logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 01

Kabanata 01. A new world
*In the future*
Nagising si Luna nang tapunan siya ng malamig na tubig ng kanyang mga kaklase. Nalaman niyang nakagapos siya ngayon sa isang upuan.
Pakana na naman ito ng kaklase niyang inggit na inggit sa kaniya at dahil mahina siya ay hindi niya magawang labanan ang mga ito.
Nasa rooftop sila ng building kung kaya't ramdam na ramdam niya ang simoy ng hangin at ang kirot ng mga pasang kaniya ring nakuha mula sa kaklase niya.
"Ano! Hindi ka pa rin ba aalis sa paaralang 'to?" Ani ng isang babae na may mahaba at tuwid na buhok.
"Ang mahihinang katulad mo ay walang lugar sa paaralang 'to. Ni wala ka ngang kapangyarihan eh!" Ani naman nong isa na may katamtaman lang ang buhok na medyo kulot.
Dahil sa panghihina ay hindi magawang sumagot ni Luna kahit na marami naman siyang dapat na sasabihin. Isang malakas na sampal na naman ang kaniyang nakuha na nagpatumba sa upuan na kinauupan niya ngayon.
Masakit, mahapdi at kumikirot. Iyan ang mga nararamdaman niya sa mga oras na 'to.
"Should we finish her?" Ani nong isang babae na panay kain ng lollipop.
"We can't use magic here at the campus. But still we can beat her to death." Puno ng pagnanasa ang babaeng tuwid ang buhok.
"Then, should we?" Ngiting sang-ayon naman nong kumakain ng lollipop.
Nag-apir pa silang tatlo bago nila sinimulang bugbugin muli ng walang awa si Luna hanggang sa mawalan na nga siya ng malay.
---
Gianna's Point of View
Napabalikwas ako ng bangon at kinapkapan ang aking sarili. Malaking buntong hininga ang kumawala sa 'kin ng napagtanto kong panaginip lang pala ang nangyari sa 'kin.
Akala ko'y nabaril na talaga ako.
"Luna!"
Gulat akong napalingon sa gilid nang may lumapit sa'kin na hindi ko kilala. Sa pagyakap niya'y doon ko naramdaman ang halo-halong sakit sa katawan ko at nangingibabaw doon ang sakit sa aking ulo.
"Are you okay now? Can you talk? May masakit pa ba sa 'yo?" Sunod-sunod ang tanong niya sa'kin.
He's handsome thought. Pero sino ba siya? At bakit nasa hospital ako ngayon? Wait, what?
"Nasaan ako?" Iyon ang sinabi ko pero mahina lang ang nai-boses kasi may problema sa lalamunan ko.
Inabutan naman kaagad niya ako ng tubig na hindi ko naman tinanggihan. Kaagad kong iniinom iyon at nagsalita uli. This time ay nai-boses ko na ito ng maayos.
"Nasaan ako?" Pag-uulit ko.
"Nasa hospital ka ni dad Luna. You were so unconscious nang matagpuan ka ni Olivia sa rooftop ng paaralan."
"Huh?" Iyan lang ang naisagot ko sa kaniya.
Anong pinagsasabi niyang Olivia? Anong paaralan? Tsaka anong hospital ni dad? Sino ba siya? Nalilito na talaga ako.
Bumukas naman ang pintuan at may lumabas doon na isang babae na napaka cute at maganda na halatang mas bata sa 'kin.
Nang magtama ang mata namin ay nanlaki rin ang mga nata niya at patakbong pumunta sa 'kin sabay na niyakap ako ng napakahigpit.
"Ate! Akala ko hindi ka na gigising." Maiyak-iyak niyang wika sa 'kin.
Dahil sa kalituhan ko ay isang tanong na lang ang bumabagabag sa isipan ko ngayon. If I am here in the hospital, it means nandito rin sina mom and dad right?
"Mom and Dad?" Iyon lang ang lumabas sa bibig ko.
Kumalas yung batang babae sa 'kin tsaka niya pinunasan ang luha niya. Umiyak talaga siya. Iniyakan niya talaga ako.
"They're coming. Don't you worry." Ani nong lalake sa 'kin.
Medyo nalilito pa ako pero may ideya na talaga na bumubuo sa isipan ko. And I hope this ain't true.
"Pagkain ate? Anong gusto mong kainin? Gusto mo bilhan kita fri- aray!"
Nakakuha lang naman siya ng malakas na batok sa lalake kanina.
"Kakagising lang ng tao papakainin mo ng gano'n. Alam mo namang hindi pa fully healed si Luna."
"Kuya naman! Muntik ng mamatay si ate tapos..." Hindi niya na ituloy ang sumunod dahil bumukas muli ang pintuan.
"Luna!"
"Anak!"
Kumunot na talaga ang noo ko nang makita ang dalawang tao na kakapasok lang na tinawag ako sa hindi ko pangalan. Luna? Hindi naman ako si Luna tsaka anak? Hindi naman sila ang mga magulang ko.
Yayakapin na sana nila ako ng tinanggihan ko sila at masama silang tiningnan.
"Mukha ba akong nakikipag biruan dito?" Inis kong sambit sa kanila na halatang ikinabigla nila.
Saglit na katahimikan ang bumalot sa loob ng silid.
"Anak! Okay ka lang?" Ani nong babae.
"Anak? Sino ba kayo? Tsaka Luna? Sino 'yun?" Lito kong sambit na may halong inis sa tono.
Gusto ko lang naman makita sina dad at mom e.
"H-hindi mo alam ate?"
"Ate? Sino ba talaga kayo? Ba't ako nandito?"
Nakita ko ang pag-iba ng mukha ng tila ama ata nitong dalawa.
"Look at me," puno ng otoridad ang boses niya kung kaya't hindi ko napigilang sundin ang utos niya.
Ramdam ko rin ang pagiging seryoso niya.
"Kilala mo ba ako?" Tanong niya.
Umiling lang ako.
"Siya, kilala mo ba?" Turo niya sa katabi niya na sa wari ko ay asawa niya.
Umiling muli ako.
"Lahat kayo ay hindi ko kilala." Sumeryoso bigla ang paligid.
Tumalikod ang ma-awtoridad na lalaki at saka kumuha siya ng salamin. Iniharap niya 'to sa 'kin.
"Ayan! Kilala mo ba ang sarili mo?"
Nang makita ko ang mukha ko sa salamin ay laking gulat ko ng puro pasa ang nakita ko doon.
"Anong nangyari sa mukha ko!"
Iniingatan pa naman ni mom ang balat ko tapos ano 'to?
"Hindi mo sinagot ang katanungan ko Abigail!"
Abigail? Pangalan ko 'yun.
"Abigail..."
Napaisip ako. Paano kung tama talaga sila? Luna? Tinawag nila akong Luna. Paano kung totoo talaga ang iniisip ko na nasa ibang mundo ako.
Well, it's not impossible right? Naniniwala nga ako sa magic e. Reincarnation ba 'to o ano?
"Short term memory loss," napalingon ako nung sinabi iyon ng poging lalaki kanina na yumakap sa 'kin.
Seryoso na rin ang boses niya ngayon.
"That damn bitches will gonna pay. I'm gonna kill them dad." Seryoso niyang ani.
"Don't."
"Why?"
"Just don't. Let Abigail do the revenge when she recovers."
"Hon! Kita mo naman nangyari sa anak natin." galit na wika nang asawa.
Dahil sa pinagsasabi nila ay kusa na lang na kumirot ang ulo ko. Napadaing pa ako dahil sa sakit nito.
"Argh!"
"Get some rest, darlin'. Daddy will handle everything. Just please be healed okay? I won't force you anymore to train hard."
Dahil sa sakit ng ulo ko ay hindi ko na nasagot pa ang pinagsasabi ng lalaking ama ko raw sa mundong ito.
Kahit na nalilito pa ako at nabigla ay dinahan-dahan ko muna ang mga pangyayari. Pumikit ako at pinilit kong matulog at baka sakaling sa paggising ko ay panaginip lang ang lahat ng ito.
---
Napabalingkawas na naman ako ng bangon dahil sa paulit-ulit na nakikita ko. Napanaginipan ko na naman sina mom at dad. Kung paano sila binaril ng walang awa sa mga taong iyon.
"Get dressed. We're going home." Bungad sa'kin nung poging lalaki.
Hindi ko siya sinagot. Bagkus tinitigan ko lang ang binigay niya sa'kin na damit.
"I'm Blaze Jin Quinn. I'm your older brother, Luna." Tumawa siya ng bahagya na ikinakunot ko ng noo.
"Does it sound weird? Nagpapakilala ako sa kapatid ko." Tawa niya pa tapos bigla na lang uling sumeryoso.
"Luna, if you're acting right now then stop it. You don't need to hurt dad like that para lang hindi ka na niya mapilit." aniya.
"Mapilit ang alin? And I'm not acting Jin? Hindi ko talaga kayo kilala the moment na nagising ako." Sagot ko.
Now I realize na hindi nga ako nananaginip lang. It's a second life that has been given to me. Hindi ko man alam kung bakit napunta ako sa mundong 'to basta ang alam ko may saysay lahat ng pangyayaring ito.
It's just weird na ganito pa rin ang mukha ko at pangalan ko. Much worst nagkaroon pa ako ng dalawang kapatid.
"Jin?" He scoffed.
"You must call me kuya, Luna!" Galit niyang turan sa 'kin.
"Luna? Is that supposed to be my name too?"
Naglaho bigla ang galit sa mukha niya. And then he rest his expression.
"So you forgot your name. You're Luna Abigail Quinn. The first daughter of Quinn's Clan. In short, you're like a princess in this world, Luna." Aniya na siyang hindi ko naintindihan.
"Now go to the bathroom and get dressed. Lola's been waiting on you at the mansion. Be good, okay?"
Mansion?
Nabigla man ay kumilos na ako. Nagtaka lang din ako ng kaunti kasi sa paggising ko ay wala na ang ibang sugat ko sa katawan at hindi na rin mabigat ang pakiramdam ko. Hindi naman ako natulog ng isang buong araw.
Matapos kong magbihis ay bumiyahe na nga kami. Tahimik lang akong nakasakay sa kotse nila dito sa may backseat nang maagaw ang atensyon ko sa buong lugar.
Ngayon ko lang napansin na may malaking gusali na iba-iba ang disenyo. But then I caught something unbelievable na siyang nagpabigla sa'kin.
"W-what was that?" Gulat kong tanong.
Nakakita lang naman ako ng isang pulis na may hinahabol at saka tumilapon ang hinahabol niya na parang ginamitan niya ng mahika.
Isang mahika, kung hindi ako nagkakamali.
"It's pretty normal here, Luna. Pati ba ang bagay na 'yun ay nakalimutan mo na?" Aniya.
Hindi ko na siya nasagot pa kasi nangingibabaw na sa'kin ang pagkagulat ko sa aking nasaksihan.
Pretty normal? What the f*ck!
"Don't stress yourself. You can ask Sally about everything. Sorry I can't explain everything to you right now 'cause I'm a bit busy." He casually said.
Narating namin ang sinabi niyang mansiyon daw. My jaw dropped as I saw how big it is. Mas malaki pa ata to sa bahay namin. This is not a mansion anymore. It's like a palace na sa sobrang laki ay libong tao na ang maititira dito.
"Manong, ikaw na po bahala sa kanya." Sabi niya in a cold tone.
Hindi ko alam pero matapos niyang sagutin ang tumawag sa kaniya kanina sa phone ay naging gano'n na ang aura niya. Para siyang galit na ewan.
Pinagmasdan ko siya nang mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan na sinakyan namin kanina.
"Dito po tayo ma'am." Napalingon ako kay manong driver at tumango na lamang.
Ngayon ko lang napansin ang suot niya. Napaka-pormal na naman ng suot niya para sa isang katulad niyang driver. I am wearing a formal dress but sanay naman na ako na ganito kasi mayaman naman kami pero hindi ganito kayaman sa lugar na inaapakan ko ngayon.
"Manong, dito po ba talaga kami nakatira?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya.
His eyes widen. Nakita ko ang biglaang pagkataranta niya at nauutal pa siya nong tinangka niyang sagutin ang katanungan ko.
"Manong? Okay ka lang po ba?"
"Ah-- opo! D-dito po kayo nakatira Ma'am." Utal pa niyang sagot ngunit makikita mo pa rin ang kaba sa mukha niya.
Kumunot ang noo ko sa naging reaksyon niya ngunit hindi ko na inabala pa iyon ng sa pagbubukas niya ng pintuan ay isang matinis na boses na ang narinig ko sa hindi kalayuan.
"Apoooooo!" Natakpan ko ng wala sa oras ang aking tenga dahil sa boses ng matandang papunta na sa 'kin ngayon.
It must be Luna's Lola. Or my Lola from now on?
"Finally after a month bumalik ka na." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya habang niyayakap niya ako.
"After a month? What are you talking about?" Pinilit kong kumawala sa mga yakap niya at nagtagumpay naman ako.
"You didn't know? So it must be true that you've lost your memory." Hindi niya sinagot ang katanungan ko kung kaya't nairita ako.
Kaagad na sumama ang timpla ng mukha ko ng mahimigan ko ang boses niya. Parang masaya pa siya na nawalan ako ng memorya.
"Anong pinagsasasabi ninyo?" Masungit kong tanong.
Ewan,pero naiirita ako sa kanya. Hindi ko alam pero yung mga tingin niya sa'kin ay para bang sabik siya sa katotohanan na nawalan ako ng memorya.
"Guess the attitude didn't lost away with your memories."Β  Bulong niya na malakas naman sa pandinig ko.
It ring in my ears kung kaya't natakpan ko ng wala sa oras ang aking tenga.
"Arghh!" Daing ko.
"Oh my! Sorry darling. Dapat pala pinag pahinga ka muna kasi pagod ka pa sa byahe." aniya na inalalayan pa ako pero mabilis ko siyang tinakwil.
Her touch makes me feel that we're not that close. I don't know but I just knew it.
"Luna!"
Mapagbanta ang boses na narinig ko mula sa kanya. Pero hindi ko siya pinansin bagkus tinawag ko si manong driver.
"Manooonng!" Tawag ko.
Taranta namang sumulpot si manong na hindi ko alam kung saan galing. Kanina lang wala siya sa paningin ko dahil sa lawak ng lugar na 'to ngunit ngayon ay nasa tabi ko na siya. Pero may kasama siyang isang babae na hindi ko kilala.
"Take me to my room please. Nahihilo na ako eh." Paarte ko kahit na ang totoo ay ayaw ko lang talagang kausapin ang matandang 'to.
"Let's go Miss Abi," salita nong babae na inaalalayan pa ako.
"Sino ka?" masungit kong tanong.
E sa naiirita ako eh. Ganito naman talaga ako. Mabilis mairita lalo na kapag hindi nila sinasagot ng maayos ang katanungan ko. Nakakairita!
"Sally at your service, Miss Abi. Punta na po tayo sa kwarto ninyo at nang makapagpahinga na po kayo." Magalang niyang sagot sa 'kin.
Hindi na lang ako umapila pa at naglakad na but stopped when that lola called me.
"Pagaling ka Luna. You'll gonna start very soon."
Hindi ko na lang inintindi ang sinabi ng matanda ngunit nahagip ng paningin ko ang pag-irap ni Sally sa aking tabi. Iniling ko na lang ang ulo ko sa aking nakita.

Book Comment (130)

  • avatar
    Jehan Adel

    wow ito ay pinakamaganda na laro sa buong mundo nakakuha ka ditong libreng diamond kahit anong diamond hhrhjfgd. h hx he DC n TV h TV uc HH in f TV n v I'm g TV na uh TV y DC DC off he TV b my bxj v. c he utπŸ₯³πŸ₯³πŸ‡΅πŸ‡°πŸ₯³πŸ‡΅πŸ‡°πŸ‡΅πŸ‡°πŸ‡΅πŸ‡°πŸ€£πŸ€£πŸ€£πŸ€£πŸ€£πŸ‡΅πŸ‡°πŸ‡΅πŸ‡°πŸŒžπŸŒžπŸŒžπŸ‡΅πŸ‡°πŸ‡΅πŸ‡°πŸŒžπŸ‡΅πŸ‡°πŸŒžπŸ‡΅πŸ‡°πŸŒžπŸ€£πŸŒžπŸ€£πŸŒžπŸ‡΅πŸ‡°πŸ€£πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡°πŸ‡΅πŸ‡°πŸ‡΅πŸ‡°πŸ‡΅πŸ‡°πŸ‡΅πŸ‡­πŸ‡΅πŸ‡°πŸ˜˜πŸŒžπŸ€πŸ€πŸ€πŸ€πŸ€πŸ€πŸ€πŸ€πŸ€πŸ€πŸ€πŸ€πŸ€πŸ€πŸ€πŸ€πŸ€πŸ€ DC na b HH HH v. I uh uhjuiiuuuihhghjgjilmnbbbbbghgJ xxx you have to be careful about the same time ko lang nagdig to get a a little mπŸ₯³πŸŒž

    09/06

    Β Β 0
  • avatar
    Bella Baingan

    ang ganda pero kulang yong istoryaaa😭😭 sana may part 2 pero anak na nila yon at may mga bagong kalaban😭😭 pero maganda yong story🀩 sulit basahin!

    03/05

    Β Β 0
  • avatar
    Amos Alamay

    100

    03/05

    Β Β 0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters