logo
logo-text

Download this book within the app

06

Naging tahimik ang buong biyahe namin. Nasabi ko kay Lev na dadaan ako ng opisina dahil maaga pa naman. Ala una pa lang naman ng hapon, may oras pa ako para maghabol sa trabaho.
Mula nang umalis kami ng restaurant, hindi na ako nakaimik pa. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan na natamo ko. Stupid, Calli!
"You seem quiet. Did I shock you?" pagbabasag ni Lev sa katahimikan.
Nilingon ko siya pero nakatingin pa rin siya sa daan na tinatahak namin.
"Ah, kasi, ano, iniisip ko 'yong mga gagawin ko para sa chairty ball mo," pagpapalusot ko.
"Don't worry, the ball's due 'til 3 weeks. Marami ka pang panahon kaya 'wag mo na problemahin 'yan."
Tumango ako at itinuon na lang din ang atensyon sa daan. I'm not really pressured with work or his charity event. Hindi ko alam bakit pero may kung anong klaseng emosyon ang nananalaytay sa akin kapag ganito ako kalapit sa kanya. I don't know if I'm feeling intimidated or what.
"Bakit hindi mo ginawang full time ang pagsa-sculpt at paint? I'm blown away by your talent, honestly. D'yan pa lang kikita ka na talaga ng malaki."
Natawa naman siya bago sumagot. Nilingon naman niya ako nang huminto ang sasakyan namin dahil sa traffic.
"Thank you, Calli."
Mula sa maaliwalas na mukha ay biglang nagbago ito, tila nagkaroon ng maitim na ulap sa kanyang paligid.
"May nagsabi kasi sa akin na hindi ako bubuhayin ng art ko, that I need to find a real job."
"Where's the fun in that? Oo nga may trabaho ka na napakalaki ng sweldo pero hindi ka naman masaya sa ginagawa mo. You're just living your life in a monotony of boringness."
"That's why I'm proving them wrong."
May kung ano sa tono ng pananalita ni Lev na nakapagpangilabot sa akin. Mayroon kaya siyang dinadamdam? Napansin ko ang paghigpit ng kanyang hawak sa manibela at ang paninigas ng kanyang panga. Maybe I crossed the line.
*****
"Ms. Montecillo."
Nag-angat ako ng tingin at nakita ang nakapameywang na si Shanon sa harapan ko.
"Po?"
"May naghahanap sa 'yo sa may lobby," tamad na saad nito at umalis na't bumalik sa puwesto.
Sino naman kaya 'yong naghahanap sa 'kin? Nagtungo na ako sa elevator para mawala na ang curiosity ko na 'to. Nang makalabas ako, isang lalaki na may logo ng LBC sa polo ang tumayo mula sa sofa at lumapit sa akin.
"Ms. Calli Montecillo?"
Tumango naman ako. Bumalik siya sa kinauupuan niya at kinuha ang basket na may lamang mga bulaklak.
"Pakipirmahan na lang po ang receiving papers," sabi niya sabay abot ng clipboard.
Napakunot naman ang noo ko sa kanya. "Hindi naman ako nag-order. There must be a mistake."
Inangat ng lalaki ang basket at tinignan ang note na nakatali sa may hawakan nito. "Calli Montecillo," pagkukumpirma niya. "No mistake, ma'am. Itanong niyo na lang ho kay sir Pierre ba't siya nagpadala ng bulaklak."
Para naman akong binuhusan nang malamig na tubig sa pangalang nairinig ko.
"Pierre? As in Pierre Rouiller?"
Tumango naman ang lalaki. "Kilala niyo naman pala, ma'am. Pirmahan niyo na po 'yan—"
"Hindi." Inabot ko sa kanya ang clipboard. "Sabihin mo sa kanya na isaksak niya sa baga niya 'yang mga bulaklak niya."
"Ma'am naman, ayaw ko mawalan ng trabaho."
"Idemanda mo siya kung ipapatanggal ka niya sa napakababaw na dahilan. Basta hindi ko tatanggapin 'yan."
Kinuha na niya ang inaabot kong clipboard at pumihit na ako pabalik ng elevator. Patahimikin mo naman na ang buhay ko, Pierre. Hindi naman siguro mahirap gawin 'yon.
"Ma'am, may asawa't anak po akong umaasa sa akin. Tanggapin niyo na po ito," ang nagmamakaawang tinig ng lalaki ang nakapagpahinto sa akin sa paglalakad.
Napapikit ako ng mariin dahil sa inis. Pierre, you're really using your power, huh? Kahit labag sa loob ko, pumihit na ako paharap at naglakad pabalik sa kinatatayuan ko kanina. Kinuha ko na ang clipboard at pumirma.
"Salamat, ma'am." Nakangiti na ngayon ang lalaki nang iabot sa akin ang bulaklak.
Hindi na ako nakasagot dahil sa inis. Naglakad na siya palayo at ang naiwan na lang ay ako at ang mga bulaklak na pinadala ni Pierre. Magaganda ang mga bulaklak. Roses, daisies, lilacs, at iba pa na hindi ko na alam ang pangalan.
"Too bad you came from the wrong person."
Walang pag-aalinlangang naglakad ako papunta sa basurahan at itinapon ang basket ng bulaklak dito. That's how you cut connections with people you hate the most. No hesitations, no mercy.
Pagkabalik ko sa floor ng opisina namin, nakapameywang ulit si Shanon sa may cubicle ko, bakas ang inis sa kanyang mukha. Nang makalapit na ako sa kanya, nakataas ang isa niyang kilay nang harapin niya 'ko.
"May naghahanap ulit sayo sa ibaba."
"Sino raw po?"
"Aba, malay ko. Ako ba si Calli Montecillo?"
Inirapan niya 'ko bago naglakad pauwi sa mesa niya. Ano'ng problema mo? Talaga bang mainit ang dugo niya sa 'kin? Kahit kakapanhik ko pa lang, sumakay na ulit ako ng elevator. Ano na naman kaya ang naghihintay sa 'kin sa baba?
Pagkabukas ng elevator doors, a man with broad shoulders faced me. Sa tikas pa lang, kilala ko na agad kung sino.
"Ano na naman kailangan mo, Rouiller?"
Nilingon na niya ako at nakakunot ang kanyang noo.
"Free ka ba? Let's have some coffee—"
Itinaas ko ang isang kamay ko para tumigil na siya. "Pierre, tigilan mo na 'ko parang awa mo na. 'Wag mo na ko pestehin."
Umiling siya at bumuntong-hininga. "C'mon, Calli."
Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero maagap kong naialis 'to para salubungin ang kanyang pisngi ng aking palad.
Napasinghap ang mga tao sa paligid namin. Hindi ko alam na kaya ko magalit ng ganito. I wanted to scream at him, to lash out on him, pero nagulat ako nang tumulo ang mga luha ko.
"Fucking leave me alone!" singhal ko sa kanya.
"Calli, please—"
"Get away from her!"
Napalingon kami sa sumigaw. Laking gulat ko nang makita ko si Lev na tumatakbo papunta sa amin. Humarang siya sa harap ko at nakipagtitigan kay Pierre.
"Lev," bulong ko at hinawakan ang braso niya.
"What are you doing here? Kilala mo si Calli?" pagtataka ni Pierre.
"Who cares if I know her? Who cares if I'm here? Can't you see she's upset because of you. I'd go if I were you. Les gens ici vous reconnaissent et votre père n'aimera pas quand il découvrira que vous êtes ici."
"Tu restes loin d'elle, Lev."
"Dis ça à toi."
Naguguluhan na 'ko dahil bukod sa hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila, parang may galit talaga sila sa isa't isa. Pinagbubulungan at pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid namin. Ayaw ko mawalan ng trabaho dahil lang dito.
Naglakad na ako papunta kay Pierre at hinigit ang braso niya. Hinatak ko siya palabas at nagpatianod na siya sa akin.
"Fucking go!" sigaw ko sa kanya at itinuro ang sasakyan niya.
"Kilala mo ba 'yon? Stay away from him—"
"I said go!" mas malakas pang utos ko.
May nilingon siya sa likod ko bago nagtama muli ang mga mata namin.
"Be careful, Calli," sabi ni Pierre bago pumasok sa kanyang sasakyan at pinaharurot paalis.
I covered my mouth as uncontrollable sobs escaped my mouth. Hindi ba pwede na magkaroon ako ng payapa na buhay? Pagod na 'ko sa drama.
Suddenly, strong arms enveloped me. I was about to prtoest when Lev spoke softly. "Sige na, Calli. Iiyak mo lang 'yan."
Because of the comfort in his voice, nagpatuloy ako sa pag-iyak habang nasa mga bisig niya.
Pagkaraan pa ng ilang segundo, naramdaman ko na unti-unti nang nabalik ang composure ko. Tsaka ko lang na-realize na nasa labas kami ng building ng opisina ko.
"Lev," bulong ko at kumalas sa pagkakayakap niya.
Hinarap ko siya pero maya-maya lang iniwas ko ang mata ko sa mga paningin niya dahil nahihiya ako. Everything was too much to process.
"Pasensya ka na't nakita mo pa 'yon. Naabala pa tuloy kita."
"Don't say sorry, Calli. Buti na nga lang at bumalik ako para mapigilan si Pierre."
"Magkakilala kayo?"
"Oo naman, 'di ba anak siya noong may-ari ng hotel na pinagtatrabahuan ko?"
Naalarma naman ako bigla. "Baka ipatanggal ka niya sa trabaho." Nasapo ko naman bigla ang noo ko dahil sa inis. "Sorry, Lev. Sorry."
Pero nagulat ako nang isang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. He was still beaming with joy.
"Dahil lang doon? Calli, mali naman 'ata 'yon."
"Kayang-kaya nila gawin 'yon—"
"What makes you so sure? Ano mo nga ba si Pierre?"
Umangat ang isa niyang kilay at pinagkrus niya ang kanyang mga braso. I swallowed the lump that was growing on my throat.
"Basta! Kilala ko pamilya nila. I also know that they're capable of doing horrible stuff."
Naglakad palapit sa akin si Lev. His stance was screaming with full authority. Biglang lumandas ang isang imahe ng Lev na hinding-hindi mo gusto banggain dahil hindi mo kaya. My heart started to pound. Hindi siya kumalas sa pagkakatitig niya sa akin samantalang ako, panay na ang iwas ng tingin.
"Dare me if they want. Taunt me if they will. I'm not afraid of them. I will never be afraid of them."
I swallowed my non-existent saliva and met his intense stare. Ayaw ko mawalan ng trabaho si Lev dahil sa akin. He has done so much for me sa ikli pa lang ng panahon nang pagkakakilala namin. My conscience won't let me sleep if he gets fired.
"No one's a match for them," saad ko.
"Because I'm here, they have one now."

Book Comment (0)

    View All

Related Chapters

Latest Chapters