logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

"T- TEKA LANG! " Hinihingal na sambit ni Sam habang patuloy pa rin siyang hinihila ng lalaking nagngangalang Jared. 
Pansamantalang huminto sila sa pagtakbo."What?" tanong nito habang hinihingal din gaya niya. 
"Anong what? Kanina pag tayo takbo ng takbo. Wala namang nahabol sa atin, baliw ka ba? " hinubad niya ang sandals na suot niya. "Nakita mo tong suot ko? Ang taas nito! Ang sakit na ng paa ko kakatakbo. "
"I'm sorry. "Hinging paumanhing nito." Akala ko kasi ay susundan tayo ni Joshua. Nakita mo naman kung gaano karami ang kasama niya."
"Nasaan na ang tapang mo kanina? " Tanong niya rito habang hinihingal pa rin.
"Well, kayang kaya kong pabagsakin ang lima sa kanila pero madedehado ako dahil sampo silang lahat. Kawawa naman ang mukha ko." Hinawakan pa nito ang mukha nito na para bang ito ang pinaka mahalaga sa lahat.
'Guwapo nga mayabang naman! Ano ba tong na pasok ko!'  Sambit niya sa kanyang sarili. Nang makabawi ay tumayo siya ng tuwid at inilahad ang palad niya rito. "Bayaran mo ako." Kailangan niya ng perang pambayad sa apartment na tinitarahan niya kung hindi ay mapapalayas siya. Kaya kakapalan na niya ang mukha niya. Tutal naman ay hindi niya ito kilala. Tiyak na hindi na sila magkikita pa ng lalaking ito.
"What?" gulat na sambit nito at binalingan siya. "Bakit naman kita babayaran? Iniligtas na nga kita sa lalaking nanghaharass sayo babayaran pa kita? Hindi ba dapat mag pasalamat ka sa akin? "
"Bakit naman ako mag papasalamat sayo? Una sa lahat dahil sayo, for sure hindi ako mababayaran ngayong gabi bukod dun ay matatanggal pa ako. Kaya kailangan mo akong bayaran. "
"Look woman, it's not my fault if you lose your job there." Itinuro pa nito ang bar na pinanggalingan nila. "I'm just saving your ass. Dapat nga ay magpasalamat ka pa sa akin. Kung hindi dahil sa akin ay baka kung ano na ang nangyari sayo. "
"Hndi ako mag papasalamat sayo dahil kaya ko naman ang sarili ko." Namewang pa siya rito. 
"Really? Kaya mo ang sarili mo?" Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at pumalatak ito. "You should have seen your face a while ago. Para kanang iiyak kanina. Kaya nga napilitan akong tulungan ka. And now you want me to pay you?" 
"You know what bayaran mo nalang ako at ng makabalik na ako dun sa bar para nakuha ko na din ang mga gamit ko."
"No, I will not pay you." Pagmamatigas pa nito.
"You need to pay me kapalit iyon ng bayad ko sana ngayong gabi kung hindi ka nakialam samin ni Johua." Pagmamatigas rin niya.
"You really think na babayaran ka ni Joshua kung sakaling hindi ako nakialam ?" Namaywang rin ito sa harap niya. "Mukhang gusto ka lang niyang i-blackmail eh. I know him." ani nito. Maya maya ay nilapitan siya nito. At inamoy ang buhok niya. "How about a night with me?"
"W- what?" Gulat na tanong niya. 
"Since you really need money, and you're disappointed because of what happened. How about you spend a night with me ? Pagna-satisfied ako, ibibigay ko sayo ang perang gusto mo. It's a win win situation."
Pumikit siya. She had enough. "Kalimutan mo na lang ang sinabi ko." Yes, she needs money pero hindi niya kailangang maging ganon kababa. Tumalikod siya rito at akmang maglalakad pabalik sa bar. Kailangan pa rin niyang kunin ang gamit niya roon. 
"Hey! Sandali lang!" Pigil nito sa kanya. "Akala ko ba kailangan mo ng pera? Bakit aalis kana ?"
Sinampal niya ito ng malakas. "Wala akong panahon sa mga katulad mong lalaki! I thought you were different. Hindi pala. Pareho lang kayo ni Joshua." Tumalikod siya upang umalis. Iniwan niya itong nakahawak sa pisngi.
'Buti nga sayo!' Bakit ba ganun ang iniisip ng mga lalaki. Pag nag tatrabaho ka sa club or sa bar ang baba na ng tingin sayo. Ang hirap talaga maging mahirap.
Hindi pa siya nakakalayo ay narinig niyang sumigaw si Jared. "Alright, I'm sorry." Napalingon siya rito ngunit hindi siya huminto sa paglalakad. Mabuti na lamang at kakaunti nalang ang mga tao sa lugar na iyon dahil kung hindi ay malamang napagpiyestahan na sila ng mga tsismosa sa paligid. 
Nagkibit balikat ito at hinabol siya. "Hey! wait up!" Hinawakan siya nito sa braso upang pigilan siya sa paglalakad.
"Ano ba!" Angil niya rito. At humarap dito.
Bumuntong hininga ito bago nagsalita. "Look, I'm really sorry about what I've said earlier. I know that's below the belt and you don't deserve that kind of treatment." May binunot ito sa bulsa nito. "Here, take this. This is all I've got. I don't have cash."
Tinginan niya ang hawak nito. Isa itong business card. Kinuha niya iyon at binasa. Del Fuego Medical Hospital. Isa sa pinaka malaking hospital sa bansa. Fernando Del Fuego, PRESIDENT/ CEO. Tiningnan niya ulit ang lalaking kaharap niya. Hindi ba Jared ang pangalan nito?
"Niloloko mo ba ako?" sambit niya. Malinaw na niloloko lang sya ng lalaki. Bakit nito ginagamit ang business card ng presidente ng hospital na iyon? Isa kaya itong mang gagantyo? 
"Kaninong business card naman to? Sinasabi mo bang ikaw ang may ari ng Del Fuego Medical Hopital? Hindi ba Jared ang pangalan mo? At isa pa sa tingin ko ay ilang taon lang ang tanda mo sa akin. Paano kang magiging presidente ng isa sa pinaka malaking hospital sa bansa. Saan mo ito nakuha? Alam mo bang maaari kang kasuhan sa ginagawa mo?" Mahabang pahayag niya.
"Well, that's not mine at tama ka naman doon. Pero kilala ko ang may ari ng business card na iyan." Tinuro nito ang hawak niyang business card. "Pag tinawagan mo iyang tao na iyan at sinabing may atraso ako sayo. For sure babayaran ka niya. Since that is his expertise." May pait sa mga salitang binitawan nito.
Kumunot ang noo niya at tinitigan muli ang hawak niya. Ano ang koneksyon nito sa CEO ng Del Fuego Medical Hospital? At bakit pag tumawag siya at sinabing may atraso ito sa kanya ay agad siyang mabibigyan ng pera? "At bakit naman niya ako babayaran dahil lang may atraso ka sa akin?"
"Alam mo, ang dami mong tanong. Hindi ba at sinisingil mo ako." Iniwestra nito ang hawak niyang business card. "Hayan na ang sagot. Isang tawag mo lang. Kahit gaano kalaki ang hingin mo. Makukuha mo." Sabay kindat nito sa kanya. "Sige aalis na ako." Paalam nito.
Baliw ba ito? Tingin ba talaga nito ay ganoon na lamang siya kadaling mauto? Nilingon niya ang lalaki. Ngunit pasakay na ito ng taxi. 
"Hoy! Hoy! " habol niya rito. Ngunit tuluyan ng umalis ang taxi na sinasakyan nito. Ano ang gagawin niya sa business card na hawak niya? Hindi dapat siya maniwala sa lalaking iyon. Bukod sa hindi niya ito kilala ay siguradong malalagot siya pag tinawagan niya ang presidente ng pinaka malaking hospital sa bansa. 
Umiling-iling siya sa naisip. Kung sino man ang Jared na iyon. Siguradong baliw iyon. 'Gwapong baliw'. Sambit ng malanding isip niya. Nababaliw na rin siguro siya. 
Bumuntong hininga na lamang siya. Siguradong mapapalayas siya sa tinitirahan niya. Kaya yun ang dapat niyang isipin sa ngayon. Kailangan niyang mag isip ng mamaaring palusot kay Aling Marie upang hindi siya mapalayas at mabigyan pa siya ng palugit.
Sinipat niya ang hawak na sandals. Kailangan niya nga palang magbihis at kanina pa siya iritang irita sa suot niyang damit at sandals. Isa pa, hindi siya maaaring umuwi ng ganun ang ayos. Ano nalang ang iisipin ng mga kapit-bahay niya. Kaya nagpasya na lamang siyang bumalik sa bar at kunin ang mga gamit na naiwan niya.

Book Comment (63)

  • avatar
    NesnihanAnnanesnihan Lawan

    thank you

    19d

      0
  • avatar
    Kyla Mae Tica

    In the first chapter I love it agad

    21/06

      0
  • avatar
    JM Bagasina Gabin

    sodrang ganda

    18/06

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters