logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 1

Can you show your body to me?
Impit akong napatili nang maalala ulit ang sensuwal at bastos na salitang binitawan ni sir Eon kahapon. Ang laswa pakinggan pero bakit ang sexy-sexy kapag sa kanya nanggaling.
Naku, wag mong paandarin ang karupukan mo Clariniette at baka mawalan ka ng puri ng wala sa oras.
"Pero kay sir Eon ko lang naman talaga ibibigay 'to," mahina kong bulong sa 'king sarili at mariing napapikit sa naisip. Baliw ka na talaga Clarriniette.
"Pinagpapantasayahan mo na naman si sir Eon ano?" tanong ng kararating lang na si Jane, ang nag-iisang childhood bestfriend ko.
Nagkukuwento kasi ako sa kanya, kaya lahat ng crush ko ay alam niya. Alam niya rin ang pagiging obsess ko kay sir Eon at ang ilang beses nitong pag reject sa 'kin.
"Bakit ka ba nagpapaka martyr sa taong hindi ka naman gusto. Doon ka nalang kay Augustin."
"Hindi ko nga kasi siya gusto Jane," giit ko para tigilan na niya ako kakareto kay Augustine.
Hindi naman masama si Augustine, he is family oriented, religious, basketball player, gwapo, at mabait. He is an all package pero ewan ko ba at ni katiting na pagtingin ay di ko maramdaman sa kanya.
He tried courting me, pero ako na mismo yung umayaw sa kadahilanang ayoko siyang paasahin. I am foolishly hooked on sir Eon, at kung hahayaan ko siyang ligawan ako, siguradong masasaktan lang siya sa huli. At ayoko ng ganon, ayokong makasakit ng tao. He deserve someone better.
Humalukipkip siya. "At doon ka sa lalaking ayaw rin sayo? Mas gugustuhin mong pumunta sa taong gagawin kang muchacha kaysa sa taong mamahalin at gagawin kang prinsesa? Ganun ba yun?"
"Bakit ba? Si cinderella nga sa pagiging mutchacha naman nagsimula ah," I defended. Jane blew a loud breath at napatampal sa kanyang noo.
"Kaya ayokong ma inlove eh," she muttered na rinig ko naman. Hindi ko nalang siya tinumpangan at minabuti na ituon nalang ang pansin sa pag e-edit ng invitation card para sa debut ng aking kliyente.
Isa rin kasi itong paraan para mas makapag ipon ako para sa pagpapa aral ng aking kapatid na mag sesenior high na sa susunod na taon.
"Nakakadagdag ng stress lang yan Clary, bakit ba ayaw mong tanggapin ang perang inaalok ko..."
"Heto na naman tayo Jane. Ilang beses ko bang sasabihin na hindi dahil magkaibigan tayo ay tatanggapin ko na ang pinansiyal na binibigay mo. Ayokong mapagsabihan ka na naman nila tita kakawaldas ng pera mo para sa pamilya ko," pagpapaliwanag ko na siyang ikinatigil niya.
"At ano ang gusto mong iparating? Hahayaan ko lang na makita kang magkanda kayod-kayod sa pagtratrabaho para lang makapag ipon, ano ang silbi ko kung ganon? Kaibigan nga kita pero di naman kita matutulungan kahit sa simpleng paraan," she insisted kaya ngayon ako na naman ang napasimangot.
"Ilibre mo lang ako ng kwek-kwek araw-araw okay na. Makakatanggal na yun ng stress," nakangisi kong turan para pagaanin ang pag-uusapan namin.
"Tirador ka talaga ng kwek-kwek, pinaglihi kaba ng itlog sa pugo?"
"Ewan, tanong mo kay nanay," pabalang kong sagot at napaigik kalaunan dahil sa pagbatok niya sa 'kin. Napanguso nalang ako nang sinenyasan niya akong manahimik.
"Clariniette! Clariniette! Lumabas ka ngayon din! Labas!" rinig kong sigaw ni tita sa labas ng aking kwarto.
Mahina akong bumuntong hininga at inayos ng tali ang aking buhok bago binuksan ang pintuan ng aking kwarto. Halos mapasigaw ako ng bigla niyang hinila ang aking buhok at marahas na hinila patungo sa kwarto nila ni tito at binitawan ng padarag dahilan para halos mapasubsub ang mukha ko sa papag.
"Akala mo ba hindi ko alam? Anong akala mo sa'kin tanga Clariniette!? Isauli mo ngayon din habang nagiging pasensiyosa pa ako, kundi talagang malilintikan ka sa 'kin!" sigaw niya. Nanlilisik ang mga mata at nakapameywang sa aking harapan.
"W-wala po akong alam t-tita," tanggi ko sa pagbibintang niya, pero tila naging dahilan iyon para mas lalong umusbong ang galit ni tita. Halos mapasigaw ako ng maramdaman ang malakas na paghila niya sa aking buhok para patingalain at sampalin ng buong lakas.
"Putragis kang bata ka!" nangigigil niyang sigaw at ibinato ang shoulder bag na laging dala dala. Impit akong napaigik nang maramdaman ang pagtama nito sa aking ulo na nananakit pa dahil sa marahas niyang pagsabunot dito.
"Magdadahilan ka pa Clariniette? Anong akala mo sa akin tanga! Pinakain at pinaaral kita tapos may lakas loob ka pang nakawan akong gaga ka!"
"W-wala po akong pera tita. Hindi po ako nagnakaw, w-wala po akong nina..." Muli na naman akong napahiyaw sa sakit nang maramdaman ang hapdi sa aking kabilang pisngi dulot ng kanyang walang habas na pagsampal.
Ilang beses akong nagmakaawa ngunit nagbibingi bingihan si tita sa lahat ng pinagsasabi ko. Halos mamutok na ang labi at pisngi ko kakasampal niya pero tila bulag ito at pinagpatuloy ang marahas na pagparusa niya sa 'kin sa kasalanang di ko naman ginawa.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Estrella!" natigil ang pagmamaltrato ni tita sa 'kin nang marinig ang mapanganib na boses ni tito na kararating lang.
Malakas niyang binitawan ang aking buhok at dinampot ang bag at ipinakita kay tito.
"Nagnakaw ang batang iyan Rafael! Nawala ang perang inipon ko sa aking bag dahil ninakaw nang batang iyan!" sumbong ni tita kaya mariin kong kinagat ang aking labi para pigilan ang aalpas na hikbi at mariing kinuyom ang aking palad para maiwasan ang panginginig nito dulot ng pangyayari.
"W-wala po akong ninakaw t-tito. Wala po akong alam, maniwala po kayo," utas ko sa basag na boses.
"Tumahimik ka!"
"Ikaw ang tumahimik Estrella! Ano ang karapatan mong pagbuhatan ng kamay si Clariniette! Mas mabuti lang na nawalan ka ng pera dahil alam kong sa madjong na naman ang hahantongan no'n"
"Aba't sa kanya ka pa pumapanig Rafael? Ako ang nawalan ng pera dito! Para sa 'tin ang pera na 'yon, alam mo ba ang halaga no' n?" hysterical na turan ni tita. "Isang milyon Rafael! Isang milyon ang perang iyon!"
Dire diretsong utas ni tita dahilan para matigil kaming lahat. Kahit si tita ay natahimik at di makatingin kay tito na may hinala na sa nangyari.
"Nangutang ka na naman Estrella? Para saan! Kanino ka nangutang? Hindi mo ba alam na halos magkanda leche-leche na ang buhay natin kasi baon na tayo sa utang? Tapos ngayon nangutang ka na naman ng isang milyon!"
"Putangina Estrella! Kailan ka ba magtitino!" Di mapigilan ibulyaw ni tito sa inis. Sinubukang magpaliwanag ni tita pero sa tuwing binubuka niya ang mga labi ay wala namang salitang lumalabas, hindi nito mawari kung ano ang sasabihing pagpapaliwanag sa harapan ni tito.
"Rafael..."
"Magsinungaling ka pa Estrella at sa labas ka pupulutin kinabukasan," pagbabanta ni tito nang mahimigan ang tono ng pag aanlinlangan sa boses ni tita.
"Clariniette," tawag ni tito.
"P-po?" nauutal kong tugon. Sinubukan kong tumayo pero dahil sa panginginig ng aking binti ay muli akong napapasubsub sa papag, dahil sa nakita ay marahang hinawakan ni tito ang aking siko at tinulungang tumayo.
Di na ako nag abalang tingnan pa si tita dahil alam kong mas lalo lamang siyang maiinis sa kabutihang pinapakita ni tito sa'kin.
"Doon ka muna sa bahay niyo, bumalik ka lang dito kapag humupa na ang galit ng tita mo at kapag na resolba na namin ang problemang ito," suhestiyon ni tito.
"Aba't..! "
"Tumahimik ka Estrella!" putol ni tito at mariing tiningnan si tita bago ako marahang tinulak palabas ng kwarto nila.
Napagumanhin si tito sa nagawa ni tita at nagbilin pa siya ng perang pambili ng gamot sa namamaga kong pisngi at pagkain para sa bahay bago ako pinakawalan at marahang isinara ang pintuan.
Wala na akong sinayang na oras at mabilis nalang akong nag impake ng kukunting damit at gamit bago lumabas sa bahay. Malinaw na malinaw pa ang pagsasagutan nila tito sa loob ng bahay pero isinawalang bahala ko nalang iyon at dumiretso sa palengke para bumili ng pang ulam at pasalubong para kina tatay.
"Ate!" masayang salubong ng aking mga kapatid nang madatnan ako sa gate ng bahay namin. Bandang alas sais na ako nakauwi dahil nilagyan ko pa ng cold compress ang aking pisngi para di mapansin ni tatay ang pamamaga nito.
Mahina ang puso ni tatay at ayokong mag alala na naman siya pag nakita ang lagay ko. Sanay naman na ako sa sakit kaya okay lang.
Maingat kong inilapag ang mga pinamili at idinapa ang mga kamay para ipahiwatig na handa ako sa yakap na sasalubong sa 'kin.
Ngumiti ako ng maramdaman ang malilit nitong mga kamay na pumulupot sa 'king beywang at leeg. "Namiss kayo ni ate," malambing kong turan at marahang hinimas ang kanilang mga buhok bago sila niyakap ng mahigpit, dahilan para mapahagikhik ang mga ito.
"Anak," sandali kong binitawan ang aking mga kapatid para magmano kay tatay at salubungin ito ng yakap. Agad naman akong niyakap ng pabalik ni tatay kaya di ko na mapigilan ang paghikbi sa di malamang dahilan.
"Na miss ko po kayo," pagdadahilan ko at sinabayan pa ng tawa para mapapaniwala ko si tatay. Inilayo ako ni tatay at pinunasan ang aking ampat na luha bago ngumiti at tumango.
"May problema ba anak?" tanong ni tatay at hahawakan sana ang aking pisngi, pero maagap akong nag iwas at ngumiti para mapawi ang pagtataka sa mukha ni tatay sa aking inasta.
"May dala po akong pasalubong at ulam para mamaya," pag iiba ko ng usapan at binuhat ang pinamili papasok ng bahay.
Mabilis kong tinawag ang aking mga kapatid para bigyan ng tig dadalawang piraso ng tinapay na ikinalundag naman nito sa saya. Inabala ko ang sarili sa gawain ng bahay sa araw na iyon, kung hindi pa ako pinilit ni tatay magpahinga ay paniguradong nasa kusina pa ako ngayon at kung ano ano na lang ang ginagawa.
Ramdam kong may alam si tatay pero pinilit lamang nitong manahimik nang mahimigang hindi pa ako handang sabihin ang lahat sa ngayon. At nagpapasalamat ako sa pagrerespeto ni tatay sa desisyon ko.
"Tumigil ka na kaka working anak, kaya ko namang kumayod para pag aralin ka," udyok ni tatay na na sa aking tabi, nakatanaw sa malawak na palayan na pag aari ng mga Velasco.
Tirik na tirik ang araw pero di pa rin nito matutumbasan ang mala gintong anyo ng palay na sumasabay sa malamyos na simoy ng hangin. Saglit kong ipinikit ang mga mata bago tiningnan si tatay at umiling bilang sagot.
"Matanda na kayo tay, mas mabuting dito nalang kayo sa bahay at samahan sina chi-chi, botchoy, at bibing,"
"Pero anak... "
Ngumiti ako. "Wala ka ng dapat ikabahala tay, kaya ko pong tiisin ang lahat. Sa inyo po ako kumukuha ng lakas kaya kailangang magpakatatag po kayo huh?" sansala ko sa ibang sasabihin niya. Kita ko pa ang hisitasyon sa mukha ni tatay, pero nang makitang buo na ang aking desisyon ay mahina na lang siyang napabuntong hininga.
"Pag di mo kaya wag kang magdalawang isip na umuwi at tumigil. Si tatay na naman ang mag sasakripisyo, ako na naman ang mag titiis anak," masuyong sabi niya tatay. Tipid akong tumango at muling ibinalik ang tingin sa palayan ang paningin para maiwasan ang pagluha nang maramdaman ang bikig ng aking lalamunan dahil sa sinabi ni tatay.
Kakayanin ko tay, kakayanin ko lahat kaya wag po kayong mag alala.
(_Kaligayahan)

Book Comment (49)

  • avatar
    USNIEKRISJEN

    perfect story

    27/07/2024

      0
  • avatar
    Yvette Domingo

    god

    29/06/2024

      0
  • avatar
    Aki Yohan Bongayan

    jh jbv

    20/06/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters