logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 1.1

Hindi ito ang unang beses na humawak ako ng misyon para tapusin ang buhay ng tao. Bata pa lang ay sumabak na'ko sa magkakakibang ensayo, pumasok sa academy para do'n hanggang sa umalis kami sa dati naming bayan para ipagpatuloy ang pamumuhay na naayon sa modernisayon. Simula no'ng araw na 'yon, mga misyon na mula kay ina ang sinusunod ko. Lahat iyon ay nagmumula narin sa organisayon na kailanman hindi ko pa nasasaksihan. 
Ang importante lang sa 'kin ay magawa at matapos ko nang maayos ang mga misyon na ibinibigay sa 'kin ni ina. Dahil ang masasabi niya lang ang pinakaimportante sa 'kin.
Pagkaalis ko ng bahay ay nagmaneho na'ko sa bar kung nasa'n ang susunod 'kong biktima. Nakamotor ako kaya naman wala pang 15 minutes ay narating ko na ang lugar.
Papasok palang pakiramdam ko ay masusuka na'ko sa iba't ibang inumin na maamoy ko. Ayoko sa mga matatapang na amoy, lalo na sa mga alak dahil malagkit at mabaho sa katawan. Pero wala naman akong pamimilian dahil lasenggero ang biktima ko tsk. Nang magsimula akong pumasok sa loob ay maraming guards ang nakakakalat. Kahit lilinga-linga akong pumasok ay hindi ko nakita ang hinahanap ko. 
Dumiresto na lamang ako sa bar counter at naupo sa bakanteng stool na naroon. Abala sa pagmimix ng iba't ibang drinks ang bartender nang maupo ako, hinintay ko na lamang na asikasuhin niya ang katabi 'kong customer at itinuon ang atensyon sa paghahanap sa suspek bagama't hindi nagpapahalata.
Kilalang personalidad ang taong hinahanap ko, kaya naman hindi siya magpapakalat-kalat kung saan mas maraming tao. Ang mga guards na naroon sa labas at ilan pa na nakakalat sa loob ay malamang mga tauhan niya. Sigurado akong nasa pribado siyang kwarto kung saan maeenjoy niya ang mga illegal na ginagawa nang walang ibang nakakakita.
Kung kailangan 'kong makapasok sa kahit na anong kwarto na nandito ay kailangan ko nang imbitasyon. Malamang hindi basta-basta makakapasok do'n.
"Ma'am, do you have your order?" Naibalik ko ang paningin sa bartender at umayos ng upo. Do'n lang ako nag-abalang tingnan ang mga drinks kahit wala akong ideya kung ano ang mga 'yon. Nang wala akong maisip ay naibaba ang tingin ko sa lalaking katabi. Itinuro ko ang drinks na pinili niya at binalingan ulit ang bartender.
"I'll have the same drink as him," mahinang sabi ko. Nag-aalinlangan niyang sinulyapan ang inumin ng isa bago uli ako tinitigan na parang iniiestima niya kung sigurado ba'ko sa sinabi. 
Nang gawin niya na ulit ang paghahalo ng drinks ay hindi na'rin ako nagsalita pa, dahil maging ako ay hindi sigurado kung tama bang pinili ko iyon. Sa halip na igugol ko ang oras sa paghihintay sa bartender ay maingat ko na lang na minatiyagan ang mga bodyguards na nakakalat ro'n.
"Here's your tequilla ma'am." 
Bumaling ulit ako sa bartender at kinuha ang inumin, inamoy ko lang iyon sa harap niya saka tumayo at binigyan siya ng bayad. Dumiresto ako sa isang sulok kung saan may dalawang bodyguards na nagbabantay. Sigurado akong papunta iyon sa taas kung nasa'n ang suspek. Habang papalapit ay pangiwi ako ng pangiwi, hindi pa naman kasi ako umiinom ay pakiramdam ko malalasing na'ko sa sobrang baho at tapang ng amoy. Nakakadiri.
"Welcome to the Philippines Miss Fujikyoto, Mr. Bilmen has been waiting for you in the VIP room ma'am."
Naibaling ko ang paningin sa isang babae na eleganteng naglalakad papunta sa gawi ko. She wears red-stylish- sparkling dress pairing with her pearl necklace, hat and ticking red stilettos. Humihiyaw ang karangyaan sa kausotan niyang iyon at inaamin 'kong malakas ang dating niya lalo pa't pinaresan niya iyon ng black party mask. Just as my style.
Napangisi ako.
Kahit sa malayuan ay humihiyaw ang kakinisan ng balat niya. Dahilan para lahat ng taong nadaraanan niya ay talagang napapalingon sa gawi niya. 
"Okay but I will use the restroom first." Mahinhin ngunit malalim ang boses nitong sagot. 
Tumango ang lalaking sumalubong sa kan'ya at iginiya ito sa daan na malapit lang din sa gawi ko. Nang asta siyang daraan sa harap ko ay mabilis akong tumalikod at umastang umiinom. Tuloy ay napatungga ako ng tequilla na wala sa oras. 
Mabilis na sumama ang mukha ko matapos uminom niyon pero hindi ko inaasahang magkakasalubong ang tingin namin.
She smirked and nod-off. Ako naman ay hindi na lumingon pa sa gawi niya sa halip ay sinulyapan ang tatlong bodyguards na sumunod sa kan'ya. Huminto ang mga ito sa labas ng pinto nang pumasok ang babae sa loob.
Napabuntong-hininga ulit akong nilibot ang paningin sa mga taong naroon. Napaismid ako nang hindi manlang ang mga ito magkamayaw sa kakasayaw at kakainom. Party dito, party roon. Inom dito, inom doon. Hindi na pinapansin kung sino ang mga dumaraan. 
Tsk.
Nang magkalahati na ang inumin sa baso ko ay 'saka ako nagdesisyong pumasok sa ladies restroom.
Pero bago ko maabot ang siradura ng pinto ay mabilis na humarang ang lalaking mason sa daraanan ko.
Napataas ang kilay ko sa ginawa niya.
"Kailangan mo munang maghintay dito bago matapos ang nasa loob,"anito.
Napangisi ako sa sinabi niya.
"Alam mo ba kung bakit tinawag na restroom ang kwarto na hinaharangan mo?"tanong ko sa kan'ya. Hindi agad siya nakasagot.
"Dahil ang restroom, para sa publiko, para sa maraming tao. Iisang tao palang ang nakikita ko na pumasok d'yan at kung pagbabawalan mo 'ko. Sinusuhestyon 'kong magtayo kayo ng sarili niyong banyo." Seryoso 'kong patuloy sa kan'ya.
"'Saka sasabihan mo ba ang pantog ko na umurong muna para hintayin lang kung sino ang nasa loob niya'n?"iminuwestra ko ang likod ng pinto gamit ang nakataas na kilay.
Nakita ko kung pa'no siya kumilos para bunutin ang baril sa likuran pero mabilis siyang napigilan ng kasama.
"Kokode wa hitobito no chūmoku o atsumeru koto wa dekimasen. Torihiki wa sumūzudenakereba narimasen." Japanese ang lenggwahe na ginamit nito at hindi ko gaanong narinig pa. Tumingin pa sila sa paligid bago muling bumaling sa 'kin.
Seryoso na ang mukha nito nang tingnan ako. Halatang nagtitimpi. Nang humakbang siya para tumabi ay 'saka ko siya nginisihan. Padabog 'kong binigay ang hawak 'kong baso sa dibdib niya 'saka tuluyang pumasok.
Bumuntong-hininga muna ako bago naglakad ng dahan-dahan patungo sa faucet kaharap ng malaking salamin. Naituon ko ang atensyon ro'n at hinanap ang repleksyon ng babae. Mabilis ko rin siyang nakita dahil sa pulang sapatos niya. May isa pang babae na lumabas mula sa isa sa mga toilet room kaya naman nagpanggap akong hinuhugasan ang kamay hanggang sa lumabas siya ng pinto.
Kumuha ako ng tissue nang sakto ring lumabas ang babae. Hawak niya ang white-pearl sling bag atsaka siya naghugas ng kamay. Pagkatapos ay binuksan niya ang bag at kumuha siya ng red lipstick para lagyan uli ang perpektong labi niya. 
Napabuntong-hininga ako sa kawalan nang masulyapan ko ang ticket sa bag niya. Nang mag-angat uli ako ng tingin sa kan'ya ay nakatingin na siya sa gawi ko. Dahilan para masagi ko ang bag niya sa pagkagitla 'saka iyon nagmamadaling kinuha.
"Bukiyōdesho?"rinig 'kong bulong niya.
*Translation: How clumsy huh?
"Gomen'nasai," hinging paumanhin ko matapos pulutin ang nagkalat niyang gamit. 
Halatang nagulat siya sa sinabi ko nang muli 'kong ibalik ang bag sa kan'ya. 
"Anatahadare?" kunot-noong tanong niya.
*Translation: who are you?
Sa halip na sagutin siya ay pinagkunootan ko lang siya ng noo. Siya naman ay sinuyod pa ang kabuuan ko bago muling tumingin sa 'kin. Nagtataka.
"Watashinonamaeha jūyōde wa arimasen."
*Translation: my name is not important.
"Jūyōna koto wa... Anata wa ima watashi ni nani no yakunitachimasu ka..."Nakangising patuloy ko. 
*Translation: the important thing is...what is your use to me now...
Nagitla siya sa sinabi ko 'saka nagmamadali akong tinalikuran. Mabilis 'kong binuksan ang faucet 'saka ulit siya sa tinawag.
"You forgot something,"sabi ko, mabilis niyang nilingon ang hawak 'kong ticket at do'n lang napakilos.
Humanda ako sa paglapit niya 'saka ko mabilis na ibinulsa ang hawak na ticket. Una 'kong inilagan ang pagsipa na ginawa niya kaya mabilis akong napalayo sa harap ng salamin. Hindi siya natigil roon, sa halip ay sunod-sunod na atake ang pinakawalan niya. Pasimple siyang humugot ng kutsilyo sa bag atsaka iyon sunod-sunod na ginamit laban sa 'kin. 
Maging ang pagsipa na ginawa niya ay napasinghap ko pang inilagan, mayro'n iyong nakaattach na matulis na bagay kaya malapit nang masugatan ang mukha ko kanina kung hindi ko pa iyon nailagan. Nang huminto siya saglit para bumwelo sa panibagong pag-atake ay 'saka ako patumbling na tumungtong sa ibabaw ng sink 'saka malakas na sinipa ang mukha niya. At dahil nga nakaheels siya kaya mabilis siyang nawalan ng balanse at naging sunod-sunod ang pag-atras na ginawa niya hanggang sa mapasok siya sa isa sa toilet room.
Lumikha iyon ng kaunting ingay dahilan para mapakatok ang mga nasa labas. Hindi na'ko nag-aksaya ng oras at mabilis na nilapitan ang babae bago pa niya magawang sumigaw. 
Una 'kong tinakpan ang bibig niya 'saka magkasabay na hinuli ang kamay niya at sinipa siya sa tiyan. Paikot 'kong ipinasok ang mga kinuha 'kong tissue sa bibig niya 'saka hinila ang dalawa sa braso niya at buong lakas iyong binali. Napahiyaw siya sa sakit kaya't hindi narin siya nakakilos. Hindi pa'ko nakontento ro'n at sunod ko namang tinuhuran ang mga paa niya at 'saka idiniin ro'n ang mga buto ng tuhod ko. 
"Aughh!!!." Nagpupumiglas niyang hiyaw sa sakit. Mas lalo 'kong tinakpan ang bibig niya hanggang sa  unti-unting mangilid ang luha niya. 
Nang bitawan ko ang dalawang kamay niya ay do'n lang niya nanghihinang binitawan ang hawak na lanseta. Nang tingnan ko ulit ang oras ay 'saka ko hinugot ang baril at hinampos ng malakas ang batok niya. 
Napasandal siya sa braso ko nang mawalan siya ng malay, kaya mabilis ko rin siyang binuhat paupo sa ibabaw ng bowl. Una 'kong kinuha ang hat niya sunod naman ang damit niya at padarag 'kong kinuha ang heels habang isa-isa ring hinuhubad ang mga damit ko. 
Narinig 'ko ulit ang sunod-sunod na pagkatok mula sa pinto matapos ang ilang minuto-nasuot ko na ang dress at heels. Kaya naman sunod 'kong kinuha ang kwentas, sling bag at huli na ang black mask. Pagkatapos 'kong isuot iyon ay naglipstick naman ako sa harap ng malaking salamin. Problema ko lang kung saan ko itatago ang babae. Naghanap ako ng mga bagay sa loob ng restroom at sa isang bagay lang mabilis na dumapo ang paningin ko.
Basurahan.
Tss.
-
Isinilid ko ang damit, pants, blazer at boots ko at patapon iyong inihagis sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung sa'n ang daan niyon pero natitiyak 'kong makipot at hindi matao ang parteng iyon na pinaghagisan ko ng damit. 'Saka ko inayos ulit ang hitsura at nang maalala ang buhok ko ay mabilis 'kong hinubad ang tali dahilan para lumantad ang natural at bagsak 'kong buhok. 
Sa pagkakataong iyon ay panibagong buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko muling isinukbit ang bag 'saka lakas-loob na binuksan at lumabas ng pinto.
Halatang nagulat ang mga bantay sa labas dahil sa biglang paglabas ko. Hindi na'ko nagsalita pa 'saka tinunton ang gawi papunta sa itaas na itinuro ng lalaki kanina.
Pagkarating ko sa itaas ay may panibagong pulang pinto ang bumungad sa 'kin. Napansin ko agad ang kakaunting tao na naro'n, mas kakaunti na kumpara sa ibaba. Iilan nalang din ang mga waiter ang pabalik-balik na naglalakad habang dala ang tray ng mga inumin. Karamihan narin do'n ay mga bigatin na businessman na nag-uusap. Halos wala na 'kong babaeng nakikita. 
So, this how VIP looks like. Napangisi ako. Unang beses ko palang naman na makapasok sa gano'ng lugar.
Nang malapit na kami sa dulo ng lahat ng kwartong nadaraanan namin ay napagtanto ko nang ang pinakahuling kwarto ang siyang patutunguhan namin. Nararamdaman ko parin ang pagsunod ng tatlong bodyguards kanina na handang umalalay sa 'kin. Ako naman ay bagama't kinakabahan ay pinipili paring manatiling kalmado.
Sana lang ay walang makapansin do'n sa pinagtaguan ko sa babae bago ko matapos ang misyon.
"Miss, Fujikyoto, this way please." Bumati ang kaninang sa tingin ko ay manager na siyang unang sumalubong sa babae kanina. Hindi na'ko nagsalita at tumango nalang sa kan'ya. Pero bago ako pumasok sa loob ay iniharang nito ang braso sa harap ko.
"You forgot the ticket madam." Nasa mukha niya ang pag-aalinlangang magsalita kaya naman natigilan ako.
Naalala 'kong naibulsa ko pala iyon sa pants ko kanina.
King*na.
"I lost it. Am I not allowed to enter if I lost my ticket?"nakangisi 'kong tanong sa kan'ya dahil tanging baba lang ang nakikita niya sa 'kin maliban sa mga mata ko.
Napababa siya ng tingin bago niya binawi ang sariling kamay.
"Oh, I will just look for it. Did you lost in the restroom?"tanong niya.
Hindi agad ako nakasagot. Hindi ko pwedeng sabihing oo dahil baka maghanap sila ro'n at mahanap pa nila 'yong babae. 
"I left it in my car." Sa halip na sagot ko. Tumango siya 'saka sinenyasan ang isa sa bodyguards ko.
"We will just look for it in your car. You can proceed inside ma'am,"patuloy muli nito.
Hindi nalang ako kumibo at nagpatuloy nalang sa pagpasok.
Kailangan ko nalang magmadali bago nila malaman ang pagkakakilanlan ko.
Wala nang ibang tao ang naro'n maliban sa mukhang matanda na nakasuit at nakapandekwatrong nakaupo. Ibinaba niya pa ang hawak na sigarilyo matapos akong makita.
Napalingon naman ako sa pinto nang wala nang ibang sumunod sa 'kin. Tanging kami nalang ang naroon kaya naisip ko agad na baka siya na nga Bilmen na tinutukoy nila.
Nakangisi na agad ang mukha niya nang tumayo siya para lumapit sa 'kin.
"Ms. Fujikyoto, I've been waiting for you for hours. I didn't know that this is how you treat your partners." Nakangising sabi niya. Halatang nagtitimpi at naiinis mula pa kanina.
Suminghap ako ng hangin nang hawakan niya ang magkabila 'kong braso at pilit niyang inilapit ang pisnge niya sa pisnge ko.
'langyang manyakis 'to.
Amoy alak, kingina.
Masama na ang tingin ko nang magkaharap uli kami.
Sa halip na sumagot ay inilibot ko nalang ang paningin sa paligid at sa mga bagay na naroon. Wala akong ibang nakikita kun 'di ang ilang frames sa ding ding, ang nag-iisang lamp sa kabilang side ng sofa at isa ring mini statue ni liberty sa ibabaw ng maliit na mesa. Hindi ko naman dinala ang baril ko kanina dahil inaasahan 'kong baka kapkapan nila ako.
Ngayon, iniisip ko kung pa'no ko siya pahihimlayin nang hindi dumadagak ang dugo.
"We've wasted a lot of time, the negotiations should begin immediately because I must leave. My wife would be waiting for me." Nakangising patuloy niya na nagsimula nang tumalikod sa 'kin. 
Bumalik siya sa kinauupuan kanina at naglabas ng attache case mula sa ilalim ng glass table. Hindi agad ako nakakilos lalo pa't wala akong ideya sa negosasyon na tinutukoy niya. Ang kailangan 'kong gawin ay ilayo siya sa maraming tao at umalis dito bago pa nila malaman ang totoong pagkakakilanlan ko.
"Sure," doon lang ako sumagot nang may maisip. 'Saka ako naglakad papalapit sa kan'ya. "But before we start, I have an important thing to give you." Nakangisi 'kong patuloy.
Naglakad ako papunta sa nasisiguro 'kong tainted glass window. Dahil nga VIP ang naturang room ay malawak ang loob no'n. Kahit ramdam mong malamig, may glass window parin kaya naman sinilip ko ang katabing building ng bar. Isa iyong hotel, halos dikit lang. Napangisi ako.
Nang muli 'kong lingunin si Mr. Bilmen ay bakas sa mukha niya ang pagtataka.
"Is there a rooftop in this place?" nakangiting tanong ko.
"There is. Why?"
Lumapit ako sa kan'ya at hinawakan ko ang collar ng polo niya 'saka ko muling inilapit ang pisnge ko at bumulong. "Let's go there." Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero sa huli ay napangisi rin. 
Magkasunod naming tinungo ang roof top. Hinabilin naming 'wag sumunod ang ilan sa mga bodyguards lalo na 'yong sa 'kin na ayaw talaga akong hiwalayan.
"Now, Ms. Fujikyoto, can we proceed to that important thing that you have for me?" Naiinip na ang dating ng boses niya sa sandaling makarating kami sa rooftop. 
Napangisi ako. Kinuha ko ang maliit na kutsilyo na ginamit kanina ng babae 'saka iyon itinutok sa kan'ya. 
"Mr. Bilmen, dito nagtatapos...ang kasamaan mo." Madiin 'kong sabi at hindi ko naman inaasahang tatawa siya ng malakas.
Malakas na malakas na napahawak pa siya sa t'yan.
"You'll end my life with that?HAHAHHHAAH..." nakatagilid 'kong tiningnan ang hawak 'ko sa aking kamay 'saka siya muling tinitigan.
Tumigil siya bigla sa pagtawa 'saka ako tiningnan ng seryoso. Sa isang kurap ay may hawak na siyang baril-na nakatutok na sa mismong mukha ko.
"Looks like you haven't prepared for this." Nakakainsulto siyang ngumisi.
"'Wag mong maliitin ang hawak ko, sa halip. Matakot ka kung sino ang may hawak nito."
Tumawa muna siya bago umiiling na tumingin sa 'kin. "Bakit?sino ka ba?" Naninigas ang bagang niyang tanong.
Hindi ako sumagot sa halip ay tinitigan ko ulit ang hawak na lanseta. 'Saka ko iyon mabilis na inihagis sa kan'ya dahilan para mabitawan niya ang baril. Hindi paman siya nakakabawi sa pagkagulat ay mabilis na 'kong pumunta sa likuran niya matapos saluhin ang lanseta at baril na magkasabay na bumagsak. 
Ginamit ko ang kutsilyo para sugatan ang dalawang binti niya sa likuran 'saka naman tinutok ang baril malapit sa bungo niya. Napaluhod siyang natigilan 'saka ako sinilip nang hindi ginagalaw ang ulo.
"Ngayon, tatawa ka pa?" nakangising tanong ko. 
Naramdaman ko ang paglunok niya dahil sa leeg naman niya ang sunod na tinutukan ko ng kutsilyo.
Mabilis ding namawis ang leeg niya dahil sa ginawa ko.
"Ano ang pipiliin mo?ikaw ang tatalon?o ako ang tutulak sa 'yo?" tanong ko matapos siyang hilahin patungo sa pinakadulo ng rooftop. 
"Malalaman ng mga tao kapag pinatay mo ko rito, at hahanapin ka ng awtoridad at mga tauhan ko kapag mangyari iyon!"lakas-loob niyang sigaw. 
Bigla ko namang naalala ang sinabi ni ina kanina.
"I'll let you have it in your way, but I suggest to act suicidal."
"Tss." 
"Gano'n ba?" buntong-hininga 'ko matapos maisip ang sunod na gagawin.
"Hindi mo 'ko mapapatay dito hunghang! -" nang asta siyang sisigaw ay mabilis 'kong tinakpan ang bibig niya gamit ang dulo ng baril. 
'Saka ko tinunton ang spinal column niya mula sa likuran 'saka buong pwersang ibinaon ang mga daliri ko at malakas na hinugot iyon palabas. Dahilan para mamayani ang katahimikan namin at tanging tunog ng nabaling buto lang ang marinig namin pareho. Nakita ko kung paanong unti-unting pumatak ang mga luha niya.
Napasinghap ako ng hangin nang maramdaman ko rin ang pangingilid ng luha ko 'saka buong pwersang ibinalik ulit ang buto niya. Nakatirik na ang mga mata niya nang dahan-dahan siyang mapahiga sa lupa.
Ako naman ay nararamdaman parin ang panginginig ng mga kamay ko. Nararamdaman ko rin ang pagkatulala ko sa walang buhay niyang katawan.
Damn it! kailangan mo nang umalis sa lugar na'to Aaliyah! 
Nang makabawi ng huwisyo ay 'saka ako dumaan sa fire exit ng bar at do'n tumalon para tabukin ang kalapit na hotel. Hindi rin naging madali sa 'kin para bumaba mula sa isa sa mga terris ng kwarto dahil sa suot ko.
Pero mabilis akong nakababa at tinunton agad ang makipot na eskeneta na pinagtapunan ko ng damit ko kanina. Nagpalit ako sa pinakamadilim na parte 'saka tinapon ang damit ng babae sa basurahan. 
'Saka ko tinunton ang motor ko kung saan ko ipinarada kanina. Kung saan malayo sa bar.
Hanggang sa pagsakay ko ng motor ay narinig ko na ang tunog ng mga taong kumakaripas sa pagtakbo.
Pinaandar ko ang sasakyan paalis at nagmaneho papalayo na parang walang nangyari nang mag ring ang cellphone ko.
"Oh?"tanong ko nang sagutin si Daphne.
"Chloe needs you,"aniya, at ramdam ko ang pag-aalinlangan sa boses niya.
"Bakit?anong nangyari?" Nagtatakang tanong ko. "We are in her condo, please...Aal...she needs you," huling aniya at nawala na sa linya. 
Kunot-noo ko paring tiningnan ang screen ng cellphone ko nang pagbabaan niya ko ng linya. 
Napabuntong-hininga 'kong iniliko sa kabilang direksyon ang dinadaanan upang puntahan sila.
Halos dumadaan lang ako na parang hangin habang minamaneho ang motor ko. Nararamdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko at ang dibdib ko na parang unti-unting binabaon sa kaibuturan ng puso ko. Ang puso ko na hanggang ngayon ay humihingi ng tulong.
Pero alam 'kong wala akong magagawa para pagaanin ang kalooban ko.
Dahil nabubuhay ako rito sa kagustuhan ng ibang tao.
At kumukuha ako ng ibang buhay para manatili ang pagkabuhay ko.
Buhay kapalit ng buhay. Gano'n lang.
At katulad ng iba, naniniwala ako sa hirap ng buhay.
Alam na alam ko kung ano ang ibig sabihin ng salitang MAHIRAP at BUHAY.
Kahirapan. Paghihirap.
Kabuhayan. Buhay.
Kahirapan ko ang paghihirap ng iba.
At Kabuhayan ko ang buhay ng iba.
Ako si Aaliyah Mathilde Ho. At ito... ang i-storya ng buhay ko.
To be continued...

Book Comment (52)

  • avatar
    Eloisa Lejas Godio

    The introduction was really interesting that's why I'm looking forward to read it until the end❤️

    23/12/2021

      3
  • avatar
    Andee Quirap

    it's so beautiful , inspiring yet cool story ... astig ang bida , I love her for being strong kahit sobrang sakit Ng pinagdadaanan nya , a smart one loving and caring friend / partner/daughter ... I also love each characters in the story .. I relate most of the scenes so im enjoying reading it , luv you Miss Azumikoo <3 keep up the good work<33:)

    23/12/2021

      3
  • avatar
    DarkCrypticx

    I haven't finished the story yet but I love it, great job author!

    22/12/2021

      3
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters