logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2-Cedric

Diana’s POV
Sino pa ba kung hindi ang napakakonsebatibong si Mommy Tita ang may utos na kuya ang dapat tawag ko kay Cedric. Dahil mas matanda daw. Though limang lang naman ang tanda sa’kin. And since I had a fair share of rebellion noong bata ako pag kaharap lang siya ay saka ko sinusunod ang nais niya.
Then later on, ginagawa kong pang-asar sa lalaki. Umiiba kasi ang timpla ng mukha eh. Biglang nag-iisang linya ang mga kilay tulad ngayon. Tapos umaaktong parang babaeng may period. He hated it. I think he felt uncomfortable for reasons unknown to me.
Nagdiwang ang kalooban ko nang mamasdan ang hitsura nito. Nakaganti rin ako sa pagtawag niya sa akin ng ugly duckling.
"Right. It's been a long time since you just suddenly disappeared. Bigla ka na lang nawala at iniwan ang kaisa-isang taong nagpalaki sa'yo," anitong tila galit.
"Hindi ko naman ginustong umalis ah," sagot kong biglang naging defensive. Bakit naman kasi ganoon ang mga sinasabi niya sa akin? Nakakaiba ng mood. Iba ang bagsak eh. Parang gusto akong sisihin sa pagkawala ni Mommy Tita.
"So, bakit ka nga umalis? Bakit mo siya iniwan? Mas mahalaga ang pangarap, right?"patuloy nito.
Napasigaw ng aray ang utak ko. Parang nais na naman tuloy bumagsak ng mga luha ko. Lumunok ako upang pigilan ang mga iyon.
"Kahit kailan ay hindi ko pangarap na pumunta sa ibang bansa," pagtatanggol ko naman sa sarili ko.
"So, bakit ka nga umalis?" patuloy nito na tila nanghahamon.
Hindi ako makapagsalita. Wala akong mahalukay sa utak ko na maaaring isagot.
Ano’ng nangyari sa’yo, Diana? Kadalasan naman ay umaapaw ang utak mo ng mga ideya.
Gosh! Na-me-mental blocked ako. For a while, all I could do was stare at his handsome face. Hindi ko naman kasi akalain na kokonsyensyahin lang pala ako ng lalaking ito kaya ako kinausap.
I tried to open my mouth to tell him that it was really none of his business. Ngunit tinikom ko na lang ulit. Hindi pa umiinit ang talampakan ko sa Pilipinas. Ayokong makipag-away. Lalong-lalo na sa lalaking ito. Kayang-kaya niya akong paiyakin. At pag umiyak naman ako sasabihing cry baby ako. Just like he used to do. He used to call me cry baby dahil mababaw ang luha ko.
Kumilos na lang ako upang umalis sa harap ng lalaking ito na kung makasumbat ay tila ba may matindi akong kasalanan sa kanya. Akala mo kung sino, hmp!
Ngunit mabilis nitong nahawakan ang isang braso ko. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Pagkatapos ay gusto pa yata akong tunawin sa pamamagitan ng titig. Napapikit ako sa matinding inis.
Pagdilat ko ay halos nakadikit na ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit. Nakikita ko na ang sarili ko sa mga mata niya. Halos mapigil ko ang paghinga. I could smell his cologne or it must have been an aftershave. It had a nice smell. Ang sarap singhotin.
"So, bakit nga bigla ka na lang umalis? Now is the chance for you to explain yourself."
Marahas akong napabuga ng hangin. Ang higpit kasi ng pagkakahawak niya sa braso ko at nasasaktan ako. Nakakairitang lalaki. Sino ba siya para tratuhin ako na parang may kasalanan ako sa pagkamatay ni Mommy Tita? Wala siyang karapatang sumbatan o pagalitan man ako.
"Hindi ko kailangang magpaliwanag sa'yo at kahit na kanino, okay" inis na sabi ko.
Obviously, it was the wrong answer. Agad naningkit ang mga mata nito.
"Anong klaseng tao ka? Matapos kang mawala sa mga panahong kailangang-kailangan ka ay sasabihin mong hindi mo kailangang magpaliwanag. Hindi mo ba kailangang magpaliwanag sa pamilya mo?"
He looked like he was was really angry. Medyo kinabahan ako. Hindi ako sanay na galit siya sa akin. Dati naman kasi ay palagi siyang sweet sa’kin eh.
Nag-iisa ko siyang kakampi at tagapagtanggol noong bata pa ako. Kahit na nga madalas ko siyang asarin. Siya iyong takbuhan ko kapag napapagalitan o nasesermonan ako ni Mommy Tita. Nagbago na ba siya? Hindi na ba siya ang mabait at soft-spoken na Cedric na kilala ko?
"Hindi mo naiintindihan. Wala kang naiintindihan," saad ko sabay hila sa braso ko. Ngunit tila naipit ako sa bakal. Hindi ako makawala. Ang mas nakakairita pa imbes na bitawan ako ay mas humigpit pa ang pagkakahawak sa'kin. I gritted my teeth in annoyance.
"Ba't hindi mo ipaliwanag nang maintindihan ko?"
"I...I can't. Bitawan mo nga ako. Nasasaktan na 'ko ha."
Malapit na talaga akong maiyak dahil sa matinding inis. Ilang saglit pa ang nakalipas na nakatitig siya sa'kin. Tapos walang ano ano, bigla na lang binitiwan ang braso ko. Mukhang nagulat pa sa ginawa ang hudyo. Tila ba noon lamang napag-isip isip na kanina pa niya pigil-pigil ang braso ko.
Napatiimbagang ako nang masulyapan ang pinanggalingan ng kamay nito. Namumula iyon at tila iginuhit ang mga daliri sa balat ko. Hinaplos ko iyon ng aking isang kamay. Nang masulyapan niya iyon ay agad namang gumuhit ang pag-aalala sa mukha. Tila natauhan. Tinapunan ko siya ng matalim na tingin.
"I...I'm sorry. Masakit din sa'kin ang pagkawala ni Tiya Constancia. Itinuring ko na din siyang magulang simula nang mawala ang Lolo mo. Pagkatapos ay ikaw ang sumunod na nawala."
I stared at him. Ewan ko ba naman kung ano ang inaasahan kong mabasa sa mukha niya. Nasaktan ba siya dahil umalis ako?
"Eh, ano naman sa'yo kung umalis ako. Kung maka-react ka ay parang ikaw ang iniwan ko," inis na saad ko habang hinahaplos pa rin ang pinanggalingan ng kamay nito. Masakit talaga iyong pagkahawak nito roon.
"Sa'kin ay balewala, okay? Pero kay Tiya Constancia ay napakalaking bagay niyon. Ang taas ng expectations niya sa'yo. At isa pa, baka nakakalimutan mong matandang dalaga siya. Nag-iisa. Wala sariling pamilya. Kaya noong pinalaki ka niya inaasahan niyang ikaw ang mag-aalaga sa kanya sa pagtanda niya. Dapat lang naman 'yon, di ba?"
Balewala? Napabuga ako ng hangin. I felt disappointed. Nag-expect din kasi eh. At ngayon parang gusto kong ipagsigawan sa guwapong mukha nito na si Mommy Tita mismo ang nagpaalis sa akin. Kaya tigilan na niya ang kakasumbat at kakasisi sa akin.
Ngunit hindi maaari. No, no, no! Absolutely no! Not in a million years. Never!
Iyon ang kaisa-isang bagay na hinding-hindi ko maaaring sabihin sa dito. One thing will lead to another. Tiyak na itatanong din niya kung bakit. At hindi ko maaaring sabihin ang tunay na dahilan.
Paniguradong pagtatawanan niya ako. And that is something that I wouldn't be able to bear. I would even bring that secret to my grave.
How? How could I even tell him that he was really the reason why?
And that something stupid had happened with no one to blame but me.
That Mommy Tita had accidentally read my diary.
Ang aking diary na naglalaman ng puso at kaluluwa ko. At ang tanging nilalaman niyon ay kung gaano ko lihim na minamahal ang nakakairitang lalaking ito sa harap ko. Sa kamalas-malasan ay doon pa mismo nabuklat sa mga pahina na ang tanging nilalaman ay I love you, Cedric. Sangdamakmak na pahina na walang ibang nilalaman kung hindi ang mga katagang iyon.
Huli na para sabihin kong pinagpraktisan ko lang naman ang mga katagang I love you and then since I like the name Cedric, iyon ang idinugtong ko. Ginagawa naman talaga iyon ng mga teens, right? Like sinusulat nila iyong pangalan nila then idudugtong iyong pangalan ng crush nila. They were trying to find out if their names together sound good. Ako naman, I was practicing how the words “I love you Cedric” would look like in my own handwriting.
Really, Diana.
Yes. Well. Whatever.
But no way! I would rather die than tell him the truth.
Isipin lamang iyon ay gusto ko nang lumubog sa aking kinatatayuan.
Malay ko ba na bigla na lang papasok si Mommy Tita sa aking silid ng umagang iyon. Hindi naman niya ugaling basta na lang pumapasok doon. Hindi ko kasi na-turn on ang alarm sa aking cellphone. Ang resulta tinanghali ako ng gising. Kaya kinailangan niyang pumasok sa aking silid upang gisingin ako. And then my diary was there on my bedside, open and just waiting for curious eyes to see it.
Hanggang ngayon nga nakatatak pa sa utak ko ang naging hitsura niya ng umagang iyon. Ang tingin niya sa akin ay ang pinakatanga, pinakawalang utak, pinaka-abnormal at pinakakawawang babae sa buong mundo. Singliit na lang yata ng langgam ang tingin niya sa akin sapagkat nagkagusto ako sa isang tulad ni Cedric na napulot lamang daw niya sa kalye. Wala daw akong kapanga-pangarap sa buhay.
Gusto ko naman din sanang ipagtanggol si Cedric at sabihing cute naman siya no! But knowing my Mommy Tita na medyo kinulang sa sense of humor ay hindi na ako nagtangka pang ipagtanggol ang lalaki. Hindi niya ma-a-appreciate. At tiyak na lalo lang iinit ang ulo. Baka madamay pa ang walang kamalay-malay na Cedric.
We had a heated argument that morning. And some of it had nothing to do with Cedric. Ang aking ipinaglaban ay ang katotohanang she invaded my privacy. Hindi siya dapat nagbabasa ng diary ng ibang tao.
Then, of course, I denied it at first. Sabi ko ibang Cedric iyon. Si Cedric na anak ng isang business tycoon at kaklase ko. Kahit na alam kong malalaman rin naman niya na imbento ko lang iyon. Hindi ako makakapagsinungaling sa kanya.
Parang may laser ang mga mata ng tiya kong iyon eh. I wasn't sure how but she would always know when I was lying.
So there, okay, I admit I used to have a little crush on him. I meant, the Cedric that’s here in front of me now, and not the son of a business tycoon that I created.
But that was all, okay. Just a mere crush. There was nothing wrong with it. It was part of growing up naman, right? I was sixteen for goodness’ sake.
Then later on I realized that Mommy Tita had a point nang sabihin niya sa aking wala akong mapapala kay Cedric.
Cedric had nothing.
He was nothing.
Kung hindi dahil sa pilantropong Lolo ko ay walang guwapo at may pinag-aralang Cedric sa harapan ko at ngayon ay pinaiinit ang ulo ko sapagkat kanina pa niya ako pina-gi-guilty sa isang bagay na hindi naman ako dapat na ma-guilty. At ang nakakainis ay nagtatagumpay siya.
And then on that same year, right after my high school graduation, lumipad ako patungong Amerika. Ang dahilan ay bigla daw akong pinetisyon ng aking Tito Wilfredo, ang kapatid ng Dad ko which I thought at that time was a crazy coincidence.
I knew it. Si Cedric ang dahilan. Nais niya akong ilayo dito. Kaya sa totoo lang, ang nakakairitang lalaking ito sa harap ko ang tunay na dahilan kung bakit bigla na lamang akong naglaho sa bansang Pilipinas.
"Ayokong iwan siya, okay. Pero wala akong magagawa. Sumusunod lang ako sa kanya," sobrang naiinis na saad ko.
"Anong ibig mong sabihin? Sumusunod kanino?" naguluhang tanong nito. Kitang-kita ko ang pagkabuhay ng interes sa kanyang mga mata. Halos mamilog naman ang mga mata ko nang mapagtanto ang tinutungo ng usapan namin. Ano ba ang nasabi ko?
"Nothing. Let's stop this stupid conversation,"kinakabahang saad ko saka mabilis na umalis sa harap nito. Baka kung ano pa ang masabi ko. Mabuti na lamang at hindi na niya ko pinigilan pa.
"Bukas nga pala ay darating si Atty. Suarez upang basahin ang last will and testament ni Tiya Constancia," habol nito sa likuran ko. Awtomatiko namang napahinto ako. Hindi ko naisip ang bagay na iyon. Hindi pa lubusang nag-si-sink-in sa nalilitong utak ko na wala na nga si Mommy Tita.
"I don't care,"tugon ko habang sangbakol ang mukha.
"Yeah. Why should you care?" his voice was dripping with sarcasm. I wanted to throw something at him. Antipatikong lalaki.
Humahangos ako pagdating sa kusina.
“Andyan ka na pala, hija. Halika na’t kumain. Nalipasan ka na ng gutom. Ginising ka ba ni Cedric? Sabi ko kasi katukin ang pinto mo.” Ani Nana Lucia pagkakita sa’kin. Agad naman akong humila ng silya at naupo. May nakahandang pagkain sa mesa at may pinggang naka-ready kaya kumuha na ako ng pagkain at kumain.
“Hindi ho, Nana Lucia. Bumaba na talaga ako. Nagugutom na kasi ako,” sagot ko na sa pagkain nakatingin. Hindi ko na binanggit na nagkita nga at nagkausap kami ng lalaking iyon. Naiinis pa rin ako. Marahil napansin ni Nana Lucia na sangbakol ang mukha ko kaya hindi na ulit nagsalita.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik na ulit ako sa aking silid. I spent the entire day or what remained of it reading a book. I always have one or two inside my bag. Hindi ko naman masyadong maintindihan ang aking binabasa sapagkat umaagaw ng eksena ang lalaking iyon sa isip ko. After a while natulog na lang ulit ako.
*****

Book Comment (83)

  • avatar
    m******6@gmail.com

    Ang ganda ng story.Maiksi lang pero di ka mabibitin kc nabasa ko ng buo.Di mo na kelangan pang mag antay sa author kung kelan nya ipublish next chapter kc buo na ang kwento..Good job for the aithor of this story...5 star for you..

    25/01/2022

      1
  • avatar
    Carl Jhon Lumantas

    ganda talaga basahin sana ma intindiha ninyu tu sarap talaga parang mka inlove sayu

    27/02/2023

      0
  • avatar
    Christian Oliva Abuid

    Wow

    14/02/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters