logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 28 Proposal

Chapter 28
She felt so relieved nang siya ay dumilat. She looked around. Kayganda ng sikat ng araw sa umagang iyon. Lumusot pa ang sinag ng liwanag sa kurtinang nasa bintana. Napaisip siya sa lugar kung saan siya nakahiga. Nasa Pilpinas na nga pala siya. Nasapo niya ang kanyang noo at napangiti. No stress at all nakaraos din siya sa yugto ng kanyang buhay sa pag-aalala. Mahigit isang buwan nga pala siyang nanatili roon. Pero ang mahalaga at ipinagpasalamat niya sa lahat ay natulungan niya si Rye. Nagpunta siyang Australia dahil sa pakiusap sa kanya ng mommy ni Rye. Hindi niya ito matanggihan. Buhay ni Rye ang nakakasalalay. Ayaw ng binata na mag undergo ng operation. Tatanggalin lang naman ang stones na namumuo sa kanyang gall bladder. Isang surgery na hindi naman ganun ka delikado. Naduduwag ito at ayaw magpa opera hindi bale na raw na siya ay mamatay hindi na rin naman niya kailangan pang mabuhay.
Sobrang naging mahirap ito para sa mommy ni Rye kaya  humingi ito ng saklolo  sa kanya. Mahalagang tao si Rye para sa kanya kaya nagawa niyang umalis at hindi na sinabi ang tunay niyang dahilan.
"Mommy!" Sigaw ito ng kanyang mahal na mahal na si Naiah.
"Breakfast for you," ani ni Eurice na nakangiti din sa kanya.
"Ako na dapat ang nagluto sa ating almusal. Bakit hindi niyo ako ginising?" angal niyang sabi sa kanyang mag-ama.
"No! No! Hindi puwede," sagot kaagad sa kanya ng asawa.
"Bakit naman hindi."
"Ang sabi ng doktor. Naging maselan ang iyong pagbubuntis. Susunod tayo sa kanyang sinabi na mag-iingat ka. Mainam na 'yong sumusunod ka walang mawawala. Kung hindi baka mawala ang baby natin."
"Sorry sa nagawa ko. Kasalanan ko rin siguro ang lahat. Kung nawala nga sa atin si baby pagsisihan ko. Mabuti na lang kumapit pa siya."
"No! Alex. Nothing to say sorry. You did the right thing. At kung natulungan mo si Rye isang malaking dahilan  na iyon para hindi mawala si baby sa atin. Good karma always be a payback for a good deeds."
Napangiti si Alex sa narinig hindi niya inaakalang maiintindihan din pala ng asawa ang kanyang ginawa.
"Sana hindi ako naglihim. Sana sinabi ko ang dahilan para hindi kayo nag-alala ng sobra sa akin."
"Hindi mo na kailangang isipin pa 'yan. Darating sila mama, Lezette at Alvin kasama ang kanilang anak. Kaya kailangan kung asikasuhin ang Isla Paraiso."
"Salamat."
"Stay here on bed. Puwede mo naman kaming silipin ni Naiah sa bintana. Mamaya babalikan ka namin ni Naiah. Maghintay ka lang. Huwag kang lumabas mag-isa ."
"Napatango si Alex sa sinabi ng asawa. Sobra niyang ramdam ang pagmamahal at pag-aalaga sa kanya. Wala na siyang ibang mahihiling pa.
"So mom stay here," kunwaring nakakagat labi pa si  Naiah habang nagsasalita.
"Yes your majesty," birong hirit ni  Alex sa anak.
Iniwanan na siya ng kanyang mag-ama na kumakain. Naroon na sa kanyang harap ang almusal. Ilalagay na lang niya sa tabing mesa ang kanyang mga pinagkainan pag siya ay tapos na. Biglang tumunog ang kanyang phone. Nakalagay na rin pala ito sa tabi ng kanyang unan.
"Hello anak." Boses ng kanyang ina ang nasa kabilang linya.
"Hello ma. Kamusta!"
"Ikaw kamusta. Mag-ingat ka. Nabalitaan namin ang nangyari sa iyo. Pero nandito na rin kmi sa daan malapit na riyan."
Sandali lang ang kamustahan nilang mag-ina. Nagpaalam na rin ito. Hindi akalain na sa araw na din palang iyon sila darating. Ang akala niya sa isang araw o kaya sa isang linggo. Kaya pala nag-aabala na ang kanyang asawa sa lahat. Ibig man niyang tumayo at tumulong pero dahil ang bilin sa kanya ay hindi puwede. Sumilip na lang siya sa bintana at tinitingnan ang kanyang mag-ama sa kanilang ginagawa. Ang ipinagtataka niya ay kung bakit parang may okasyon. Gusto niyang makita pero ipinagbawal sa kanya ang lumabas. Naalala niya pa ang kagat-labing mukha ni Naiah habang nagbibilin sa kanya.
"Mommy I'm here again to give you the clothes you are going to wear," bungad ni Naiah na nagsasalita sa pintuan pa lamang.
"Oh what is that? I mean why I have to wear that one?"
A preggy dress, a little bit sexy but not daring. She'a wondering who choose it for her. And why she has to wear the dress.
"Why would I change my wear baby? We are just going out here in the room."
"We just want you to look beautiful."
"Why? Do I look ugly now," napangiti si Alex sa kanyang nasabi.
"Yes you are beautiful. I mean you will look more beautiful if you wear this."
Masayang-masaya si Naiah habang hawak sa kanyang kanang kamay ang dress na nais niya ipasuot sa kanyang ina.
"Okay. But I have to take shower."
"Yes mom. Your warm water was ready."
Pinaghandaan nga pati na ang kanyang tubig na pampaligo. Ilang minuto may dumating ng sasakya. Natatanaw niyang pinapasok ito ni Eurice sa Isla Paraiso. At nakikita niyang sa loob na ito ng bahay pupunta. Siya na nga siguro ang susunduin para lumabas. Nagtataka tuloy siya, iniisip niya na parang may sorpresa pang magaganap. Pero ayaw niya itong masyadong inaasahan baka naman wala. Baka masaya lang ang lahat para sa kanyang pangalawang pagbubuntis.
"Are you ready?" Eurice asked.
"Yes I am."
Yes dad. We are ready," sabat din ni Naiah.
Nagbihis na siya ng kanyang sariling kilos. Hindi na siya nagpatulong sa kanyang mommy.
"I'm already big girl mom."
Kaya hinayaan siya ni Alex tinitingnan na lang niya ito hanggang sa matapos nyang naisuot ang kanyang napiling damit. Tinulungan na lang niya ito sa pagpusod ng kanyang buhok.
"Okay good."
Sabay silang hinawakan sa sa kabilaang kamay ni Eurice. Lumakad palabas at nagtungo sa garden kung saan naghihintay ang lahat.
"Is there any surprise for me?" nakangiting tanong ni Alex.
Malayo pa lang kasi sila nakatingin na ang lahat sa kanila. At mga mukhang kinikilig pa. Naghihintay siya ng sagot mula kay Eurice. Ngunit hindi ito sumagot. Kaya maghintay na lang siya sa mga magaganap kung meron man. Sumalubong ang kanyang mama Zeny at yumakap sa kanya ng mahigpit. Halatang namiss siya ng ina. At yumakap rin ito kay Naiah.
"Hello Alex na miss talaga kita hipag," ani ni Lezette.
"Ang sabihin mo namiss mo akong buskahin," sagot kaagad niya sa hipag.
Nagkasabay tumawa ng malakas sina Alvin at Eurice. At ang inaasahan nilang dalawa. Ang labanan na naman sa asaran ng maghipag. Napangiti si Alex sa mga reaksyon na meron sa mga  mukhang nakapaligid sa kanya. Nakaagaw na rin pansin ang tugtog na nakakakilig pakinggan para kay Alex. Paborito niya kasi ito. Dahan-dahan siyang dinala ng asawa sa gitna. Napalingon siya at pinakinggan kung saan.
🎵🎶🎵🎶
It's not the flowers
Wrapped in fancy paper
It's not the ring
I wear around my finger
There's nothing in all the world I need
When I have you here beside me
Here beside me
"Will you marry me, Alex," tanong sa kanya ni Eurice habang nakaluhod ito na may hawak pang mikropono ata hawak sa kabila ang singsing na isusuot sa kanya.
Gusto niyang mapaluha sa tuwa dahil ang pangarap niyang kasal sa simbahan ay matutupad din. Hindi siya nakasagot kaagad. Dahil may gusto pa siyang itanong kay Eurice. Ngunit gusto niya sa tainga lang ng asawa niya ito ibulong. Hinayaan niyang lumipas pa ang chorus ng kanta.
Chorus:
So you could give me wings to fly
And catch me if I fall
Or pull the stars down from the sky
So I could wish on them all
But I couldn't ask for more
'Cause your love is the greatest gift of all
In your arms
I found a strength inside of me
And in your eyes
There's a light to guide me
I would be lost without you
And all that my heart could ever want
Has come true
(chorus)
Bridge:
You could offer me the sun, the moon
And I would still believe
You gave me everything
When you gave your heart to me
(piano solo)
I couldn't ask for more
'Cause your love is the greatest gift of all
"Kasal na tayo, hindi ba?" bulong niyang sabi.
"Gusto kong pakasalan pa kita sa simbahan at nang malaman ng lahat. Noon aking hiniling ang maging Akin Ka na Lang, Alex. Ngunit ngayon tiyak na akong Akin ka na nga, Alex."
Napaluha na siya ng tuluyan sa sobrang ligaya. Hindi niya inaasahang may kasalan pa pala sa simbahang magaganap gayong kasal na sila sa mayor. Wala pang nakakaalam na sila ay legal ng nagpakasal. Gustong mangyari ni Eurice ang kasal sa simbahan para na rin sa ligayang maidulot niya kay Alex at sa mga kamag-anak nito nakikitang siya ay naiharap sa simbahan ng lalaking kanyang napangasawa.
"Pwede bang humiling? Bago sumagot ng Yes I will marry you?"
Hindi na nag-atubili si Alex. Nais niyang sa Cebu sila magpakasal. Sa bahay kung saan siya lumaki na kasama ang mga naging mahal niya sa buhay.
"Oo naman. Kahit hindi mo pa masabi 'yan. Alam ko na ang nais mo. Ang lahat ng gusto mo ang masusunod hindi lang sa araw at kung saan gaganapin ang ating kasal. Kundi sa buong buhay nating pagsasama ikaw ang maususnod ganyan kita kamahal.
Napahiyaw ang lahat. Malakas at malinaw itong sa mikropono pa sinabi. Namula si Alex sa hiya at siyempre sa tuwa. Sobra siyang swerte sa pagkakaroon ng asawant katulad ni Eurice.
"Yes I will marry you."
"Yeheyyy!" biglang singit ang malakas na hiyaw ni Naiah.
Tumakbo ito papalapit sa kanyang mga magulang. Tinulungan ang kanyang daddy. Kinuha niya ang mikropono upang mas madaling maisuot sa daliri ng kanyang mommy ang singsing.

Book Comment (366)

  • avatar
    MamansagMaria Cristina

    I give u 5 stars dahil maganda ang istorya.

    17/01/2022

      0
  • avatar
    Caasi Onallisac

    npakaganda ng istorya at mapupulutan ng mga aral,tulad panunuyo na punong puno ng Respeto at pag mamahal,pagpapakumbaba at pag galang basahin nyo ang kuwento at maantig ang inyong mga kalooban maraming salamat po sa author ng kuwento

    16/01/2022

      0
  • avatar
    Kent Allen Manzo

    I'm awesome the story

    8d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters