase.
Pero wala siyang balak na palagpasin ang ginawa ko dahil tinawag niya 'ko.
"Stand up!"
tss.
"Who is the father of world history?!"madiin niyang tanong.
"Herodotus,"tipid kong sagot.
"Tell me more about him!"
Huminga muna ako ng malalim bago ng salita.
"Herodotus was an ancient Greek writer, Sir. He is a geographer and historian born in the Greek city of Halicarnassus, part of the Persian Empire. He is known for having written the Histories—a detailed account of the Greco-Persian Wars. Herodotus was the first writer to do systematic investigation of historical events, Sir. " 
Whew!buti nagbasa ako!
"Sit down!"sigaw niya at naupo naman ako.
"Siraulo ka talaga! ba't mo naman sinagot ng gano'n 'yon si sir?!"bulalas ni Alyssa no'ng maglunch break na, patungo kami ngayon sa Fairy's Cafe.
"Tss, siya nga itong late tapos siya pa naninita,"balewalang sagot ko na nagdirediresto sa daan malapit na'ko sa tambayan namin.
"Oo nga noh!"wala sa sariling aniya.
"Pero ba't mo ginano'n?!maloloka ako sa'yo!kinakabahan ako kanina!depress pa naman 'yon si sir dahil niloko ng boylet niya!"nanghihinayang aniya kaya napatigil ako sa paglalakad.
"'Di ko alam ang tungkol do'n," mahinang bulong 'ko. 
Hindi ko na siya pinansin at muli na'kong nagpatuloy sa paglalakad at nang makapasok na sa FC ay dire-diresto akong naupo sa nakasanayan 'kong puwesto.
"Mukhang hindi rin maganda ang gising mo, anong nangyari?"tanong niya, hindi talaga 'to matigil sa kadal-dalan.
"Wala,"malamyang sagot ko at narinig ko nalang siya na mapabuntong hininga. Alam niyang ayaw ko ng maingay kaya kumain nalang kami pareho.
May dalawang hall ang Fairy's Cafe, actually isa rin iyong restaurant, kaya doon narin kami kumakain tuwing lunch break.
"Iniimbitahan ka ni Candice sa birthday niya, sa susunod na linggo na 'yon." Pagbasag ko sa katahimikan.
Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya matapos ubusin ang pagkain. May 10 minutes pa kami bago ang resume ng klase.
"Talaga?kailan nga ba 'yon?"nakalabing aniya.
Mukhang excited siya. Naging magkakilala sila ng mga kaibigan ko dahil ako mismo ang nagpakilala sa kanila. Si Alyssa ang kasa-kasama ko tuwing lunch break kung minsan, 'yon ay dahil magkakaiba kami ng oras ng labasan ng mga kaibigan ko.
"This friday,"tipid 'kong sagot at tumango-tango naman siya.
"O siya sige, pupunta ako hehe,"puno ng enerhiyang aniya, nginitian ko nalang siya.
Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na kami sa school, pareho muna kaming dumaan sa lockers room upang ipagpalit ang gagamitin namin sa libro na panghapon, iniwan ko rin ang mga 'di na gagamitin 'saka muli kaming nagtuloy sa silid.
Mataman akong nakinig sa lahat ng klase at nakakasabay naman ako sa lahat ng recitation at malaki rin ang mga scores ko sa ilang quizzes.
Pakiramdam ko sobrang pagod ang iniinda ko sa katawan kahit naupo lang naman ako at nakinig sa mga lectures. Mahirap maging estudyante at alam yan ng lahat, lalo pa't halos lahat ay dumaan doon, kahit nakaupo kalang at nakikinig sa lecturer o professors nakakapagod pa rin ang mag-isip. 
Tss! Napabuntong-hininga ako dahil sa pagrereklamong nasa isip.
Naghilamos muna ako sa loob ng C.R matapos magpaalam ni Alyssa na mauunang umuwi dahil may dinner date sila ng pamilya. 'Buti pa sila.
Napabuntong-hininga ako, nang matapos sipatin ang kabuuan ay nagtuloy ako sa labas, papasok na sana ako sa loob ng kotse nang mapatigil ako dahil sa alingaw-ngaw ng isang kotse sa likuran ko.
Napalingon ako roon at nakitang basag na ang harapan ng bintana nito, nasulayapan ko rin ang mga nagsisitakbuhang nakabunet na mga kabataan. 
Mukhang may napagtripan na naman ang mga loko! 
Nakita 'kong lumapit ang isang matipunong lalaki, at hindi ko maikakailang may hitsura ito. Hindi lang may hitsura dahil napagtanto 'kong gwapo siya, nakasuot siya ng puting long sleeve na nakarolyo ang manggas hanggang sa siko. Nakablack jeans at may pares na silver rolex na suot, hubog na hubog ang mga biceps niya sa suot na polo. Napailing nalang ako nang ilang minuto dahil sa pagmamatiyag na ginagawa, hindi naman ako ganito.
"Damn it!"natinag ako ng bumulyaw ito sa inis, napapitlag pa'ko nang tumingin ito sa gawi ko at magtama ang paningin namin.
Kamot-kamot siyang muling binalingan ang basag na kotse, tila hindi alam ang gagawin at nagtitimpi nalang sa sobrang inis, nakaramdam naman ako ng konting awa sa kan'ya, konti lang naman.
"Mukhang malala 'yan." Naglakad ako papalapit sa kan'ya at sinipat ang kabuuan ng kotse, nagtataka naman siyang nag-angat ng tingin sa 'kin.
"Hindi lang ikaw ang nabiktima ng mga binatilyong 'yon, marami-rami narin ang pinagtripan nila,"dagdag ko, pero sa pangungunot-noo niya ay parang nalilito pa siya sa mga pinagsasabi ko.
"Did you know who did this to my car?"naiinis na tanong niya, nasa batok parin ang kamay.
"Kahit na alam ko, you still can't take them in prison dahil mga binatilyo pa nga ang mga iyon. Isa pa, hindi mo rin naman nakita ang may gawa niyan sa kotse mo kaya pa'no mo mairereport?"
"May CCTV'S din naman siguro rito." Inilinga niya ang paningin sa paligid.
"And even I can't take them into prison, I think it's a best way to have some complaint, baka kaya paulit-ulit na nangyayari ito sa iba dahil walang nagrereklamo." Dagdag niya.
"Tama ka, mas pinipili ng iba na hindi magreklamo dahil nauubos lang ang oras nila. 'Saka walang CCTV sa banda rito, mayroon sa kabilang daan, pero hindi na umabot dito." Sabi ko itinuro ang kabilang daan.
"Did you saw it?"tanong niya.
Bumuntong-hininga ako at muling tumingin sa kan'ya.
"No." Mariing sabi ko at napabuntong-hininga siya sa pagkadismaya.
"I still have my shift at ilang minuto nalang mali-late na'ko, masyado akong matatagalan kung dadaan pa'ko sa car shop para papalitan iyan,"aniya na itinuro ang basag na bintana.
"Ede iwan mo sa car shop pansamantala at magtaxi ka nalang muna, hindi naman siguro makakabawas ng kakisigan mo 'yan hindi ba?" Suhestiyon ko habang nakataas ang kilay niya.
"Of course not,"napapailing siyang ngumisi. "I guess those kids are lucky." Umiiling niyang patuloy.
Naglakad siya papalapit sa 'kin at naglahad ng kamay. "By the way, I'm Arnold,"pagpapakilala niya, nakangiti ko iyong tinanggap.
"Aaliyah." Nakipag-kamay ako.
"Nice to meet you Aaliyah." Tumango lang ako.
"Salamat, pero kailangan ko ng mauna." Nanghihinayang na aniya, sinaluduhan ko nalang siya.
"Sige," tango ko muli nang dumiretso na siya papasok ng kotse.
Minsan pa siyang lumingon sa 'kin para kumaway kaya tinanguan ko nalang siya.
Babalik narin sana ako sa puwesto kung nasaan ang kotse ko nang makita ko si Ehhan. Natigilan ako sa ekspresyon at posisyon niya. 
Bahagyang nakakunot ang noo, magkasalubong ang kilay na nakatitig sa 'kin habang magkakrus ang dalawang braso at nakasandal sa pintuan ng kotse ko.
Ano naman ang ginagawa nito rito?
"Sino 'yon?" Tanong niya nang makalapit ako. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay.
"Type mo?"tanong ko.
"What?"
Pikon agad?inano ko naman siya?tss.
"Wala 'yon,"deadmang sabi ko na papasok na sana sa kotse ko nang humarang siya harapan ko.
"Hindi ko alam mahilig ka na palang makipag-kaibigan ngayon, at talagang ikaw pa ang lumapit sa lalaking 'yon,"seryoso siya nang sabihin iyon.
Nakapamulsa ko siyang hinarap.
"Eh ano naman sa'yo ngayon, ha?"naiinis na agad na tanong ko.
"Naiinis ka pag ako ang kausap mo, pero pag ibang lalaki nakangiti ka pa?" 
Tss, ano ba trip nito?
"Dahil hindi ko maintindihan kung bakit kailangan magkagan'yan ka,"singhal ko na lang.
"Tsk! tinatanong mo pa!"anito na asta akong tatalikuran.
At siya pa ang may ganang mag walk out?
"Hoy!"pagtawag ko.
"Bakit? Miss mo agad ako?" Anito na nakangisi na. Iba talaga pag may saltik tsk tsk!
"Mukha mo, ba't ka nandito?"seryosong tanong ko, at gaya ko nakapamulsa rin siyang naglakad papalapit sa 'kin.
"'Wag kang mag-alala dahil hindi ikaw ang ipinunta ko rito." Pinagtaasan rin niya ako ng kilay.
Para talagang babae, tss.
"May sinabi ba'ko? nagtatanong lang eh, tss." Papasok na sana ako sa kotse ko nang higitan niya ang braso ko.
Tiningan ko ang kamay niyang nakahawak parin sa braso ko bago ko siya nagtatakang tinitigan.
"Bakit?"tanong ko nang nakatitig lang siya sa 'kin.
Bumuntong hininga pa siya bago binitawan ang braso ko, paranghirap na hirap pa siya sa sasabihin at ilang beses ang pagbuntong hininga.
"Have coffee with me,"diretso niyang sabi at napabuntong-hininga na naman.
"'Yon lang?mukhang hirap na hirap ka pa magsalita,"natatawa 'kong pinagkrus ang braso sa harapan niya.
"You don't know how you make things hard for me Aaliyah," seryoso siya nang sabihin iyon kaya natigilan ako.
"Inaano ba kita?"nagtatakang tanong ko.
"Tch, ano sasamahan mo ba'ko magkape?"naiinip na aniya, halatang naiinis na.
"Ilang beses na'kong nagkape sa araw na ito,"malamyang sagot ko.
"What about dinner?"
"May-"
"Please?"pagputol niya sa sasabihin ko. Napabuntong hininga akong tumango.
Tinitigan niya ako bago siya ngumiti, mapait na ngiti...hindi tulad nang dati ang ngiti niya kapag kaharap ako, maging 'nung huli naming pag-uusap at pakikitungo niya sa 'kin no'ng nagdaang gabi ay iba na.
Pareho kaming may dalang kotse kaya kanya-kanya kami ng sakay, bagaman pinagpilitan niyang sa kotse nalang niya ako sumakay ay 'di parin niya ako napilit, ayokong maiwan ang kotse ko at kailangan ko rin namang umuwi ng maaga, siguradong magagalit na naman si ina kapag late narin akong umuwi.
Sinusundan niya lang ako at huminto ako sa isang maliit na restaurant bagaman maayos at maganda parin.
Tuluyan kaming pumasok 'saka nag-order, matapos maihain ang mga pagkain ay walang kibo akong nagpatiuna, wala rin naman akong sasabihin at hindi rin siya kumikibo. Panay lang ang tingin niya sa 'kin, ramdam ko 'yon kahit hindi ako nakatingin sa kan'ya ya.
"How are you?"pagbubukas niya ng usapan. Nilunok ko muna ang kinakain ko bago ako nag-angat ng tingin sa kan'ya.
"I'm fine,"tipid 'kong sagot.
"I'm not asking how are you now Aaliyah, I'm pertaining to the years you have been,so how are you?"seryoso niyang sabi.
Hindi ko inaasahang paiiralin niya ang pagiging straight forward ngayon.
'Saka bakit ba ang sungit at seryoso niya ngayon? madalang ko siyang makita ng gano'n. No'ng kami pa ay nagkakagano'n lamang siya kapag may nagagawa at nasasabi akong ayaw niya at hindi niya gusto.
"Sana nilinaw mo,"nakanguso 'kong sabi, pero siniringan niya lang ako.
"Ba't ba ang seryoso mo ngayon?"tanong ko nang hindi na makatiis.
"Mukha ba 'kong laging nagbibiro pag magkaharap tayo, Aaliyah?"sarkastiko ang boses niya kaya napataas ako ng kilay, maging ang gilid ng labi ko. He really look mad.
"Galit ka ba?"tanong ko.
"Do I look like one?"he said with full of sarcasm.
Nabitawan ko ang parehong hawak, at masama siyang tinitigan.
"Sasagot ka ba ng matino?"nagpipigil ng inis na tanong ko.
"Hindi pa ba matino sa'yo 'to?"seryosong sagot niya kaya wala akong ibang choice kung hindi ang tumayo na na ikinagulat niya, naagaw ko rin ang atensiyon ng iba pang naroon.
"Okay, please calm down,"anito tila nahimas-masan narin.
"Ikaw ang umayos Ehhan, inimbita mo ba'ko para ipamukha sa 'kin 'yang galit mo?!" Nagtitimpi 'kong sabi.
"I'm not mad."
"Then you look like one!"singhal ko rin.
"Fine, I'm sorry." Muli akong naupo, ramdam ko ang sinseridad niya sa sinabi at alam kong naguiguilty siya sa inasta kanina, hindi naman talaga niya ugali ang magsungit ng gan'to dahil alam niyang hindi niya kayang sabayan ang galit ko.
"Ano bang nangyayari sa'yo?"tanong ko mayamaya.
"Hindi ko rin alam,"napapahiyang aniya.
Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. "Pa'nong hindi mo alam?"inis 'kong tanong.
"Ikaw naman kasi!"
"Inaano ba naman kita?"inis 'kong singhal sa kaniya.
Ako pa sinisi ng ugok na'to!
"May palapit-lapit at pangingiti ka pa sa lalaking 'yon! Trip mo ba 'yon ha? May pahuru-holding hands pa kayong nalalaman na akala mo may kino-close na deal, tch!" Dire-direstong sabi niya na nag-iwas ng tingin pagkatapos.
'Di ako makapaniwala sa narinig.
"Abnormal ka naman pala e, kailangan ng tulong ng tao malamang lalapitan ko, 'saka anong holding hands? nakita mo na  'di ba? Shake hands 'yon, shake hands." Pagdidiinan ko pa.
"Bakit kailangan hawakan pa ang kamay mo?"
"Ano? natural, nakikipagkilala e."
"'Yon na nga, hindi ikaw 'yong tipo na makikipagkilala at lalapit para tumulong, nakalimutan mo bang wala kang pakialam sa ibang tao at sa paligid mo?" Doon ako natigilan sa sinabi niya.
"'Wag kang umasta na parang kilala mo na 'ko Ehhan, ngayon ka na ngalang nagpakita tapos 'yan pa ang isusumbat mo sa 'kin?" Hindi rin siya agad nakasagot dahil sa sinabi ko.
"Yeah...tama ka...kababalik ko lang pero umaasta akong parang walang nangyari sa nakaraan. How embarrassing." Ngumisi siya at nag-iwas ng tingin.
"Sumama ako dahil sa pagkain, 'yon ang isipin mo ngayon." Dagdag ko.
"Of course." Narinig ko ang malalim na pagbuntong-hininga niya. 
Hanggang sa sandaling mamayani ang katahimikan sa pagitan namin.
"Sinamahan ko si Caleb sunduin si Chloe." Muli niyang binasag ang katahimikan.
"Nagpasama?" Kunot-noong tanong ko. "Ba't 'diko nakita?"
"Dahil busy ka sa lalaki mo," ibinulong niya iyon pero narinig ko.
"Excuse me, anong lalaki?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Biro lang."
"Puwes ang panget mong magbiro." pinagkadiinan ko ang mga sinabi.
"Linya ko yah ah," nakataas ang kilay niyang sabi at natigilan naman ako.
"Tss, linya ko rin 'yon." Nagkatitigan kami...at sabay na natawa.
"Ihahatid na kita,"presenta ni Ehhan matapos naming kumain. 
Naroon kami sa labas ng parking lot malapit sa sarili naming sasakyan.
"'Wag na, ayokong mahuling may kasama ni ina." Bulong ko, alam kong naiintindihan niya ang tinutukoy ko.
"Hanggang ngayon hindi pa pwede ah? Mabuti naman."
"Tss, anong mabuti ro'n?" Nakasimangot 'kong tanong sa kan'ya. Umiling lang siya at nagkibit-balikat.
"I guess let's call it a day." Sabay kaming napabuntong-hininga.
"Mm, mauna na'ko."
"Sige na mauna nako"sabi ko saka siya tinalikuran.
"Wait,"pinigilan niya 'ko habang hawak ang kanang braso ko.
"Bakit?"
"Thanks for tonight, at sana maulit pa?" Hindi agad ako nakasagot.
Tinalikuran ko na siya at sumakay na'ko sa kotse ko.
"Depende pag gumanda ulit ang mood ko." Sinaluduhan ko siya.
"Drive safely," huling sabi niya 'saka ako nagmaneho paalis.
Nagdire-diresto ako sa taas ng kwarto ko at 'saka nahiga sa kama. Magaan na ang loob kahit ang bigat-bigat ng pakiramdam ko kanina, muli akong napangiti.
Tatayo na sana ako nang magring ang telepono ko, nakita 'kong si Chloe iyon kaya sinagot ko rin.
"Bakit?"sagot ko.
"Hey, ikaw ha! 'di imo sinasabi may other guy ka na palang mini-meet, "aniya tila kinikilig, napataas ako ng kilay at nakakunot-noong tinitigan ang screen na parang nakikita ko ang mukha ni Chloe.
"What are you saying?"inosenteng tanong ko.
"Don't you deny it, we saw you! may kausap kang handsome guy. Naku!kung nakita mo lang ang hitsura ni Ehhan kanina, parang isusumpa ka na dahil may kausap kang ibang lalaki," tumatawang patuloy niya.
Naiintindihan ko na, ang tinutukoy niya ay ang pangyayari kanina.
Tss,kaya pala parang galit ang bading sa 'kin kanina.
"Ikaw ha!sigurado ako nagseselos 'yon, hahaha." Tawang-tawa aniya.
Palibhasa nagkabalikan na sila ng nobyo tss!
"At ikaw naman, tumawag ka lang para sabihin sa 'kin ang lahat ng 'yan?"
"Eto naman, sinasabi ko lang 'to dahil nagseselos nga si Ehhan kanina, nagpaiwan pa talaga siya para daw bantayan ka at baka ka sumama hahaha."
Praning ang dalaga.
"Eh ano naman ngayon?"pag-iiba ko, dinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya.
"You know what! you're so numbed!ede inlove parin sa'yo 'yon psh!"naiinis na aniya pero nagulat ako sa diresto niyang sagot.
"At kailan kapa naging manghuhula sa nararamdaman ng iba Miss Chloe Zen Perez?"pang-iinis ko sa kan'ya.
"Whatever, barako!"singhal din niya pero bago pa'ko makapagsalita ay pinatay na niya ang linya.
Iling-iling 'kong inilapag ang cellphone ko 'saka nagtuloy sa banyo upang magshower.
Nagbasa muna ako ng kaunti mula sa mga libro para sa assessment namin bukas at matapos no'n ay bumaba naman ako at nagtuloy sa kusina para kumuha ng tubig.
Nakasuot ako ng itim na sando pares ang flared grey pants. Nakaponytail ang itim at mahaba 'kong buhok. 
Bilang babae ay itim ang karaniwan 'kong isinusuot. Para sa 'kin, madaling paresan ng kahit anong disenyo ang itim kaya tuwing may biglaang lakad ako ay gano'n kulay na lagi 'kong pinipili. Madalas din na itim na sando ang panloob ko na pinatungan ng brown o black coat, kapares ang paborito 'kong palladium boots.
Pumanhik muna ako sa practice hall namin sa bahay, nagsuot ako ng gloves at pumwesto sa punching bag at pinagsusuntok iyon, hindi lang suntok ang ginagawa ko kun di sumisisipa rin ako.
Gano'n ang ginagawa ko hanggang sa pagpawisan ako mula ulo hanggang sa leeg, ang totoo ay hindi ako mahilig o madaling pagpawisan kaya naman ang pawis na lumalabas sa katawan ko ay buhat ng matagal 'kong pag-eensayo.
Matapos sa boxing ay hinubad ko ang gloves ko 'saka binalot ng itim na tela ang parehong kamay ko saka nagsusuntok sa ere, ilang sparring  ang ginawa ko mag-isa, hanggang sa mapagod ang katawan ko. Kakatawang isipin na nag-eensayo ako ngayon matapos maligo kanina.
Iling-iling akong lumabas ng hall sa katotohanang iyon.
Ngunit 'di pa man ako nakakaisang-hakbang sa bahagdan ay natanaw ko na si Michael na papalapit sa gawi ko.
Mukhang didiresto siya sa kusina, magkatapat lang kasi ang hagdanan sa gawi kung nasaan ang kusina at diresto naman ang hagdanan kung nasaan ang pintuan palabas ng veranda kaya matatanaw agad kung sino ang daraan, nasa kabilang sulok lang naman kasi ang practice hall kung sa'n ako galing.
"Michael,"pagtawag ko sa kaniya, iyon ang nakasanayan 'kong tinatawag sa kaniya bagaman hindi taliwas sa kaalaman ko na tiyuhin ko siya, at para ko naring ama.
Nag-angat siya ng tingin sa 'kin nang mapansin ako.
"Nakauwi kana pala." Nakapamulsang wika niya.
Tumango lang ako bago siya hinarap ng maayos.
"Where's Mom? I hadn't see her tonight,"tanong ko, hindi ko naman inaasahan ang matunog na  pag buntong-hininga niya.
"May kinakausap pa siya."
"That wasn't answered my question,"taas kilay kong sabi.
"Hindi ko rin masasabi sa'yo dahil ako mismo ay hindi ko alam," sagot niya nagtitimpi at napapahiya. 
Sigurado akong ayaw lang niya talagang magsalita ng magsalita at dahil ako ang kaharap niya kailangan niyang sagutin lahat ng tinatanong ko.
Kunot-noo ko siyang tinitigan.
""Di ba dapat alam mo kung saan siya nagpupunta?"seryoso 'kong tanong sa kaniya pero hindi siya nagsalita.
"Ang trabaho mo ay samahan, alamin ipagtanggol at protektahan ang nanay ko Michael, mukhang nakakalimutan mo ang bagay na iyon. Alam 'kong alam mo ang katayuan na'tin...at alam mong ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko lalo na sa mga ganitong bagay." Dismayadong sabi ko.
Sa klase ng buhay na mayro'n kami ay nasanay na 'kong laging may kaaway si ina kaya marami rin ang nagtatangka sa buhay niya. Kaya gano'n nalang ang pag-alala ko at dahil si Michael nga pinagkakatiwalaang kanang kamay niya, iniisip 'kong kasa-kasama niya ito sa lahat ng lakad niya at mga transactions na ginagawa niya.
"Wala akong magagawa kung ayaw akong isama ni Madam Verra Aaliyah, sinusunod ko lang ang lahat ng sinasabi niya," nagpapaintinding sabi niya bago ako tinalikuran.
Masama ang loob 'kong nagtungo sa kwarto 'saka nagpalit ng damit at natulog.
To be continued....

Book Comment (52)

  • avatar
    Eloisa Lejas Godio

    The introduction was really interesting that's why I'm looking forward to read it until the end❤️

    23/12/2021

      3
  • avatar
    Andee Quirap

    it's so beautiful , inspiring yet cool story ... astig ang bida , I love her for being strong kahit sobrang sakit Ng pinagdadaanan nya , a smart one loving and caring friend / partner/daughter ... I also love each characters in the story .. I relate most of the scenes so im enjoying reading it , luv you Miss Azumikoo <3 keep up the good work<33:)

    23/12/2021

      3
  • avatar
    DarkCrypticx

    I haven't finished the story yet but I love it, great job author!

    22/12/2021

      3
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters