logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 26

Am I too unfair to wish and imagined that the person in front of me is Kai instead of the real person sitting right in my front? Am I unfair if I can't appreciate the effort put in this place where I'm standing because I can't find the person who will make it special for me?
"I wanna go home," sambit ko kahit di ko pa natitikman ang pagkaing nasa harap ko. Mas gusto ko nang umuwi kaysa manatili habang hinihiling na sana ibang tao ang kasama ko ngayon.
Napaangat ang tingin ni Claw sa akin. "But you haven't touched your food yet?"
"I'm tired," I lied but I said it looking straightly on his eyes. Maybe it was partly true?
Kumakain pa siya pero uminom na siya at pinunasan ang bibig bago sana tumayo nang pigilan ko siya. "I can handle myself, you can stay here and finish your food."
"You're Mom entrusted you to me. So you're my unwritten obligation," he smiled but I can say that it's a weak one.
"I'm sorry," I murmured and it was a sincere apology from me. I feel like I wasted his effort to take me here. No, I really squandered it.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan nang marating namin ang bahay. "Hey, smile!" He stretched the side of my lips upward. "Based on my last checked, I'm still handsome and hot so why are you not smiling? Some girls would probably drooling now if they were in your place," he jokingly yet boastfully remarked.
"Sorry, I'm not them," I laughed genuinely.
"Ayan! Ngumingiti ka na. Always smile, it suits you more than anything of your accessories." A smile plastered on his face never erased on his face while saying those words.
My heart suddenly skipped a beat while intently looking at his eyes. I never noticed before that he has a dark brown eyes that are now mesmerized because of the setting sun rays.
I immediately wiped my smile out of my face and clear my throat. "I need to rest now. Papasok ka?"
He shook his head. "Actually..." he hesitated to continue his words which makes me set my gaze on him more.
Kinamot niya ang pagitan ng kilay niya habang nakayuko bago ituon sa akin ang paningin. "I will go back to the Philippines later. That's the reason why I asked you for a date," pahina nang pahinang niyang sinabi ang huling pangungusap.
"Sorr—" he cut my word.
"Don't... I shouldn't have said that. I'll be back next week so don't miss me so much," he said will full of confidence. As if I will miss him!
"Never," mataray kong sabi saka ito sinundan ng sinserong ngiti, "But take care."
Surprisingly, he kissed my forehead a little longer but it only makes me miss Kai even more.
Sorry, Claw.
Pumasok na rin ako sa loob ng bahay nang umalis na siya. Naabutan ko namang kabababa sa hagdan ni Mommy.
"He left?" she asked me. Without asking who is she talking about, I nod my head.
Why am I feeling sadness inside me? "Magpapahinga na po muna ako. Pakitawag nalang po ako 'pag hapunan na."
I immediately lie down myself on the bed as soon as I got near on it. Wala naman akong ginawang masyado pero pakiramdam ko pagod na pagod ako. Pagod na ang katawan, puso, at isip ko.
Dapat sanay na akong mag-isa ngayon katulad ng pag-iisa ko sa mga kwarto ng ospital na dating tinuluyan ko pero ngayon, mas naramdaman ko ang pag-iisa. I shouldn't get used on Claw's presence. Ilang beses ko siyang iniiwasan pagmulat ko ng mata pero siya naman ang nakakasama ko bago ipikit ang mga ito. Sabi ko na nga ba, dapat di na ako nagpapasok ng iba.
I still remembered what my doctor told me in the Philippines the night before we headed to Pangasinan.
"The surgery and therapy will not make you cancer free for a lifetime"
Magsurgery man o hindi, pwede pa rin akong mawala dahil sa cancer. And from that day, I already accepted my fate—the fate of everyone—I will die soon.
Sheen's POV
Muli akong tumingin sa maliit na salamin na kinuha ko sa bag ko. Wala namang nagulo sa buhok at make up ko kaya ibinalik ko na iyon sa bag. I finally pressed the door bell and a maid opened it after my second try.
"Ma'am Shei, pasok po kayo. Tatawagin ko lang po si sir Kai," pagbungad niya matapos lakihan ang pagkakabukas ng gate. Nagpasalamat naman ako bago tuluyang pumasok.
Pinaupo niya ako sa long couch na nasa sala bago nagpaalam na tawagin si Kai. Ilang sandali lang ang hinintay ko bago ko nakita si Kai na magulo ang buhok at mukhang bagong gising. He's still on his pajamas.
"Why you didn't tell me that you'll be here?" he asked with a smile plastered on his handsome woke up face.
"Surprise!" Agad kong tinunton ang ilang dipang pagitan namin para mayakap siya. "I missed you," sabi ko bago sumiksik sa matipuno niyang dibdib.
"Silly girl! Nagkausap lang tayo kagabi sa video call," sambit niya bago panggigilan ang ilong ko na pisilin.
Tinampal ko naman ang kamay niya bago siya sinamaan ng tingin. "Masakit!" reklamo ko habang hinihimas ito. Pakiramdam ko ay namumula na ang ilong ko ngayon.
Nagulat naman ako ng bigla niyang sinakop ang mukha kong pinaharap sa kaniya gamit ang dalawang kamay niya. "You're the most beautiful girl version of Rudolf," he exclaimed. It was partly mocking statement right? But I can't help but to find it sweet though it's weird.
Kainis! Di ko maiwasang hindi kiligin. We've been together for a month now and with those times, I already made my mind. I won't take my grip off him.
"Manang pakiluto po yung bago kong paboritong luto niyo," bilin niya sa katulong nila bago ako hilahin palabas ng bahay nila at idala sa hardin.
May iba't-ibang uri ng mga halaman ang nakatanim doon ngunit nakaayos ayon sa pagkakaparehong uri at kulay ng mga ito. I am watching how the water in fountain unstoppably flows when someone poke my left cheek.
Kaagad akong napangiti nang makita siyang nakangiti sa akin. "Why?" tanong ko.
"I love you," he answered unknowingly. Ngumiti ako sa kanya bago tinugon ang sinabi niya.
"I love you too, Kai." But can you please love me as Sheen? But the latter only stays in my head.
Nagbuntong hininga ako bago kuhanin ang atensyon niya, "Kai".
"Hmm?" he murmured while raising his dark and thick but well-suited eyebrows.
"I just wanna ask something," kibit-balikat kong sabi ngunit sa loob ko ay kinakabahan ako sa maari niyang isagot sa tanong ko.
"Sure, what is it?" Taimtim niya naman akong pinagmamasdan habang hinihintay ang tanong ko.
I bit my lower lips. "Paano kung...paano kung malaman mong nagpapanggap lang ang taong nakakasama mo bilang taong mahal mo, tapos bumalik yung totoong mahal mo, sinong pipiliin mo?"
He seriously looked at me that makes my heart pumped like it never did before but then he burst into laughter, "Is that serious question? You looked so serious and tense!"
Umiling ako. "Nope, it's not. I just watched a movie. Nevermind." Ngumiti ako sa kanya. I shouldn't have asked that question.
Saktong pagkasabi ko noon ay dumating na ang katulong na sinabihang magluto kanina ni Kai. Inilapag niya sa harap namin ang dalawang plato ng pansit at dalawang baso ng juice.
"Ang bango!" papuri ko nang manuot sa ilong ko ang amoy.
"This is a new learned recipe of Manang, and probably my new favorite among her dishes," sabi niya habang pinapaikot sa tinidor ang mga hibla ng pansit.
Akala ko ay isusubo niya iyon pero nagulat ako ng itinapat niya iyon sa bibig ko. Marahan kong ibinukas ang aking bibig kung saan malaya niyang naipasok ang pagkain. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang pisngi ko samantalang siya ay parang balewala lang sa ginawa niya at nagpatuloy kumain. Maybe he's used to do it with Shei before, but with me now.
"Why?" tanong niya nang mag-angat ng tingin sa akin. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kaniya.
Umiling naman ako. "N-nothing," sagot ko saka pinagpatuloy ang pagkain. It tastes good than what I had eaten before.
Susubo na sana ako nang mangati ang lalamunan ko kaya nabitin sa ere ang tinidor na hawak ko. Dali akong inabot ang juice sa harap ko at ininom iyon pero hindi napawi ang kati nito. Siguro kailangan ko lang ikain ito baka sakaling mawala habang lumulunok ako.
Napayuko ako nang makaramdam ng paninikip ng dibdib ko. Para akong nauubusan ng hangin. Ikinuyom ko ang kamao ko sa ilalim ng mesa pero nagulat ako nang makitang may mga namumulang pantal doon. Then realization hits me.
"M-may mani ba rito?" nahihirapang tanong ko.
"Actually, that's the sec—" Nanlaki ang mata niya nang iniangat ang tingin sa akin. "What's happening to you?" he hysterically asked.
Agad niya akong dinaluhan nang makita ang kalagayan ko. "H-hospital," iyon lang ang nabanggit ko bago ko tuluyang maramdaman ang paunti-unting pagbigay ng talukap ng mga mata ko.
Habang nanlalabo ang mga mata ko at tila ba sinasakal ang lalamunan ko dahilan para mahirapan akong huminga, tuluyan nang pumikit ang mata ko. Tanging malabong pigura lang ni Kai ang huling nakita ko.

Book Comment (83)

  • avatar
    Mj Mamadra

    ganda ng kwento

    4d

      0
  • avatar
    Suan mercadalRexie

    thank you

    19d

      0
  • avatar
    BucayanJerico

    kahahhajaa

    17/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters