logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 2.2

Flashback
Bumusena ulit ako sa tapat ng mansion ng mga Ho at mayamaya lang ay lumabas na si Aaliyah...
My honey babe ...
Binigyan ko siya ng malawak na ngiti nang tuluyan siyang makapasok sa kotse ko.
Agad akong humalik sa sentido niya ng lingunin niya ko, ginawaran niya naman ako ng ngiti at ng mga namumungay na mata.
"I've missed you,"nakangiti 'kong sabi pero pinaningkitan lang niya ko.
"Magkasama naman tayo kahapon ah, namiss mo agad ako?" Nakangiwing aniya.
"Oo naman, minu-minuto kitang mamimiss. Isa pa, hindi nga ako nakatulog kagabe dahil sa kakaisip sayo eh," nakanguso 'kong sabi.
"Tss, 'wag ka ngang masyadong halata d'yan, baka pag namatay ako hindi mo makayanan." Nakangising aniya at natigilan naman ako.
Pinagkatitigan ko sandali ang mukha niya 'saka ako nag-iwas ng tingin.
"Biro 'yon..."
"Ang panget mo talaga magbiro." Sabi ko na nakatutok ang paningin sa manibela.
"Tss, mamaya ka na magtampo, umalis na tayo rito bago pa may makakita sa 'tin." Hindi na'ko nagsalita pa at pinaandar na ang kotse papalayo.
Pumasok kami sa isang japanese restaurant kung saan kaunti lang ang kumakain, pinili namin iyon para walang ganoong makakilala sa 'min. Pribado ang relasyon namin ni Aaliyah, tanging mga kaibigan at pamilya ko lang ang may alam tungkol sa relasyon namin dahil narin sa sitwasyon ni mayro'n siya.
Naiintindihan ko kung hindi pa pabor ang Mommy niya sa pagkakaroon niya ng nobyo lalo pa't 1st year college palang siya. Ayon sa kan'ya, masyadong estrikto ang mommy niya, ayos lang naman sa akin iyon dahil gaya ko hindi ko rin inaasahan na mamahalin ko ang isang Ho, ang babaeng mortal na kaaway ko na hindi ko aakalaing mamahalin ko ng sobra, sobra-sobra.
Nagsimula kaming kumain nang dumating ang in-order ko.
"Babe?" Pagbasag ko sa katahimikan.
Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa 'kin. "Hmm?"nakanguya pa niyang tugon.
"Where do you want to go after this ?"nakangiti kong tanong sa kan'ya.
"Kahit saan."
"Don't you have any favorite places here?" Tanong ko habang humihigop ng ramen.
"Wala akong paborito eh, lahat gusto ko,"diresto niyang sagot, napangiwi naman ako.
"Hindi totoo 'yan."
"'Yong alin?"
"Na lahat gusto mo, eh lahat na sinuhestyon 'kong pupuntahan na 'tin ay ayaw mo nga."
"Masyado kasing matao ang pinipili mo." Nauuyam niyang tugon 'saka nagpatuloy sa pagkain ng noodles.
"Hindi ba normal lang magkatao sa mga pasyalan?" Nakangiwing tanong ko.
"Sige, ikaw bahala."
"How about we go to the mall?"suhestiyon ko.
"Ano naman gagawin natin do'n?"
"Buy something, ano pa ba ang ginagawa ng mga tao do'n?" 
"Wala naman akong bibilhin,"aniya at lumungga ng sariling inumin.
"Ayaw mo namang magsine kaya hindi ko tuloy alam kung saan ka dadalhin," nawawalang pag-asang saad ko. 
Halos lahat na kasi ng karaniwang ginagawa ng mga nagdi-date ay na-suggest ko na, pero siya lang talaga ang ayaw.
"Kahit saan naman ako pwede basta kasama ka,"ginawaran niya ako ng matamis na ngiti nang sabihin iyon.
Humaba ang nguso ko sa sinabi niya. "Tch, e kahit saan nga ayaw mo eh."
"Ayaw ko kasi ng maingay, madaling sumakit ang ulo ko ro'n."
"Hindi naman maingay niyan pag manood na tayo ng sine." Nakalabi 'kong tugon na kinanuot niya ng noo.
"Gano'n ba?o, sige," natigilan ako sa sinabi niya.
"Wait, you didn't go there before?" Nakaawang ang labi 'kong tanong.
"Ngayon lang naman ako nakipagdate,"kibit-balikat niyang tugon.
"Hindi ka ba dinadala ng family mo ro'n? I mean, hindi lang naman for dating ang pagsisine, pwede rin pang pamilya." Alinlangan ang ngiti 'kong sabi. 
Huminto siya saglit sa pagkain nang hindi ako tinitingnan.
"Sa pamilya ko walang oras para sa mga gan'yan,"walang emosiyon niyang sabi dahilan para matigilan ako.
Namayani ang katahimikan sa pagitan namin ng ilang segundo.
"I'm sorry..."tanging naiusal ko.
"Wala 'yon, 'di ko rin naman naisip 'yan dahil hindi ko rin alam...ni hindi ko nagawang makapanood ng isang buong palabas sa tanang buhay ko,"patuloy niya habang nasa pagkain ang paningin.
Nainis tuloy ako sa sariling tinanong pa iyon.
Pero hindi ko rin inaasahang sasabihin niya sa 'kin ang mga ganoong bagay, noon paman kasi ay ilag na siya tuwing pinag-uusapan ang tungkol sa sarili at pamilya niya.
"Then sa wakas mamaya makakapanood ka narin ng kompletong pelikula,"pagbibigay buhay ko sa usapan.
"Mm."
"Anong genre ang gusto mong panoorin?" muli 'kong tanong, nakangiti akong tumingin sa kan'ya.
"'Yong may patayan sana, hmm, action-thrillers siguro, "diresto niyang sagot sa pagkain ang tingin.
Hindi agad ako nakasagot.
"B-bakit patayan?"mayamaya'y curious 'kong tanong.
"Wala lang, 'yon lang ang naisip 'kong interesanteng panoorin ngayon."
"Uhm, ayaw mo ng love story?"nakangiwi 'kong tanong.
Do'n lang siya nag-angat ng tingin sa 'kin. "'Yon ba ang gusto mo? ede 'yon nalang."
"No, not that I like it, I mean, love story and romance are merely girls preferences, that's what I know. I thought maboboryo lang sila kung plain action ang panonoorin nila the whole movie." 
"For some people siguro, pero hindi lahat gano'n...you can't generalize people's choice just because that's normal ang common in many people, isipin mong may mga tao ring nageexist na kagaya ko." Mahinahon at kalmado niyang sabi 'saka muling nagpatuloy sa pagkain.
"Tingnan mo tayo, magkabiliktad ang gusto na'tin, I prefer action and I guess you like love stories, hmm?" Ngumisi siya matapos, nang-aasar.
"I told you! It's not like that... suggestion ko lang 'yon dahil akala ko 'yon ang gusto mo...tch."
"Isa pa, it's not that I will be less manly I will say that I prefer romance genre."
"'Wag ka nang magpaliwanag, hindi rin naman ako nahulog sa 'yo dahil sa kakisigan mo, tss, wala ka naman no'n."
Anak ng--?
Pero ang isang bagay na sinabi niya ang umagaw ng interes ko.
Unti-unti akong napangisi at mas lalong inilapit ang mukha sa kaniya.
"So you admit that you fall for me now?" Nanunudyong tanong ko sa kan'ya.
Napapaatras siyang nag-iwas ng tingin.
"You never told me you love me whenever I said I love you Aaliyah Mathilde Ho, I didn't know this is how you express your feelings for me." Hindi mawala ang ngiti sa labi ko matapos sabihin 'yon nang bigla niyang tapikin ang noo ko.
"Aray!"
"Kumain ka na d'yan dahil baka lumamig ang pagkain, dami mong alam."
"Tch!" Umayos ako ng ulo habang kamot-kamot ang noo.
"You didn't mention the reason you fall for me." Pagbabalik ko sa usapan.
"Tss, kumain ka nalang."
"No, is it because of my looks?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.
"Kapal mo."
"My intelligence?"
"Mas matalino ako sa 'yo."
"Tch, is it my talent? Well, most girls fall for my music."
"Wala akong hilig sa pagkanta."
"My personality?"
"Tss, nagbibiro ka ba?sinong mahuhulog sa notorious na bully na kagaya mo? kung ulila ka ngalang matagal na kitang isinako eh."
"What the hell?"
"Biro lang."
"So is it my charm ang generosity?"
"Dahil sa kabadingan mo, 'wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano." Balewalang sabi niya at natigilan naman ako.
"Kabadingan ano?!" Sobrang late-reaction ko.
Siraulo ba 'to?
"Sorry miss,"natatawa pa siyang nagpatuloy sa pagkain.
Hinawakan ko naman ang kamay niya dahilan para hindi niya maituloy ang pagsubo.
"Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Kailan ba 'ko naging hindi?"
"Anong kabadingan?ako bading?bading?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Nararamdaman ko ang unti-unting pag-iinit ng pisnge at ulo ko.
"Kalmahan mo, tss. Para ka talagang babae kung mag-inarte," bulong pa niya.
"Narinig ko 'yon ah!"
"Tss."
"Kung ako parang babae mag-inarte, ikaw naman parang lalaki kung umasta!"asik na balik ko rin sa kaniya.
"Ede kwits tayo."
Aishh! Dapat mainis siya no'n! Bakit ako lang naiinis dito?bakit ako lang?
"Ang sama talaga ng ugali mo." Nakanguso 'kong sabi nang hindi manlang siya nag-sorry, nagpatuloy siya sa pagkain na parang walang nangyari.
"Alam ko."
"Sobra."
"Sobra,"inulit pa at nakangiti pa siya niyan ah?
"Ba't nakangiti ka? ikaw lang ata ang sinabihang masama ang ugali pero tuwang tuwa pa,"nakaismid 'kong sabi kakaiba talaga toh!tsk!
Huminto siya sa pagkain para tingnan ako. 'Saka siya umayos ng tayo.
"Sino naman ang hindi matutuwa?nagustuhan mo ko parte 'yon ng ugali 'kong toh, tapos sobra pa, ede gustong-gusto mo ko ng sobra"nakangising aniya. Proud na proud pa!
"Hanep ang kapal!"asik ko.
"Bakit? Hindi ba?"naghahamong aniya.
"Tch, Oo na! Oo na!"
"Pilit na pilit ah?"
Inismiran ko siya. "Tigilan mo ko Mathilde! makakatikim ka ng halik sa 'kin!" Pananakot ko na siyang ikinatahimik niya. 
'Yan pala katapat mo ah. Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa matapos at umalis papuntang mall.
Pinili namin ang action movie gaya ng gusto niya, pero buong palabas ay nasa kaniya lang nakatuon ang buong atensyo ko. Pinag-aaralan at pinagmamasdan ko ang bawat reaksiyon na ginagawa niya.
Hindi ko mapigilang mamangha nang halos walang kurap niyang tinitigan ang malaking screen. Kahit pa masyadong barilan at karahasan ang ipinapalabas ro'n, tapos bigla-bigla ay mapapangisi siya tuwing makakapuntos ang bida ng sapak sa kontrabida at hindi naman niya mapigilang mangunot ng noo tuwing matatamaan ang bidang lalaki. Mula sa umpisa hanggang sa matapos kami ay siya lang ang tinititigan ko bagaman lumilingon din ako sa malaking screen kung minsan.
"Nagustuhan mo ba ang palabas?"tanong niya nang palabas na kami.
"Yeah,"tanging nasabi ko bagaman halos wala akong naintindihan sa mga nangyari.
"Talaga?" Huminto siya sa harapan ko at pinagtaasan ako ng kilay.
"Pa'no mo na-enjoy? hindi ka naman nanonood?"nakangisi niyang sabi kaya natigilan ako.
"Nanonod ako ah!"singhal ko sa kan'ya. 
Nakangisi siyang tumagilid sa 'kin. "Ano pinapanood mo?mukha ko?" Nang-aasar ang tono niya at hindi naman ako nakasagot agad.
So kanina niya pa alam 'yon?
Malamang Ehhan, malakas ang pakiramdam ng babaeng 'yan! at masiyado namang obvious lalo pa't magkatabi lang kayo!tsk!
Napangusoakong tumingin sa kan'ya nang tumalikod na siya sa 'kin.
Nang makalabas kami ay sa legazpi park kami dumiretso. Huminto kami sa isang pabilog na upuan na may malaking puno sa gitna, may mga dahon pang nahuhulog sa maliit na parte ng damuhan. Maganda ang tanawin ro'n kung mauupo at titingnan ang nasa paligid, nagkalat ang mga taong nagtitinda ng kaniya-kaniyang souvenirs at regalo, maging mga lobo at nagtitinda ng ice cream ay nagkalat din sa bandang harapan na may malawak na playground, tuwang-tuwa pa ang mga batang naglalaro sa swings at iilang slides sa kabila.
Hindi naman gaanong maingay dahil iilan lang ang mga batang naglalaro ro'n kasama ang mga Yaya nila.
Nilingon ko si Aaliyah at saktong nakatingin narin siya sa mga ito.
"Madalas ka ba rito?" Pagbasag ko nang katahimikan.
"Hindi naman, pumupunta lang ako rito kung gusto 'kong mapag-isa tuwing gabi. Kung gusto 'kong mag-isip ng tahimik lang, do'n ako pumupwesto." Itinuro niya ang kaliwang parte ng park, may mistulang waiting shed roon pero tambayan lamang iyon para sa anim katao, tatlong tao ang pwedeng umukopa sa magbilang upuan kaya anim ang magkakasya roon.
Tumango-tango akong muling nilingon siya.
"Mukhang tahimik nga rito kung gabi kana pupunta, mas may time ka makapag-isip ng maayos nang walang abala," nakangiting sabi ko.
"Oum...pakiramdam ko nasa ibang lugar ako pag nandito ako." Sinabi niya iyon habang nakapikit.
"Ibang lugar naman talaga rito hindi ba?"nakangisi 'kong tanong kaya pinaningkitan niya akong nilingon..
"Tss, ibig 'kong sabihin pakiramdam ko magkaiba ang tinatapakan 'kong lupa sa lupang kinalakihan ko at magkaiba ang hanging nilalanghap ko sa hanging nakasanayan ko,"seryosong aniya at natigilan naman ako.
"That was deep." Tanging naiusal ko.
"Ang importante nakukuha mo ang ibig kong sabihin."
"To be honest, I'm confused." Pag-amin ko.
Nilingon niya ko kaya mataman kaming nagkatitigan ng ilang segundo, sinubukan 'kong basahin ang kung anong nararamdaman niya sa mga oras na 'yon sa ilang pagtitig ko sa mga mata niya. Ngunit, hindi ko parin magawang hulaan kung ano ang tumatakbo sa isip niya, nakangiti siya sa 'kin pero nanatiling malungkot ang mga mata niya. Nalilito ako kung ako ang dahilan ng kalungkutang 'yon o dahil do'n sa tinutukoy niya...hindi ko rin mawari...
"Maiintindihan mo balang araw,"mapait niyang sabi habang nakangiti.
Hindi ko alam kung papaano niya nagagawang pagsabayin ang magkahalo-halong emosiyon ng gano'n lang.
Wala akong nagawa kun'di ang ngitian din siya...siguro nga'y kailangan ko pa ng ilang oras para mas makilala siya.
"Ano nga ba ang iniisip mo tuwing mag-isa kalang?"sa halip na tanong ko mayamaya.
"Marami..."
"Like?"dugtong ko dahil gusto ko talagang malaman.
"Tulad no'ng paano nangyari ang lahat ng 'to, kung paano ako naging ako...kung paano ako naging ganito...at kung bakit ako pa." Walang emosiyon niyang sabi pero mas lalo lang ako naguluhan.
Ano bang sinasabi niya? bakit siya pa?paano siya naging siya?kung bakit siya ganiyan?tsk! Ang gulo talaga ng babeng to! 
Gayunman, hindi ko ipinahalata ang totoong pagkalito ko sa mga sinabi niya.
"Bakit?ano ka ba?"tanong ko nalang.
"Tao,"diresto niyang sabi kaya nakanguso akong sumimangot at sinimaan siya ng tingin.
"Kahit kailan ang panget mong bumanat, kita mo nang seryoso ang usapan eh,"masama ang mukhang sabi ko.
"Seryoso naman ako sayo ah."
(⊙.☉)
"Aishhh!!!!tsk tsk tsk, sinabi nang 'wag mong gagawin 'yan!ako dapat ang gumagawa niyan hindi ikaw!" Naiinis na sabi ko kahit ramdam ko ang pamumula ng tainga ko.
'Di ko maiwasang kiligin kahit naiinis na'ko sa mga sinasabi niya tsk!
Kaya ka tinatawag na bading Ehhan dahil mas kinikilig kapa kaysa sa kanya Ehhan! tsk! tsk!'
"Ang slow mo kasi."
Tch, ako pa ang slow?ako pa?
Tumayo siya at nagsimulang tahakin ang pasilyo papunta sa mga nagtitinda ng souvenirs, dahan-dahan ko siyang sinundan ng tingin hanggang sumabay ako sa kan'ya sa paglalakas. Mayamaya lang ay inabot ko ang kanang kamay niya, nilingon niya ako dahil nauuna siyang maglakad at tinitigan ang magkahawak naming kamay.
"Grabe ang sweet niya sa girlfriend niya noh?"
"Oo nga! Ang swerte naman ni ate girl!ang gwapo ni kuya!"
"Sobra!tsaka bagay din naman sila oh!maganda naman din si ate!"
"Anong ate ka diyan!eh mukang mas matanda pa tayo diyan!si kuya pogi ang ka-age na'tin tingnan mo kaya!"
"Oo na!pero bagay talaga sila!"
"I agree!"kinikilig na ani ng dalawang babaeng nag-uusap sa kabilang gilid .
Wala sa loob akong napangiti.
"Did you hear that?"nakangiti 'kong tanong sa kanya .
"'Yong alin?"kunot-noo niyang tanong.
"Tch, 'yong dalawang babaeng nag-uusap, sabi nila bagay daw tayo," sabi ko na 'di mapigilang kiligin.
"Tss...naniwala ka naman." 
Anong?-
"What?!hindi ka ba naniniwala sa kanila?totoo namang bagay tayo ah!" Hindi ako makapaniwalang sinundan siya.
"Sabi mo eh,"balewalang sagot niya.
"Tsk!kahit kailan ang sama ng ugali mo"
Huminto siya sa paglalakad at hinarap ako. "Anong masama ro'n?"taka pang tanong niya.
"Ewan ko sa'yo,"nakanguso 'kong sagot at nagpatuloy kami sa paglalakad.
Huminto kami sa isang couple merchandise, naagaw ng paningin ko ang tasang kulay pink at blue, magkapares 'yon na parehong babae at lalaki ang nakaukit, binalingan ko siya ng kunin niya ang isa ro'n.
"You like it?"tanong ko.
Nag-angat lang siya ng tingin sa 'kin at tumango.
"Let's buy that if you like it." Binalingan ko ang babaeng nagtitinda.
"How much is this Miss?"tanong ko.
"250 lang po sir hehe." Nakangiting tugon niya.
"Here,"ani ko at nilabas ang isang isang libo at inabot sa tindira.
Pinigilan ko siya ng akmang ibabalot niya na ang parehong tasa.
"Separate them,"sabi ko.
"Po?"nagtatakang tanong niya.
"I said separate them, I want to carry the other mug and give the other one to my girlfriend, "sagot ko 'saka nakangiting binalingan si Aaliyah na hindi makatingin sa 'min ng diresto.
"Ayieeee, ang sweet niyo naman po sir hehe, sige po." Ginawa niya ang sinabi ko, magkahiwalay niyang ibinalot ang parehong tasa at inabot iyon sa 'kin. 
"Heto na po sir, swerte po yan hehe..." Sunod niyang binalingan si Aaliyah. "Ma'am ang swerte niyo po sa boyfriend niyo hehe, ang gwapo na nga ni sir ang sweet pa at 'saka mukhang mayaman hehe sana makahanap din ako ng ganyang lalaki hehe." Natatawa akong sinulyapan si Aaliyah na hindi alam kung ano sasabihin.
Hindi mo lang alam ako ang higit na masuwerte hehe!
"Ah salamat, 'yong sukli ako na kukuha,"naiilang na sabi ni Aal at natawa naman ako.
"Thank you,"Sabi ko at tinalikuran na namin ito.
"Tss,"singhal nito nang makalayo na kami.
"Oh, anong sinisinghal mo diyan?"natatawang tanong ko.
"Tss, palibhasa ikaw lang ang pinupuri, puro ikaw nalang ang swerte eh, pa'no naman ako? malas sa'yo gano'n?" Halatang naiinis na reklamo niya.
Nakangisi ko siyang inakbayan."Ayos lang 'yan, para sa 'kin naman ikaw ang swerte ko,"nakangiti 'kong patuloy.
Masamang tingin lang ang ginawa niya sa 'kin saka padabog niyang inalis ang kamay ko sa balikay niya, saka niya nanguna sa paglalakad. 
"Hey wait! how about this?"tanong ko na ang tinutukoy ang dalawang mug na binili namin.
"Aanhin ko naman 'yan?" Huminto siya para lingunin ako.
"Ede gagamitin tsk! 'di ba gusto mo nito?kaya nga binili ko para sa'yo eh,"asar na sagot ko.
"'Diko naman sinabing bilhin mo." Nanunumbat na agad na aniya.
"Oo nga pero binili ko to dahil gusto ko para sa'yo,"sabi ko at itinaas ang bitbit.
"Akin na!"asta niyang kukunin ang pink na mug nang mabilis 'kong inilayo 'yon sa kan'ya.
"Teka itong blue ang sa'yo,"sabi ko at inabot ang kulay blue na mug sa kan'ya pero hindi niya iyon tinanggap.
Napabuntong-hininga ako. "'Yan si Leander,"pagbibigay ko ng pangalan sa hawak 'kong blue na mug.
"At itong pink si Ho,"dagdag ko pa na ang tinutukoy ay ang pink na mug na hawak ko.
"Ang baduy mo!"Singhal niya na mukhang hiyang-hiya sa pinagsasabi ko.
"Ka-sweet-an 'yan!pero dahil wala kang ka-sweet-an sa katawan hindi mo alam 'yon!"pangangaral ko.
"Tss! Eh bakit blue 'yong sa 'kin? Eh, ako ang babae?"nakataas ang kilay niyang tanong.
"Para parang ginagamit na'tin ang mug ng isa't isa hehe,"nahihiyang sabi ko dahil sa kakornihang naiisip.
"Tss, gusto mo lang 'yong pink dahil binabae ka!"nakasiring na sabi niya at nanlaki naman ang mata ko.
"Of course not! 'yon nga 'yong dahilan ko!"pagtatanggol ko sa sarili.
Siraulo toh!tsk!
"Oo na!tss, akin na 'yan miss!"
"Gusto mo lang makatikim ng kiss sa 'kin honey babe ah,"pilyong ngisi ang ginawad ko sa kan'ya at napapaatras naman niya akong tinalikuran.
"Haha barako nga takot naman sa halik ko!"bulong ko pa sa sarili nang makalayo na siya sa 'kin.
"Babe!ayaw mo talaga ng kiss?!"sigaw ko pa sa kan'ya 'di na inisip ang mga taong nakakarinig sa 'kin.
Nakita 'kong nagtaas siya ng kamay na nakakuyom ang kamao habang nakatalikod kaya napapailing akong sinundan siya ulit.
End of Flashback
To be continued...

Book Comment (52)

  • avatar
    Eloisa Lejas Godio

    The introduction was really interesting that's why I'm looking forward to read it until the end❤️

    23/12/2021

      3
  • avatar
    Andee Quirap

    it's so beautiful , inspiring yet cool story ... astig ang bida , I love her for being strong kahit sobrang sakit Ng pinagdadaanan nya , a smart one loving and caring friend / partner/daughter ... I also love each characters in the story .. I relate most of the scenes so im enjoying reading it , luv you Miss Azumikoo <3 keep up the good work<33:)

    23/12/2021

      3
  • avatar
    DarkCrypticx

    I haven't finished the story yet but I love it, great job author!

    22/12/2021

      3
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters