logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 01

Kairi's P.O.V
"MAMA!"
Tawag ko kay mama, kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko makita.
"Ma!"
Sa pangalawang pagkakataon wala pa rin akong nakuhang sagot galing sa kaniya, nilibot ko na lahat ng parte sa bahay.
Sa pag-iikot ko may naaninag ako na anino napansin ko pigura ng isang tao.
Dali-dali ako nagtungo sa kinaroroonan at napagtanto ko si mama.
Nakaupo sa sahig, nakayuko, humihikbi na yakap ang dalawang tuhod.
"Ma!"
Sa pangatlong pagkakataon hindi pa rin siya nagsasalita, umupo ako para magpantay kami.
"Kanina pa kita hinahanap mama, bakit hindi ka man lang sumasagot?"
Tipong naiinis ang pagkasabi ko pero may halong pag-alala, patuloy lang siya nakayuko kaya niyugyog ko siya.
Sa wakas inangat niya ang kaniyang mukha na puno nang pagdadalamhati, pinunasan ko ang kaniyang luha gamit ang aking kamay.
"Ma kahit po araw-araw kayo umiyak hindi na babalik si papa," mahinang boses na pagkasabi ko saka ko tinignan sa mga mata si mama, naaawa ako sa kaniyang kalagayan.
"Iniwan na niya tayo at pinagpalit sa iba, kaya huwag niyo iyakan dahil hindi naaangkop sa kaniya ang mga luha mo," garalgal na wika ko tanda na nasasaktan ako, pinatayo ko si mama at pinaupo sa upuan.
"Sa ngayon po ikaw at ako lang ang magkasama, kaya pakiusap ko po tulungan niyo sarili mo mama kasi lahat kinakaya ko para sa'yo." Hinawakan ko magkabilang pisngi niya at ngumiti sa kaniya ng pilit.
Tinignan ako at hinawakan ang kamay ko nakahawak sa pisngi niya.
"Wala ka po bang sasabihin sa akin?" Ngumuso ako sa kaniya habang hinihintay ang isasagot.
"Anak, pagpasensyahan mo si mama dahil mahina ako, dapat ako ang nagbibigay sa'yo ng lakas pero ako pa ang nagiging kahinaan mo."
"Ok lang ma naintindihan ko, basta huwag ka panghinaan ng loob 'yon lang pakiusap ko." Tumango siya sa akin, tumayo ako at inayos ko na ang dapat ko dalhin sa school.
"Ma, hindi ka ba aalis?"
Umiling siya. "Bukas na lang ako pupunta sa grocery."
Napangiti ako sa sagot niya hindi kami gano'n kayaman sakto lang, grocery ang business ng family namin may ilang branch na rin dahil kay mama kaya lumago.
"Ok ma, basta kapag may problema tawagan mo lang ako." Binitbit ko na ang aking bag para pumasok sa school.
First year college na ako ngayon taking up fine arts major in filmmaking. Gusto ko pagdating ng araw maging isang sikat na director at kikilalanin ang mga pelikula na aking gagawin.
Pagtapag ko pa lang ng kolehiyo saka naman naghiwalay si papa at mama. Sayang kung hindi sana siya nagloko kompleto pa kami ngayon.
Magmula ng maghiwalay sila pati mga kamag-anak namin tinakwil kami, si papa nga ang nagloko pero parang kami pa ang nagkasala.
Pati mga kaibigan ko tinataguan ako kasi ayaw daw nila madamay sa bad image ko na hiwalay ang magulang. Parang ang linis ng pagkatao nila if I know may mga tinatagong baho ang kanilang mga magulang, isama pa ang mga masasama nilang ugali tsk!
Napapailing na lang ako kapag naiisip ko kung paano kami pandirihan, parang may sakit na nakakahawa. Mga bwisit sila kaya natuto ako maging palaban kasi kung magiging mahina ka lalo ka nila tatapakan.
Balang araw kapag nakilala ako bilang isang magaling na direktor hindi ko gagamitin 'yon para maghigante, kung hindi ipapakita ko sa kanila na hindi nila ako kayang pabagsakin.
"Ma alis na po ako mag-ingat ka." Hinalikan ko siya sa pisngi at paalis na ng napahinto ako dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"Kairi"
"Ma"
Lumapit siya sa akin at hinawakan niya kamay ko.
Nakakunot noo ko siya tinignan. "Patawarin mo si mama."
"Bakit po kayo humihingi sa akin ng kapatawaran?"
"Dahil sa kaduwagan ko, pangako ni mama hindi na ako iiyak at sabay natin haharapin ang lahat na mag-kasama."
Namilog ang mata ko dahil sa pagkasabi niya at agad ako napayakap ng mahigpit.
"Ma, thank you hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya!"
Magkayakap pa rin kami pareho, ilang sandali humiwalay at sabay na napangiti.
Pinasadaan ako ni mama ng tingin mula ulo hanggang paa naguguluhan ako napatingin sa kaniya.
"Ma, may problema ba sa akin?" Tinuro ko ang aking sarili at nakanganga dahil hinihintay ko ang isasagot niya.
Umiling siya. "Wala anak ang ganda mo bagay sa'yo ang damit mo."
Malawak na ngiti ang pinakawalan ko, nakasuot lang naman ako ng floral dress above the knee.
Lahat pwede mo ipasuot sa akin huwag lang pants kasi feeling ko nabibigatan ako, pero usually nakadress ako palagi nasanay na rin.
"Ma, kanino pa ba ako magmamana ng kagandahan siyempre sa'yo." Niyakap ko ulit siya at hinalikan sa pisngi.
"Oh, sige na baka malate ka pa."
Kinaway ko ang aking kamay tanda ng pagpapaalam.
..........
Bago sa paningin ko ang aking school kaya hindi ko alam ang pasikot-sikot.
Pagpasok ko pa lang sa gate hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Kahit first day of school ang dami ng estudyante na nagkalat kung saan-saan sila naglalakad.
Aware naman ako na kahit palinga-linga sa paligid nakikita ko naman kung may mabubunggo ako.
Nagpatuloy lang ako sa paghahanap, tinitignan ko 'yong sketch na bigay ng school.
Busy ako sa pagtingin ng mapa ng may biglang nakabunggo sa akin kaya ang ending napaupo ako.
Inis na inis ko dinampot ang aking aklat na nahulog, ng may kamay na tumulong sa akin para damputin ang ibang gamit ko.
"Sorry miss, hindi ko sinasadya tumatakbo kasi ako ng patalikod sorry talaga."
Panay sorry ng mokong ang naririnig ko, kanina pa ako nakukulitan sa kaniya tumayo ako at pinagpag ang dress ko.
Inangat ko ang aking mukha tumingin sa kaniya at tinaasan ng kilay.
Napalunok ang mokong at hindi kumukurap nabwisit ako bigla sa inasal niya.
"Bulag ka ba o sadyang nagbubulag-bulagan? Kung hindi ka ba naman tanga tumatakbo ka ng patalikod at isa pa, wala ka sa marathon para tumakbo nasa eskwelahan ka!" Inirapan ko siya at the same time tinarayan. Nakatayo lang siya sa pwesto niya na parang naging bato na hindi makagalaw.
"Kanina bulag ngayon bingi ka na rin? Ano? Sasagot ka ba o sisipain kita?!" Paghamon ko sa kaniya tipong sisipain ko na ng umatras.
"Oh! Chill ka lang miss napaka HB mo naman, hindi ako bulag at hindi rin ako bingi natulala lang ako kasi-"
Nakacross arm ako nakatingin sa kaniya at naghihintay ng sagot.
"Kanina bulag at bingi ngayon napipi ka na rin tsk." Umiling na lang ako.
"Hindi sa gano'n miss, oh! Tignan mo nakakapagsalita ako 'di ba?" Ngumisi ang hudas, kung kanina mokong ang tawag ko sa kaniya ngayon hudas na mas okay ata.
"Nagpapatawa ka ba? Kasi kung nagpapatawa ka hindi nakakatuwa nabwibwisit ako!" mataray na pagkasabi ko at inirapan ko na naman kahit magkaduling-duling na mata ko kakairap.
"Hindi ako nagpapatawa sinasabi ko lang ang totoo. Sorry na hindi ko sinasadya na mabunggo ka, hindi na ako uulit. Natulala ako kanina kasi nagandahan ako sa'yo." Napahawak siya sa kaniyang batok.
"Alam mo bolero ka lang ba o sadyang makapal ang mukha mo!"
"Hindi ako bolero nagsasabi lang ulit ng totoo na maganda ka." Nakangiti ang hudas pero sinimangotan ko, hindi ko na siya pinansin at naglakad na para hanapin ang room ko.
"Wait miss! Bago ka lang ba rito? Ako kasi bago lang din pero alam ko ang pasikot-sikot."
"Wala ako pakialam at hindi kita tinatanong."
Sa mapa ako nakatingin at nagmamadaling naglalakad.
"Baka lang kasi makatulong ako, you know kanina ko pa napapansin panay tingin mo sa sketch."
Napahinto ako sa paglalakad dahilan para huminto rin siya.
"Alam mo hindi ka lang makulit kung hindi pakialamiro pa. Will you please mind your own and leave me alone!" Nanggagalaiti na ako sa galit.
Humakbang na ulit ako ngunit hinarangan niya ang dinadaanan ko.
"Wala ako ginagawang masama gusto ko lang makatulong. Please, huminahon ka muna hindi ako masamang tao."
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Matanggad, moreno, blue eyes, makapal na kilay, heart shape ang mukha, matangos na ilong, maninipis na labi, kissable lips, broad shoulder, malamang may abs ito bakat kasi sa suot niya v neck t-shirt, mahahabang legs dahil sa suot niya na fit jeans, nice butt overall g'wapo what the heck ano iniisip ko.
"Are you done checking on me?" Ngumisi ang hudas at tinignan ako ng nakakaloko.
"No! I'm not tinitignan ko kung may mga tattoo ka baka kasi sindikato ka or what?" pagmamaang maangan ko.
"Ako? Sa mukha kong 'to bad boy sa paningin mo? No! Nagkakamali ka I'm a good person," confident na sabi niya. Napakayabang talaga tsk.
"At bakit naman ako maniniwala sayo? Ngayon lang kita nakita malay ko ba mamaya rapist ka."
Tumawa ng mahina ang hudas at nagtakip ng bibig.
"Kanina ang tingin mo sa akin bad boy ngayon naman rapist, baka mamaya serial killer na."
"Hindi malayong mangyari," walang ganang sabi ko. Nagulat na lang ako ng bigla siya tumitig sa mga mata ko.
"Tignan mo ako sa mga mata dahil hindi sila nagsisinungaling. They're windows to our soul kaya nagsasabi ako ng totoo hindi ako masamang tao."
Ilang minuto rin kaming nagkatitigan. Nang matauhan ako iniwas ko agad ang aking paningin at patingin-tingin sa paligid.
"Ok, sige para pagkatiwalaan mo ako magpapakilala ako sayo personally. I'm Drei Capistrano nice to meet you." Nilahad niya kamay sa akin. Tumingin muna ako sa mata niya at tinignan ang kamay na nakalahad.
"I'm Kairi Caringal nice to meet you too." Tinanggap ko ang pagkakalahad ng kamay niya at nagshake hand kami, kaso ang tagal niya bitawan kamay ko umaandar na naman pagkasuplada ko.
"Drei, baka gusto mo bitawan ang kamay ko." Nginuso ko ang kamay naming magkahawak pa. Inalis niya agad at napakamot sa ulo.
"Sorry, Kairi." Nginitian ko lang siya ng pilit.
"So saan ba ang punta mo?"
Kinuha niya ang hawak kong sketch sa kamay may pagkabastos din noh!
"Sa acting classroom ako saan ba 'yon?"
Tumingala siya sa akin mula sa pagsipat kanina sa sketch.
"Filmmaking ba major mo?"
"Oo, bakit?"
Pumalakpak siya bigla kaya napaigtad ako.
"First year fine arts major in filmmaking ako, ikaw din?"
Tumango ako at sabay kami napangiti dahil kanina para kaming tanga.
"Magkaklase pala tayo ang dami pa natin ganap kanina."
Sabay kami napahalakhak dahil sa kahihiyain ginawa namin. Dami pa kasi arte o ako lang?
"Oh! Ano tayo na?"
Tinignan niya lang ako at pinasingkitan ng mata.
"Anong pinagsasabi mo diyan tadyakan kita eh!"
Tinawanan lang ako ni hudas.
"Ano ba kasi iniisip mo? Ang sabi ko tayo na baka malate pa tayo."
Nauna siya naglakad at sumunod ako sa kaniya.
..........
Pagdating namin sa acting classroom hindi pa gano'n kadami ang mga estudyanteng nakaupo, wala pa nga pati prof.
Hinawakan ako ni Drei sa aking palapulsuhan at hinila papunta sa may gitnang upuan at doon kami naupo feeling close may pahawak-hawak umbangin ko kaya ito.
Tinignan ko siya ng masama kaya nakakunot noo akong tinignan.
"Feeling close kung batukan kaya kita diyan!"
"Chillax, ano na naman ba ginawa ko?" Lumayo siya ng konti sa akin takot mabatukan.
"Hindi mo alam may pahawak-hawak ka pa nalalaman. Sinadya mo 'yon noh? Sabi ko nga ba manyakis ka!"
Nanlaki mata niya dahil sa sinabi ko, pati mga kaklase namin nagsilingunan.
"Sa g'wapo kong ito manyakis? Baka ikaw pa nga mangrape sa akin." Tumawa ng mahina ang hudas. Dahil sa sinabi niya babatukan ko na sana, kaso nahuli niya kamay ko sayang.
"Kapal talaga ng mukha mo kung ikaw lang din naman huwag na!" Binigla kong inalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Huwag ka magsalita ng patapos baka mamaya nahulog ka na pala sa charm ko." Kumindat ang hudas at nakapalumbaba.
"In your dreams." Inirapan ko siya at tumingin sa harapan.
Maya-maya pa ay may dumating na medyo may kaedaran ng lalaki, naka jacket at nakasombrero.
Inalis niya ang kaniyang sombrero at ipinatong sa mesa. Humarap siya at tinignan kaming lahat.
Napatingin din ako ibig sabihin kaunti lang kami. Nasa sampu lang yata at ang masama mag-isa lang ako na babae.
"Good morning class, I'm Manuelito Ibarra pwede niyo ako tawagin Prof. Lito, at ako ang magiging professor niyo ginagalak ko kayong makilala lahat."
Pagkatapos niya magpakilala nagpalakpakan kaming lahat. Mabuti at tahimik lang ang katabi ko hindi inaatake ng KSP.
"First day of school kaya hindi muna tayo magsstart ng lesson. Gusto ko makilala ang personality niyo isa-isa, as a director someday dapat alamin niyo ang characteristic nila private man o hindi that's the first step."
Tumango lang kaming lahat at patuloy sa pakikinig.
Bigla siya napatingin sa akin at tinuro ako kaya ako'y nagtataka.
"I think we have only one rose among the thorns."
Lahat sila napatingin sa akin nginitian ako, kaya nginitian ko rin sila pabalik.
Napatingin ako kay Drei na nakasimangot ang mukha. Lumapit siya sa akin at may binulong.
"Wala ka dapat titignan sa kanila."
Lumayo ako sa kaniya. "At bakit ko naman gagawin 'yon?"
"Dahil ako lang ang dapat mong tignan."

Book Comment (129)

  • avatar
    Gina Bernardo

    A HIGHLY RECOMMENDED THIS STORY,,NAPAKAGANDA,,CONGRATS AUTHOR,,ANG DAMI KONG IYAK,,,,I REALLY LOVE IT..IT INSPIRED THE READERS LIKE ME,

    18/02/2022

      3
  • avatar
    Angeline Padilla

    Yong sobrang dami niyo ng pinag daan ni Drie tas ang ending kay Noah pala siya , Sobrang ganda ng story mo Author ♥ I've already read Bachelor 1 and 2 , at sobrang nagandahan ako 🤗 Waiting for Bachelor 3 MWHEHEHE keep it up ✊♥

    26/12/2021

      0
  • avatar
    Josie Anne Daquio Bañares

    collage na siya At pupunta na siya sa skul ng may lalaking nakabangga sa Kanya at nagalit yung babae at minumura ang lalaki at kalaunan nag pa kilala Yung lalaki drei pangalan niya tsaka naman Nag pakilala yung babae at same room pala Sila Kasi yung lalaki fillmaker rin yung kinuha at sabay na silsng pumunta sa room nila

    20/12/2021

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters