logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

Napaupo ako sa kama ko at hindi alam kung ano ang gagawin matapos marinig ang sinabi ni Tristan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Maiiyak ba ako? Kakabahan? Matatakot? Hindi ko alam. 
FLASHBACK 
"Cheng, huwag ka munang lumabas. Kagabi kasi," huminto ito sa pagsasalita. "Kasi, kasi may nangyari kagabi." 
Nangyari? May nangyari kagabi? Ano naman kaya? Teka hindi kaya..
Napatingin ako sa hita ko at napanganga. Napansin ko naman ang paglaki ng mga mata ni Tristan matapos makita ang reaksyon ko.
"Ano?! Walang hiya ka! Paano mo nagawa sa akin 'to!" Singhal ko kay Tristan sabay hampas gamit ang dalawang kamay ko sa magkabilang balikat niya. Nagulat naman ito dahil sa ginawa ko. 
"Ano kaba! Trisha hindi ganun. Mali 'yang iniisip mo!" Bigla akong napatigil sa paghampas matapos marinig ang sinabi niya at parang gusto ko na lang lamunin ng lupa sa sobrang hiya. 
Bakit ba kasi hindi niya ako deretsohin ayan tuloy iba ang pumasok sa isip ko. Akala ko kase nang sinabi niyang may nangyari akala ko sa aming dalawa.
"Deretsohin mo kasi ang pagkakasabi nang hindi ako napapahiya!" singhal ko sa kanya.
"Kagabi kasi bago pa ako dumating may kasama ka rito" panimula nito. Parang naninindig ang balahibo ko. Ano bang sinasabi ni Tristan hindi pa ba naalis ang pagiging weird niya? 
"Ano?" 
"Kagabi kasi bago paman ako makapasok sa kwarto mo napansin kong sira ang lock nang pinto mo at parang hindi lang ito basta-bastang nasira isa pa wala naman iyon nang umalis ako kaya naisip ko may force entry na nangyari kaya tumawag kaagad ako nang pulis pagkatapos ay dali-daling pumasok. Naabutan kitang nakahiga sa couch at hindi lang ikaw ang naabutan ko, may isa pang tao akong naabutan nakasuot ito ng mask at nakahood ang malala pa naabutan ko siyang hinuhubad ang damit mo." Hindi mainpinta ang mukha niya habang nagkukwento.
"Ano? Bakit hindi ko alam 'yan! Bakit wala akong maalala! Sino ang lalaking yun? Sabihin mo Tristan sino! Dalhin mo ako sa kanya para maparamdam ko ang galit ko sa walang hiyang 'yun!"
Sunod-sunod kong wika habang umiiyak. Paanong hindi ko alam ang nangyari? Bakit wala akong naaalala kahit kaonti? Muntik na akong magahasa tapos hindi ko alam?! Paano kapag natuloy 'yung masamang balak ng walang hiyang yun sa akin? Masisira ang buhay ko, magiging mesirable ako!
"Nagkasuntukan kami pero mas malakas siya kaysa sa akin kaya nakatakas siya nang hindi ko man lang nakilala. Ang sabi ng mga pulis tinurukan ka daw ng pampatulog at totoo nga dahil may nakita silang ebedensya sa sahig kaya tuloy-tuloy ang pagtulog mo at hindi ka nagising sa ingay. Ang masaklap pa wala silang makuhang lead kong sino ang gumawa nito sayo dahil may suot na gloves yung lalaki kaya walang fingerprints, sira rin ang CCTV"
End of FLASHBACK 
Present 
Nakaupo ako sa kama ko at nakatulala habang si Tristan naman ay nakaupo parin sa upuan at hindi nagsasalita. 
Hindi kaya ang lalaking nakita ni Tristan kagabi at ang lalaking ilang araw nang nanggugulo sa apartment ko ay iisa? Ang sabi kasi ni Tristan ang lalake kagabi ay nakasuot ng mask at nakahood eksaktong-eksakto iyun sa lalaking nakita kong nakatayo sa harap ng pinto ko noong nakaraang gabi. Pero sino ang lalaking yun?
Tiningnan ko si Tristan para sana magtanong kung may suspect siya sa nangyari pero natigilan ako nang may napansin akong iba sa mukha niya. 
"Anong nangyari dyan? Bakit nagka sugat ka sa pisngi?" May dalawa kasi siyang guhit nang sugat sa pisngi sa tingin ko hindi naman ganun ang sugat na nagagawa nang isang suntok lang parang gawa ng kung anong bagay. 
"Ah ito? Gawa 'yan ng lalaki kagabi. Sinuntok niya ako pero hindi ko alam na nagkasugat pala," wika niya. Kasasabi ko lang diba? Hindi magkakasugat ng ganyan ang simpleng suntok lang. Well, maliban na lang kapag may suot siyang singsing o kung ano mang bagay. 
"Oh tapos? Hindi mo man lang nilinis yan! Halika nga! Lilinisin ko!" 
Kinuha ko ang medicine kit na nakalagay sa loob ng cabinet ko at saka ginamot ang sugat ni Tristan. 
"Ang totoo may suspect ako kung sinong gumawa nun sa'yo kaso kaylangan ko pa ng sapat na ebedensya." 
"Sino?" 
Hindi na ito sumagot. Pagkatapos kong lagyan ng band aid ang sugat niya, sinabi niya sa akin na magbihis ako dahil kailangan daw naming pumasok kahit kalahating araw na lang. If I know gusto niya lang pumasok para makita si Shane. Naligo ako at nagbihis pagkatapos ay umalis na kami. Pumunta muna kami sa isang kainan para kumain bago dumiretso sa eskwelahan.
Pagdating namin sa Beaufort naunang bumaba si Tristan mula sa sasakyan nito kaya hindi na ako nagtaka kung bakit pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Sana naman hindi ko naubos ang pasensiya ni Shane kakasama dito sa boyfriend niya. 
Pagkababa ko nagulat ako nang may dalawang babaeng lumapit sa akin. Lumingon-lingon ako sa paligid at napansin kong nagbubulungan iyung ibang mga estudyante habang nakatingin sa akin. Bakit ako ang tinitingnan nila samantalang si Tristan naman ang sikat dito? Tiningnan ko si Tristan ngunit nagkibit balikat lang ito. 
"Hi ate Trish, balita namin ikaw raw ang nakatuklas sa taong pumatay kay Miss Elizabeth. Grabe ang galing mo!" wika nang isang babae. Halatang mas bata sila kaysa sa akin, tinawag nga  akong ate. Tinaasan ko lang ito ng kilay dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. 
"Oo nga ang galing mo! Balitang-balita nga dito sa Beaufort ang ginawa mo." Nakangiting sabi naman ng isang babae. Ano ba naman 'to! Hindi ako sanay sa ganito. 
"Uhm," Hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin. Sana naman may magliligtas sa akin mula sa sitwasyong 'to. 
Parami nang parami ang mga lumalapit sa akin at lahat sila nagtatanong kung paano ko raw nalaman kung sino ang killer. Buong buhay ko ngayon lang ako pinagkakaguluhan ng ganito kaya ang tanging hiling ko lang ay sana lamunin na ako ng lupa dahil sa sobrang hiya. 
"Excuse me! Pasensiya na may klase pa kase kami." Rinig kong sabi ng isang lalaki and it was Tristan. Sino pa nga bang aasahan kong magliligtas sa akin mula sa kabaliwan na ito kundi ang nag-iisang bestfriend ko. 
Hiwakan niya ako sa kanang kamay saka walang awang kinaladkad paalis sa lugar na 'yun. Halos magkadapa-dapa ako sa sobrang bilis ng paglalakad niya. Rescue ba tawag niya dito? Kase kung oo mas gusto ko na lang maiwan doon at pagkaguluhan ng mga estudyante. 
"Teka, aray! ouch! Ah!. Tristan tigil!" Napahinto ito dahil sa sigaw ko at nagulat nang makita akong nakayuko habang naghahabol ng hininga. As if wala siyang alam sa nangyari. 
"Ah? Napalakas ba 'yung paghila ko sa'yo?" What? All this time hindi niya alam na halos masubsob ako sa dinadaanan namin dahil sa sobrang bilis niya? Kung hindi lang siya cute at matipuno inupakan ko na to e!
"Hi-hindi ba ha-halata?" Wika ko habang pilit na huminga. 
Ilang minuto ang lumipas narating na namin ang room namin kaya agad na kaming pumasok at naghintay ng guro at katulad sa nangyari kanina pinagtitinginan na naman ako ng mga kaklase ko kaya isinubsob ko na lang ang mukha ko sa bag. 
"Good afternoon students! By the way, where's Ms. Chen and Mr. Valle?" Bigla kong inangat ang ulo ko nang marinig ang sinabi ng guro namin. Si Ma'am Lizzie Monte guro namin sa Business Management. Tiningnan ko si Tristan at nagulat ako nang itaas niya ang kaliwa niyang kamay at nakangiti pa ito. 
"Anong ginagawa mo nakakahiya," wika ko. 
"Okay lang 'yan para pareho na tayong sikat." Nag wink ito pagkatapos ay bahagyang tumawa.
So, gusto niyang sumikat rin ako katulad niya? Hindi na ako magtataka kung isang araw malalaman kong siya ang may pakana kung bakit kumalat ang balitang kami ang nakalutas ng kaso. 
"Nandiyan pala kayo. Students let's give them around of applause! Ang gagaling nila!" Ma'am Lizzie said. 
Yeah! Whatever! I rolled my eyeballs pagkatapos ay nag fake smile lang ako. Lumingon ako kay Tristan at nakita kong todo ngiti ito sa mga kaklase namin. Gusto niya talagang laging napapansin.
"At dahil diyan kaya napag desisyonan ng Presidente ng School na kumuha nang dalawang tao na magiging College Detective's na tutulong sa pag-iimbestiga  kung sakaling may maganap ulit na krimen dito sa eskwelahan natin," paliwanag nito. 
"Ma'am kami po," masiglang sabi naman ng isa kong kaklase. 
"Wait! I'm not done yet. Ang mapipili ay mabibigyan ng pagkakataon na makapag training at makakuha ng exam kaya galingan ninyo." Ma'am Lizzie said.
Pagkatapos sabihin ni Ma'am Lizzie ang tungkol sa College Detective's ay hinayaan niya na kaming lumabas. Sinabi niya rin na bukas magaganap ang paligsahan kaya lahat naghahanda. 
Naglalakad kami ni Tristan papuntang cafeteria ng makasalubong namin si Shane. Ngumiti ito nang makita si Tristan ngunit nawala ang ngiti nito nang makita ako. Why? Lage niya naman kaming nakikita ni Tristan na magkasama at alam niya namang hanggang magkaibigan lang kami pero bakit ganun ang reaksiyon niya?
"Ah, Tristan mauna na ako sa cafeteria," paalam ko. 
"Sama kana sa amin. Doon din naman kami pupunta, diba Babe?" Tiningnan ko si Shane at nakita kong nag iba ang ekspresyon niya, parang ayaw niya akong makasama. 
"Naku Trish, gustuhin ko mang makasama ka namin kaso may iba pa kase kaming gagawin ni Tristan, diba Babe?" malambing na tanong nito. 
Like duh! Akala niya siguro hindi ko alam na galit siya sa akin at ayaw niya akong makasama. 
Yeah! Hinahangaan ko si Shane kase cool siya pero huwag lang siyang magkakamaling banggain ako, pumapatol pa naman ako kahit sa mga taong hinahangaan ko. 
Like my Mom said when I was a kid.
"Masama ang mang-api pero hindi masama ang lumaban. Sabi pa niya hinding-hindi daw niya ako kakampihan kapag nalaman niyang ako ang naunang nakipag-away pero gagawin niya daw ang lahat makaganti lang ako sa mga nang-aapi sa akin" 
Kaya huwag lang siyang magkakamali!

Book Comment (26)

  • avatar
    Dar Win

    thanks

    12d

      0
  • avatar
    BanzonMatthew

    5d6dufufuf

    08/08

      0
  • avatar
    Mo'hd Nadjer Asnie

    hhhgyywywywyw wgevegegehbwywywuwgwgwywywhwg6whwvwgwyey3gegeyeyeyeyyeyeyeyey3y3y3y3y3636y3g3tiwbwgw ok 3b3y3y

    24/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters