logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 02

Kairi's P.O.V
"DAHIL ako lang ang dapat mong tignan."
Katagang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko. Hindi ko nga pinansin ang sinabi niya na 'yon dahil hindi ko rin naman alam ang isasagot ko.
Nakatulala ako na parang wala sa sarili bwisit kasi na hudas na 'to.
"Kairi"
Napansin ko na lang may nagsnap ng fingers sa harapan ko. Pagtingin ko mukha ni Drei na nagtataka.
"Ah?" tulalang sabi ko.
"Tinatawag ka ni prof kanina pa." Tinuro niya si prof sa harapan kaya napatingin ako.
"Miss, can you go in front and tell something about yourself?" Tumango lang ako.
Naglakad ako papunta sa harapan na hindi nililigon si Drei nahypnotized yata ako putek!
Pagdating ko sa harapan ngumiti ako kay prof at tinignan silang lahat, pwera lang kay hudas mahirap na.
"Hello everyone, ako nga pala si Kairi Caringal 19 years old. Only child at si mama lang kasama ko sa bahay."
Huminto ako saglit kasi parang may bumara sa aking lalamunan. Tumingin ako kay prof tumango siya na ipagpatuloy ang aking sasabihin.
"Naghiwalay sila ni papa itong nakaraan buwan lang dahil pinagpalit kami sa iba. Magmula no'n lahat ng malalapit sa amin iniwan kami kahit kamag-anak man at mga kaibigan. Feeling ko kasalanan pa namin ang nangyari kaya tinatanong ko ang aking sarili kung bakit nangyari ito?Pakiramdam ko ayaw nila sa akin kaya nagpapakatatag ako para kay mama. Siya lang ang mayron ako kaya hindi ko hahayaan na pati siya iwan ako."
Napayuko ako bigla lahat tumahimik nakikinig lang, pinipigilan ko pumatak ang aking luha hindi ako pwede panghinaan ng loob gaya ng palagi ko sinasabi kay mama.
Tumingala ako at ngumiti sa kanila.
"Pero heto ako ngayon sa lahat ng nangyari sa buhay ko naging matatag ako. Kumuha ako ng filmmaking hindi dahil gusto ko maging isang magaling at sikat na director balang araw, kung hindi para sa mama ko at para sa sarili ko. Bata pa lang ako pinagtritripan ko na mga kalaro ko kunwari ko silang pinapaarte at kinukuhan ng video, hanggang sa pagtanda palagi ako nanonood ng shooting pinapanood ang gingawa ng director, nakakamangha lang kaya napamahal na sa akin ang larangan ng cinematography. At kay mama palagi niya sinasabi na gusto niya ako makitang naglalakad sa red carpet, tatanggap ng isang trophy galing sa famas, academy at golden globe awards 'yon lang po thank you." Tumawa ako ng mahina pati sila napatawa rin.
Umalis ako harapan at nagpalakpakan sila.
Pagdating ko sa aking upuan nakakapagtaka at tahimik ang hudas wala ata balak mangbwisit, kaya hinayaan ko na lang pagkakataon ko na ito para magkaroon ng katahimikan nakakastress kasi siya.
"Class huwag niyo isipin na nasa isang recollection tayo o anuman tawag niyo. Tama ang ginawa ni Miss Caringal dinetalye niya kung ano ang nangyari sa kaniyang buhay hindi kahihiyan ang tawag do'n kung hindi katapangan, dahil hindi siya nagdalawang isip na ibahagi sa atin ang kaniyang talambuhay. As a director dapat matuto kang makinig hindi para manghusga lalo na sa mga artista na iyong makakatrabaho, maging open ka sa kanila para madali nila makuha ang isang eksena," mahabang paliwanag ni prof lahat ng mata nasa harapan lang walang nagtakang magsalita o magtanong.
Habang nagpapaliwanag si prof biglang pumunta sa harapan ko si Drei kaya nagulat ako.
"Ano ba Drei bigla ka na lang nanggugulat?! Napakabipolar mo talaga! Alis ka nga diyan alam mo nagsasalita pa si prof!" Tinulak ko siya para umalis pero hindi man lang natinag. Nakahawak siya sa magkabilang arm desk ng upuan ko seryoso siyang nakatingin sa akin.
"What? Ano ba kailangan mo?" mahinang pagkasabi ko baka marinig kami, pero hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa inis.
"Magmula ngayon hindi ka na mag-iisa."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit mo naman nasabi?"
Bigla siya tumayo at nilapit niya ang mukha niya sa akin as in konti lang ang pagitan.
"Because you have me."
Nakanganga ako sa sinabi niya magsasalita sana ako nang tapikin siya ng aming klaklase. Siya na ang susunod na magpapakilala.
Naglakad siya papuntang harapan na g'wapong g'wapo sa sarili napailing na lang ako tsk.
"Hello everyone, I'm Drei Capistrano 19 years old pinili ko ang kurso na ito dahil may gusto ko patunayan sa aking sarili. Kahit galing ako sa pamilya na kilalang magagaling na director hindi ko gagamitin ang apelyidong dala-dala ko para maging katulad nila, bagkos pagsisikapan ko lahat para makamit ko kung anuman ang narating nila." Nag-bow ang hudas at naglakad pabalik sa upuan niya.
Pagbalik niya kumindat pa ang loko inirapan ko nga mafeeling.
"Class thank you sa pagbabahagi niyo ng inyong buhay dahil diyan nakilala ko kayo. May mga bagay talaga sa sa buhay ng tao na hindi natin inaasahan mangyayari, minsan magugulat ka na lang na nangyari na. Basta ito lang ang maipapayo ko sa inyo dapat maging handa lang kayo palagi. That's all for now see you all tomorrow." Nagpaalam na si prof at lumabas ng room.
Nakaupo lang ako ayaw pa kasi ng paa ko umalis. Sa narinig ko kanina iba-iba pala kami ng life story, sa lahat ng tao dito sa mundo wala kang makikita na walang pinagdadaanan sa buhay.
"Hi! Kairi." Bati sa akin ng isa kong klaklase kaya napatingin ako sa kaniya.
"Hello!" sagot ko habang nakangiti.
"Pwede ba sabay na lang tayo mag-lunch?"
"May kasabay na siya mag-lunch brod." Singit ni Drei sa usapan namin may pagkabastos talaga.
"Ganun ba, sige next time na lang mauna na ako."
"Wala ng next time brod."
Napalingon ulit siya na parang nagtatanong dahil sa sinabi ni Drei.
"Ah! Wala 'yon sige mag-ingat ka."
Pagkaalis niya tinampal ko balikat ni Drei talagang nilakasan ko.
"Aray! Bakit na naman ba?"
"Bakit? Alam mo napakabastos mo, alam mo may kausap ako bigla ka na lang sumisingit." Napatampal na lang ako sa aking noo.
"Wala naman nagsabi na bawal ang sumingit ah!" pagmamatigas na sabi niya. Pinaglalaban niya kung ano gusto niya.
"Kahit walang nagsabi dapat hindi mo ginawa kabastusan ang tawag do'n!" Hindi rin ako nagpapatalo sa kaniya para kaming nagdedebate, buti wala ng tao kami na lang dalawa.
"Kairi, ang bastos 'yong naghuhubad." Pigil na pagtawa niya dahil lumaki mata ko dahil sa hubad na 'yan.
"Ewan ko sa'yo at sino may sabi na may kasama na akong mag-lunch?"
"A-ako kasama mo mag-lunch, wala naman masama kakain lang tayo."
"Bakit pumayag na ba ako?"
"Sarili ko mismo ang pinayagan ko." Kumindat ang hudas at may pahimas himas sa kaniyang baba.
"Drei, suko na talaga ako sa'yo." Tinaas ko ang aking kamay na parang sumusuko.
"Ako kahit kailan hindi kita susukuhan." Ngumiti siya na may kasamang beautiful eyes.
Binuksan ko ang aking bag kinuha ang coin purse wallet ko, kumuha ako ng piso at binigay sa kaniya nagtataka ito napatingin sa akin.
"Iyan ang piso maghanap ka ng makakausap mo." Binitbit ko ang aking bag at umalis na, kaso sinundan din pala niya ako.
Kahit nakalabas na kami ng room kinukulit pa rin niya ako. Binibilisan ko na nga ang paglalakad naabutan pa rin niya ako, ng hindi ko na nakaya huminto ako at hinarap ko siya.
"Drei, please lang buong araw mo na ako kinukulit kahit ito lang tantanan mo ako." Nakapameywang na sabi ko biglang sumeryoso ang mukha niya.
"Please rin Kairi gusto ko gawin ito sa'yo at sorry dahil hindi ko mapagbibigyan ang kagustuhan mo na tantanan ka," parang naging maamong tupa ang itsura niya, nakaramdam ako kahit papano ng konting awa.
"At bakit mo ginagawa 'yan sa akin?" mahinahon ko rin sabi kahit suplada ako may pusong mamon pa rin.
"Di ba sabi ko sa'yo magmula ngayon hindi ka na mag-iisa." Para siya maiiyak dahil na rin sa tono ng boses niya at mamula-mulang mata.
Tinignan ko siyang maigi baka mamaya niloloko lang ako o pinaglalaruan, pero parang mukha naman seryoso.
"Totoo ba 'yan o pinaglalaruan mo lang ako? Ngayon lang tayo nagkita at hindi pa kita gano'n kakilala." Kanina pa kami nakatayo na nag-uusap buti wala pakialam ang ibang estudyante.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kanan kamay ko kaya nagulat akong napatingin.
"Eh, di kilalanin mo ako mabuti 'yon naman ang gusto ko mangyari na makilala natin ang isa't isa maaari ba?" Hindi pa rin niya inaalis ang pagkahawak sa aking kamay at hinihintay ang aking isasagot.
"Ano na payag ka na ba?" Niyugyog niya ang aking kamay.
"Sige na nga," hindi pilit ang pagkasabi ko kung hindi bukal talaga sa puso ko.
"Tara lunch na tayo." Hindi pa ako sumasagot nanghila na siya.
Hila pa rin niya ako hanggang nakarating kami sa canteen.
Kung hindi pakialamiro, papansin, alaskador, bastos, makulit, bipolar mahiling maghila 'yon ang napapansin ko sa kaniya.
Pagpasok namin sa canteen maluwag, puro glass wall, centralized aircon, maraming pagkain at makakapili ka ng gusto mo, walang waiter kaya self service, hindi pera ang pinambabayad kundi computerized card na sinaswipe ang code mo kasama 'yon sa binabayaran namin.
"May problema ba?" Bungad niya pagkaupo namin.
"Bakit ang hilig mo manghila?" diretsahang tanong ko.
"Alangan naman buhatin kita na parang bagong kasal alam ko naman hindi ka papayag mas safe kasi 'yon ayoko masapak. Bakit gusto mo ba buhatin kita pabridal style?" Tinuhod niya dalawang siko sa mesa at nagpakumbaba.
Dahil sa sinabi niya sinapak ko siya sa ulo, napatingin ang iba sa amin na kumakain.
"Ang sadista mo alam mo ba? Pero 'yon ang gusto ko sa isang babae palaban, hindi na uso kasi ngayon ang mala Maria Clara." Ngumisi ang hudas na may pagalaw galaw pa ng kilay.
"Bakit sa palagay mo magugustuhan kita?" Tinaasan ko siya ng kilay habang nakacross arm.
"Bakit hindi mo subukan," hindi patanong ang dating ng pagkasabi niya, napatikom tuloy ako ng bibig hindi ako handa sa sinabi niya.
"Asa ka." Tumayo ako at kumuha ng makakain nakita ko naman sumunod.
Ang kinuha kong pagkain ay ang paborito ko ulam na adobong manok at panghimagas na leche flan hinintay ko muna siya makabalik.
Paglapag ng kaniyang tray nakita ko isang bowl na lugaw at mineral water lang, tinaasan ko siya ng kilay at nginuso ang pagkain niya.
"Iyan ang tanghalian mo?" Pinapanood kong inaayos niya ang paglalagay.
"Oo, anong masama? Pagkain din naman ito." Turo niya sa lugaw, hindi ko na lang pinansin baka 'yon ang trip niya huwag natin hadlagan.
Susubo na sana siya kaso nagdasal ako kaya napahiya siyang binaba ang kutsara, bago ako pumikit tumawa ako ng mahina dahil sa ginawa niya.
"Lord, salamat po sa pagkain na pinagkaloob niyo sa amin ngayon, Amen." Agad ko binuksan ang aking mata at tumingin sa kaniya, bigla siyang pumikit ano ginagawa niya?
"Lord, thank you po sa pagkain na binigay mo kay Kairi at sa akin sana po maging mabuti kaming mag-kaIBIGan, Amen." Natawa ako sa inasal niya talagang diniin ang salitang kaIBIGan napailing na lang ako.
"Let's eat." Sabay kami tumango at sinimulan ng kumain. Nagkwekwentuhan ng kung ano-ano kaya minsan nagtatawanan, napahinto kami ng may 2 babaeng lumapit sa amin.
"Hi! Drei," malanding sabi ng babae na parang espasol ang mukha dahil nasobrahan sa foundation. Pareho kaming napatingin sa dalawa kaso blankong mukha ang sinukli niya.
"Kumusta ka na Drei?" malagkit na tingin naman ang pinukaw ng isang babae na akala mo namamaga ang nguso dahil sa kapulaan. Kaso hindi sila pinapansin ni hudas.
"Hoy! Drei, hi at kumusta ka na raw? Sabi nila." Turo ko sa dalawang babae na ngayon lang sila tumingin sa akin. Mga bwisit kanina pa ako rito kung hindi ako nagsalita hindi nila ako mapapansin mga malalantod.
"Hi! Ok lang ako kayo?" walang ganang sabi niya halatang napipilitan, bakas sa mukha niya na parang natatae natatawa ako ng palihim.
"Ok lang din kami, sa weekend punta ka sa bahay birthday ko," nangaakit na sabi ng babaeng espasol ang mukha.
"Gano'n ba, titignan ko kung makakapunta ako." Nagsisimula ng magkamot ng ulo. Bakit kasi hindi na lang niya diretsahin?
"Basta pumunta ka gusto ko present ka!" pabebeng sabi ni babaeng espasol may padabog dabog pa nalalaman.
Kung gusto mo pala present siya malamang a-absent 'yan, kung ganyan ang mukha mo na espasol. Pabulong na sabi ko pero narinig ni Drei pinipigilan niya matawa.
"What did you say?" singhal ng kasama.
"Ah! Wala sabi ko happy birthday MBTC sa kaniya." Turo ko sa babaeng espasol at mapait na ngiti ang binigay ko sa kanilang dalawa.
"Who is she Drei?" Turo sa akin ng babaeng namamaga ang nguso,  tinignan ako mula ulo hanggang paa tinaasan ako ng kilay, inirapan ko naman siya bitch.
"She's my girl si Kairi, right babe?" Pinandilatan ko siya ng mata pero hindi man lang natinag, tuloy ang dalawang malandi tinignan ako ng masama.
"Hi girls! Nice meeting you, tama 'yong sinabi ni Drei 'di ba babe," pinagdiinan ko talaga bwisit mamaya ka sa akin.
"Tara na girl! Nasira lang ang araw ko!" Padabog na umalis ang dalawa.
Pagkaalis nila masama kong tinignan si Drei 'yong tipong nakakamatay sa tingin.
"Anong pinaggagawa mo kanina? Dinamay mo pa ako bwisit ka!" Binatukan ko siya. Napaaray ang hudas bahala siya.
"Sorry na, hindi ko kasi alam ang gagawin ko kung paano sila palalayasin kaya nagimbento na lang ako." Hinimas himas niya 'yong binatukan ko.
"Pero hindi maganda ang pagiimbento mo sana sinabi mo na lang sa kanila ang totoo," mahinang pagkasabi ko kahit nanggagalaiti na ako sa galit.
"Hindi ko ugali mambastos lalo na kung babae kaya sorry na," sambit niya na nagmamakaawa.
"Sorry ka diyan, kanina ka pa kumukota sa salita na 'yan sino ba ang mga 'yon?" tukoy ko sa dalawang malantod.
"Classmate ko sila nung high school hindi ko alam na dito sila nag-aaral." Nakatitig lang siya the whole time na magkausap kami.
"Sinundan ka malamang," sabi ko na inikutan siya ng mata.
"Patay na patay kasi sila sa akin noon hanggang ngayon pa pala." Napahawak sa kaniyang mukha na feeling g'wapong g'wapo sa sarili, which is totoo naman inirapan ko na lang ayoko na patulan baka lalong lumaki ang ulo mayabang talaga.
"Pero thank you kasi hindi mo ako binuking." Tumayo siya hindi ko alam ko kung saan pupunta tumabi pala sa akin.
"Ano pa nga ba magagawa ko nasabi mo na kaya pinanindigan ko na rin, huwag mo na lang uulitin hindi magandang biro." Hindi pa ako tapos magsalita inikot niya upuan ko at pinaharap sa kaniya.
"Para sa akin hindi 'yon biro kasi doon din ang punta natin." Kinulong niya ako sa mga bisig niya kaya hindi ako masyado makakilos
"Mag-isa ka." Tinabig ko mga kamay niya para makawala buti at nagawa ko naman. Kinuha ko bag ko at naglakad palayo sa canteen pero ang hudas parang aso na nakasunod na naman.
Pinasukan namin ang last subject itong araw, ganun pa rin wala pa formal na klase bukas pa lahat magsisimula.
Pagdating ng uwian hinabol talaga ako ni Drei, kahit kailan may matang kwago na matalas ang paningin at parang cheetah na mabilis tumakbo.
"Kairi, hatid na kita pauwi," humihingal na sabi niya.
"Huwag na at pwede huwag mo ako kulitin alalahanin mo may kasalanan ka pa sa akin." Dinuro- duro ko siya.
"Ok fine, panalo ka ngayon mag-ingat ka pauwi." Hinuli niya kamay ko na nakaduro sa kaniya.
Kahit papano nagkaroon ako ng kasama buong araw 'yon nga lang sumakit ulo ko tsk.
"Ikaw din mag-ingat ka pauwi at saka salamat kasi nakilala kita, kahit sakit ng ulo ang binigay mo sa akin." Napalakas ang tawa ko kaya tinakpan ko ang aking bibig.
"No Kairi, thank you dahil dumating ka sa buhay ko."

Book Comment (129)

  • avatar
    Gina Bernardo

    A HIGHLY RECOMMENDED THIS STORY,,NAPAKAGANDA,,CONGRATS AUTHOR,,ANG DAMI KONG IYAK,,,,I REALLY LOVE IT..IT INSPIRED THE READERS LIKE ME,

    18/02/2022

      3
  • avatar
    Angeline Padilla

    Yong sobrang dami niyo ng pinag daan ni Drie tas ang ending kay Noah pala siya , Sobrang ganda ng story mo Author ♥ I've already read Bachelor 1 and 2 , at sobrang nagandahan ako 🤗 Waiting for Bachelor 3 MWHEHEHE keep it up ✊♥

    26/12/2021

      0
  • avatar
    Josie Anne Daquio Bañares

    collage na siya At pupunta na siya sa skul ng may lalaking nakabangga sa Kanya at nagalit yung babae at minumura ang lalaki at kalaunan nag pa kilala Yung lalaki drei pangalan niya tsaka naman Nag pakilala yung babae at same room pala Sila Kasi yung lalaki fillmaker rin yung kinuha at sabay na silsng pumunta sa room nila

    20/12/2021

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters