logo
logo-text

Download this book within the app

SWIM - 6

SWIM - 6
Sabik na umakyat ng bus si Hanelle sa kadahilanang ito ang una niyang beses na makakasakay sa bus. Hindi mawala sa sa labi niya ang ngiti na kanina pang dala-dala.
Pinili niya ang upuan sa likod ng driver dahil wala nang pwesto sa likod. Nasa pandalawahang upuan siya at pumwesto siya sa tabi ng bintana. Ordinary lang ang bus na inarkila nila kaya pwedeng buksan ang bintana.
Mas presko pa ang sariwang hangin kaysa sa aircon.
Nagsimula nang umandar ang bus nang maramdaman niyang dahan-dahan uli itong tumigil. Nalaman niya na may isa pang estudyante ang maiiwan sana kaya dali-dali itong sumampa ng bus at nag hanap ng mauupuan.
Lalaki ito na nakaitim na jacket at may suot na cap tapos masyadong nakatungo kaya hindi niya kita ang mukha. Tinapik niya ang katabing upuan at napatingin naman ang lalaki ron.
Hindi man lang ito nagpasalamat sa kanya nang makaupo ito. Basta na lang umupo at kinalong ang bag na dala-dala saka binabaan ang suot na cap at sumandal. Siguro matutulog.
Panay lang ang tingin niya sa labas ng bintana. Hindi sinasadyang napalingon siya sa katabi. Ganun pa rin ang pwesto nito. Walang nagbago. Ni hindi man lang ata ito kumibo ng isang beses. Lumingon naman siya sa likuran. Lahat ng kaklase niya at ang ibang section ay maiingay sa likod at panay kwentuhan. Yung iba naman ay busy sa kakacellphone.
Nakaramdam siya ng kaunting inggit. Desisais na siya pero wala pa siyang telepono katulad ng iba na elementary pa lamang at meron na. Ang iba, maraming kaibigan at siya'y iisa lamang. Kaya niya pinag iigihan ang pag aaral at paglalangoy para makabili siya ng gusto niya at para sa pamilya niya. Hindi niya kaya pantayan ang iba pero, ginagawa naman niya ang lahat ng kanyang makakaya.
Natigil ang kanyang pag mumuni-muni nang maramdaman niyang may mabigat na bagay ang sumandal sa balikat niya. Nang tinignan niya 'yon, nanigas siya sa kinauupuan at pigil ang kanyang hininga.
Ulo iyon nung estrangherong lalaki na tulog kaya hindi ata namalayan na nakasandal na siya sa balikat niya.
Hindi niya alam ang gagawin. Kung gigisingin niya, baka ito magalit. At kung hahayaan naman niya, hindi mawawala ang pagkailang niya.
Nag isip siya ng paraan. Nang makaisip, huminga muna siya ng malalim bago isagawa ang naisip.
"Ha-hachu!"
Kunwarian siyang humatsing kasabay ang paggalaw ng kanyang katawan.
"S-sorry," hingi ng tawag nung lalaki matapos itong magising nang gumalaw siya.
"Hehe, okay lang. Sige, tulog ka na ulit." sabi niya nang hindi tumitingin rito.
Wala siyang natanggap na tugon mula rito kaya umayos uli siya ng upo at ipinikit ang mga mata nang makaramdam ng antok.
NAGISING siya nang maramdaman ang sikat ng araw na tumatama sa mukha niya. Napamulagat siya nang wala nang tao sa bus maliban sa kanya.
"Grabe, hindi man lang nila ako ginising?" bulong sa sarili.
Bumuntong-hininga siya at sinimulang hakutin ang kanyang mga gamit saka bumaba ng bus para hanapin ang nga kasamahan niya.
Hindi nila kasama ang mga teachers dahil puno na sila kaya nasa kabilang bus ang mga ito.
"Elle!"
Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ang guro na tumatakbo at humahangos papalapit sa kanya.
"Ma'am, Abi,"
"Saan ka ba nagpuntang bata ka? Kanina pa kita hinahanap."
"Pasensya na po. Nakatulog lang po sa bus."
Napailing-iling ito at tinulungan siya sa kanyang mga bitbit.
"Pambibira naman yang mga kaklase mo. Hindi ka man lang ginising? Tsk. Hayaan mo, pagsasabihan ko sila mamaya."
Ngiti lang ang tinugon niya rito. Mabuti na lang talaga na kahit wala siyang kaibigan sa mga kaklase niya, nandyan naman ang kanyang guro na si Abigail Alonzo.
Hindi naman gaano kalayo ang nilakad nila nang makarating sa destinasyon mula sa kung saan nakaparada ang bus na sinakyan nila.
Mukhang kanina pa nakapagsimula at nakapaghanda ang mga kaklase niya dahil may ibang nakatayo na ang tent kung saan ang mga ito matutulog.
"Elle, dito tayo."
Iginiya siya ng guro sa sarili nitong tent. May katamtaman na ang laki nito at kasya na ang limang tao.
"Ilagay mo muna 'yang mga gamit mo sa loob tapos sunod ka na lang kapag naayos mo na lahat, okay?"
"Yes, po. Salamat po!"
"Mmm, no prob, dear."
Laking tuwa niya na kahit papaano ay may kaagapay siya sa papunta rito. Laking pasalamat rin niya sa guro. Kung hindi dahil rito, wala sana siya ngayon dito.
"Gather up, everyone!"
Nagsilapitan silang lahat sa tour guide na mag aasikaso sa kanila sa pag cacamp dito sa Batangas.
Medyo may pagkagubat ang itsura pero safe naman at marami rin daw dito ang pumupunta para mag overnight. Maganda raw dito ang view pag gabi. Presko pati ang hangin. May boundary rin sa gubat na 'to na kung saan hanggang duon lang dapat ang mga turista. At kapag kung naligaw ka, may palatandaan naman maliban na lang kung lumagpas ka sa boundary.
"Class, huwag na kayong lalayo kapag sumapit na ang dilim ha, maliwanag ba?"
"Opo!"
"Good. Sige, kumain na kayo ng lunch n'yo. Later on, we will have an activities."
Natuwa naman ang mga kaklase niya at kanya-kanyang kuha sa bag ng kanilang dalang pack lunch.
Bumalik siya sa tent at kinuha ang pabaon sa kanya ng kanyang Inay.
Lumapit siya sa mga babaeng nag kukumpulan habang kumakain at duon nakiupo at nakisalo.
"Ang baho naman!"
"What is that smell?"
"Eww!"
"Kasuka ang amoy eh!"
Iyon ang mga reaction ng kaklase niya nang buksan niya ang baon niya. Tuyo ang ulam pero mukhang kinadidirian ito ng mga kasamahan niya. Kaya, nagsialisan ang mga ito sa harapan niya at lumipat ng ibang mauupuan.
Maya-maya, sa kalagitnaan ng kanyang pagkain, nag angat siya ng tingin sa lalaking umupo sa harapan niya at may dala ring lunch box.
Napakurap-kurap siya at natigil sa pag nguya nang mapansing ito yuong katabi niya sa bus kanina.
Sinusundan ba niya ako?
"U-uhm,"
"May langaw."
"H-ha?"
"May langaw." ulit nito.
Nang mapansin ng lalaki na hindi pa niya nakukuha ang sinasabi nito, itinuro nito ang pagkain niya kaya napatingin siya ron.
Binugaw-bugaw niya ito hanggang sa mawala.
Tinignan niya ang lalaki ngunit, wala na ito sa harapan niya.
"Saan na sya nagpunta?" tanong sa sarili habang nagpalinga-linga.
MATAPOS ang tanghalian nila, Iginrupo sila ng guro sa lima para sa gagawing activity na treasure hunting. At kung sinong grupo ang unang mahanap ang mga pinapahanap ng guro, sila ang mayroong cash price at certificate.
"Guys, kailangan tayo ang unang makahanap--"
"Kagrupo natin si Hanelle."
Napalingon lahat ang Kagrupo niya sa kanya.
"What?! Eh ano ang ambag niyan sa grupo? Kamalasan?!" wika nung nag leleader leaderan niyang kaklase. "Psh, walang kwenta."
"Hell no. We must tell Ms. Alonzo right now."
Sinundan niya ng tingin ang babaeng tumatakbo papalayo at kinausap ang guro. Naawa si Hanelle sa kanyang sarili. Mukhang ayaw ng mga ito na maging grupo niya dahil ang dala lang niya sa grupo ay puro kamalasan.
"Tsk. Kasura. Hindi tayo pinayagang palitan itong si Hanelle!" Inis na sabi sa kanya.
"Don't worry," aniya naman nung isa pang bully. "At least may utsusan tayo 'di ba?"
"Oooohh! Right!"
Lumapit ito sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kanyang panga na ikinapikit niya nang dahil sa sakit ng pagkakahawak nito.
"M-masaki--"
"Shut up." ngumisi ito. "Shut the f*ck up and do as your told so that we're okay. Understand?"
Pikit siyang tumango at nakahiga ng maluwag nang bitawan siya nito.
Humarap ito sa ibang kagrupo nila na nanunuod lang sa ginawa nito sa kanya. Plastik na ngumiti ang babae at iniisa-isa sila sa kung ano ang gagawin nila.
"Ikaw,"
Hawak pangang tumingin siya rito.
"Duon ka maghahanap." lumingon siya kung saan ito tumuro.
Restricted area. No entry.
"P-pero, hindi pwedeng pumasok 'don. Saka, hindi naman siguro maglalagay ang mga teacher ng pinapahap 'don' di ba?"
Napaigik siya ng sabunutan siya nung babae. "What did I just say?"
"D-do as I t-told."
Binitawan nito ang buhok niyang sinabunutan at nagulo saka tinap ang bunbunan.
"Good, dog. Now, go."
Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa restricted area ng gubat. Lumingon muna uli siya ng isang beses sa mga kagrupo na nakangisi bago lumiban sa tali na hanggang bewang. Ito ang boundary kung saan hanggang duon lang sila sa may tali. Hindi pwedeng lumayo. Pero eto, siya, para sa grupo nila, gagawin niya lahat. Gusto niyang ipakita na wala siyang kwentang kagrupo at hindi kamalasan ang dala niya.
"ASAAN na si Hanelle, ha?!"
Kitang-kita sa itsura ng guro ang galit at pag aalala kung nasan na ba ang estudyante nitong kanina pa hinahanap. Gabi na pero hindi pa ito bumabalik.
"Kayo ang kagrupo nya. Dapat alam nyo kung nasan siya!" sambit niya sa mga kagrupo ni Hanelle.
"Ma'am, hindi namin kasalanan na tumakas sya."
"Yes, ma'am, bigla-bigla na lang po sya nawala habang kami'y busy sa kakahanap."
"Sigurado ba kayo?" paninigurado ng guro.
"Yes, po." sabay-sabay nilang sagot.
Napasabunot na lang ang guro sa sariling buhok sa sobrang pag aalala. Kinuha nito ang telepono sa bag at idinial ang number ng pulis.
Pinatay niya ang tawag nang sabihin ng pulis sa kabilang linya na papunta na sila.
"Jusko, asaan ka na ba, Hanelle? Oh, God. I hope you're safe..." munting panalangin nito.
NIYAKAP ni Hanelle ang kanyang sarili nang humampas ang malamig na hangin sa katawan niya. Nanginginig siya habang yakap ang sarili. Gabi na kaya wala na siyang masyadong makita.
"Naligaw na nga ako..."
Takot siya sa dilim kaya naupo muna siya sa tabi ng punong malaki at duon nagpahinga sa kanina pang paglalakad.
"Dito na ba 'ko mamamatay?"
Nagitla siya sa tunog ng mga uwak na nagliliparan sa itaas ng puno. Panay ang uwak ng mga ito kaya lalo siyang nanginig sa takot.
Habang lumilipas ang minuto, may mga namumuong luha sa mata niya na handa nang bumuhos. Mahigpit niyang niyakap ang sarili at tinakpan ang dalawang tainga sa mga naririnig.
Nang hindi na niya kaya ang ingay, nilaksan niya ang loob at tumakbo ng mabilis pero hindi niya alam kung saan siya patungo. Basta makalayo lang siya sa pinanggagalingan nung mga ingay. Nakakarindi. Nakakapanayo ng balahibo.
At dahil sa sobrang bilis niyang tumakbo at masyadong madilim na ang daan, bigla na lang siyang natisod sa ugat ng puno.
Nang tumingin siya sa tuhod, dumudugo na ito at may mga gasgas pa na lalong nagpahapdi sa sugat niya.
Hinipan-hipan niya ito pinunasan ng sariling damit ang sugat na dumudugo. Sumilong uli siya sa ilalim ng puno nang maramdamang umaambon.
"S-sana, m-makauwi pa ako."
HANELLE
As I give my best on training everyday, I always received a lot of compliment from coach Henry. Well, except for coach Acky. When she always sees my face during the training, all she do was shout at me, discouraging me, giving me some negative thoughts and so on. But I don't mind. The important thing is, I have coach Henry on my side and to cheer me on.
"Excellent time, Hanelle. Your improving so fast. Any inspiration?"
Nag tanggal muna ako ng cap and goggles bago ako sumagot. Okay na sana yung unang sinabi ni coach pero, natawa lang ako dun sa huling sinabi niya.
"Naku, wala naman po, coach. Siguro malapit na yung intrams kaya ganun."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Talaga? Okay, I believe you."
I chuckled.
"Dad!"
Napatingin ako sa tumawag kay coach ng dad. Nawala ang mga ngiti ko sa labi nang makita ko ang ayaw kong makita sa araw-araw. Pero parang imposibleng mangyari yon lalo na't team mates kami at... tama ba narinig ko?
Dad?
"Oh, Hunt, ang taas ng time mo ha, naunahan ka pa nitong si Hanelle."
He glared at me while I was so shocked like I saw a ghost. My mouth was even slightly parted.
"I don't care. Hindi naman ako humataw." mayabang na wika nito.
"Son, huwag masyadong mayabang. At saka, bakit hindi ka humataw eh, malapit na ang intramurals nyo?"
Manggangaso look at coach with flaty face. "Seriously, Dad? It's not a big competition or high level comp."
Napailing-iling si coach Henry at ginulo ang buhok ni mangangaso.
"Well, you better be won then, my son." ngumisi si coach at saka ako sinulyapan. "Ayaw kong marinig na tinalo ka nitong si Hanelle. Babae siya Hunt. Mahiya ka."
Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng kulay niya at kitang-kita ko na nag tatangis na ang bagang nito. Gigil na gigil na siguro.
"Ahm, sige coach, magbabanlaw na po ako." paalam ko at hindi na hinintay ang sagot niya.
Baka umusok pa ilong ni manggangaso if ever.
Habang nag sa-shower, hindi ko pa rin talaga matanggap na ama ni Hunt si coach. I mean, ugali pa lang ha, ang layo na. Saka, kanina nung pinagmasdan ko silang magkatabi, hindi rin sila masyadong magkahawig.
I think I have the guts na, hindi sila magkadugo.
"Pero imposible 'yon."
"Alin ang imposible?"
Napatalon ako ng bahagya nang biglang may humawi ng kurtina na nagsisilbing pinto ng shower na pinagliliguan ko ngayon.
Buti na lang, naka swimsuit ako.
Siya na naman.
"Ang matalo ako? Huh, well that's completely impossible because you can never, ever, beat me!" mayabang niyang sabi sabay maarteng naglakad paalis.
Nagpatuloy na lang ako sa pagbabanlaw at hindi na pinansin ang sinabi niya.
UNTIL the day of our intramurals came.
"Hoy, ready ka na?" Dorry asked.
"Mmm,"
"Bakit Mmm? Sagot dapat!"
"Oo naman."
"Yan!" maangas niyang saad. "Anyways, kapag unang natapos ang game ko, susunod ako sa pool area para panuurin ka." tinapik niya ang pisngi ko saka tumakbo na paalis. "Text mo na lang ako! Good luck!" pahabol niyang sabi.
Kumaway ako at tumango. Siya lang talaga yung nakapag palakas ng loob ko. Nagmamadali na siya dahil tawag na sila ng coach nila. Mukhang una silang magsisimula kaysa sa amin.
Naglakad muna ako papunta gym kung saan gaganapin ang basketball. Nandun raw nakapaskil ang mga events kung saan gaganapin, kung anong oras magsisimula at matatapos.
Hinintay ko munang mawala ang mga estudyanteng nagsisiksikan para makita ang events na nakapaskil sa pader. Nang mabawasan, saka ako nagtungo at tinignan kung anong oras ang event ko at ang kay Dorry.
"Gymnastics... Tennis... Basketball... Football.. eto!"
SWIMMING
Location: At the Olympic size swimming pool area.
Time: 8:30am - 12:00pm
TAEKWONDO
Location: At the gymnasium (3)
Time: 7:30am - 11:00am
"Nice," sambit ko matapos mabasa ang events.
Sayang, hindi ko mapipicturan at maipapadala kay Dorry. Storage full na ang phone ko at hindi android ito kundi keypad lang. Yung tigti-three hundred sa bayan?
"Calling the attention of all swimmers at the pool area, the competition will start at 8:45am sharp."
Tumingin ako sa orasan sa selpon ko nang marinig ang pagtawag ng mga swimmers sa mikropono na nakakonekta sa bawat sulok ng campus, agad akong nagmadaling pumunta sa pool area.
"7:50am pa lang naman ah," pinindot ko sa phone ko ang messages para itext si Dorry.
To: D. Santiago
Dorry, 11am ang tapos ng laban nyo at 12pm kami. Kaya kayo ang unang matatapos. Kita na lang tayo dito sa pool area. Good luck!
Umupo ako sa stadium kung saan pupwesto ang mga audience o mga manunuod ng laban. May kanya-kanya kaming pwesto dito. Pwesto ng section ng Aquarius, Capricorn, Leo at Sagittarius. Apat kaming section ang maglalaban-laban.
Mamaya na lang ako pupunta sa ready bench kapag exactly 8:45am na. At saka, ako pa lang naman ang narito. Wala pa ang mga team mates ko na siya ring ang kalaban ko. To clarify things, kahit ka team ko pa sila at magkaiba kami ng section, magkalaban kami. At kung magkaiba naman kami ng events o larangan, basta't parehas ng section, magkakampi yon.
Hindi pa rin magets? Naguguluhan pa rin?
Kung hindi, ganito, kunyare, ako at si Dorry. Magkaiba kami ng events. Siya taekwondo at ako'y swimming. Pero parehas kami ng section na Aquarius. Edi magkakampi kami. Okay na? Mabuti naman.
Maya-maya, nagsimula nang magsidatingan ang mga delegates na taga ibang section. Mga ka team mates ko na ibat-iba rin ang section. At ako ang representative ng section naming Aquarius.
"Swimmers, it's time to warm up!" anunsyo nung magpapalaro sa larangan ng swimming.
Hindi namin coach si coach Henry ngayon. Iba ang coach para patas lahat ng laban kaya walang ganap si coach Henry.
Kinuha ko na ang cap at goggles ko sa bag saka bumaba ng stadium para sa warm up.
"Oh, it's you."
Si Karina. Na laging pakialamera.
"Aquarius ka di ba?"
"Oo,"
Umirap siya. "What a loser."
May tumabi sa kanyang dalawang babaeng kaklase niya na swimmer din.
"Hahaha! Itsura pa lang, mukha nang talunan!" sambit nung isa na nasa kaliwa niya.
"She's the new member of our club, right?" tanong nung nasa kanan.
"Yah, pero hindi sya belong." sabi ni Karina.
"Girl, let's go na. The competition will about to start in thirty minutes."
Hinila nung nasa kaliwa si Karina at yung isa papalayo.
Karina just glared at me and mouthed, 'good luck, b*tch!'
Honestly, she gives me motivation. A motivation that I can beat her up at my very best. Those negative words that they barked on me, I took those as a motivation. No matter how they take me down from their hurtful words, my mind keeps telling me that I should continue until I succeed, to show them that I'm not a loser as they think I am.
I smiled. Good luck to you too, Karina.
AFTER I finished my warm up, I went to the ready bench to see if my name is being called by the announcer.
And yes, right exactly I step into ready bench, my name called.
"Hanelle Villena, from Aquarius section!"
Nagtaas ako ng kamay para makita ako ng announcer.
"Event 301, Heat 2, Lane 5. Take your seat." tinuro niya kung saan kami uupo ayon sa aming lane. Lane five ako kaya sa ika limang upuan ako uupo.
"Karina Mendez, from Leo Section."
Napatingin ako sa likuran kung nasaan ang announcer.
"Event 301, Heat 2, Lane 6. Take your seat."
Ngiting-ngiti si Karina habang papalapit sa akin kung saan sa tabi ko siya uupo ngunit biglang nawala ang ngiti nito nang makitang katabi ko ang uupuan niya.
"Excuse me, mali ka ata ng upuan."
Umiling ako. "Hindi."
"What?! That's impossible!"
Napatingin ang ibang mga swimmers sa kanya nang dahil sa pagsigaw niya. Pati ang mga staff, referee at judge of finish napatingin sa kanya.
"Yon ang sinabi sa akin nung announcer." simpleng sagot ko.
"Ang sabihin mo, bingi ka lang talaga! Hindi ka pwede dito sa heat namin! Puro malalakas lang ang nandito at ikaw? Duon ka dapat sa first heat! Kung nasaan ang mahihina!"
Napatigil siyapm sa pag tatalak nang pumito ng malakas ang head coach ng magpapalaro.
"Anong problema rito, ha?!"
Humarap naman siya rito na may pagmamakaawa ang mukha.
"Coach," itinuro ako ni Karina. "Sya po kasi, pilit niyang pinagpipilitan na sa amin siya kasabay eh kahit na sa first heat sya dapat."
Napailing-iling ang coach saka tinawag ang announcer at kinuha ang lista ng mga swimmers na maglalangoy.
"Anong pangalan mo?"
"Hanelle Villena, po."
"Hanelle Villena..." hinanap ng mata niya ang aking pangalan sa listahan sabay sabing... "tama naman ang heat nya ah."
Ang kaninang mukhang kaawa-awa na si Karina ay mas lalong nag init ang ulo.
"Hindi pwede yon! Baguhan lamang sya! Wala ba sa rules yon?!" pagpipilit nito.
Tila nag iinit na rin ang ulo ng head coach sa kanya ngunit pinipigilan lang nito.
"Iha, ano bang problema mo? Walang rules na ganon. Baguhan o hindi, kung saan ka mailagay na pwesto, lalangoy at lalangoy ka pa rin."
I heard some swimmers whispering to each other while looking at Karina. If I were her, I would probably feel embarrassed.
"Ayaw ko siyang katabi o kasama sa heat!"
Napapikit ang head coach sa Inis. "Hindi nga pwede. Hindi na pwedeng mabago yon! Bakit ba ang kulit mo, iha? Kinakabahan ka ba sa kanya?"
Malalaking matang tumingin sa akin si Karina. "Hell, no!"
"Then prove it!"
Inis at padabog na umupo siya sa tabi ko. Wala nang magawa.
"Napakamalas talaga nitong araw na 'to." bulong niya.
Hindi ko na lamang siya pinagtuunan ng pansin  at nag focus na lang sa laban.
Elle, manalo o matalo, okay lang yan. Kaya mo yan.
Pagpapalakas ko sa isipan ko.
AS I stepped on the diving board with my cap and goggles on, I bend forward to face the water. Waiting for the signal.
"Take your mark..... prrrrtttt!"
One hundred meter ang layo ng lalangoyin namin. Dalawang balikan dito sa fifty meters pool. Kita ko sa ilalim si Karina. Nauuna na sya. Nasa may paanan niya ako first fifty meters.
Kailangan ko humabol!
Binilisan ko pa ang pagsipa ko at pagkabyaw sa ilalim ng tubig. Kahit pagod na at kapos na ng hininga, pilit pa ring humahabol sa kalaban.
Last twenty-five meters! No breathing!
Ginamit ko ang technique na tinuro sa akin noon ni Eth at ni coach Vic. Ang no breathing kapag malapit nang mag touch sa wall.
Hindi ko na tiningnan ang mga katabi ko pati si Karina. Basta hinataw-hataw ko na lang kahit ubos na ako. At pag touch... tumingin ako sa monitoring board kung saan naka record ang time namin.
1:01.28
One minute, one seconds and 28 milliseconds! That means... best time ako!
Hinihingal na tuwang-tuwa ako. Nag bubbles ako nang nag bubbles hanggang sa mawala ang aking pagod.
Nakipagkamay ako sa mga katabi ko at sa iba pa. Humarap ako sa gawi ni Karina para Nakipagkamay rin ngunit masama na agad ang tingin nito sa akin.
"Karina,"
"Napakayabang mo talaga noh?!"
"H-hind--"
Malakas niya akong sinabuyan ng tubig sa mukha kaya napapikit ako't kinusot-kusot ang mata ko. Mahapdi at may chlorine pa naman itong tubig. Hindi niya ako pinansin at tuluyan nang umahon.
"Hanelle!"
My eyes were half closed so I didn't see who called my name. But I know who it is because of her voice.
"Dorry?"
"Anyare sayo?! Sinong gumawa nyan, ha?! Sabihin mo!"
Kinapa ko ang balikat niya para pigilan. "Ayos lang ako! Wag kang oa."
"Oa ka dyan. Patingin nga!"
Inalis niya ang kamay ko na nakatakip sa mata ko at pilit na binuksan ang mata ko sa hinipan.
"Aray..."
"Luh, mukha kana tuloy may sore eyes hahaha! Ang pula oh!"
Ibinigay niya sa akin ang dami ko na hindi ko alam na kinuha na pala niya saka ako tinulungang magbihis.
"Teka, tapos agad laban nyo?" pag iiba ko sa usapan.
"Yep."
"Bakit ang bilis naman?"
"Syempre napabagsak ko lahat eh," maangas na naman niyang pagmamalaki.
Actually, hindi yon pagmamayabang. Kasi ang pagkakaintindi ko sa pagmamayabang ay yung hindi mo pa nagagawa pero grabe kana mag advance mag isip. At ang kay Dorry naman ay proud sya na napabagsak nya lahat ng kalaban niya nang matapos ang laban nila. Hindi sa pinagtatanggol ko si Dorry ah. Maangas lang talaga siya magsalita kaya nagmumukhang mayabang.
"Congrats, Dorry,"
Napatigil siya sa pagpupunas ng kanyang pawis. "Ha?"
"Sabi ko, congrats!"
Tinitignan niya ako na hindi ko naman inaasahan. Kakaiba ang mga titig na yon. Parang, matagal na niyang hinahanap ang taong magsasabi sa kanya ng ganong salita. Siguro wala pang nag cocongrats sa kanya o ipinagmamalaki ang pagkapanalo niya maliban sa kanyang sarili lamang.
Tuluyan ko siyang niyakap nang hindi pa rin siya makabawi sa pagkabigla. Alam ko namang hindi iiyak tong si Dorry. Malakas to eh, matigas ang damdamin na parang bato na hindi basta-basta mawawasak. Iyon ang pagkakakilala ko sa kanya.
"Mmm, salamat,"
Tumikhim siya at kumawala sa pagkakayakap ko.
"Alam mo, pakipot ka kanina."
Kumunot ang nuo ko. "Ha?"
"Kanina sa langoy nyo. Kaya mo naman pa lang unahan yung bitchesang yon pero nagpakipot ka pa at sa huli mo inunahan?! Pano kung tuluyan mong hindi nahabol? Edi talo ang section natin? Ikaw na nga lang pambato na swimmer sa section natin eh,"
Inilugay niya ang mailing buhok at nagsuot ng saklob na galing raw sa ukay.
"You know what? If I have time, I think I'll be showing you some tips on how to beat a person in an easy way."
I chuckled. "No, thanks, I'm good."
"Attention, swimmers! We will be cancelling today's competition because of the fire behind the swimmer's bathroom."
Iyon lang ang narinig namin sa announcer pero grabe na ang tadtad ng tanong ng mga swimmers dito sa stadium.
"Who the hell did that?!"
"Yeah, I wonder too."
"Siguro sinadya yon. Tingin nyo?"
"Ewan, hindi natin sure."
"Chochopchopin ko talaga kapag nalaman ko kung sino ang gumawa non!"
"Chill ka lang, gurl."
Sinulyapan ko si Dorry na walang kabahabahala ang mukha na parang walang nangyayari sa paligid. Sabagay, may dumating na naman na nga bumbero kaya maayos na rin ang lahat.
Napatingin ako sa babaeng hingal na hingal na tumatakbo papalapit sa amin ni Dorry. Gulo-gulo ang buhok nito at masyadong nang haggard. Black na black ang mga mata nito.
"I-I have to s-say something t-to y-you." hingal nitong sabi.
Pinaupo ko muna ito at inabutan ng tubig. She's familiar. I think I saw her somewhere but I don't really remember.
"Ano 'yon?"
"I k-know who d-did it."
"Uh, did what?" tanong ni Dorry.
"T-the fire." tinuro niya ang nasusunog sa likod ng swimmer's bathroom.
"I saw who did it."
|©amph1trite|

Book Comment (22)

  • avatar
    Joerelyn Valdez III

    saan ba nagpunta su ethan at bakit hindi niya kasama happy ending sana may story pa kayo author sobra ganda may aral ka pa mapupulot sa story ni hanelle

    16/01/2022

      0
  • avatar
    Rayza Angelo Manumbas

    why

    28/04

      0
  • avatar
    Melody Valle - Ochinang

    ang gansa ng story. mas una kung natapos ang series 2. hahaha. sana matapos na ng series 3. keep it up. 👏👏👏👏 done reading.. 12/29/2022 @ 10:07pm

    29/12/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters