logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

Ala una ng hapon, nandito parin kami sa pulis station ngunit sa puntong ito ay kaharap na namin ngayon ang taong karumaldumal na pumatay kay miss Elizabeth.
Kasalukuyan kaming nandito sa loob ng isang silid at nakaupo sa harap ng isang mahabang mesa. Nasa gitna namin ni Tristan nakaupo si Tito Stanley habang may dalawang guards naman na nakatayo malapit sa pinto. Ilang minuto kaming tahimik lang sa loob ng kwartong ito, hindi nagsasalita at nakatitig lang sa binatang nakaupo ngayon sa harap namin, pinagmamasdan ang bawat anggulo ng kaniyang mukha.
"May idea ka ba kung bakit ka nakaupo sa harap namin ngayon?" pambasag katahimikan na tanong ni Tito Stanley sa binatang nagngangalang Archie Toledo na ngayon ay galit na nakatitig sa amin.
"Hindi ko alam! Bakit niyo ba ako dinala rito? Wala akong ginawang masama!" mariin nitong sabi na para bang inosente talaga siya. Kung hindi ko pa alam ang katotohanan siguradong mapapaniwala niya akong wala siyang ginawang masama dahil sa mga titig niya na karaniwang hindi magawa ng mga taong guilty.
"Kahapon kasi ay may pinatay na isang guro sa Beaufort College kaya sigurado kang wala kang ginawang karumal-dumal? Katulad ng pagpatay gamit ang kutsilyo?" Tito Stanley said. Siguro sinabi niya lang iyon nang sa ganun makita namin kung ano ang magiging expression ni Archie ngunit hindi man lang ito natinag sa sinabi ni Tito. Seryoso parin itong nakatitig sa amin.
"Sinabi ko na ngang wala akong..." Hindi niya naituloy ang sasabihin niya nang may biglang pumasok na isang babae.
Biglang nag-iba ang ekspresiyon nito, ang kaninang seryoso at galit na mukha, ngayon ay bigla nalang nag-alala, natakot at nanginig.
Ang babaeng pumasok ay nagngangalang Francine Warren, labing walong taong gulang. Nang makaupo ang babae sa gawing kanan agad namang sumenyas si Tito sa akin, na para bang sinasabing oras na para sabihin ang totoo. Tumayo ako at bahagyang lumapit sa binatang nagngangalang Archie.
"Archie Toledo, labing walong taong gulang," panimula ko, nakayuko ito at hindi man lang ako magawang tingnan, "Bago ang lahat gusto kong sabihin sa'yo na ang talino mo para palabasin na suicide ang nangyari, muntik mo na kaming mapaniwala kaso hindi malinis ang pagkakatrabaho mo. Sa lahat ng pumasok sa opisinang iyon ikaw lang ang lumabas na kahina-hinala kaya tinawagan ko ang kaibigan ko at pina-imbestigahan kita at doon ko nalamang may girlfriend ka at ang babaeng iyon ay walang iba kundi ikaw!" Sabay turo ko sa babaeng nakaupo habang umiiyak, "Tama ba ako Francine? Boyfriend mo itong lalaking ito?" nakayuko lang ito. Hindi makasagot
"Anong masasabi mo?" tanong ni Tristan kay Archie.
"Yu-yun lang? Para ganun lang, ako agad ang pumatay? Ano naman ngayon kung girlfriend ko si Francine?! Mahal ko si Francine at wala akong gagawin na ikakasama ng loob niya kaya palabasin niyo na kami. Tara na Francine!" Tumayo siya at akmang hihilain si Francine ngunit kaagad siyang pinigilan ni Tito Stanley.
"Ops! Easy ka lang hindi pa tayo tapos, boy!" Saka sumenyas sa akin para magpatuloy. Bumalik naman sa pagkakaupo si Archie, mapapansin sa kaniyang mukha ang pagkabahala.
"Si Francine na girlfriend mo ay kapatid ni miss Elizabeth," nagulat ito nang marinig ang sinabi ko, "Tatlong taon na kayong magkarelasyon, hindi ba? Oh! Nakalimutan ko palang sabihin na sa loob ng tatlong taon ay walang ka alam-alam si miss Elizabeth sa namamagitan sa inyo dahil gusto nito na pag-aaral muna ang unahin ni Francine at hindi pag bo-boyfriend kaya itinago niyo ito. Kaso dahil sa sobrang pagmamahal mo kay Francine kaya nag desisyon kang mag propose sa kanya syempre kailangan mo munang magtapat sa kapatid nito na walang iba kundi si miss Elizabeth kaya ka nagpunta sa opisina nito tama?"
"Tumigil kana! Sir huwag kayong maniniwala sa babaeng ito hindi niya alam ang sinasabi niya! Nababaliw na siya!" Sinubukan niyang paniwalain si Tito na nababaliw na ako ngunit tinaasan lang siya nito ng kilay.
"Tumahimik ka kung ayaw mong dumugo 'yang bibig mo! Huwag mo siyang tatawaging baliw dahil nagsasabi siya ng totoo, isa pa ako lang ang may karapatang tumawag sa kanya ng baliw kuha mo?!" wika ni Tristan.
Aba talaga! Tiningnan ko ito nang masama at agad naman itong umiwas ng tingin. Minsan talaga hindi nakakatulong si Tristan.
Hinayaan ko na lang ito at nagpatuloy na sa pagsasalita.
"Ipinagtapat mo ang relasyon ninyo kay miss Elizabeth at nang malaman ito ng guro ay nagalit ito. Galit na galit ito at dahil doon kaya may nasabi siyang hindi maganda tungkol sa'yo o hindi kaya ininsulto niya ang pagkatao mo kaya ka hindi nakapagpigil ng galit. Kinuha mo ang kutsilyong nakalagay sa gilid nang mesa nito, alam ko 'yun dahil minsan na rin akong nakapasok sa opisina ni miss Elizabeth at nakita ko ang kutsilyong iyun dahil ginagamit niya 'yun kapag nagbubukas siya ng mga kartong nababalot ng makapal na tapes. Kinuha mo iyon at isinaksak sa kanang bahagi ng kanyang tiyan." Napansin ko ang paglala ng kanyang panginginig.
"Napansin mong maraming dumadaan na mga estudyante sa labas ng opisina dahil nakikita mo ito mula sa loob ngunit hindi ka nila nakikita dahil tinted ang salamin. Dahil sa sobrang kaba nailagay mo ang kutsilyo sa kaliwang kamay ni miss Elizabeth na dapat sana ay sa kanan dahil nasa kanan ang saksak niyo pagkatapos ay sandali kang nagtago sa ilalim ng mesa at agad na hinubad ang polo at ipinasok ito sa dala mong bag."
"Pa-paano mo nalaman?" Sa wakas umamin na rin siya. Kahit kasi alam ko na ang nangyari iba parin kapag siya mismo ang umamin.
"Dahil nakita ko ito sa ilalim ng mesa." Sabay pakita ko ng singsing na napulot ko sa ilalim ng mesa nang mag imbestiga kami ni Tristan. "Ito iyong singsing na ibibigay mo sana kay Francine, tama ba? Nahulog mo ito nang hubarin mo ang polo mo," dugtong ko.
Maluha-luha itong tumingin kay Francine.
"Francine sorry, patawarin mo ako hindi ko sinadya ang nangyari. Babe, maniwala ka mahal kita please forgive me." Linapitan niya ito at lumuhod sa harap ng kasintahan na ngayon ay hindi alam kung ano ang mararamdaman.
"Pinatay mo si Ate? Walang hiya ka! Mamamatay tao ka! Umalis ka sa harap ko, guard's please alisin niyo na ang lalaking ito sa harapan ko. Ikulong niyo na siya!" Agad nilapitan ng guards si Archie at hinawakan ito sa magkabilang kamay.
"Babe! Francine! Mahal kita. Please tulungan mo ako!" Huling sabi nito bago tuluyang inilabas ng kwarto.
Naiwan kaming tahimik lang at hindi magawang magsalita.
Matapos kong sabihin ang totoo ay para akong naawa kay Archie, nagawa niya lang iyon dahil sa sobrang pagmamahal. Nagui-guilty ako.
Tama kaya ang ginawa ko?

Book Comment (26)

  • avatar
    Dar Win

    thanks

    12d

      0
  • avatar
    BanzonMatthew

    5d6dufufuf

    08/08

      0
  • avatar
    Mo'hd Nadjer Asnie

    hhhgyywywywyw wgevegegehbwywywuwgwgwywywhwg6whwvwgwyey3gegeyeyeyeyyeyeyeyey3y3y3y3y3636y3g3tiwbwgw ok 3b3y3y

    24/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters