logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

PART 1: CHAPTER 1

Aaliyah's POV
"Where's Mom?" tanong ko sa maid namin nang makarating ako sa malawak na sala.
"Nasa dining area po ma'am, kanina pa po kayo hinihintay,"aniya. Bagama't natigilan ako ay hindi na'ko nagpahalata, tumango na lamang ako at sinenyasan siyang iwan na'ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang kabilang parte ng bahay, mula sa sala ay ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, hindi dahil sa galak kun'di sa kaba na tanging siya lang ang nakakagawa. Ewan ko ba't gano'n na lang lagi ang takot ko sa aking ina, pakiramdam ko ay kailangan ko siyang katakutan, hindi lingid sa 'kin ang pagkakakilanlan niya, kung ano siya at kung ano ang mga kaya niyang gawin, kaya tuwing may pinag-uutos siya, mabilis ko iyong sinusunod, labag man sa kalooban ko, para sa 'kin, iyon nalang ang paraan ko nang pagrespeto sa kan'ya, maging ang ilugar ang sarili lalo na't tuwing may hindi siya nagugustuhan sa mga gawi ko.
Ganunpaman, pinakalma ko ang sarili, kahit gaanong kaba ang nararamdaman ko tuwing kaharap siya ay sinisikap 'kong hindi iyon ipahalata. Ayokong makita niya na nag-iigting ang mga ngipin ko tuwing kausap siya, sa paraan kasing iyon ay nahuhuli niya ang mga iniisip ko, at 'yon ang pinakaaayaw ko sa lahat.
Agad 'kong tinungo ang kinaroroonan niya, ayaw niyang pinaghihintay at ayoko din naman makarinig nang kahit anong sermon. Did I missed to mention that we are not close? Verra Ho is the scariest person I ever met-my mom-she's the horrible and I don't want to see that fire burning on her eyes again, the person that will unfortune to see that would definitely be the unlucky one.
Finally!
I saw her sitting and taking her breakfast. I ready myself and took a deep breath.
"Good morning mom,"simple ang ngiting bati ko. Binigyan siya ng matamis na halik sa pisnge, ngunit malamig na tingin lang naman ang natanggap ko.
Pero ayos lang...sanay na'ko...
"Michael told me that you were not in your school nor at home." Malamig niyang sabi habang humihigop ng kape.
Naramdaman 'kong napako ang pareho kamay ko sa pagkuha ng baso.
"I visited my old friend,"naisagot ko, napatungga nalang ng juice.
Old friend your ass!
"Gaano ba kaimportante ang dating kaibigan na 'yan para magliban ka sa iyong klase?"sarkastikong tugon niya. Sinulyapan lamang ako at tumingin uli sa kaniyang pagkain.
Napangiwi ako nang mag-iwas ng tingin, naghahanap parin nang ipangsasagot.
Marami nga namang nakabantay na mga mata sa 'kin at pinagmamatiyagan ang bawat kilos ko. Mata nang mga kapit-bahay at mata nang mga tauhan niya. Na nakakasawa sa totoo lang. Kahit sabihin pa niyang proteksyon ko lang iyon, hindi ako hangal para isipin na kaya lamang ako may tagabantay ay para may maisumbong ang mga ito sa kan'ya nang lahat ng mga ginagawa ko. Bagama't hindi lantaran ang pagsunod nila ay nararamdaman ko iyon, isa pa, mas lalong hindi ako mangmang at mahina para IPAGTANGGOL ang aking sarili.
"Kung gano'n, maling impormasyon ang nakuha mo. I didn't cut my class, mas lalong hindi ako um-absent, it just happen that lunch break na no'ng umalis ako. Mukhang hindi na'ko nasundan at namanmanan ng mga tao mo, kaya nung wala na silang nakuhang impormasiyon, ay 'yan na lang naisumbong sa inyo. Next time mom, if you wanted to know about my school engagement, you can ask me directly, sa tingin ko naman mas magiging matino pa ang mga sagot ko kaysa sa kanila 'di ba?" Kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na sumagot nang gano'n ay hindi ko alam, sana ay hindi ko 'yon pagsisisihan. Bagama't kabado ay hindi ako nagpahalata.
Itinuon ko na lang ang atensiyon sa pagnguya. Namayani ang katahimikan matapos ang sinabi ko kaya ilang beses 'kong kinastigo ang sarili dahil pakiramdam ko isang bagay na naman ang pagsisisihan ko mayamaya.
Pero nang palihim ko siyang sinulyapan ay nakita 'ko siyang ngumiti. Isang bagay na nagpagulat sa 'kin, sinundan iyon ng kaniyang buntong-hininga.
"Don't waste your time for useless things Aaliyah, I don't want that." Mayamaya'y 'yon lang ang sinabi niya. Katulad nang dati ang tono niya ay kasinlamig ng yelo. Mabilis na nabura sa isipan ko ang pagngiti na ginawa niya.
"I won't," 'yon lang ang nasabi ko.
Tinapos ko na ang agahan at mabilis na nagpaalam. Katulad nang dati, naroon na naman ang isang bagay na laging sumasagi sa isip ko. 
Ayoko nang magtagal ang ganitong klase ng buhay na mayro'n ako, kahit na nasa akin na ang karangyaan at lahat, pakiramdam ko ay may kulang parin, at isa lang ang nasisiguro ko, malaking bahagi sa pagkatao ko ang kulang...
Inilingan ko na lamang iyon at agad na sumakay sa kotse ko. 
Nagmaneho ako papuntang school.
Ilang beses na napabuntong-hininga habang paulit-ulit na iniilingan ang mga nakakasawang katotohanan sa buhay ko.
Gano'n lang lagi ang buhay ko... eskwelahan-bahay, eskwelahan-bahay...paulit-ulit. Para akong nakakulong at walang kalayaang mamuhay ng ako lang. Nang magawa 'kong makaalis sa dati naming tinitirahan, akala ko mas magiging malaya na'ko, pero mukhang wala ngang lugar ang isang tulad ko, wala...dahil kailangan..lagi 'kong sundin ang lahat na sinasabi ng mommy ko.
Ni hindi ko na inisip kung bakit wala akong nakilalang tatay, dahil tuwing nababanggit ko iyon, lagi na lang siya nagagalit. At ayaw 'kong nangyayari iyon so I let my curiosity kills me. I don't have a choice but to stay quiet, so I never met my dad. Even I really wanted too...
Matapos ang last class ko nang umaga ay tinawagan ko ang mga kaibigan ko, sinabi 'kong mag meet kami sa paborito naming tambayan at doon na lamang mag lunch break.
"Let's go bar mamaya,"yaya ng kaibigan 'kong si Candice, nung lunch break na.
"I love that thought." Pangangalawa ni Daphne habang humihigop ng lime juice.
Abala ako sa paghahahalo ng spaghetti nang sikuhin ako ni Chloe.
"How about you Aal?"nakangiti pang tanong niya.
Napabuntong-hininga akong binitawan ang tinidor at magkakrus ang brasong hinarap siya.
"I can't, mom's eyes on me,"napabuntong-hiningang sagot ko. Ramdam ko agad ang panlulumo nilang ngumuso.
"Out of town na naman ba?"inis na tanong ni Daphne.
"You know I have to."I sighed.
"Lagi ka nalang MIA sa barkada ah..."Chloe. Napatitig ako sa kan'ya.
Naramdaman ko ang guilt."Sorry girls...I just can't," tugon ko na sumandal sa malambot na settee.
"My birthday is coming, 'wag mong sabihing... hindi ka rin makakarating." May pag-aalinlangan sa boses ni Candice. Kahit sa bagay na 'yon ay nagdadalawang-isip na siya kung dadalo ako. 
"Kailan ko ba na-miss ang birthday mo?"nakataas ang kilay 'kong tanong. "Sigurado akong makakarating ako, 'wag kang mag-alala." Nginitian ko siya.
"Kung gano'n, sa tingin ko kailangan mo 'tong malaman." Nakababa ang tingin niyang patuloy. 
Nangunot ang noo ko. "Ang alin?"
"Na...na ano... si...si...si Ehhan-nakauwi na..."matapos ang sinabi niya ay napatitig ang dalawa sa 'kin. Tila hinihintay ang reaksyon ko na hindi manlang nagbago.
"Parang hindi ka manlang nagulat ah?"puna ni Daphne. Naidaan ko iyon sa buntong-hininga. 
"Kagabi ko lang nalaman,"sagot ko.
"Talaga?"inilapit nilang tatlo ang mukha sa 'kin para pag-aralan ang ekspresyon ko. Tumango na lamang ako habang nakaiwas ang paningin.
"Sabihin mo nga Aal, pinupuntahan mo parin ba siya sa kuwarto niya gabi-gabi?"nagdududang tanong ni Daphne. Napasinghap ako at nag-aalinlangan siyang tinitigan.
"Gusto ko lang malaman kung nakabalik na siya." Nauutal pang sagot ko.
"Tapos ngayon na nakauwi na siya, anong nararamdaman mo?"Hindi agad ako nakasagot sa tanong ni Dee. Dahil do'n ay natigilan ako at napatitig sa kaniya.
Nararamdaman ko?
Pinakiramdaman ko ang sarili. Sa totoo lang...hindi ko alam. Ang gusto ko lang talaga malaman ay kung nakabalik na siya.
"Masaya ako." Hindi ko alam kung tama ba ang sinabi ko. Kahit sila ay nararamdaman 'kong hindi kumbinsido sa isinagot ko.
"'Yang mukha mong 'yan?masaya? H'wag ka ngang talkshit!"singhal ni Daphne.
Hindi ko na lang siya pinansin. Basta ang alam ko hindi 'yon kasinungalingan, pero hindi ko rin masasabing kumbinsido ako sa sinabi 'kong 'yon.
"By the way, darating si Ehhan do'n, baka kako kailangan mo lang malaman." Mayamaya'y pag-iiba ni Candice. Maging sa bagay na 'yon ay hindi na'ko nagulat. Siguradong inimbitahan ito ng kuya Caleb niya, since malapit silang magkaibigan ni Ehhan.
Tumango na lamang ako.
"I hope makarating ka parin kahit nando'n siya, wala rin naman akong nagawa dahil si kuya ang nag-imbita sa kan'ya, syempre hindi na'ko tumanggi kahit pa ex mo siya kasi kadarating lang niy—"naputol pa ang sinasabi ni Dee nang sikuhin siya ni Daphne. Ako naman ay nasa spaghetti na ulit ang paningin.
"I'm all over with him Dee, so nothing you should worry about," 'yon lang ang sinabi ko nang maramdaman ko ang titig nila. Hindi na sila nagsalita pa.
Matapos no'n ay bumalik narin kami sa kaniya-kaniyang klase.
Pagkadimissal naman no'ng hapon ay umuwi agad ako. Nakatanggap ako nang tawag mula kay Michael na gusto akong makausap ni Mom and I know what it is all about... may misyon na naman siyang ibibigay sa 'kin, at wala akong magagawa kun 'di tanggapin at sundin ang bawat utos niya.
Bumungad sa 'kin ang swivel queen chair niya nang makapasok ako sa sarili niyang opisina. Iyong sobrang 'rangya at lawak. Ipinatayo niya iyon underground ng mansiyon dahil sa secret job at identity namin.
Nang makalapit ay malamig na tingin niya agad ang sumalubong sa 'kin.
"You have your another mission. Class E kaya madali lang para sa 'yo."
Tiningnan ko ang pulang folder na inabot sa 'kin ni Michael, binasa ko lang ang personal profile nito at muli nang tumingin sa kaniya.
"Mr. Bilmen is the head of one of the renowned company here in Makati. The Castile Manufacturing. He was discovered to be involved in smuggling cocaine and other illegal narcotics at their factory. Since he was appointed to the job, he also had a history of corruption. Our group acquired a ton of evidence to track him down last night, however execution was determined to be the appropriate punishment owing to his serious violations. I'm offering you this assignment to do the victims of some justice. In terms of the procedure, I'll let you have it your way. But I'll suggest to act suicidal." Matapos ang sinabi niya ay mas lalong lumalim ang pagkatitig ko sa litrato nang suspek. 
Naninigas ang panga ko sa pakikinig kaya naman mabilis ko naring isinara ang folder. Yumuko ako at tumalikod na. Pero bago ako lumabas ay narinig ko ulit ang boses ni ina.
"Aaliyah." Nahinto ako sa paglalakad pero hindi na lumingon.
"Make me proud,"aniya.
Napabuntong-hininga akong tumagilid at tumango sa kaniya. "I will." Tumalikod na'ko at tuluyang lumabas.

Book Comment (52)

  • avatar
    Eloisa Lejas Godio

    The introduction was really interesting that's why I'm looking forward to read it until the end❤️

    23/12/2021

      3
  • avatar
    Andee Quirap

    it's so beautiful , inspiring yet cool story ... astig ang bida , I love her for being strong kahit sobrang sakit Ng pinagdadaanan nya , a smart one loving and caring friend / partner/daughter ... I also love each characters in the story .. I relate most of the scenes so im enjoying reading it , luv you Miss Azumikoo <3 keep up the good work<33:)

    23/12/2021

      3
  • avatar
    DarkCrypticx

    I haven't finished the story yet but I love it, great job author!

    22/12/2021

      3
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters