logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3- Last Will and Testament

Diana’s POV
"O Diana, kumain ka na. Maupo ka na d’yan at ipaghahain kita," ani Nana Lucia pagkakita sa akin na papasok sa maluwang niyang kusina. Umaga iyon at kagigising ko lamang. Suot ang ternong cotton shorts and sleeveless blouse. Pinaraan ko lang mga daliri ko sa mahaba at alon-alon kong buhok.
Ayoko pa talagang lumabas ng aking silid. Masakit kasi ang ulo ko at mabigat ang pakiramdam. Dahil marahil sa kakaiyak pa rin kagabi. Nagbunga yata ang pangungonsyensya ng lalaking iyon kahapon. I felt guilty for not being there for Mommy Tita.
Kaya lamang ako bumangon ngayon ay dahil sa bigla kong naalala na darating nga pala ang abogado. Saka ko lang din naisip na, oo nga pala mayaman si Mommy Tita. Maraming ari-arian. At ngayong wala na siya kanino na mapupunta? Tiyak na darating din ang pamilya ni Tiya Patricia. Siya na lang ang natitirang buhay sa mga kapatid ng Mommy ko.
"Huwag na ho, Nana Lucia. Ako nang kukuha ng pagkain ko," tanggi ko sa alok niyang ipaghanda ako ng pagkain. Ayokong isipin niya na kailangan niya akong pagsilbihan. Parang nanay na rin kasi ang turing ko sa kanya dahil naroon na siya simula nang tumuntong ako sa mansyon. Siya rin naman parang pamilya na ang turing sa amin.
"Naku, hindi puwede. Maupo ka at ipaghahain kita," may pagka-istriktong utos nito.
Sumunod na lang ako. Ganyan na kasi Nana Lucia. Mukha siyang kasing-sungit ni Mommy Tita ngunit ang totoo ay sobrang pusong mammon. Naisip ko na baka magtampo siya sapagkat tinatanggihan ko ang pag-aasikaso niya kaya sumunod na lang ako. Humila ako ng silya sa harap ng mahabang mesa at naghintay.
"Pritong itlog lang ho at hotdog ang gusto ko, Nana Lucia," wika ko mula sa pagkakapangalumbaba sa mesa. Nakataas pa ang mga paa ko sa upuan.
"Hanggang ngayon ba naman ay pritong itlog at hotdog pa rin ang paborito mong pagkain sa umaga? Bata ka pa ba talaga o isip-bata lang?"
Gulat na nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon at nakita kong nakabihis na si Cedric. He looked so fresh and clean sa puting tshirt at maong pants. Iyon lamang ang mga kasuotan niya pero parang pupunta sa photoshoot. Ewan ba naman at parang naririnig ko sa tainga ko ang tibok ng puso ko. Ang layo naman ng tainga ko sa dibdib ko.
"Ano ba'ng pakialam mo kung ano ang kainin ko? Eh sa paborito ko nga ang itlog at hotdog sa umaga," nakasimangot na tugon ko.
Biruin na niya ang lasing huwag lang ang bagong gising.
"Ah, alam ko na isip-bata," he said while smiling so adoringly. He was obviously in a good mood today.
Unfortunately, I am not sharing it right now. Medyo masakit pa ang braso ko dahil sa ginawa niya kahapon.
"O Diana, heto na ang pagkain mo." Inilapag ni Nana Lucia ang pagkain sa harap ko.
"Salamat ho, Nana Lucia."
"Walang anuman, hija. Sabihin mo lang kung may kailangan ka at ako na ang kukuha. O Cedric, halika at kumain ka na rin. Ano'ng gusto mo?" baling ni Nana Lucia kay Cedric.
"Tapos na ho, Nana Lucia. Salamat."
"Ganoon ba. Kung ganoon ay maiwan ko muna kayo riyan."
"Sige ho," si Cedric ang sumagot.
Ako naman ay nagsimula nang kumain. Dedma lang sa akin ang guwapong lalaking nakaupo sa silya sa harap ko. Nang minsang iangat ko ang ulo ko ay nahuli ko itong nakamasid sa akin. Bigla tuloy akong na-self-conscious. Parang gusto kong takpan ang hubad na balikat ko. Tapos humarap sa salamin at magsuklay.
There was something in his eyes. Sadness? Longing? Tenderness? Ano ba ang pinag-iisip ko? Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa kinakain ko.
"Hmn. Palagay ko galit ka pa rin sa'kin dahil sa ginawa ko kahapon," anito.
Tumahimik lang ako. I didn't feel like talking.
"I'm sorry sa nangyari kahapon. I know I've been rude. Kakagising mo pa lang tapos noon lang tayo nagkausap ulit at ganoon pa ang isinalubong ko sa'yo."
Hindi ako sumagot. Patuloy lang ako sa pagkain. Mabuti naman at alam niya na hindi tama ang ginawa niya kahapon.
Ilang saglit pa ay nagulat na lang ako nang bigla siyang tumayo. "I'll just wait for you in the coffee room then we'll proceed to the library kapag nariyan na sina Tiya Patricia at Atty. Suarez," saad nito bago tumalikod. Napansin sigurong parang nakikipag-usap siya sa hangin.
Sinundan ng mga mata ko ang likuran niya. I suddenly felt disappointed dahil...dahil...
hindi siya nag-stay?
No. Hayss!
Bakit ganoon? Iba ang pakiramdam kapag alam kong nariyan lang siya sa paligid ko. It had been eight years pero bakit parang hindi lumipas ang mga taong iyon? Parang walang nagbago. Eto pa rin ako. Did I even grow up? Napapailing na ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain.
***
Pagkatapos kong mag-almusal, maligo at magbihis ay kaagad akong dumeretso sa coffee room. Dinatnan ko roon ang abogado at si Tiya Patricia na nagkakape.
“Good morning. You must be Miss Reyes,” bati sa’kin ng abogado saka nakipagkamay sa’kin.
“Good morning po, Attorney. Diana na lang po,” sagot ko.
"Diana, ayos ka lang ba dito sa mansyon?" tanong ni Tiya Patricia. She looked a bit older than her real age which was fifty-four years old if I remembered correctly. Mas bata siya ng dalawang taon kay Mommy Tita who died at fifty-six.
Lumapit ako sa kanya at nagmano. "Ayos lang naman po, Tiya," tugon ko.
"Pasensiya ka na, hija kung hindi kita natawagan agad upang ipaalam ang nangyari sa Mommy Tita mo. Nang maalala ko ay tinawagan ka na raw ni Cedric. Isa pa'y hindi ko sigurado na makakauwi ka agad."
"Okay lang po, Tiya. Ang mahalaga po ay nakaabot naman ako."
Sa totoo lang masama talaga ang loob ko sa kanya. Siya dapat ang unang nakaalala sa akin. Siya ang pamilya ko at hindi si Cedric. Pero ayoko namang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan naming dalawa. Siya na lang ang natitirang buhay na kapatid ni Mommy Tita at ng Mom ko. Karapatan niyang magdesisyon sa mga bagay na may kinalaman sa aming pamilya.
"Tama ka, hija. Alam ko namang naiintindihan mo," nakangiti niyang wika. Though I noticed the smile didn’t reach her eyes. I might be wrong but I started to get the feeling that Tiya Patricia did not want me to be here. And I was not sure why.
"Hindi n'yo po yata kasama sina Ate Julienne at Chris?" nagtatakang tanong ko. Ang alam ko kasi dapat present lahat ang buong pamilya.
Pero nag-iisa siya. Inaasahan ko na magkikita-kita kami ng mga pinsan ko. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataong makapagkuwentuhan ni Ate Julienne noong burol ni Mommy Tita. Pareho pa kaming shocked sa pangyayari. Tapos naging busy kami sa pag-aasikaso sa mga bisitang dumating at nakiramay.
"Hindi ko na sila isinama. Busy sila sa kani-kanilang trabaho. Simula ng magkasakit ang iyong Tiyo Fernan, sila na lang dalawa ang inaasahan namin lalo na sa pag-aasikaso ng negosyo. Isa pa, sandali lang naman ito. Ikaw naman ay kaagad na babalik sa Amerika, di ba, hija?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niyang iyon. Bakit niya naisip iyon? Hindi pa man ay tila pinapaalis na niya ako ulit. Maraming pagkakataon na naramdaman kong nag-iisa na lang ako. Pero mas higit ngayon.
I was right. She didn’t want my presence here. Naisip ko tuloy na marahil ay sinadya niya na hindi ipaalam sa akin ang nangyari kay Mommy Tita. Para hindi na lang ako umuwi kailan.
"Baka po, Tiya," sabi ko na lang. Parang hinihintay niya kasi ang sagot ko. Ilang saglit pa ay niyaya na kami ni Cedric sa library ni Mommy Tita. Iyon din ang nagsisilbing office niya.
***
After fifteen minutes in the library my legs were shaking so hard. Humila ako ng isang silya at nanlalambot na naupo roon. Katatapos lamang naming mapakinggan ang nilalaman ng last will and testament ni Mommy Tita. Tapos sobrang nagulat kaming lahat sa naging reaksyon ni Tiya Patricia. Halos magwala ito sa galit nang malamang sa akin iniwan itong mansyon at iba pang kabuhayan nito at kay Ate Juliene naman at Chris ang iba pa. Ngunit halos lahat ay sa akin.
Sa isang banda, hindi ko siya masisisi kung hangarin niya ring mapasakanya ang mansyon. The house alone would make her an instant millionare kapag ibinenta niya ito. And voila! Solve lahat ng mga financial problems niya.
"Ayos ka lang ba? Gusto mo ng tubig?" nag-aalalang tanong sa akin ni Cedric. His eyes were full of concern. Gusto kong yumakap sa kanya at humagulgol sa malapad niyang balikat but I stopped myself. I am no longer the crying baby he used to know. I am old enough to deal with with my own problems. And Tiya Patricia is my family.
Though, na-touched ako ng sobra nang ipagtanggol niya kanina kay Tiya Patricia. "Okay lang ako. Just a little bit shaky," sabi ko.
"Are you sure?"
"I'm sure," I told him. Kahit na nanginginig pa ang katawan ko sa gulat at siguro parang ninerbyos din ako. Noon ko lang nakitang ganoon si Tiya Patricia.
"I'm sorry sa nangyari kanina. Hindi ko inaasahan na magkakaganoon si Tiya Patricia."
That makes the two of us.
"Hindi mo naman kasalanan iyon. Kasalanan ko rin dahil kung hindi ako umuwi, hindi ito mangyayari."
"Wala kang kasalanan. Narito ka man at wala, ganoon pa rin ang magiging reaksyon niya once na malaman niyang sa'yo iniwan ni Tiya Constancia ang mga ari-arian niya. So whether you like it or not, this is all yours. This mansion, money and everything."
"Sa isang banda may kasalanan ka pala. Ikaw nga pala ang tumawag sa'kin upang ipaalam sa akin ang nangyari,” biglang bawi ko.
Hindi ko dapat sinabi iyon. I just couldn't help myself. I was feeling so low.
"Kung hindi kita pinauwi ay hindi mo naabutan ang iyong Mommy Tita. Hinding- hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag hinayaan kong mangyari iyon. Isa pa, kung hindi ka umuwi ay hindi mo malalaman na milyonaryo ka na."
Biglang bumalik ang napalis na sanang inis ko rito. Ano ba ang palagay nito? Na dapat akong matuwa at okay lang na wala na si Mommy Tita? After all, her death made me a very wealthy woman?
"Money is not a big deal to me. Mas mahalaga sa'kin ang tao kaysa pera," naiiritang sagot ko. Halo- halo na ang nararamdaman ko eh. Naiinis ako kay Cedric dahil sa sinabi nito. Nasasaktan ako sa mga sinabi ni Tiya Patricia. Pakiramdam ko ay hindi niya ako kadugo. Hindi ko naman pinangarap ang magkaroon ng maraming pera ah.
Simple at masayang buhay kasama ang mga taong mahal ko. Yan lang ang pangarap ko. I would never be like Mommy Tita who would choose money over love. Not that I was judging her. Hindi ko naman alam ang istorya ng buhay pag-ibig niya. Ang naririnig ko lang noon pag nagtsitsismisan ang mga amiga niya ay madami daw suitors ang tiya ko kaso hindi kasingyaman niya kaya walang nakapasa.
"Hey, teka muna. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Okay, tama na iyang pag-iyak. Maaayos din ang lahat."
"Hindi ako umiiyak," agad na tanggi ko. Bagaman may dumadaloy na ngang luha sa pisngi ko. Mabuti na lang at lumabas na ito.
Hanggang ngayon ay umaalingawngaw pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Tiya Patricia sa abogado.
"Sigurado ka bang ‘yan nga ang nilalaman ng last will and testament ni Constancia, Attorney? Bakit naman ibibigay niya sa babaeng ‘yan ang pinakamalaking bahagi ng ari-arian niya gayong iniwan siya nito sa panahong kailangang kailangan niya ito? Kung tutuusin nga ay pinabayaan siya nito eh. Kita mo naman pagka-graduate na pagka-graduate ng high school ay kaagad nang nawala. Pagkatapos ay kanya pa ang mansyong ito. Napakasuwerte naman yata niya,hmp!"
Masakit ang mga sinabi niya ngunit hindi ko siya lubusang masisisi. Ang alam niya ay basta ko na lang iniwan si Mommy Tita upang tuparin ang sarili kong pangarap. Wala siyang kaalam-alam sa tunay na nangyari. Ngunit higit akong nanlambot sa mga sumunod niyang sinabi. Tila nakalimutan na niya na pamangkin niya pa rin naman ako.
"Maaaring wala sa wastong pag-iisip si Constancia nang ipagawa niya ang last will and testament na 'yan, Attorney. O, baka naman nilason ng babaeng 'yan ang isipan ng kapatid ko."
Hindi ako makapaniwalang masasabi niya ang ganoon sa'kin. Hindi ko man lang nagawang sumagot. Wala akong maisip na maaari kong isagot sa kanya. Mabuti na lamang at naroon si Cedric upang ipagtanggol ako.
"Tiya Patricia, baka nakakalimutan mong pamangkin mo si Diana. At alam mong hindi totoo 'yang mga sinasabi mo tungkol sa kanya. Dapat nating irespeto ang kagustuhan ni Tiya Costancia. Naging pantay man o hindi ang pagkakahati niya sa kanyang mga ari-arian ay wala tayong magagawa." Buong tapang na paliwanag nito kay Tiya Patricia.
"Sige lang magkampihan kayong dalawa. Pareho naman kayong sampid eh."
Nanlalaki ang mga mata nito sa galit bago lumabas ng library.
*****

Book Comment (83)

  • avatar
    m******6@gmail.com

    Ang ganda ng story.Maiksi lang pero di ka mabibitin kc nabasa ko ng buo.Di mo na kelangan pang mag antay sa author kung kelan nya ipublish next chapter kc buo na ang kwento..Good job for the aithor of this story...5 star for you..

    25/01/2022

      1
  • avatar
    Carl Jhon Lumantas

    ganda talaga basahin sana ma intindiha ninyu tu sarap talaga parang mka inlove sayu

    27/02/2023

      0
  • avatar
    Christian Oliva Abuid

    Wow

    14/02/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters