logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3

My brethren, count it all joy when you fall into various trials,
knowing that the testing of your faith produces patience. But let
patience have its perfect work, that you may be perfect and complete, lacking nothing.
James 1:2-4
~
May munting taniman ng kamatis at talong sa tabi ng bakod ng bahay, kaya hindi na ako nagulat nang makita ang ilang kapitbahay na nagkukumpulan sa bahaging iyon upang kumuha ng ilang bunga. Nakita ko naman si Mama na masayang nagkukwentuhan kasama si Manang Linda sa may lanai.
Huminto ang motor sa tapat ng bahay. Bumaba ako at inalis ang helmet.
"Roseta, si Angela ba 'yan?"
"Si Angela nga!"
"Susmaryosep! Bakit hindi nagsasabi ang batang 'to, ano?"
Napaiwas ako ng tingin sa ilan naming kapitbahay at tumingala kay Mama sa lanai. Kumaway siya at nanaog.
"Buti at nakauwi ka, Ange? Binalita sa radyo na lack dawn ang buong Cebu."
Inabot ko kay Sean ang helmet bago humarap kay Mama. "Pinayagan ang bus, Ma. Si Lola?"
"Nariyan siya sa loob." Napatingin si Mama kay Sean. "Sino itong kasama mo?"
"Si Sean, pamangkin ni Colonel Tañedo. Kinontak daw ni Papa si Colonel, pero nasa Bohol siya ngayon kaya inatasan niya si Sean na ihatid ako."
Napatango si Mama. "Mabuti, mabuti. Pumasok ka muna, undo. Mukhang pagod ka," aya niya kay Sean.
Nakangiting umiling ang lalaking nakaupo pa rin sa motor. "Wag na po, Tita. Kailangan ko na ring umuwi."
"Gano'n ba?"
"Opo. Saka pinapasabi ni Tito na 'wag muna kayong lumabas kapag sasapit nang alas-sais."
"Bakit naman?" tanong ni Mama. Nanaog na rin si Manang Linda at tumayo sa gilid ni Mama. May dala siyang pamaypay na gawa sa abaka. Ngumiti siya sa akin at binaling ulit ang tingin kay Sean na nagkamot ng batok.
"Magri-raid ang mga pulis at militar sa buong munisipalidad."
Nawala ang bulong-bulungan ng mga kapitbahay naming nangunguha ng bunga sa taniman. Nangunot naman ang noo ni Mama habang nanatiling walang imik si Manang Linda.
"Baka dahil sa virus," bulong ni Mama. Tumango-tango siya at ngumiti kay Sean. "Salamat sa paalala, undo. Sige na, baka abutan ka pa ng gabi sa daan."
Napangiti rin si Sean. "Sige, Tita. Mag-ingat kayo." Tumingin muna siya sa akin bago pinaharurot ang motor pabalik sa pinanggalingan namin.
Nagulat ako nang tapikin ako ni Mama. "Marami kang dapat ipaliwanag sa akin. Halika sa loob."
Tinawag ni Mama ang mga kapitbahay at pinayuhan na 'wag magpagabi sa daan. Nagpasalamat ang mga ito at dali-daling umuwi sa kani-kaniyang mga tahanan habang si Manang Linda ay sumama kay Manang Roseta pababa sa sentro para bumili ng makakain ngayong gabi.
"Angela."
Napatayo ako nang tuwid. Minuwestra ni Mama na maupo ako sa upuan na gawa sa kawayan. Tumalima ako at naupo siya sa tapat ko.
"Bakit hindi mo sinabing uuwi ka ngayon?"
Napalabi ako. "Sinabi ko na kay Kuya, Ma."
Nangunot ang noo niya. "Wala siyang sinabi sa akin."
Nagkibit-balikat ako at tinanaw ang kusina kung nasaan si Lola. Nagluluto siya at langhap ko ang amoy ng sinaing na kamote.
"Ange!"
"Ay, Ma. Ayun nga po, baka nalimutan niya. Nagpasundo ako sa kaniya kagabi pero hindi raw niya ako masusundo dahil nilalagnat siya."
Hindi man lang nabawasan ang kunot sa noo ni Mama. "Sinabi ng Papa mo na mas mabuting hindi ka uuwi ng Dalaguete. Mas modernisado sa Mandaue. Kung kakalat talaga ang virus na 'yan, mas marami kang matatakbuhang tulong doon."
Napabuga ako ng hangin. "Mas madali nga ang pagkalat doon Ma dahil maraming tao."
"Ah basta -"
"Ma."
Napatingin kami kay Kuya na kakababa lang ng hagdan. Namumula ang buong mukha niya at nawawalan ng kulay ang mga labi.
"Ma, tubig."
"Bakit ka bumangon, ha? Hindi ba sabi ko sa 'yong magpahinga ka sa kuwarto mo?"
"Nauuhaw ako," paos at nanghihinang sambit ni Kuya.
Tumayo ako at tinulungan siyang maupo sa tabi ko. Sumandal siya sa upuan at niyakap ang sarili. Napailing ako. Malalaki ang mga bintanang gawa sa pawid at labas-masok ang hangin mula sa pinto kaya malamig sa loob ng sala. Inabot ko ang noo niya at napailing sa taas ng temperatura niya.
"Diyan lang. Wag mong alisin ang palad mo," pakiusap ni Kuya.
Umayos ako ng upo at inalis ang kamay kong nakalapat sa noo niya. Narinig ko siyang nagreklamo pero hindi ko siya pinansin. Tumungo ako sa kusina at nakasalubong ko si Mama na may dalang baso ng tubig.
"Ang kuya mo?"
"Sa sala, Ma."
Nilampasan ko siya at tumungo sa banyo. Kumuha ako ng panyong nakasabit doon sa clip at binasa ng tubig. Bumalik ako sa sala at nilagay iyon sa noo ni Kuya. Napansin kong na-relax ang katawan niya.
"Bumalik ka sa kuwarto mo," utos ni Mama. "Baka mas lalong lalala ang lagnat mo."
Nagbaba ako ng tingin sa baso. Mukhang nainom na ni Kuya ang kalahati. Napansin ko sa gilid ng mata ang pagkilos niya kaya napalingon ako sa gawi niya. Umupo siya ng tuwid at inalis ang panyong nakalapat sa noo.
"Mas bumibigat ang pakiramdam ko sa kuwarto."
"Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko.
Tumango siya at inabot ang Bibliya na nasa center table.
"Gusto kong magbasa at kumanta," aniya.
"Sure kang kaya mo, Kuya?" panigurado ko.
Tumango ulit siya at bumuklat. Binuksan niya iyon sa pahina kung nasaan ang bookmark. Nasa Epistle of James na siya. Bumuga siya ng hangin at tahimik na nagbasa. Kinuha ko naman ang cellphone at hinanap ang playlist ng Christian songs.
Pinatugtog ko ang Way Maker ng Leeland. Na-click ko 'to nang minsang naghanap ako ng music sa Youtube. Nagustuhan ko kaya agad ko itong d-in-ownload. Nakita ko pa ang paggalaw ng ulo ni Kuya na parang sumasabay sa kanta.
~ Way maker, miracle worker, promise keeper, light in the darkness... My God, that is who You are! ~
"My brethren," basa ni Kuya sa verse. "... count it all joy when you fall into various trials." Huminga siya nang malalim. Pumikit siya at hinawakan ang pahina ng Bibliya. "You are bringing me closer to You and I thank you for bringing me back to you, Lord."
Hindi ko masyadong marinig ang sinabi niya pero alam kong nagdasal siya. Napangiti ako at sumabay sa kanta. Tiningnan ko si Mama na nakapikit at nakataas ang kamay sa amin. May munting luha ang naglandas sa pisngi niya habang nagsasalita.
"Ikaw lamang ang Diyos, Ikaw lamang ang Panginoon. Lahat ng pagsamba at pagkilala ay sa Iyo magpakailanman. Salamat Panginoon sa lahat ng biyayang iyong binibigay.
Humihingi kami ng kapatawaran sa lahat ng kasalanang aming nagawa. Hindi na namin hihingiin ang mga bagay na palagi Mong binabahagi sa amin araw-araw, sapagkat alam namin na alam mo na kung ano ang kinakailangan namin bago pa man namin hingin sa Iyo.
Panginoon, ang tanging dalangin lang namin ay bigyan Mo kami ng lakas ng loob. Tulungan mo kami sa pagpapalakas ng apoy sa aming mga puso, lalong-lalo na ngayong nangyayari na ang nakasaad sa Bibliya.
Alam namin na hindi Mo kami pababayaan sapagkat dakila Ka at tapat sa Iyong mga pangako at salita. At habang kami ay naghihintay sa Iyong pagbabalik, nawa ay mas marami pa ang makakakita sa katotohanan at makilala na Ikaw, Hesus, ang Anak ng Diyos sa kataas-taasan. Na tinubos Mo kami mula sa kamatayan. At Ikaw ay maghahari magpakailanman. Sa pangalan ni Hesus, aming Panginoon, amen."
Nagmulat si Mama at napangiti nang magtama ang mga mata namin. Ngumiti ako at tiningnan si Kuya. Bahagya nang nabawasan ang pamumula ng mukha niya at unti-unti na siyang pinagpapawisan. Nakita kong namumuo ang pawis sa noo niya.
"Kuya." Napatingin sa gawi ko si Kuya. Inabot ko sa kaniya ang panyo. "Pawisan ka."
"Salamat."
Tinanggap niya iyon at pinahid ang namumuong butil ng pawis.
"Puriin ang Diyos. Kaybuti Niya," nakangiting sambit ni Mama habang tinutulungan si Kuya na alisin ang mga jacket na sinusuot ng huli.
"He's our healer, Ma," ngiting sambit ni Kuya. "There is power in the name of Jesus."
"Amen," sambit ko.
Napansin ko si Lola na mabagal na naglakad papalapit sa amin. Agad akong tumayo at dinaluhan siya. Iginiya ko siya paupo sa upuang kawayan.
"Ako na ang mag-aayos ng kusina, La."
"Luto na ang kamote," nakangiti niyang sambit.
"Sige po, ihahain ko lang po 'yon para makain natin."
Hinayaan ako ni Lola na mag-asikaso sa kusina. Tinawag ko sila nang tapos na akong maghain. Dumalo silang tatlo sa hapag-kainan at nagdasal muna kami bago nilantakan ang meryendang kamote. Ilang kuwentuhan, kumustahan, at tawanan pa ang nangyari bago ko narinig ang pagtunog ng cellphone sa sala. Tinakbo ko 'yon at agad sinagot nang hindi tinitingnan kung registered caller ba o hindi.
"Hello?"
"Angela."
Nangunot ang noo ko. "Pa?" Tiningnan ko ang caller. Si Papa nga.
"Ayos ka lang ba?"
"Opo, ayos lang po. Nandito na ako sa bahay, Pa."
"Mabuti naman kung gano'n. Ang mama mo?"
"Nasa kusina, kumakain."
Bumalik ako sa kusina at binigay kay mama ang phone. Nag-usap sila saglit ni Papa. Tapos, binigay niya sa akin ulit at tumikhim siya. "May sasabihin ako."
"Ano 'yon, Ma?" tanong ko.
"Nasa Venansala ang Papa niyo."
Kumuyom ang hawak ko sa cellphone. Venansala? Ang ground zero ng virus?
"At... sinabi niya sa aking.... nahawa siya. At ikwa-quarantine siya ng mga ispesyalista hanggang makahanap ng lunas. Hindi siya makakauwi sa susunod na linggo."
Natahimik kami.

Book Comment (11)

  • avatar
    montereyAshanty

    goods but long

    26/02

      0
  • avatar
    Daniela Sebusa Recto

    Napaka ganda po talaga super👏👏😍😍

    23/02

      1
  • avatar
    Mea Hutalla Santelices Xll

    love it 😍

    29/10

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters