logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 02

Kabanata 02. Attunement
Luna's Point of View
Kasalukuyan akong kumakain dito sa loob ng kwarto ko. Pinili ko na lang kasing hindi bumaba kasi baka maligaw pa ako sa laki ng bahay na ito.
Habang kumakain ay nagtatanong na ako kay Sally. Pagkakataon ko na 'to para malaman ko na ang takbo ng mundong 'to at kung bakit may kapangyarihan dito.
“Sally,” tawag ko sa kanya.
“Yes po?”
“Anong lugar 'to?” tanong ko habang kumakain.
“Mamaya ko pa po sana sasabihin sa inyo ang lahat pero mukhang hindi na po kayo makakapaghintay pa.” aniya.
“Sisimulan ko na po ang pagpapaliwanag sa inyo, Miss Abi,” dugtong niya pa.
“Ako nga po pala si Sally, ang inyong butler sa bahay na ito. Ako ang magsisilbi mong kanang kamay, Miss Abi.” aniya.
Nakinig lang ako sa kaniya tsaka tumatango-tango.
“And you are Luna Abigail Quinn. Ang pangalawang anak nina Abilianna Quinn at Blake Quinn. Kapatid niyo po sina Blaze Jin at Arabella Quinn.”
“Eto ang main mansion ng pamilya ninyo ngunit hindi dito ang pamamahay ninyong magpamilya. Basically this is the Quinn's Clan but your Lolo owns this property.” paliwanag niya pa.
Napatango naman ako sa sinabi niya.
“And you're almost one month hospitalized,” nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at muntik pa akong mabilaukan.
Mabilis akong uminom ng tubig ngunit siya ay wala lang imik at nakatayo lang ng tuwid sa pwesto niya.
“O-one month! Ganoon katagal na akong nakahiga sa kama na 'yon?” Hindi ko makapaniwalang sambit sa kaniya.
“Opo,” magalang niyang sagot.
“Pumikit lang ako saglit para matulog paggising ko one month na? That doesn't make sense.” aniko.
Ngunit naalala ko na nasa ibang mundo pala ako kung kaya't posible nga ang mga nangyayari sa 'kin ngayon.
“Uhm… Miss Abi,” tawag niya sa 'kin.
Sa lahat-lahat ng tao na nakasalamuha ko sa mundong 'to ay siya pa lang ang tumatawag sa 'kin sa ganiyang palayaw. But I kinda like it.
“Okay lang po ba kung sabihin ko rin sa inyo kung ano kayo sa pamamahay na 'to at kung pa'no niyo tratuhin ang mga tao sa pamamahay na ito?” tanong niya sa 'kin na puno ng respeto.
“Bakit?” curious kong tanong.
“You seems different though from the true Luna Abigail Quinn.” bahagyang nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Nahalata ba niya? Alam ba niya na hindi talaga ako ang totoong Luna? Paano? Makakabalik ba ako sa mundo ko? Kung ganon ay delikado na pala ako sa mundo nila.
“I get that you've lost your memories, that is why gusto ko pong sabihin sa inyo na ang totoong Luna ay nagtataray sa main mansion ng mga Quinn.” aniya.
Akala ko ay alam na niya na hindi ako si Luna.
“G-ganun ako?” utal kong tanong sa kanya na napaisip pa sa pagkatao ko.
Mataray naman talaga akong tao at mabilis lang din akong mainip sa mga taong hindi sinasagot ng maayos ang mga seryoso kong katanungan.
“That elegant woman na nakasalubong mo kanina. That's your Lola. Your most hated person here in the mansion. Not because she's too much but because she abuses you for being a weakling and for having no powers at that age of yours.”
So that explain why I don't like her presence nong nakausap ko ang matandang 'yon.
“But even though you've lost you memories ay nakikita ko pa naman sa inyo na naiinis pa rin kayo kapag gano'n ang lola mo sa iyo. I guess heart can tell the emotion kahit na nawala ang memorya mo sa kaniya.” dugtong pa niya.
But there's this one thing na bumabagabag sa 'kin sa sinabi niya.
“I'm a weakling? Me? And what do you mean I have no powers? What does that even mean?”
“There's some people in this world that have no power at all. They're called powerless like they're just an ordinary human that exists in this world. And your lola believed that you're one of those powerless humans.” Aniya.
“Normally at the age of 8 ay lumalabas na ang kapangyarihan ng isang tao. But you, you're already 20 yet any sign of power ay wala.” Paliwanag niya pa.
“How come?” usal ko na hindi makapaniwala.
“I don't know either Miss Abi.” Sagot niya sa 'kin.
Lumapit siya sa 'kin at kinuha niya ang pinagkainan ko. Napapitlag naman ako ng wala sa oras ng hawakan niya bigla ang noo ko kaya natampal ko rin ang kamay niya.
Hindi ko gusto na hinahawakan ako ng ibang tao ng walang pahintulot. Nasamaan ko pa siya ng tingin dahil sa ginawa niya.
“I'm sorry Miss Abi. Tinitingnan ko lang kung may lagnat pa ba kayo.” Puno ng respeto niyang wika sa 'kin.
“You may go.” malamig kong ani sa kanya.
Tanging tango lang ang nakuha ko mula sa kaniya. Sa pagsara niya ng pintuan ay doon ako napabuntong hininga.
Tama ba ang lahat ng nalaman ko? Totoo ba talaga na napadpad ako sa kakaibang mundo? Kung gano'n ay sisimulan ko ng sanayin ang sarili ko sa bagong mundo na ito at baka sakaling makakuha ako ng kasagutan tungkol sa nakaraan ko at kung paano ako napunta rito.
*Kinabukasan*
Nasa dining table kami ngayon na sa lawak ng lamesa ay mukhang nag social distancing na ang mga kakain. Napa-irap na lang ako ng wala sa oras dahil sa napaka OA nitong nasa tabi ko.
“Damihan mo ng pagkain apo. You know that you're gonna start your training today right. So you must eat this and this and this and t--”
“Would you please stop! Ang ingay niyo po eh.”
I sarcastically said but I put a little bit formality in it para hindi ako magmukhang walang modo kahit na ganun naman talaga ang nangyari.
I saw her mouth became wide open nang dahil siguro sa pagkakabigla niya. I saw Sally from afar and she shook her head as if saying 'don't do that thingy'.
Kumalampag ang kutsara at nabigla ako nang dahil doon kaya napatingin ako sa direksyon kung saan ito nanggaling. Nakita ko ang nakakamatay na tingin ng ama ni Luna. Or I must say ama ko na sa panahon ngayon.
“Abigail! How many times do I have to tell you that don't disrespect our gatherings with your attitude like that? Huh!”
Truth to be told, I got scared just by the way how this man glared at me. Mukhang may kapangyarihan ang mga tingin niya na manginginig ka talaga sa takot kapag isa kang duwag na nilalang.
But I'm not. I was just a little bit scared.
“Ate! Don't you ever do that again.” Bulong naman ng katabi ko na si Arabella.
“S-sorry, but I don't even remember anything. Nakalimutan niyo na po ba?” I answered coldly.
Nagbago kaagad ang expression niya. It soften and then naramdaman ko din ang paglayo ng matanda sa'kin.
“Hon! Ako ng bahala sa anak natin. Just please relax okay, wala pang memorya 'yung bata kaya take her easy muna.” Guess that would be my mom from now on.
Dahil sa ginawa nila ay nawalan ako ng gana. Wala akong pasabing tumayo but when I take my first step ay bigla na lang akong nakaramdam ng pananakit sa buong katawan ko na para bang na kuryente kaya napaluhod ako ng wala sa oras.
“Arghhh! Shit! What was that?” I cursed.
“Ate!” Narinig ko ang pagsinghap ni Arabella sa tabi ko.
Sa pag-angat ko ay mukha ni Sally na nag-aalala ang sumalubong sa 'kin pero nanatili lang siya sa kinatatayuan niya at hindi man lang umimik para tulungan ako.
“Hon!”
“Dad stop it! Kakagaling lang ni ate!” galit na wika ni Arabella.
“Siya na nga 'tong mahina siya pa tong nagmamagaling! I can't tolerate her attitude. Kahit nawalan pa siya ng memorya ay nandyan pa rin ang ugali niya na hindi ko gusto! I thought she'll change kasi nga nawalan siyang memorya!” I sense the disappointment in his voice.
How cruel! This Luna Abigail has its worst. Pati sarili niyang ama galit sa kaniya.
Masakit man ang sinabi niya sa 'kin ay nangingibabaw pa rin ang sakit na sa tingin ko ay gawa niya mismo. He used power over his own daughter.
How cruel is he?
Kada galaw ko ay mas lalong sumasakit ang dibdib ko. And then there's my lola sa harap ko na mukha pang natutuwa sa nakikita niya. So parang nakaluhod ako ngayon sa harap niya habang siya ay nakatayo at nakangiti pa sa 'kin.
Tsaka ka lang kapag lumakas na ako.
“Dad!” Dinig ko pang reklamo ni Ara.
Now that I've noticed. No one dared to touch me. Maski si Arabella ay nakatayo lang sa gilid ko at nagdadalawang isip kung hahawakan niya ba ako o hindi.
So it must be some kind of electricity. I feel energy na dumadaloy sa loob ko na pumunta sa dibdib ko at doon nagti-trigger yung shock ng kuryente kaya nasasaktan ako ng ganito ngayon.
“Say sorry to your Lola muna.” Aniya.
Natawa ako ng bahagya sa sinabi niya kahit na masakit na masakit talaga ang dibdib ko ngayon ay hindi ko ginawa ang sinabi niya.
“I'd rather die then,”  matigas kong wika.
“Ate! Don't be so stubborn!” Ani Arabella.
“Anak! Sundin mo na si daddy mo dali na!” puno ng pag-aalala ang boses ng magiging ina ko.
Dahil isa akong dakilang matigas ang ulo ay hindi ko iyon ginawa. Instead, I glared at this old woman in front of me.
Manigas siya!
Just when I tried to stand up ay biglang bumukas ang pintuan at nagtama kaagad ang paningin namin sa magiging kuya ko na si Blaze.
“DAD!” Walang pang isang minuto ay nakarating na sa harapan ko si kuya.
“Dad kakagaling lang niya!” Puno ng galit ang boses ni Blaze ng sinabi niya 'yun.
“Then let her die th--- No! No! Don't touch her!”
But it's too late. Naramdaman ko na lang ang napaka-ibang sakit na parang nagpatigil sa 'kin saglit ng paghinga. Napatayo ako ng tuwid ng wala sa oras dahil para akong hinihigop nito papa-itaas at ramdam na ramdam ko ang kuryente na dumaloy sa buong katawan ko.
Tumilapon din si Blaze sa ginawa niyang paghawak sa 'kin. Bagsak ako sa sahig at nakahandusay ng mawala ang epekto ng kapangyarihan ng sarili kong ama. Napatayo na rin siya at nilapitan ako ng puno ng pag-aalala.
“Hon! Parang sumosobra ka na huh!”
“Kuya are you okay?”
Kumaripas naman ng takbo si Arabella papunta kay Blaze.
“Anak! I'm sorry, hindi ko intensyon na saktan ka ng ganon.” sabi niya pa.
“Matigas kasi ang ulo, dapat lang.” dinig kong bulong ng matanda.
Hindi na ako nakasagot pa dahil sa panghihina ng katawan ko at pinili ko na lamang hindi umimik sa mga sinabi nila.
Galit ako. Galit ako kasi kahit na anak nila ako ay itinuturing nilang ganito ang pagkatao ko. Naiintindihan ko ang totoong Luna kung bakit kilala siya sa pagiging mataray sa angkan nila.
Tinulungan ako ng aking ama sa pagtayo.
“Abi, are you okay?”
Itinakwil ko ng padabog ang kamay ni ama na nakahawak sa braso ko sa abot ng aking makakaya at ganun na lamang ang pagkagulat nilang lahat. Maski si Blaze na huminto bigla sa pag-akay sa 'kin at hindi makapaniwala na nakatitig sa 'kin.
Lahat sila ay natahimik maski na si Sally na nakahawak sa kabila kong braso para akayin ako.
“What!” Mataray kong wika kay Sally.
“Let's go," dugtong ko pa at ako pa ang humila sa kaniya.
“Y-yes Miss.”
Narating ko ang kwarto na tumatak pa rin sa 'kin ang expression nilang lahat.
Magtatanong sana ako kay Sally ngunit pinili ko na lamang humiga dahil sumakit bigla ang buong kalamnan ko sa nangyari kanina.
“Okay lang po ba talaga kayo Miss Abi?” nilingon ko siya.
Tumango naman ako, “Masakit lang ang katawan ko.” maikli kong sagot.
Tumango naman siya, “Magpahinga muna kayo.” Matapos niyang sabihin iyon ay lumabas na nga siya sa kwarto.
–––
Arabella's Point of View
We're all shock ng tinampal at itinakwil ni ate Luna ang kamay ni Dad. Like 100 percent shocked.
Dad's ultra shock power can paralyze a person yet ate manage to move like that as if it doesn't affect her.
It will only activate if that person can be touched by another person skin to skin. That's why tumilapon din si kuya Jin kanina. But Kuya Jin is okay because he has power, but ate Luna. I don't even know how she manages to survive when in fact she's just an ordinary human, a powerless human for now.
“What! Let's go!”
Dahil sa pagkakabigla namin ay maski ako ay hindi makagalaw nang makita kong nagsimula ng maglakad si ate Luna ng hindi man lang inaalalayan ni Butler Sally.
“How is this even possible?” Dad whispered.
I'm an Air Att. Short for Air attunement.
I can hear dad's words because the air whispers it to me and dad is Electricity att and mastering all the technique in electricity powers.
There are tons of attunements such as energy att, light att, darkness att, and ice att. Four of them are the strongest, which are the Air/Wind att, Fire att, Water att, and Earth att. But with the good use of all the attunement, you can be the strongest without that four strongest att.
Just like dad, he's like a pro with his electricity/Lightning powers. But still may mga techniques pa rin siyang hindi nahahasa.
“Dad! You promised that you will take easy on her.” galit na sabi ni kuya habang pinipigilan ko siyang sugurin si Dad.
“And you lola, does it make you happy seeing her like that? I don't even understand why you are like that to her. For once take easy on my sister, will you?” 
“Kuya, stop,” I said.
All I can do right now is to stop them. I really hate it when we go into this mansion. Palagi na lang nag-aaway and all because of ate Luna.
Wala namang kasalanan si ate but why are they like this? Mahirap bang tanggapin na ganun talaga si Ate? Why are they forcing her into something na hindi naman niya nakokontrol?
Nakaka-inis lang.
“What is this commotion? It's so early in the morning.”
Napalingon kaming lahat sa nagsalita. And here, dumating na nga si lolo.
I sigh in relief.
Lolo's the one who can make peace with all of this.
“Loloooooo!” tawag ko sa kanya sa malambing na boses.

Book Comment (130)

  • avatar
    Jehan Adel

    wow ito ay pinakamaganda na laro sa buong mundo nakakuha ka ditong libreng diamond kahit anong diamond hhrhjfgd. h hx he DC n TV h TV uc HH in f TV n v I'm g TV na uh TV y DC DC off he TV b my bxj v. c he ut🥳🥳🇵🇰🥳🇵🇰🇵🇰🇵🇰🤣🤣🤣🤣🤣🇵🇰🇵🇰🌞🌞🌞🇵🇰🇵🇰🌞🇵🇰🌞🇵🇰🌞🤣🌞🤣🌞🇵🇰🤣🇵🇭🇵🇰🇵🇰🇵🇰🇵🇰🇵🇭🇵🇰😘🌞🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀🏀 DC na b HH HH v. I uh uhjuiiuuuihhghjgjilmnbbbbbghgJ xxx you have to be careful about the same time ko lang nagdig to get a a little m🥳🌞

    09/06

      0
  • avatar
    Bella Baingan

    ang ganda pero kulang yong istoryaaa😭😭 sana may part 2 pero anak na nila yon at may mga bagong kalaban😭😭 pero maganda yong story🤩 sulit basahin!

    03/05

      0
  • avatar
    Amos Alamay

    100

    03/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters