logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 04

Kairi's P.O.V
"HINDI pero sinasabi ng puso ko na hihintayin ka kahit gaano pa katagal."
Linyang binitawan niya, ayan na naman siya sa mabulaklak na pananalita, umagang umaga pinasasakit ulo ko argh!
"Umalis ka diyan sa dinadaan ko!" mataray na pagkasabi ko. Mabilisan kong tinanggal ang aking kamay na hinawakan niya at tinulak ko siya para makadaan ako.
"Kairi, wala ka man lang ba sasabihin?" Para siyang aso na nakasunod sa amo niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad, pero ang hudas hinigit ako sa braso dahilan para mapaharap ako sa kaniya.
"Alam mo Drei huwag mo akong binibiro kasi hindi na nakakatuwa."
Hinigit niya ako lalo palapit sa kaniya, na wala halos hangin na makakadaan dahil sa sobrang magkadikit namin. Napahawak ako sa kaniyang dibdib at humawak siya sa aking beywang.
"Hindi kita bibiruin, kasi seseryosohin kita." Panay tingin pataas pababa sa aking mata at labi.
Dahil naiirita na ako sa ayos ng posisyon namin, tinulak ko siya kaso na-out of balance si hudas kaya natangay niya ako. Sabay kaming napahiga sa sahig ang ending nakapaibabaw ako sa kaniya. Pinikit ko ang aking mata kasi feeling ko konti lang pagitan ng aming labi.
"Kapag dinilat mo mata mo hahalikan kita," dumagundong ang dibdib ko sa kaba, sino ba ang may gusto mahalikan for pete's sake hindi pa ako nahahalikan. Kapag nagkataon ang hudas na 'to ang first kiss ko. No boyfriend since birth ako at pinangako ko sa aking sarili na hahalikan ko lang ang lalaking mahal ko.
Paano kung ang tinutukoy kong hudas ay siya pala ang magiging boyfriend ko? Ani ng aking isipan.
Umiling-iling ako dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isipan ko. Hindi na lang ako gumalaw at nananatiling nakapikit baka tutuhanin niya ang kaniyang banta. Ramdam ko tuloy ang malakas na tibok ng kaniyang puso pati hininga niya naaamoy ko, sabi ko nga ba ang lapit lang.
"Sa lapit ng mukha mo sa akin ngayon, napagmamasdan ko ang iyong kagandahan." Kahit hindi ko nakikita alam ko nakangisi ang hudas, pati amoy mint ng hininga niya amoy na amoy ko.
"Bwisit ka! Kapag nakaalis ako rito humanda ka sa akin manyakis!" Ipit na tawa ang binigay niya sa akin.
Dahil naririnig ko na ang mga bulungan ng aming kaklase pinilit ko makaalis sa pagkakahawak niya sa akin. Diniin kong tinukod ang aking mga siko sa dibdib niya dahilan para masaktan siya at nakawala ako, agad ako bumangon at inayos ang dress ko.
Tinignan ko agad ang itsura ng aming kaklase at lahat sila nakangisi ang iba napapailing, tumingin ako kay hudas na ngayon ay nakatayo na at pinapagpag ang kaniyang kasuotan.
Masamang tingin ang pinukaw ko sa kanya samantalang siya napapangiti lang sana lamunin ka na ng lupa para wala ng bwisit sa buhay ko.
"Ayaw mo talaga mahalikan huh! Sayang pagkakataon ko na sana 'yon." May pahawak-hawak pa sa kaniyang labi.
"Manyakis!" malakas na pagkasabi ko sabay sipa sa kaniyang ibaba.
"Ouch! What the fuck Kairi!" Napayuko siya hawak ang kaniyang ibaba.
Nilagpasan ko siya at iniwan mag-isa, naglakad na ako papunta sa aking upuan nilingon ko pa siya na hanggang ngayon nasasaktan pa rin kulang pa 'yan sayo pervert tsk!
Mga ilang minuto ang lumipas naramdaman ko umupo siya sa likuran ko, napahiya ang hudas kaya hindi tumabi. Nakita kong pinagtitinginan siya at tinatawanan, palihim din ako napapangiti.
Biglang tumahimik at umupo kami nang maayos dahil dumating na si prof Lito.
"Good morning class, this our first lesson at gusto ko isang activity ang gagawin natin. I will group you into two groups probably ten lang kayo lahat so tig five members bawat grupo." Paliwanag ni prof tapos kinuha niya ang kaniyang class records para ayusin niya ang paggrugrupo.
Ang resulta ng ginawa niya paggrugrupo magkasama kami ni Drei, kung minamalas ka naman sinabunutan ko tuloy ang aking buhok.
"Kanina ang malas ko ngayon nasa akin ang swerte." Pabulong na sabi niya mula sa likuran ko, tinakpan ko ang aking tenga tanda na ayaw ko pakinggan sinasabi niya.
"Ang gagawin niyo na activity gagawa kayo ng isang short video bahala na kayo kung ano theme, basta ang gusto ko lang makita kung paano niyo pagagandahin ang pagkuha ng isang anggulo sa camera naintindihan ba?" Nilingon kami ni prof mula kanan hanggang kaliwa, sa lawak ng acting classroom parang kasya ang isang daang students maarte kasi ang iba ayaw maupo sa gitna.
Ang iba may mga katanungan pero ako tahimik lang na nakikinig, wala ako sa mood makipaginteract lalo na naiinis pa ako sa taong nasa likuran ko.
Nag-discuss pa si prof ng lesson namin about sa filmmaking major namin ito kaya binibigyan ko ng halaga, umabot ng dalawang oras ang lecture na tanging pagsusulat at pakikinig ang ginawa ko.
Nang nagring ang bell pinaalala sa amin ni prof 'yong activity na aming gagawin, hindi naman bukas iprepresent 1 week namin gagawin hindi kasi madali gumawa lalo na't mahirap mag-edit.
Paglabas ni prof nagmeeting kami na magkagrupo kung ano at paano namin gagawin ang activity. May mga suggestion sila pero ang iba sa amin hindi convince, napapangitan o talagang hindi gusto. Naabutan na kami ng lunch na wala pa final na napagkakasunduan kung ano theme ang gagawin namin, kaya after ng class do'n namin itutuloy.
Nauna nang lumabas ang iba sa amin, ako heto inaayos ko pa mga gamit ko ng biglang sumulpot si hudas sa harapan ko nang walang pasabi.
"Ay! Hudas ka!" Gulat na sabi ko nabitawan ko pa ang aking notebook.
"Grabe, ganyan ba tawag mo sa akin hudas talaga!" Hindi makapaniwalang sabi niya na pailing-iling.
"Oo, sa katunayan nga marami pa ako tawag sa'yo ano gusto mo barabas, hestas, dismas, manyakis, bastos, pakialamiro, mayabang, pa-" hindi ko natuloy kasi dinampi niya ang kaniyang daliri sa labi ko.
"Kahit ano pa ang itawag mo sa akin wala ako pakialam dahil sa'yo lang naman ako may pakialam." Umupo siya sa bandang harapan ko.
Hindi ko siya iniimikan kasi talagang naiinis pa rin ako sa kaniya, panay pag-irap ang pinupukol ko sa kaniya at hindi pinapansin manigas ka diyan bagay lang sa'yo.
"Kairi sorry, I'm really sorry kung hindi mo gusto ko mga ginagawa ko sa'yo pero ito lang masasabi ko, 'yong sinabi ko na hindi ka na mag-iisa totoo 'yon, dahil palagi lang akong nandito hindi kita iiwan. Sorry kung feeling mo nababastos kita pero kahit kailan hindi kita babastusin kung hindi proprotektahan pa kita." Seryoso siyang nakatingin sa akin na parang hindi mo mapakitaan ng kalokohan, nakikinig lang ako sa kaniya habang nagpapaliwanag.
Ito ba ang totoong pagkatao ng isang Drei Capistrano na seryoso sa mga sinasabi niya. Nasanay na kasi ako na puro kalokohan ang alam niya gawin, pero ngayon parang isang maginoo na humihingi ng kapatawaran sa kanyang binibini.
"Bakit mo sa akin sinasabi ang lahat ng 'yan ngayon?" nakakunot noo tanong ko.
Napabuntong hininga siya. "Dahil ayokong pag-isipan mo ako ng iba, na masamang tao ang tingin mo sa akin, ayokong tuluyan lumayo ang loob mo sa akin dahilan para layuan mo ako dahil hindi ko makakaya." Napayuko siya pagkatapos niyang sabihin.
Sa ginawa niya nakaramdam ako ng konting kirot, dahil siya lang ang taong nakaintindi sa akin, kahit nalaman niya ang pinagdaanan ko sa buhay, hindi niya ako iniwan tulad ng mga matatagal ko ng kaibigan na tinaguan ako.
Inangat ko ang kaniyang mukha nakatingin siya sa akin na malungkot.
"Sa totoo lang Drei sumasakit ulo ko, nililito mo isip ko dahil hindi ko maintindihan kung ano ang gusto mo ipahiwatig. Sa mga pinapakita at mga sinasabi mo. Pero naisip ko rin sa lahat ng tao na nalaman ang pinagdaanan ko sa buhay, ikaw lang ang hindi nang-iwan bagkos nanatili ka kasama ko. Hindi naman gano'n masamang tao ang tingin ko sa'yo may parte sa isip ko na dapat lang kilalanin pa kita ng maigi. Dahil diyan pwede ba tayo maging matalik na magkaibigan maaari ba?" Hawak ko kamay niya pinipisil-pisil ko ito habang naghihintay ng kaniyang isasagot.
Matagal bago siya makasagot nakabuka lang ang kaniyang bibig na may nais sabihin, pero hindi niya maituloy parang may pag-aalinlangan.
"Kairi, sige kung 'yan ang nais mo, ang mahalaga sa akin ngayon ang manatili sa buhay mo." Agad niya akong niyakap kaya nabigla ako, sa una hindi ako makagalaw pero hindi rin nagtagal ginantihan ko ang pagyakap niya.
"Ano ok na tayo?" Nakangiti akong tumingin at ginulo ko buhok niya.
Tumango lang siya at pilit na ngumiti, parang hindi siya masaya ngunit hindi ko na lang pinansin.
"Halika ka na lunch na tayo." Anyaya ko sa kaniya tumayo na ako at naglakad na, akala ko nasa likuran ko na pero pagtingin ko nakaupo pa rin na nakayuko.
Nilapitan ko siya at tinapik sa balikat na agad naman niya inangat ang kaniyang mukha.
"Drei, dati-rati panay sunod mo sa akin kahit hindi ko naman sinasabi sa'yo anyare ngayon?" Nagtatakang tanong ko na nakatingin sa mga mata niya.
Tumayo siya at hinawakan niya kamay ko. "Sabi kasi ng mommy ko, follow your dreams. Magmula nang nakilala kita kasama ka na sa mga pangarap ko."

Book Comment (129)

  • avatar
    Gina Bernardo

    A HIGHLY RECOMMENDED THIS STORY,,NAPAKAGANDA,,CONGRATS AUTHOR,,ANG DAMI KONG IYAK,,,,I REALLY LOVE IT..IT INSPIRED THE READERS LIKE ME,

    18/02/2022

      3
  • avatar
    Angeline Padilla

    Yong sobrang dami niyo ng pinag daan ni Drie tas ang ending kay Noah pala siya , Sobrang ganda ng story mo Author ♥ I've already read Bachelor 1 and 2 , at sobrang nagandahan ako 🤗 Waiting for Bachelor 3 MWHEHEHE keep it up ✊♥

    26/12/2021

      0
  • avatar
    Josie Anne Daquio Bañares

    collage na siya At pupunta na siya sa skul ng may lalaking nakabangga sa Kanya at nagalit yung babae at minumura ang lalaki at kalaunan nag pa kilala Yung lalaki drei pangalan niya tsaka naman Nag pakilala yung babae at same room pala Sila Kasi yung lalaki fillmaker rin yung kinuha at sabay na silsng pumunta sa room nila

    20/12/2021

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters