logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 17

💙Ehhan's POV 💙
Tuluyan kaming nakapasok sa loob, maliwanag na ito dahil nandun parin ang caretaker at patapos nang tatlong naglilinis.
"Magandang gabi po Ma'am,ay sir Ehhan nandito pa po pala kayo"nagulat ako ng banggitin niya ang pangalan ko. Awtomatiko akong napabaling kay Aaliyah na nakatitig narin sakin bago muling bumaling sa care taker at mataman itong titigan.
"Makakauwi na kayo,palalim na ang gabi sige na, salamat sa inyo"'yun lang ang sabi niya at nagmamadali na ang iba pang umalis.
Sinundan ko pa ang mga ito hanggang sa lumabas ito sa gate bago muling binalingan si Aaliyah.
"Hindi ko alam na kilala pala ako ng care taker mo"nakangisi kong sabi pero inirapan lang niya ako.
"Bakit nila ako kilala?kinukwento mo bako sa kanila?ha?"dagdag ko pa habang sinusundan siya magtungo sa kusina.
"Tss,anong akala mo sakin?makikipagkwentuhan sa care taker ko tapos ikaw pa ang topic?tss,kalokohan"aniya habang nagbubukas ng mga cabinet.
"May makukuha ka ba diyan?"tanong ko sa ginagawa niya pero mayamaya pa ay may nahugot na siyang dalawang ramen.
"Ramen?yan ang ipapakain mo sakin?"tanong ko pa.
"Sinong nagsabi sayong ipapakain ko sayo 'to? syempre lulutuin muna bago mo kakain tss"
Napabuntong-hininga ako sa sinagot niya.
'Kahit kailan abnoy'talaga to'
"So yan nga kakainin natin?"
"Natin?may pasta diyan,kumain ka kung gusto mo,gusto ko lang ng ramen ngayon"sagot niya at malakas akong napabuntong-hininga yung tipong maririnig at mapapansin talaga niya kaya napatingin siya sakin.
"Bakit?"inosente pa niyang tanong.
"I prepared our dinner in a finest and luxurious restaurant for our dinner date but we ended up eating this foods?" 'diko makapaniwalang tanong at natigilan naman siya.
"Sabihin mo nga sakin,pumunta ba tayo dito para kumain lang ng ramen?"hindi ko napigilang ipakita ang inis sa tono ng boses ko ng sabihin iyon.
'pakiramdam ko pinagtitripan lang niya talaga ako e'
Pero muli niya akong tinalikuran at kumuha sa isa pang cabinet ng cheesesteak pasta at nilapag sa mismong harapan ko.
Bigla akong natakam sa umaalingasaw nitong bango.
"Yan lang ang ipinaluto ko sa kanila ng maalala kong may date tayo,may balak talaga akong dalhin ka dito dahil may gusto akong ibigay"mahinahon niyang sabi bago napayuko.
"Akala ko kasi ayos lang sayo na magpunta kahit saan basta kasama ako, masyado lang ata akong naging confident na ganun nga ang tingin mo"nararamdaman ko ang lungkot sa boses niya bago ako tinalikuran at magbukas ng ramen.
"I'm sorry"mahinang usal ko bago siya unti-unting lapitan at yakapin mula sa likuran,alam kong nagulat siya sa ginawa ko,ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya at pasandal siyang tiningnan.
"Kahit naman talaga saan ayos lang sakin kapag kasama ka,pero...akala ko kasi magiging perfect itong date natin kasi masyado talaga akong nagprepare para dito...pero para kasing balewala lang sayo yung effort ko"para akong batang nagmumukmok and I hate moment like this tsk!
'Kaya ka natatawag na bading Ehhan e tsk'
"Hindi mangyayari 'yun,kahit hindi ka magsalita...ang ibigay mo lang ang atensyon mo ...kitang-kita ko na kung pano ka mag effort para sakin"nararamdaman ko ang pagsasalita niya dahil nakayakap ako sa kaniya, unti-unti akong napangiti ng may maisip.
"It's been a while since I do this again"sabi ko na ang tinutukoy ay ang posisyon namin ngayon.
"Tss,para ka na namang bata"Sabi niya at napanguso naman ako.
"Lagi mo nalang akong tinatawag na bata,gusto mo bang makita kung ano ang kayang gawin ng batang 'to sayo?"nakangisi kong sabi habang unti-unting nilalapit ang mukha ko sa kaniya.
Gusto kong matawa dahil nakikita ko ang nerbiyos na bumabalot sa kaniya dahil sa paulit-ulit niyang paglunok.
"Y-yung ramen!"napanguso ako ng hindi matuloy ang pagtatagpo ng mga labi namin dahil bigla siyang kumalas.
"Hindi mo pa sinasabi sakin kung bakit kilala ako ng caretaker mo"pagbukas ko muli ng usapan habang abala siya sa pagpapakulo nito.
"N-nabanggit ko sa kaniya"pag-amin niya at napaawang naman ang labi ko.
"Paano niya nalaman na ako nga ang tinutukoy mo?"
"Tss"matapos niyang lagyan ng seasoning ay humarap siya sakin pagkatapos linagpasan ako.
"Halika, sumunod ka sakin"sabi niya at agad naman akong napatayo, dumiresto siya sa hagdan tapos lumiko at pumasok sa isang kwarto.
Natigilan ako at huminto sa labas ng pinto.
"Pumasok ka"utos niya pero hindi ako kumilos.
"Aal...anong gagawin natin?"kinabahan ako bigla anong ipapakita niya?
"Hoy!'wag ka ngang mag imagine!halika sa loob at narito ang ipapakita ko sayo"utos niya at nakahinga naman ako ng maluwag.
'Bakit ko ba naisip na gagawin niya yun?kahit na gusto ko din syempre malaki naman ang respeto ko sa kaniya'
Dahan-dahan akong lumapit at nagulat ako ng makita ang isang painting na kamukha ko,teka mali ang sinabi ko,isang lalaki ang nasa painting...at ako iyon...
"S-sinong nagpaint niyan?"tanong ko sa kaniya.
"Ako"
"Ikaw?I didn't know you paint"I said surprisingly.
"Tss"unti-unti akong napangiti,hindi ko alam na ipinaint pala niya ako.
"I didn't know that you paint my face just to relieve yourself from missing me"nakangiti kong sabi.
'I feel proud for myself,I feel so thankful for this'
"Excuse me ah?baka ipangreregalo ko sayo yan nung mismong graduation mo?"nagulat ako sa sinabi niya at inaalala ang panahon nung nagraduate ako.
"4 years ago?"
"Mmm,pero hindi ko alam na nagpunta ka na sa America...ang hirap pa namang dalhin niyan tapos pagpunta ako sa inyo wala ka na daw,gusto kitang habulin pero nakaalis na ang eroplano mo"mahina ang pagkakasabi niya habang ako,binabalot ng kalungkutan.
Hindi ko alam na ginawa niya iyon,sigurado akong nasaktan siya sa ginawa ko...but I have my reasons...I just don't know how to explain it to her...
Malungkot niya akong tinitigan habang pilit na ngumingiti.
"Sinubukan kitang tawagan pero hindi na kita macontact,naisip kong...ang bilis mo namang nakapagpalit ng numero...kaya narealize kong...sinadya mo talagang iwan ako ng walang pasabi"hindi ko alam pero damang-dama ko ang panginginig ng boses niya habang sinasabi iyon,gusto ko siyang lapitan at yakapin...gusto kong magsorry ng paulit-ulit pero alam kong hindi naman maiibsan nun ang sakit na nararamdaman niya,na idinulot ko...Alam kong naghahanap siya ng sagot tungkol sa ginawa ko...pero hindi ko lang talaga alam kung pano sasabihin sa kaniya tungkol dun sa nalaman ko...at ayokong magalit siya sa taong alam kong napakahalaga din sa kaniya.
"Naalala ko pa nung...nakaupo lang ako ng limang oras dun sa airport...hindi ako umiiyak... malungkot ako ng sobra...pero hindi ko maintindihan kong bakit manlang hindi ako umiiyak...maghapon lang akong tulala dun...hinihintay na baka bumalik ka...k-kasi ang iniisip ko nun... malabong gawin mo sakin yun ng walang paalam e...ang iwan ako ng basta-basta...Kasi alam kong mahal moko...mahal na mahal...kaya yun ang pinanghawakan ko hanggang sa makauwi ako...dito ako umuwi...at tumagal ako ng anim na buwan...nung makauwi ako dito...dun lang ako umiyak...kasi siguro dun lang nag syncing sakin ang lahat...na talagang iniwan mo nako at wala ka na...alam mong masyado pakong bata para intindihin ang mga ganito lalo na sa pakikipagrelasyon...pero pakiramdam ko bihasang-bihasa nako nun dahil sa sakit na nararamdaman ko...parang... parang matagal nakong tinamaan pero ngayon lang nasugatan...at walang kahit anong anesthesia ang magpapawala sa sakit na nararamdaman ko...naiwan ako ng maraming katanungan..halos mabaliw ako kakaisip ng sariling sagot kung bakit nagawa mo sakin yun,anong mali ang ginawa ko?bakit iniwan moko basta-basta?bakit moko nagawang iwan at saktan ng ganito?"ang huling salita niya ang lumukob sa guilt na nararamdaman ko ng lingunin niya ako matapos sabihin iyon.
Napansin ko na ang ilang butil na naiipon sa mga mata niya, hindi ko alam kung pano pa niya nagagawang pigilan ang emosiyong gustong pumakawala sa kanya.
Napaawang ang labi ko pero walang salitang lumabas.
"Pagkaraan ng ilang buwan dun ako nagsimulang magalit sayo... iniisip ko lahat nang nagawa mo sakin bago pa kita maging nobyo...inisip ko lahat ng posibleng at kayang-kaya mong gawin sa lahat ng mga babaeng napaiyak mo narin dati bago pa naging tayo...pero tuwing iniisip ko yun...hindi ako makumbinsi na ganun lang din ang naging dating ng relasyon natin para sayo...dahil masyado akong napaniwala sa sobrang pagmamahal na piramdam at pinakita mo sakin nun...lahat ng mga ipinangako at ginawa mo para sakin...aaminin kung tuwing katapusan ng buwan ay nagpupunta ako sa inyo...hindi ako tumutuloy at nagmamasid lang... nagbabakasakaling nandun kalang sa loob at tinataguan ako...pero wala ka...ang pamilya mo lang ang naroon...kaya matapos ng anim na buwan tumigil na din ako...at sa paglipas ng taon natutunan ko ding tanggapin ang kapalaran natin...naisip ko na baka hindi tayo ang para sa isa't-isa...itinuon ko ang oras ko sa pagsunod sa mga gusto ng mommy ko...at sa pag-aaral...hanggang sa paunti-unti ay makalimutan kita kahit saglit...nakayanan ko na din na banggitin at marinig ang pangalan mo sa ibang tao... matinding pagpipigil ang ginagawa ko para pigilan ang emosiyong gustong pumakawala sakin.... hanggang sa dumating ka at sa wakas ay nakita nadin kita,lahat ng galit ay hindi ko maibalik at ipakita nun sayo...dahil sa muling pagkikita natin, hindi ako makaniwalang aasta ka na para bang walang nangyari,kaya wala akong nagawa kung hindi ang pakisamahan ka nalang din matapos ang lahat"
Sinabi niya iyon habang natitig sakin at hindi ko alam kung pano ko iyon natagalan...parang gusto ko nang hilinging bumuka na ang lupa at lamunin nalang ako dahil sa sobrang guilt na nararamdaman ko. Nalulungkot ako dahil sa nakikita kong lungkot sa mga mata niya. At hindi ko na namalayan ang pagpatak ng luha mula sakin.
"Ngayon... nararamdaman kong...gusto mong bumalik tayo sa dati?pero gusto ko munang malaman sayo kung bakit?bakit moko iniwan ng walang pasabi?"
Naestatwa ako at hindi nakaimik.
"Aaliyah..."tanging naiusal ko at humarap naman siya sakin.
"Gusto kitang intindihin Ehhan...at gustong gusto din kitang makasama ulit..dahil tulad ng sinabi mo Mahal parin kita...pero hindi ako mapapalagay hangga't hindi ako nakakarinig ng pakiwanag mula sayo...dahil gusto kong pang-unawa ang maramdaman ko at hindi galit tuwing nakikita kita...na sa wakas ay matutunan ko ding magpatawad at kalimutan ang ginawa mo nung nakaraan... sabihin mo sakin,dahil hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan"kitang-kita ko ang pagsusumamo at pakiki-usap mula sa mga mata niya at hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap siya ng mahigpit.
"I'm sorry..."
To be continued....

Book Comment (52)

  • avatar
    Eloisa Lejas Godio

    The introduction was really interesting that's why I'm looking forward to read it until the end❤️

    23/12/2021

      3
  • avatar
    Andee Quirap

    it's so beautiful , inspiring yet cool story ... astig ang bida , I love her for being strong kahit sobrang sakit Ng pinagdadaanan nya , a smart one loving and caring friend / partner/daughter ... I also love each characters in the story .. I relate most of the scenes so im enjoying reading it , luv you Miss Azumikoo <3 keep up the good work<33:)

    23/12/2021

      3
  • avatar
    DarkCrypticx

    I haven't finished the story yet but I love it, great job author!

    22/12/2021

      3
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters