Caused by pain, I saw myself walking down to the seashore. Dumaan ako sa may gilid ng mansiyon at doon nahanap ang hagdan pababa sa dagat. I feel excite as I hear the blowing wind and small waves. Tirik na tirik ang araw ngunit hindi iyon masakit sa balat dahil sa ihip ng hangin. Mula dito sa taas ay tanaw ko ang malawak na dagat, maliit na isla sa 'di kalayuan, at mapuputing buhangin sa baba. I stepped down the stairs. Tinahak ko ang malawak na mapuputing buhangin at sumilong sa nakalinyang puno ng niyog. Sa bawat hampas ng alon sa dalampasigan ay ang pagdagdag sa kagustuhan kong makipaglaro dito. I took my slippers off and sat down the sands. It is mind-calming here. It gives me such chill. Nilalaro ko lang ang maliliit na bato at mga buhangin. At least, the place made me forget about how high like waves and my ocean-deep-like thoughts and sadness. Ilang minuto ang lumipas at tinakbo ko ang distansya papunta sa tubig. Nilangoy ko ang dagat hanggang sa marating ko ang eksaktong taas ng tubig na gusto ko. I know how to swim but not too much. Wala namang dagat sa amin. Minsan nakaligo na ako sa mababaw lang na ilog. I let myself float above the water. Gustuhin ko mang dumilat ngunit hindi ko magawa dahil sa nakasisilaw na araw. I felt relief, not minding if the water will lead me to somewhere. Matapos ang ilang minuto sa ganoong porma ay nagising ako. Ang sarap sa pakiramdam, gusto kong gawin iyon at hayaan muna ang sariling makatulog. Nilangoy ko ulit ang dagat. Drowning my worries and sadness under water. Ang malinaw na tubig ay kumikislap. Kitang kita ang kagandahan ng mapuputing buhangin at maliliit na bato sa ilalim. Nang makaramdam ako ng masyadong init sa balat at pagod ay bumalik ako sa dalampasigan. Kung saan ako nakaupo kanina at iniwan ang tsinelas ko. "Carl?" I shouted and looked around. Wala akong makitang kahit na sino. Kahit maliit na anino ay wala talaga. Pero nakakapagtaka ang telang nakalatag katabi ng tsinelas ko at ang puting tuwalya sa ibabaw nito. Ginamit ko ang tuwalya at pinatuyo ang sarili bago umakyat pabalik sa mansiyon. Bumalik na naman ang lungkot ko. Miss ko ulit ang kapatid ko, miss ko na si Papa. Kung magkakabahay man lang ako, ayaw ko sa malaki. Para saan pa kung walang titira o kasama. Naligo ako sa kwarto at nagpalit ng pajama't over-size t-shirt. Matapos ang pag-aayos ay bumaba ako sa kusina at naghanap ng maluluto. Nakakagutom ang ginawa ko kanina. Umakyat ako ulit upang tawagin si Carl para sa tanghalian. Kinatok ko ang pintuan ng kwarto niya ng ilang beses ngunit walang lumabas o 'di kaya ay sumagot. Tahimik ang mansiyon at walang ibang ingay bukod sa mga tunog na gawa ko. Saan kaya siya pumunta? Umalis ba? O umuwi na? Tanong ko lang din sa sarili. Sa tagal kong paghihintay ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ang sarili. - "I thought you cooked for dinner, stupid." Bulyaw niya agad sa akin matapos ko siyang pag buksan ng pinto. Ayan na naman ang stupid niya! Nag-ayos ako ng sarili at pikit-dilat siyang tinignan. "Stop yawning. I'm hungry," reklamo niya at iniwan akong nakatunganga. "I cooked lunch for you, stupid," I silently mocked him. Padabog akong naglakad papuntang kusina. Madilim na sa labas ngunit hindi ko alam kung anong oras na ba. Did I slept too much? At kasalanan ko bang hindi siya kumain at hindi ko makita kanina? Umirap muna ako sa hangin bago nagsimulang maghiwa ng mga sangkap sa lulutuin ko. Nakaka-inis siya. Ang taray, hambog! Saksak ko pa 'tong kutsilyo sa apdo niya. I calmed myself first before I started cooking. Kabado akong nagluto dahil hindi ko naman alam kung magugustuhan niya ba ito. Nagluluto lang naman ako noon ng kung ano ang gusto namin ni Dodong. Baka mamaya maging stupid na naman ako! "Upo ka na, Carl" hinanda ko ang mga pagkain sa mesa habang siya naman ay nakatayo lang at tinitignan ang bawat galaw ko. I was about to turn around and get some water when he suddenly call my name. "Noreen," ngayon ay tinitignan ko na siyang nakayuko at hindi ako maharap. "Umupo ka na. Sabay tayong kakain," dagdag nito at tila ba ay nahihiya. I blinked twice and tried to process what he just said. Nagkasabay naman kami kanina pero hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman. My heart is loudly beating. May kung anong kakaiba sa tiyan ko na hindi ko matukoy kung ano. Hindi naman ako gutom. This unfamiliar feeling crept my whole body as I turned back to him. Unexpectedly, his eyes met mine. He is now staring at me the same way before. 'Yong mga mata niya noon habang tinatanong ako kung ano ang ginagawa ng isang babae sa gitna ng gabi. This is the unknown guy I met before. He is my verloren. No. He is the Verloren I know. "Kukuha lang ako ng tubig," pagkukunware ko sa kaniya upang makatakas at nagmadaling na pumunta sa ref. Wala ako sa sarili habang kumukuha ng baso at tubig. Lumilipad ang utak ko sa kung saan-saan hanggang sa hindi ko namalayang magkaharap na pala kaming dalawa. "Your food taste good," Ang puso ko ay kumakalabog ulit dahil sa tuwa kahit na hindi pa humuhupa 'yong kanina. Pwede bang dahan-dahan muna? Mamamatay ako agad nito. "Umupo ka na, may gagawin pa tayo," he gently added. Like what he said, umupo ako sa harap niya at nagsimulang kumain. The food I cooked tastes normal. Wala namang kakaiba, hindi masyadong masarap, at walang bago dito. Baka binibiro lang ako. The dinner we shared was too silent. Walang nagsalita hanggang sa makabalik kami sa aming mga kwarto. I don't know what's with him or it's just me? But I felt awkward and uneasy whenever he's near. I hurriedly run towards the door when I heard him knocking. "Ano po 'yon?" Tumaas ang dalawang kilay niya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "I told you we'll do something," he closed his eyes and massage the bridge of his nose. "Sige po," tanging sagot ko sa kaniya. I waited for him to turn around and walk, or even step aside, but he just took a deep sigh. "Magpalit ka," It's not a suggestion. It clearly sounds like a command. Tumalikod siya agad at iniwan akong nakatunganga. I immediately look at my body and realized what I'm wearing. Naka-spaghetti straps and shorts lang ako. Gosh! "And next time, blow-dry your hair," pahabol niyang saad bago tuluyang nakalayo. Bumalik ako sa kwarto ko para magpalit ng damit. Hindi ko alam kung ano ang gagawin namin but I chose to wear a pajama and jacket. Nagmadali agad akong sumunod sa kaniya at baka mapagalitan pa ako. "Clean the whole room, pati ang sa kabila mamaya. Just call me if you need help," utos niya. I roam my eyes around to check the room. Wala namang masyadong gamit kaya konti lang ang aayusin. It is an empty room. Kailangan lang kunin ang mga alikabok at magwalis ng sahig. I started to clean it up. Nagsimula ako sa corner at nakita ko ang oras sa cellphone na nakapatong sa side table. "Alas-dies na pinapalinis pa ako," I murmured and wipe off my sweats. Ang init. Sana pala hindi nalang ako nag-jacket. "Kasi hindi kita mahanap kanina." I froze from my spot after I heard his voice. Ang lamig ng boses niya ngunit mas nakapagpainit 'yon sa pakiramdam dahil sa kaba. I tried to look at him and found out that he's walking close to where I'm standing. Palapit siya ng palapit habang ang mga paa ko ay kusang humakbang palayo. "Nakalimutan ko ang phone ko," he whispered on my ear. What the - ! Gusto ko siyang itulak dahil sa sobrang lapit niya sa akin. I already can feel his breath on my neck. Hirap na hirap na ako at nanginginig sa aking pwesto ngunit hindi ko magawang kumilos. "I changed my mind, matulog ka nalang," ani niya habang ipinasok ang phone sa bulsa. Abot-langit ang tuwa ko nang marinig iyon. I showed him a smile and nodded as a way to say that I'm happy and understand what he said. Tumagilid ako at tumakas sa pagkakaharang niya. Isa-isa kong dinampot ang mga gamit at mabilis siyang iniwan sa kwarto. Before I slept, I wondered how Carlisle is far from my first impression to him. *** I saw him sitting near the counter top. Mula sa likod ay alam kong bagong ligo siya dahil sa basa niyang buhok. Naka-white polo rin siya at shorts. May lakad ba siya? "Stop!" Nabitin ang kamay ko sa ere at inangat ang tingin sa kaniya. His right brow shot up. I gave him an asking look but he did nothing. Nakanganga lang siya habang tinitingnan ang cup na hawak ko. "Gagamitin mo ba 'to?" tanong ko sa kaniya. I roam my eyes around and search for someone. May kasama ba kaming ibang dito? May bisita ba siya? Pero wala akong makita. Hindi siya sumagot sa akin. Sa halip ay inilabas niya ang cellphone at parang baliw na ngumingisi. Tinapos ko ang tinitimpla kong kape at iniwan siya sa kusina. Nakatitig pa rin siya sa cellphone niya't nakangiti. Ano kaya ang sinabi ng girlfriend niya? Umirap na lang ako sa hangin nang maisip 'yon. Wala naman akong pake sa kaniya. Papalabas na sana ako para uminom ng kape doon sa dalampasigan nang biglang tumunog ang door bell. Inilapag ko ang cup na hawak at masayang tinakbo ang pintuan. Sa pagkakaalam ko, ngayong araw darating ang art materials ko. Pagbukas ko ng pinto ay ang pagsabay ng pagkagulat sa nakita. "Are- li?" Nagtatakang tumingin sa 'kin ang lalaki. Ang iba niyang kasamahan ay agad na pumasok na para bang hindi ako nakikita. Ang isang babae ay tinignan ako mula ulo hanggang paa bago umirap at sumunod sa iba. Kuno't noo ko silang sinundan ng tingin. Inilapag nila ang kanilang mga gamit at dumiretso sa kusina. Bahay ba nila 'to? Feel na feel 'e. Dahil sa pagtataka ay tinahak ko rin ang kusina. Malayo pa ako ay rinig ko na ang ingay nila. Ang iba ay nakaupo na habang ang babaeng umirap sa akin ay nakasabit pa ang kamay sa leeg ni Carl. "Areli, sino 'yun?" tanong ng lalaking naka-puting t-shirt. "Ano?" Nagkasalubong ang mga kilay niya habang naghihintay sa sagot nito. "Akala ko ba, si . . . aray!" "Uminom ka na lang ng kape, Kurt," saad ng babaeng katabi nito na sa pagkakaalam ko ay nakita akong nakasilip sa kanila. Dala-dala ang mga kape ay umikot siya at isa-isa niyang inilapag sa mesa. Nang marating niya ang pwesto no'ng Kurt ay mahina siyang sumagot ngunit rinig ko pa rin siya dito sa pinto. "Hindi. Maid namin siya." Hindi ko alam kung nasaktan ba ako. Pero pinahid ko ang isang luhang pumatak sa pisngi ko nang marinig ang mahinang hagikhik ng babae.
malakas ako
06/04/2025
0super ganda
23/11/2024
0eusjsjsj
28/10/2024
0View All